logo text

Chapter 25 Against

Pareho kaming napatingin sa pintuan ng kwarto nang biglang may kumatok rito. Nakahawak sa bewang niyang bumangon kaming dalawa. Saka lang ako bumitiw sa kanya para lapitan ang pinto at pagbuksan kung sino man ang kumakatok. Sa pag bukas ko bumungad ang striktang mukha ni Mom. 
"What are you doing here, Mom?" Naramdaman kong lumapit sa likuran ko si Reyn dahilan para mapalingon sa kanya si Mom. 
"Hija, hindi ka pa ba uuwi? Keiron, hindi mo pa ba iuuwi yang girlfriend mo? Alam niyo naman sigurong hindi maganda sa isang dalaga ang ginagabi sa bahay ng lalaki. Hindi ka pa ba hinahanap doon ng magulang mo hija?" Hindi ko nagustuhan ang way ng pagsasalita niya. 
"Mom, what kind of question is that? Can you please just go? Alam naman naming dalawa ang ginagawa namin eh. Legal itong ginagawa namin, ipinaalam ko siyang dadalhin dito at iuuwi. So nothing to worry about if that's what you're really trying to imply." Naiinis kong sagot. 
Hindi ko siya maintindihan, kanina lang ang ganda ganda ng mood niya nang salubungin kami. Siya pa nga itong gustong makilala so Reyn, tapos ngayong nandito na siya bakit parang itinataboy na niya ito? Ayaw kong ma offend si Reyn sa mga ipinapakita niya, if she doesn't like my girlfriend, at least she should respect our relationship. 
"Tomorrow morning pupunta rito ang tita Trisha mo together with Fea. Nagpapasama siya sayo para mag shopping just like what you guys used to do before noong wala ka pang girlfriend right?" Napatingin siya kay Reyn sa likod ko, kitang kita sa mga mata niya disgusto rito. "I thought siya 'yung babaeng tinutukoy mo during the time na may babae kang ikinukwento sa'kin na gusto mo. Kasi diba, you hate every girl except her, you love each other... we know that. Actually I and your Tita Trisha were planning for your marriage, we know you're going to be a great couple." Clasping her hands as if it is an exciting thing to do.
"What the fuck Mom! You're too much.. What are you talking about?! I don't even like Fea! And anong marriage ang pinagsasabi niyo? No way! Never!" Hindi ko mapigilang mapasigaw sa galit. Nakakawalang respeto siya.
"No!" Pinilit niyang pumasok sa kwarto ko at tiningnan kaming dalawa ng masama. "That's the plan, you have to follow us. Ako ang nagpalaki sa'yo, so you have nothing against me, susundin mo lahat ng gusto kong mangyari." Galit niyang sigaw sa akin.
"If there's someone na gusto kong pakasalan, siya 'yun mom! Siya.. Si Reynzie lang!" Turo ko kay Reyn na ngayon ay mahigpit ang hawak sa akin.
"Nasaan 'yung dating Keiron na sinusunod lahat ng sasabihin ko? 'Yan ba ang natutunan mo sa pagmamahal sa babaeng 'yan? No.. hindi mo siya mahal Keiron. Si Fea Nicole lang ang babaeng mahal mo. She's just the product of your attraction..." I clenched my fist trying to hold myself.
"Are you insane, mom?! I love Reyn! Siya ang mahal ko! And if I'm going to love someone, somewhere.. siya parin, siya parin ang mamahalin ko! My heart only belongs to her." Hinawakan ko ng mahigpit si Reyn takot akong mawala siya sa akin. 
"Pagod na akong sundin ang lahat ng mga kagustuhan mo sa buhay Mom. Kung akala mong para sa ikabubuti ko 'yun, it's not! Sakal na sakal na ako sa mga pinanggagawa niyo sa akin... pwede bang kahit ngayon lang hayaan niyong ako naman ang mag desisyon sa buhay ko?" Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang galit sa kanya o sakit tumutulo na ang luha ko.
"No! I'm not sorry for saying this, but I am against your relationship. Maghiwalay na kayong dalawa, you don't deserve each other, you don't deserve my son hija. Someone deserves him better. You—" Every words were like dagger stabbing me. 
"Shut the bloody hell up!" The rage in my voice were like a thunder echoed in every corner of my room.
I turned around to see Reyn, nakayuko lang siya at sobrang higpit ng hawak siya sa akin. Hinawakan ko siya ng mahigpit at hinila palabas ng kwarto para ihatid na papauwi.
Habang hawak hawak siya palabas ng bahay, mas lalong tumitindi ang galit ko. How can she be so cruel to me? I hate her. I know it's erroneous to loath your own mother but I can't help it. 
Pinauna kong pumasok sa loob ng sasakyan si Reyn at sumunod ako. Agad kong pinatakbo ang sasakyan ko, habang nagd-drive doon ko siya nilingon. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lap niya. Nakayuko parin siya, nag aalala ako sa kanya. I felt sorry for her, she doesn't deserve what she heard. Itinigil ko sa gilid ng kalsada na wala masyadong kabahayan ang sasakyan ko para kausapin siya. 
"I'm sorry." Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung saan mag uumpisa. Niyakap ko siya ng mahigpit. Wala parin siyang imik. 
No, I hate this feeling. I know I'm hurting her heart right now. Fuck. Fuck you Keiron. 
"Naiintindihan ko." Yun lang ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig. Those words teared me into pieces. Nothing hurts more than hearing those two words from the person you love. I haven't explained it to her yet she still understand. And that tores me, mom's right; she doesn't deserve me, she's an angel, she's too good just to be with me. 
Naiintindihan ko means she can't blame me, she can't hate me, she can't blame and hate everyone, even it's hurting her she still manage to understand everything, even with small things she has this empathy. But there's doubt in herself behind everything. I know, and it fucking kills me. 
God what did I do to deserve this woman in front of me?
Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at bumaba ng sasakyan, sunod ay pinagbuksan ko siya. Bumaba siya at doon dinama ang simoy ng hangin na humahaplos sa kanyang balat. Nagpunta siya sa harapan ng kotse kaya ganon rin ang ginawa ko. Naupo siya doon at iginala ang paningin sa paligid sabay buntong hininga. 
I hope she's okay.
"I love you.." Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya at hinahabol ang tingin niya.
"It's okay..." Ngumiti siya kahit alam kong pilit, tinapatan niya ang mga titig ko. Hinaplos niya ang kabilang pisnge ko habang pinipisil ng isang kamay niya ang kamay kong hawak hawak niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisnge ko at hinalikan ito. 
"Tell me what should I do.." naluluhang pakiusap ko sa kanya. 
She's the only girl who made me like this, iniiyakan ang mga bagay na dapat ay wala lang sa'kin ang lahat.
Umiling siya pilit pinipigilan ang mga luhang kumakawala sa mga mata niya. Pinahid niya ang mga luha kong walang tigil sa pagtulo gamit ang kamay niya. 
"Shh, wala kang dapat gawin," niyakap niya ako at doon unti unting binibiyak ang puso ko. 
Ilang minuto akong nanatiling ganon sa kanya, walang salita at tamang hagulgol lang habang yakap yakap niya. Hindi rapat ako ang umiiyak rito, ako rapat yung nagpapakatatag sa'ming dalawa pero ako pa hetong weak sa'ming dalawa. Ako dapat 'yung tumatayong sandigan niya pero sa sakit na nararamdaman ko ngayon ni lakas wala na ako, pakiramdam ko pagod na pagod ako.
Saka lang ako nakapagdecide na iuwi na siya nang medyo naging maayos na ako. Bago siya pumasok ng bahay nila binigyan niya ako ng isang halik sa pisnge.
"Good night.. ingat sa pag drive," saka ako niyakap ng mahigpit at bumitaw rin agad para tumalikod na. 
"Reyn, wait..." nag aalangan pa ako sa una sa gusto kong sabihin.
Hinarap niya ulit ako at hinintay sa mga susunod kong sasabihin.
"Can I sleep here?" Hindi siya agad nakaksagot at tinitigan lang ako sinusuri ang kabuuhan ko. "A-Ayoko sa bahay, magpapaalam ako kay Tita at sa kuya mo..." umaasa akong papayag siya. 
Napabuntong hininga siya at nilapitan ako, "come here," saka ako niyakap. 
Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila at doon naghihintay si tita sa aming dalawa. Agad niya kaming sinalubong nang makita kaming pumasok.
"Ma, pwedeng dito na muna siya matulog?" Malumanay na paalam nito.
"Oo naman, pero okay ka lang ba Art? Anong nangyari, kumusta? May hindi ba magandang nangyari? Umiyak ka ba hijo?" Sunod sunod na tanong sa akin ni tita at nilapitan ako para hawakan sa balikat.
"I'm okay tita, antok lang 'to. Saka okay naman 'yung dinner namin with Mom..." napatingin ako Kay Reyn at ganon rin siya sa akin saka niya pinisil ang kamay kong hawak hawak niya and rubbing it using her thumb.
"Oo sige, magpahinga na kayong dalawa. Malapit nang maghating gabi." Sabay kaming tumango at dumiretso na agad sa hagdanan para umakyat na nang tawagin ulit ako ni Tita. "Art, you can sleep at Reyn's room. I trust you... ako nang bahala sa kuya niya." Lumapit siya sa akin at tinapik tapik ako sa balikat saka na umalis para matulog na rin.
With those words kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, knowing that tita has this trust in me as her daughter's boyfriend. 
Nilalaro niya ang buhok ko habang ako naman ay nakayakap sa kanyang tiyan at isinubsob dito ang mukha ko, inhaling her scent hanggang sa makatulog kaming dalawa.

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    9d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters