One week na ang nakakalipas since we became an official couple ni Reyn. Christmas is coming, hindi ko alam kung sasaya ba ako sa araw na 'yun o hindi. Hindi ko alam kung anong mangyayari after twenty four days of being with her. I can't celebrate my Christmas without her. Natatakot ako, sobrang takot. Ngayon lang ako natakot ng ganito sa buong buhay ko. I'm not afraid of anything before, but now I'm afraid of anything that might happen later now as time goes by. Nasa school kami right now and I'm planning to bring her to our home later to have some dinner with my mom. Mom keeps telling me to finally introduce her to her future daughter-in-law, she's freaking excited. Nangako akong dadalhin ko si Reyn mamaya para magdinner kasama namin and I can't wait to see everyone's reaction. We're on our way papuntang parking lot, diretso na kami sa bahay since nakapagpaalam na rin naman siya sa kanyang mama at kuya and formally ipinaalam ko rin siya. Something's bothering me, nang ipagpaalam ko siya sa kuya at mama niya, I don't know if I am just being paranoid or what pero parang hindi nagustuhan ni tita ang planong ipakikilala ko si Reyn sa Mom ko. There's something na hindi ko maintindihan, napilitan ba siyang payagan si Reyn or something that is more serious than that. Ang sinabi niya lang sa akin ay wag kong hayaan na umuwing mag isa at luhaan ng anak niya. Naiintindihan ko siya sa part na wag hayaang umuwing mag isa si Reyn, pero sa part na huwag hayaang umuwing luhaan, I can't, I don't understand it. But of course I won't let that happen, kahit huwag na ipaalala sa akin 'yan ni tita, alam ko na ang dapat kong gawin. Ganito ang situation namin palagi everytime uuwi na kami galing school. I keep checking on her if she's okay or is something that's bothering her, lalo na kapag tahimik siya. Hindi ako sanay, dahil alam kong malalim ang iniisip niya and I'm freaking worried. Palagi niya lang sinasabi sa akin na okay siya, sadyang may iniisip lang. Ayaw kong ganon siya sa akin, it feels like my presence is not enough or I am not enough para maramdaman niyang hindi siya nag iisa. "Are you okay?" nilingon ko siya pero agad ko ring ibinalik ang tingin ko sa daan. "Hindi ko alam, what if—" hindi ko na siya pinatapos. "Shh.. I know magugustuhan ka niya." pagpapatahan ko sa kanya, "please stop worrying about what will happen. O gusto mo uwi na lang kita sa inyo, may next time pa naman eh. I'm afraid that it might trigger your heart.." sabay sulyap sa kanya at hinawakan ang mainit niyang palad na nakapatong sa lap niya and slowly rubbing it using my thumb. "No.. I'm okay, tuloy tayo sa bahay niyo. Don't worry, as long as you are with me, kalma ako." nakangiting sagot niya. "I can't lose you.." I whispered kissing her hands. "And so I.." Nakarating kami sa bahay mga pasado seven o'clock na. Magkahawak kamay kaming pumasok at nasa pintuan palang ay nakabungad na ang ngiting ngiti na si Mom. Pero agad itong napawi nang tuluyang makita si Reyn. Tulala siya sa pagtitig nito sa kanyang mukha. Napaangat ng tingin sa akin si Reyn, nag aalala ang kanyang mga mata. "Mom? Why?" I tried to call her attention. Napayuko siya pero umangat rin ng tingin at pinilit ngumiti. "No, wala. Tara pasok na kayo, para makapagdinner na. Naka ready na ang mga pagkaing ipinaluto ko kay manang." At saka siya naunang pumunta ng dining area. Ang weird. She looks so tense after seeing Reynzie. Why? Dumiretso kami sa dining area at doon naabutan namin si nanang na abala sa pag ayos ng mga plates. "Hi po," bati nitong si Reyn kay nanang nang matapos ito sa kanyang ginawa at masayang inaya kaming kumain na. "Hello hija.. Hay naku Keiron bakit hindi mo manlang sinabi sa akin na ang ganda ganda pala nitong girlfriend mo," hindi makapaniwalang sabi pa nito. Iginiya ko na si Reyn sa kanyang upuan at inalalayan itong maupo, pagkatapos ay saka ako umupo sa tabi nitong upuan. "You alright?" "Yeah of course, why?" takang tanong nito at binigyan ako ng isang ngiting nagpapakalma sa nararamdaman. "Nah, I just wanted to make sure that you're fine," Nagsimula na kaming kumuha ng pagkain, tahimik lang si Mom sa kanyang pwesto. She's so tense, ano bang nangyayari sa kanya? "Mom.." napabuntong hininga ako. "Yes, son?" Halatang nagulat pa siya sa pagkakatawag sa kanya. "May sakit ka ba? You look so tense." Hindi ko mapigilang mapatanong. "N-No, wala naman.." napabuntong hininga rin siya. "Let's eat na," Kumain kami nang tahimik hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa katahimikang bumabalot sa amin sa hapag. "By the way hija, what's your name pala?" Sinulyapan niya ng tingin si Reyn. "My name's Reynzie Inah Santos po tita, Reyn na lang po para short," nakangiti nitong pagpapakilala. Napatango tango ito ng ilang beses at parang kino-convince ang sarili sa mga narinig. Tinitigan nito si Reyn, she's recalling something from the way she looked at her. "Santos? Right?" Itinigil ko ng pagkain ko at tahimik na inobserbahan silang dalawa. Napatingin naman sa akin si Reyn before mapatingin kay Mom at sumagot. "Yes po tita, you heard it right. Santos po ang dala kong last name. Why did you ask po pala?" Hindi niya ipinagpatuloy ang pag kain niya at naghihintay sa sagot ni Mom. "Oh it's just nothing. May naalala lang akong old friend of mine na ganon rin ang last name.." hindi niya muna itinuloy ang pag subo at uminom ito ng tubig. We were both waiting for her to continue her words. "Anyway he's gone naman na, bakit ko pa ba naalala 'yun." Ngumiti ito ng pilit. I don't know anything about mom's old friends. Si Tita Trisha lang ang kilala kong bestfriend niya at wala ng iba. Wala siyang namention na ibang friends sa akin except Tita Trisha. Although minsan lang siya magkwento sa akin kasi palagi siyang nasa work but still nakakapagkwento siya sa akin about her pas,t even though I don't have interest in listening. "He's gone na po? What do you mean he's gone? So lalaki po siya?" Reyn seems like she's interested in Mom's old friend. "Y-Yes," she stuttered, chuckling hiding something behind that, "actually you and him have the same features." "Po? What do you mean by the same features?" she's interested huh? By observing Reyn's reaction she seems curious and at the same time excited. While Mom has this sad look in her eyes with a flash of guilt. Something's strange. "That's why you look so tense nang makita mo siya," I stated. "I-I don't want to talk about him. His death keeps hunting me up until now." She answered in a cracked voice. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa tinidor na kanina pa niya hindi binibitawan. "Tell me hija, are you related to Reynielle Santos?" Napatingin ako kay Reyn, halatang natigilan sa tanong ni Mom. "H-Hes my Dad po.." she wants to continue but her words are stuck. Nagulat kaming lahat nang mabitawan ni Mom sa kanyang plato ang tinidor na hawak hawak niya. Tears slowly falling down to her cheeks. What's happening here? "Mom.. are you okay?" Naguguluhang tanong ko. "T-Tita..." hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin. Kagaya ko ay naguguluhan rin siya sa mga ipinapakita ni Mom. "God," Mom whispered, "t-that explains the guilt I felt from the first glance at you... I.. I'm sorry but I have to go upstairs now." With those words, she left us here looking dumb for not letting us know what was going on. "Mom.." I tried to call her but I heard no answer coming from her. Napatingin ako kay Reyn na ngayon ay tulala. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa table. "Are you okay?" Napatingin ito sa akin at ngumiti ng marahan. "Okay lang ako. Nagtataka lang ako sa biglang naging reaksyon ng Mom mo." "Don't worry about her, mamaya bababa rin 'yun," pagpapagaan ko sa kanyang nararamdaman kahit ako mismo ay naguguluhan. "Let's go sa living room muna tayo," Tumayo na ako at inalalayan siya para makatayo. Lumapit naman sa amin si nanang para iligpit ang mga pinagkainan namin. "Keiron, anong nangyari sa Mom mo? Bakit ganon na lang ang iyak niya?" Takang tanong ni nanang. "Hindi ko rin alam nang," sagot ko na lang. "Sa salas po muna kami." "Oo sige, ako nang bahala dito."
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
10d
0very good
03/05
0best
11/04
0View All