logo text

Chapter 27 Please don't break my heart

It's already five in the evening pero hanggang ngayon wala parin akong natatanggap na text galing kay Reyn. I'm worried. I tried to text his brother pero wala rin itong reply. Hindi na ako makapaghintay na makauwi. 
Nauna aking umuwi kay Mom kahit inaya ko naman siya na umuwi na kami, pero tumanggi siya. Doon na raw muna siya pansamantala mags-stay kay Dad. Hindi ko naman na siya pinilit pa, mas mabuti na ring di ko muna makita ang pagmumukha niya. She wants me stay as well pero nagmatigas ako, ang boring ng pamamahay na 'to. And isa pa kailangan kong malaman kung bakit hindi nagrereply sa akin si Reyn. 
Nakailang tawag na ako sa kanya pero hindi ko na siya ma contact, naka off ang kanyang cellphone. I wonder what really happened. 
Fck Reyn. You're making me damn worried. 
I clenched my jaw as a drove faster than my normal speed of driving. Mahaba man ang oras ng byahe pero walang thirty minutes ay nakarating na ako, dumiretso ako sa bahay nila instead sa bahay namin. 
Nag door bell ako at naghintay ng may magbubukas ng gate nila. Madilim na ang paligid kulay kahel ang kalangitan. Ilang minuto akong naghintay bago makita ang palabas na si Tita. Nag aalala ang mga tinging ipinupukol sa akin. 
"Keiron, akala ko ba may pinuntahan ka?" Pagbukas ng gate ay yan agad ang bungad niya sa akin.
"Nandiyan po ba si Reyn, Tita?" Hindi ko pinansin ang tanong niya at nagtanong na rin ako. Naghintay ako sa isasagot niya pero halatang nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin ito o hindi.
"Nasa loob siya..." Napapayukong sagot niya. 
Dahil sa nakikita kong mga ikinikilos ni tita ay nagtataka na ako. What's with that treatment? Kanina ko pa napapansing hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"Is she okay tita? What happened? Napano siya? Kanina pa niya ako hindi nirereplyam, hindi rin sinasagot ang mga tawag ko. Naka off ata ang phone niya." Nag aalalang tanong ko.
"I'm sorry Keiron, hindi ko rin siya maintindihan eh, bigla na lang siyang nagkaganon, nag aalala na nga rin kami ng kuya niya. We keep asking her kung may masakit ba sa kanya o nasasaktan ba siya, kung may kailangan ba siya pero ang sabi niya wala naman daw." Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Ang buong akala namin nagkatampuhan kayo or what, pero noong tanungin ko siya tungkol sa'yo hindi naman siya sumasagot. Kinausap siya ng kanyang kuya, tinanong kung sinaktan mo ba raw siya—" 
"Fck, no! I won't do that!" Pagputol ko sa sinabi niya.
"Iyong nga ang pinagtataka namin eh, ang sabi niya ayaw na niya, hindi namin siya maintindihan. Ikaw nga ang kumausap sa kanya, baka sakaling maintindihan mo ang punto niya." Parang nagmamakaawa siya sa tono ng kanyang boses. 
"Don't worry tita, I'll talk to her." 
Pinauna niya akong pumasok sa loob, dumiretso agad ako sa itaas doon sa kwarto niya. Nandoon siya nakahiga sa pink na pink niyang kwarto. Nakatalikod siya mula rito sa pintuan kaya hindi ko kita ang mukha niya. Dahan dahan akong lumapit ako sa kama niya at naupo, pinakiramdaman kung natutulog ba siya o hindi. Nakapikit ang mga mata niya, hinaplos haplos ko ang buhok niya. Nagising siya nang maramdaman ako mula sa likuran niya. 
"Art..." Tinawag niya ang pangalan ko pero hindi niya ako hinarap o sinulyapan manlang. 
"Yes my love?" Nag aalalang sagot ko. "Okay ka lang ba?"
Saka lang siya humarap sa akin nang bumangon siya mula sa pagkakaupo. Naluluhang hinaplos ang mukha ko, kung makatingin siya sa akin ay parang takot na takot siyang mawala ang bagay na hinahawakan niya. Tumulo ng tuluyan ang mga luha niya dahilan para mag panicked ako. 
"No, shh.. Why? What happened? Who made you cry? Did I do something you don't like? Tell me, handa akong baguhin kung ano man ang nagawa ko... just please don't cry."
Hinila ko siya palapit sa akin para yakapin ng mahigpit at patahanin. Nasasaktan ako kapag nakikita kong nasasaktan siya, kapag nakikita kong naluluha ang mga magaganda niyang mga mata, nababahiran ng luha ang makinis niyang pisnge, ayaw kong makitang umiiyak ang mala anghel niyang mukha. 
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinahid ang tuloy tuloy na tumutulong mga luha niya. Bigla niyang isinubsob ang mukha niya sa dibdib ko at doon humagulgol. Ang higpit ng pagkakayapos niya sa akin. 
Shit.
"Hey... I love you, please stop crying." Bakit iba ang nararamdaman ko? Kahit wala pa siyang sinasabi sobrang sakit na. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa sasabihin niya. "Tell me, I'm all ears."
Hindi na muna siya nagsalita, iyak niya lang ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto na ito. Naghintay muna ako ng ilang minuto para patahanin siya at nang tuluyan nang huminahon ay saka lang siya nakapagsalita.
"I-I know you love me, and you know that I love you too." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa mga mata ko. Kinakabahan ako, instead na dapat ay ngumiti ako sa sinabi niya. "P-Pero tama ang Mom mo, dapat na nating itigil 'to. I-I don't deserve you. Siguro nga sobra na ako, masyado akong naging patay na patay sa'yo noon.." natawa siya sa huling sinabi niya, pero agad ring pinunas ang luhang kumawala sa mga mata niya.
Napaawang ang labi ko sa mga sinabi niya. I am not expecting her to say those words. Kailan man ay hindi ko inisip na gagawin niya ito. Mahal namin ang isa't isa kaya paanong naging ganto ang desisyon niya?
"N-No.. no, no please..."Hearing those words came from her seems like my world is slowly falling down. "Please don't break my heart, I'm begging you. I love you, we love each other, is it not enough para ipaglaban 'yung mayroon tayo?" Garalgal ang boses kong hinawakan ang kanyang magkabilang kamay.
I may be look like stupid begging and crying, I don't care. Mas importante sa akin yung kaming dalawa. Ganon lang ba sa kanya kadaling bitawan ang lahat? Kakasimula palang namin pero bakit sumusuko na agad siya. 
"Kakasimula palang natin pero bakit tinatapos mo na agad?" Parang bata kong sumbat.
"Hindi mo ako naiintindihan—" 
"Then explain..." putol ko sa gusto niyang iparating. 
Umiling siya, "kahit sabihin ko hindi mo parin makukuha ang punto ko. Mas lalo ka lang nasasaktan pag ipinagpatuloy pa natin ito. Alam kong totoo yang pagmamahal mo sa akin, nakakatakot. Yung mga posibleng mangyari, alam mo yun. Ang tanga ko sa part na hinayaan mangyari 'to. Mahal kita eh pero I know in the end ikaw lang naman mag isa ang mags-suffer, wala ako sa tabi mo at mas lalong ako ang dahilan non. Ayaw kitang saktan, kasi kapag iniisip kong nasasaktan ka nang mag isa, doble ang sakit na nararamdaman ko." Hinihingal niyang paliwanag.
Umalis ako sa tabi niya at tumayo. Sa bawat binibinitawan niyang salita ay sabay rin ang pag iling ko. Hindi ito totoo, ayaw ko.
"At sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ng sobra ngayon sa ginagawa mong ito?" Panunumbat ko sa kanya.
Tumayo siya at nilapitan ako, hahawakan sana niya ako sa magkabilang pisnge pero agad akong umiling at inilayo sa kanya ang aking mukha. Nakita ko kung paano napanganga ang kanyang mga labi dahil sa ginawa kong pag iwas. 
She's hurt. I'm sorry Reyn, I didn't mean to do that. Hindi ko lang matanggap, hindi ma process sa utak ko ang lahat.
"Mas mabuting tapusin na ngayon kesa sa lumalim pa yang sakit na nararamdaman mo." Napapaiwas siya ng tingin sa akin. 
"What? No!" This time ako na ang Pinilit sa kanya na tingnan ako. "Tell me that you're just pranking me... Tell me Reyn please..." Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya pero agad rin niyang inalis ang mga kamay kong nakahawak dito.
Fuck.
"No, I'm serious Keiron. Let's stop this, let's end this." Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. 
Keiron. He called me Keiron for the first time. That name suffocates me kapag siya na ang tumawag non. 
"Fuck!" Bulalas ko, ni hindi manlang siya nagulat. "Why? Why Reyn? Ganon na lang ba sa'yo ang lahat? Pano naman ako? Tangna minamahal lang naman kita ah, b-bakit kailangan mo akong saktan ng ganto? May mali ba akong ginawa? Perhaps yes! Pero kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisihan 'yun, araw araw sa tuwing nakatitig ako diyan sa mga mata mong walang alam kung hindi ang akitin ang puso ko at lunurin ng sobrang lalim... na sa puntong hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako. Pero kung bibigyan ako ng chance na makaahon, ako na mismo ang handang lunurin ang sarili sa pagmamahal ko sayo." Buong hinanakit kong sabi. 
"Tama na! Wala akong pake! Walaaaa!" Sigaw niya na ikinagulat ko. Ngayon ko lang siya narinig sumigaw. Kilala ko siya bilang kalma, mahinhin at walang lakas. "You deserve someone better. Alam kong may makilala ka pang mas maganda, mas mabait, 'yung mamahalin ka, at higit sa lahat 'yung kaya kang... kaya kang samahan hanggang sa pagtanda, 'yung... 'yung kayang maging sandigan mo sa oras na nasasaktan ka. 'Y-Yung kaya kang patahanin sa mga ya-yakap niya..." Halos wala na siyang boses sabihin ang mga 'yun.
"Ayaw ko! Kung meron man akong gustong makasama ikaw 'yun. Kung meron man akong gustong makayakap, ikaw 'yun. Kung meron man akong babaeng gustong mahalin, ikaw 'yun... ikaw lang Reyn!" Pagpupumilit ko. 
"Tama na, huwag mo nang patagalin pa 'to, pareho lang tayong mahihirapan." Pinunasan niya ulit ang kanyang mga luha. "Kaya please lumabas ka na, umuwi ka na sa inyo. Hindi na kita gustong makita. Tapos na, wala na tayo."
I looked at her with disbelief. My mind were full of queries, to the point wala na akong masabi. Hindi ko alam kung saan ang uunahin kong itanong sa kanya. 'Yung mga luha kong ngayon ko lang natikman. I never cried like this before. 'Yung kahit pigilin mo ang mga luha mo, para silang may mga sariling buhay na gustong kumawala. Mata ko na mismo ang sumusuko sa bigat na nararamdaman ng dibdib ko. 
"Reyn bakit? Bakit mo ginagawa sa'kin 'to? Bakit ngayon pa?" 
Hindi niya sinagot ang mga tanong kong iyon at tanging pag iling lang ang sagot niya. 
"This is for your own good, Keiron. I don't need to explain everything. Lumabas ka na lang at umuwi please." Pagod ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Sinubukan niya akong itulak oatalikod para makalabas pero hindi ako nagpatinag.
"Paano kung sabihin kong ayaw ko?"
"Diba mahal mo ako?" Tumigil siya sandali kaya hinarap ko siya. Here eyes were begging. Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakatitig sa kanya. "Mahal mo ako kaya respetuhin mo ang desisyon ko. Alagaan mo ang sarili mo hindi para sa akin kundi para sa sarili mo. Marami ka pang mararating na pangarap without me by your side, kaya mong wala ako kagaya nang dati na hindi mo pa ako kilala, just think like I didn't exist. Sa parang 'yun mas madali kang makamove on. Gawin mo 'yung gusto ko. Umalis ka na ngayon sa harapan ko at wag ka nang magpakita pa. Please..."
Seeing her begging for me to leave her is another kind of unexplainable pain. Mahal niya ako pero bakit pinapaalis niya ako. Pero mahal ko rin siya at handa akong gawin ang lahat ng gusto niya even if it's going to rip my heart into pieces, I will.
No, this is not the last time but if this is the last time I'm going to see her angelic face, lulubusin ko na. Labag man sa kalooban kong gawin ito ay tumango ako bilang pagpayag sa gusto niyang mangyari. I love her with all my life, and I respect her. Rerespetuhin ko kung ano mang gusto niya. Kung sa akin siya nahihirapan at nasasaktan then I'm willing to distance myself away from her. Kung iyon ang makakapagpagaan ng loob niya. But this doesn't mean na sumusuko na ako sa pagmamahal ko sa kanya, mahal ko siya kaya gagawin ko ito.
"Papayag ako, but please hayaan mo akong yakapin ka kahit sandali lang. Please..."
Hindi siya sumagot at tulala lang siya sa akin. I claimed it as a yes. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Ibinuhos ko ang lahat ng nararamdaman ko doon, ibinuhos ko lahat ng sakit. This is my way to gain energy. She's my energy. And knowing that this is my last hug, gagawin ko ang makakaya ko pata iwasan siya kasi 'yun ang gusto niya.
Ramdam ko kung paano siya nanlambot sa mga yakap ko. Pilit man niyang magmatigas hindi niya magawa. Nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko. Ramdam ko ang mainit niyang luha doon. Ipinuwesto ko ang tainga niya sa tapat ng puso ko.
"Rinig mo 'yan? Ikaw lang ang tinitibok niyan, pangalan mo lang. Walang makakapagpalit ng pangalan mo diyan. Ikaw lang, Reyn." Humigpit ang hawak niya sa magkabilang damit ko sa bewang.  
Yumuko ako sa kanya at iniangat ang baba niya. Looking into her gorgeous eyes, seeing her pupils dilating. Sinubukan niya akong itulak pero wala iyong silbi dahil wala na rin siyang lakas sa mga bisig ko. Dahan dahang pinatakan ng halik ang kanyang noo sunod ang kanyang matangos na ilong. 
Sa pagdilat ng mata ko, nakapikit ang kanyang mga mata pero may mga luhang tumutulo rito. "Don't cry, this is what you want. Aalis ako, hindi na ako magpakita sa'yo." Pinahid ko ang mga luhang iyon. At sunod na pinatakan ng halik ang kanyang naginginig at mapupulang labi. Knowing this is my last of tasting her cherry red lips, I'm gonna make sure that this kiss will linger forever in my lips. 
"I love you and I'm gonna keep my love for you forever." I said those words as we parted our lips. 
Dahan dahan na akong umatras paalis sa harapan niya. Habang siya ay tulala parin at nakahawak sa kanyang dibdib. Nang tuluyan na akong makarating sa pintuan niya ay agad ko na itong binuksan at tumalikod na papalayo sa kanya, papalayo sa babaeng mahal ko.
Heto 'yung bagay na sobrang hirap gawin pero pinipilit mo parin. Saktong pagsara ko ng kanyang pinto ay doon ulit bumuhos ang hindi maubos ubos kong luha. 
Fuck. Did I make the right decision? 
Paalis na ako sa harap ng pintuan pero para akong walang lakas. Saktong dumating ang kanyang mama na may nag aalalang tingin. 
"Keiron, anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari kay Reyn?" Hindi ko siya sinagot, nagtataka man ay mabilis niyang binuksan ang kwarto ni Reyn. Narinig ko pa itong tinatawag niya ang pangalan ni Reyn, gusto kong lumingon, gusto kong iliko ang mga paa ko pabalik sa kinaroroonan niya pero siya na ang tumutulak sa akin para lumayo.
Lumabas ako ng bahay nila at pagkarating sa kotse ko doon ko lang rin narealize na kanina pa pala umuulan ng malakas, agad kong pinaandar ito at nag drive na parang walang iniingatang buhay. Hindi ko man makita ng malinaw ang dinadaanan ko ay wala na akong pake. Tumigil ako sa gilid ng daan dahil hindi ko na kaya ang sakit. Hhumagulgol ako na parang bata at hinahampas ang manibela. 
"Aaaaaaaahhhhh! Fuuuucccckkkk!" Sigaw ko sa sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko pinupunit isa isa ang puso ko.
Kahit hindi ko na kayang magdrive ay pinilit ko ang sarili kong makauwi ng bahay. Saktong pagdating ko doon ay sinalubong agad ako ni nanang. 
"Keiron hijo? Anong nangyari bakit ka umiiyak?" Puno ng pag aalala ang kanyang boses.
Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang niyakap at doon humikbi sa kanyang balikat. Umiiyak na parang bata na inagawan ng laruan, where in fact ginagawa ko rin ito dati every time pinapagalitan ako ni mom dahil sa maling ginawa ko. The last time na umiyak ako sa kanya ay noong grade six pa ako. Si nanang ang nanay ko, sa kanya ako lagi pumupunta kapag nasasaktan ako, sa kanya ko sinasabi ang lahat. Sa kanya ako humihikbi hanggang sa makatulog. Siya ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal ng isang ina na hindi ko maramadan sa totoo kong ina.
"Ay naku sa'yong bata ka, ano bang nangyari at grabe ka kung umiyak diyan?"
Dinala niya ako doon sa sofa at niyakap kagaya ng ginagawa niya dati. Hinihaplos ang likod ko upang tumahan.
"Nanang... ang sakit." parang bata na pagsumbong ko. 
"Shh, tama na kakaiyak. Ang tagal mo ring naging matapang at ngayon ka lang ulit umiyak. Sino ba kasi ang magpaiyak sa'yo at nang mapagsabihan ko 'yan. Si Katrina na naman ba? Aba eh malalagot na naman sa'kin ang babaeng 'yun, makailang ulit ko ng pinagsabihan iyan." Strikta ang tono niya sa pagtanong kung si mom ba ang dahilan ng pag iyak ko. Umiling ako.
"Nanang, wa-wala na kami ni Reyn..." Sambit ko sa gitna ng paghikbi.
Hindi ko alam kung bakit ba sinasabi ko ito ngayon sa kanya, hindi naman kasi ako natatakot sa mga sasabihin niya at sa kanya lang ako komportableng sabihin ang lahat ng hindi nahihiya. Mukhang bata itong ginagawa ko na kahit sa break up ay nagsusumbong parin sa nanay niya.
"Oh? Ha? Aba'y bakit raw? Ikaw ang nakipaghiwalay?" 
Imbes na sagutin siya ay umiling iling na lang ako habang makayakap parin sa kanya. Hindi ko makaya ang sakit, na umabot sa puntong hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak na kandong kandong niya.  

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    9d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters