Papunta na ako ngayon sa bahay nila para sunduin siya para sabay kaming pumasok. Bumili ulit ako ng flowers and chocolate para sa kanya. Nakita ko siyang papalabas na sa kanilang bahay, as usual ang ganda ng mga ngiti niya. "Good morning," I greeted with a smile. Sabay abot sa kanya ng ibibigay ko. "Good morning din." Saka yumakap sa'kin. "Thank you." Binuksan ko na ang pintuan ng kotse ko para makapasok na siya. Nang makapasok na ako ay nag drive na rin ako. Kwento lang siya nang kwento habang ako naman ay nakikinig lang at tumatawa kapag natatawa siya. Hanggang sa makarating na kami sa school. Kung dati ayaw at kinaiinisan ko ang makasama siya ngayon hindi na. Nakahawak ang kamay ko sa ulo niya habang naglalakad, pano ba naman ang pandak kasi. Pinagtitinginan kami ng lahat pero wala na akong pake doon, dapat masanay na sila sa nakikita nila. Hinatid ko siya sa labas ng kanyang classroom, "goodluck, love." Sabay gulo sa kanyang buhok. "Thank you, goodluck rin sa'yo." Ngingiti na sana ako nang may idinugtong pa siya na hindi ko maintindihan. "Makinig sa klase para sa bayan." "What?" Nagugulumihanang tanong ko. Natawa naman siya. "Wala, go na. Mamaya na lang ulit." Naglakad na rin ako papunta sa second floor dahil doon ang classroom namin. Nakinig lang ako sa buong klase hanggang sa pumasok si Arjay nang matapos ang first subject. "Bakit ka late? Saan ka nanggaling? Nambabae ka na naman?" Bungad ko sa kanya nang makaupo siya sa tabi ko. "Pinagsasabi mo diyan? Nalate ako sa paggising kaya heto.." nagkibit balikat na lang ako sa kanya. "Nga pala kumusta kayo ni Reyn? Naks naman may pa arcade arcade na kayo ah." Pang aasar pa niya. "Pake mo naman? But we're good, medyo nagkatampuhan lang kahapon." Pagkukwento ko pa. "Naks naman, nasa lover boy era na ang Keiron namin. Halatang in love na in love ah?" Pang aasar pa niya. "Gusto mo bang bumalik ulit sa labas padaan sa bintana?" Pambabanta ko sa kanya. Kay aga aga nang aasar. "Easy bro, may girlfriend ka na nga di ka parin magbabago sa pagiging pikon mo." "Ang daldal mo kasi para kang bakla," "Wow! So ganyan ka na Keiron? Porke nagka girlfriend ka lang nilalait mo na ako? Hinuhusgahan mo na ang pagkatao ko." Binatukan ko siya. "Anong pinagsasabi mong husga ka diyan, manahimik ka na kasi." "Oo na, mananahimik na. Yiee pero deep inside kinikilig parin 'yan." Pang aasar pa niya at tinudok tusok pa talaga ang tagiliran ko ah. "Shut up! Hindi ka ba talaga titigil?" Naiinis kong sambit. "Oo na titigil na promise." Natatawang sabi niya. "Tss!" Hindi ko na siya pinansin baka ano pang idada niya nang dada diyan. Hinintay ko na lang ang susunod pang subject namin para matapos na at mapuntahan ko na si Reyn. Break time kaya dumiretso na akong canteen para bumili ng mga snacks para sa kanya. Hindi ko na siya inaya pa na sumama kasi may kalayuan ang canteen sa building namin, it's better kung ako na lang ang bumili. Binilisan ko ang paglalakad dala dala ang mga foods and drinks naming dalawa para hindi siya mainip kakahintay sa'kin. Ang cliché nitong gawain ko pero kung gusto mo pala ay wala ka ng pake sa bagay na 'yun whether it is cliché or not. All I know is masaya ako na gawin ang mga bagay na ikinasasaya niya. Pagkarating ko sa classroom nila, walang tao sa loob tanging siya lang. Pumasok ako nang may ngiti sa labi, ngumiti rin siya nang makita ako. "Okay ka lang ba dito? Sorry kung natagalan ako, ang haba kasi ng pila," sabay lapag ng mga pagkain sa harapan niya. "Here's your favorite, yakult." "Okay lang. Thank you." Sabay ngiti sa akin. 'Yung ngiting nakakapagpagaan ng loob. "Kainin mo na ang mga 'yan," turo ko sa mga pagkain sa harapan niya. "Hindi mo ako sasabayan?" "Di na, busog na ako makita kang inuubos lahat ng 'yan." Napanguso naman siya. "Ngi, andaya mo naman. Di ko mauubos lahat ng 'to kung di mo ako tulungan sa pagkain." "Fine," sabay kuha ng isang cookie sa sisidlan nito at kinagat. "Panget naman ng lasa nito." Reklamo ko. "Huh?" Takang tanong niya at ninamnam ang cookie na kinakain niya rin. "Parang hindi naman, ang sarap kaya." "Panget ng lasa nitong akin, pakagat nong sa'yo dali." Sabay kuha ng kamay niyang hawak hawak ang cookie at kinagatan ito. "Hmm, pwede na." Nakangising sabi ko. "Eh? Pumaparaan ka lang eh," Tinulak niya ako sa balikat. "Oh ayan ubusin mo," saka isinubo iyon sa'kin. Natawa naman ako sa ginawa niya. Isinubo ko na rin sa kanya ang kinakain kong cookie kanina, "say ah?" "Sabi mo panget ng lasa niyan, ba't mo ipapakain sa'kin? Ganyan mo ba ako kamahal?" Pagtataray niya sa'kin na ikinatawa ko. "No, I was just kidding lately. Ikaw na rin mismo ang nagsabi na pumaparaan ako kaya.." isinubo ko sa kanya iyon. Hindi naman na siya tumanggi at kinain na ito. "O anong lasa?" Nakangiting tanong ko sa kanya hinihintay ang reaksyon niya, napataas naman ang kilay niya. "Malamang ganon parin, cookie." Pagtataray pa niya. "Suplada mo naman," reklamo ko saka ako na ang umubos ng cookie na isinubo sa kanya. Hindi naman siya sumagot at tinaasan ako ng kilay saka ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi na muna ako nagsalita at hinayaan lang siya na kumain habang ganon rin ang ginagawa ko. Binuksan ko ang pangalawang bottle ng yakult saka ito ibinigay sa kanya para inumin niya, tinanggap naman niya ito nang walang sabi at ininom. Kinuha ko ang isang shiopao at binuksan ito para kainin na. Napatigil ako kung saan pakagat na sana ako dahil sa biglang pagkalabit nito sa akin. Takang tiningnan ko siya, nakapout sabay taas taas ng kilay at ngumiti sa'kin. Itinuro niya ang shiopao na hawak-hawak ko. Instead na ako ang maunang kumagat siya na ang una kong pinakagat. Kumagat naman siya ng Isang beses. "'Yun lang? Damihan mo pa ang pagkagat." Sunod sunod naman niya itong kinagat hanggang sa mangalahati ito. "Satisfied?" Tatango tango siyang ngumiti, hindi siya makapagsalita dahil puno ang kanyang bibig. Saka rin ako nagpayuloy sa pagkain ng nangalahating shiopao na kinain niya. After naming magsnacks nagpaalam na ako sa kanyang babalik na sa itaas para sa next subject namin. Sabay rin kaming kakain ng lunch mamaya. Sa pag enjoy ko ng next subject hindi ko namamalayan ang oras at lunchtime na pala.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
10d
0very good
03/05
0best
11/04
0View All