logo text

Chapter 19 Official date

Buong biyahe ang ngiti ko. Nagmumukha akong tanga na ngumingiti mag isa pero wala na akong pake. Pagkarating ko sa labas ng bahay nila kumatok ako at saktong si tita ang bumungad sa akin. 
"Oh nandito ka na pala, Keiron. Halika pasok ka muna." Pumasok ako kasunod niya. 
"Si Reyn po tita?" Napatingin ako sa itaas, hinahanap siya. 
"Nasa kwarto pa niya, baka tapos na rin mag ayos 'yun." 
"Sige tita, I'll just wait here." Umupo ako sa couch nila.
"Sige, gusto mo ba nang maiinom?" She offered.
"Wag na tita, I'm fine. Hihintayin ko na lang siya dito." 
"Sige, tawagin mo na lang siya doon sa itaas kung matagal pa siyang makababa." Tinanguan ko siya at saka siya naman siya lumabas.
Mga limang minuto na akong naghihintay pero di parin siya nakababa. Medyo nag aalala na ako sa kanya, tiningnan ko ang oras malapit nang mag start ang second mass. Hindi ako palasimbang tao pero alam kong mag-uumpisa na dahil sa nagtanong ako kay Jay. 
Nag aalala na ako sa kanya kasi hanggang ngayon wala parin siya. Tumayo ako para umakyat sa taas, di ako mapakali baka napano siya. Pagkarating ko sa labas nang pintuan niya agad akong kumatok ng tatlong beses, pero walang sumagot. 
"Reyn? Are you there? Hindi ka pa ba tapos diyan?" Kumatok ulit ako pero walang sumasagot. Mas lalo akong kinakabahan.
"Reyn? Do you mind if I open the door?" Still walang response. 
I tried to open the door, luckily hindi ito nakalock. Pagkapasok agad akong napatigil sa bumungad sa akin. I blinked three times trying my best not to make any moves. Ipinikit ko ang mga mata ko, hindi ko kayang makita ang ganito. 
"Art?" Ikaw pala." 
Iminulat ko ang mga mata ko, naglakad siya palapit sa akin, iniwas ko ang tingin ko sa kanya. 
"W-Wait, w-what are you d-doing?" I stuttered. 
"Huh? Doing what?" Takang tanong niya.
"T-That?" Turo ko sa katawan niya sabay takip sa mga mata ko.
She's just wearing her sikling and on her top is just a brassiere. 
"Ohh s-sorry, shacks," Agad siyang tumalikod. "Kanina ka pa ba? Ba't di ka kumatok?" 
"Kumatok ako nang ilang beses, di mo ba narinig?" Tumalikod ako sa kanya. 
"Wala akong narinig, kakapatay ko lang ng kanyang pinapatugtog ko." 
"Okay then, hintayin na lang kita downstairs, I guess." Lalabas na sana ako nang pigilan niya ako.
"Wait lang!" Nanatili ako sa kinatatayuan ko nang hindi lumilingon.
"What is it?" 
"P-Pwede bang pakikabit nitong strap ng bra ko sa likod? Natanggal kasi eh, okay lang ba?" 
"W-What?" Naguguluhan kong tanong.
"Pakikabit nitong Isang strap ng bra ko pwede? Hindi ko kasi maabot eh."
"Inuutusan mo ba ako?" 
"Hindi, nakikiusap lang."
Napabuntong hininga ako, nag aalangan pa ako sa una kung gawin ko ba ang oinspakiudsp niyano hindi. Dahan dahan akong lumapit sa likod niya habang siya ay nakahawak lang sa kabilang balikat niya at pilit inaabot sa akin ang strap nito. Dahan-dahan at nanginginig ang mga kamay kong inabot ito. Nang makuha ko na ito ay napatigil ako.
"P-Paano ba 'to ikabit?" Nauutal kong tanong.
"May nakalagay diyan na pwedeng pagkabitan," pilit niyang kinakapa ang likod niya kung saan banda ngunit di niya ito maabot, "basta diyan 'yan banda eh." 
May nakita akong sa tingin ko ay 'yun ang tinutukoy niya, kaya agad ko itong kinabit. Hirap ako sa pagkabit, wala akong kaalam alam sa gamit ng mga babae. Pagkatapos kong ikabit iyon ay napatitig ako sa kanyang likod. Napabuntong hininga ako.
"I think okay na 'to?" Di ko siguradong tanong.
"Ayos na 'yan, thank you," Nilingon niya ako without turning her back. "Pwede ka nang lumabas, sorry pala sa abala." 
Bumuntong hininga ulit ako giving her a warm smile, "it's okay. Lalabas na ako." Nginitian niya ako pabalik.
Naglakad na ako palabas ng kwarto niya at sa pagbukas ko nang pinto bumungad sa akin ang nanunuring tingin ng bastardo na nakatayo sa harapan ko. Napaiwas ako ng tingin. 
"K-Kanina ka pa ba nandiyan?" Sinubukan kong aysuin ang sarili ko sa harapan niya. Hindi dapat ako naduduwag.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at saka umalis na lang bigla pabalik sa kanyang kwarto nang nakapanghalukipkip. Nagkibit balikat na lang rin ako at bumaba na para doon hintayin si Reyn. 
Maya-maya pa ay bumaba na rin ito, nakasuot siya ng white dress at sandals, nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Ngumiti ito sa akin, lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. 
"Ang ganda mo," bulong ko sa kanya. 
"Salamat," saka kami humiwalay mula sa pagkakayakapan, "tara na?" masayang Aya nito.
"Let's go, baka mahuli tayo sa mass." 
Naglakad na kami palabas nang bahay nila, pero bago kami tuluyang makalabas nakasalubong namin si tita, nagpaalam lang kami na aalis na at tumuloy na sa aking sasakyan. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at nang masigurong nakakabit na ang seatbelt niya ay agad na rin akong pumasok at nag drive na papuntang church.
Ilang minuto lang ang binyahe at nang makarating na kami. Magkahawak kamay kaming pumasok ng simbahan at umupo na. Mabuti at sakto lang na mag uumpisa na rin ang misa. Habang nakikinig sa sermon ni father ay mahigpit at hindi ko binibitawan ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. I intertwined our finger while rubbing her hands using my thumb.
Aaminin ko, hindi man ako palasimbang tao, ngayon lang ako mananalangin nang taimtim sa maykapal. Isang hiling lang ang nais kong matupad at 'yun ay ang makasama pa ang babaeng mahal ko sa mahabang panahon. Ayaw kong mawala siya sa akin, ngayon ko lang napagtanto ang lahat kung gaano kaiksi ang panahon na magkakasama kaming dalawa. Nadudurog ang puso ko sa mga isiping iyon. Ayaw ko, hindi ako handa. 
"Lord hayaan mo akong makasama ang babaeng ito sa habang buhay. Alam kong tarantado akong tao at hindi naniniwala sa iyo, pero nang dahil sa kanya nagagawa ko ang lahat ng ito. Sa kaunting panahon na magkakasama kami, please hayaan mo akong makaramdam ng kakaibang saya kasama siya. Huwag mo muna siyang kunin sa akin, hindi ako handa. Kung kailan nagbago na ako nang hindi ko namamalayan, saka naman lumalala ang sitwasyon na nagiging sagabal kung saan nagsisimula palang ang lahat ng meron kami. Please, sana pakinggan mo ako kahit ngayon lang. Ayaw kong mawala siya."
Hindi ko alam na may kumawalang luha sa mga mata ko, agad ko itong pinahid. Nang magbigayan na ng "peace be with you" niyakap ko siya nang mahigpit. 
"I love you," I whispered in her left ear. Hindi siya sumagot at niyakap na lang rin ako nang mahigpit. 
Pagkatapos ng misa nagpasya kaming maglakad lakad sa paligid. Nagpunta kami sa park kung saan kami tumatambay noon. Naalala ko 'yung time na diring diri pa ako sa kanya hindi dahil sa dugyot o marumi siya kung hindi dahil sa takot ako sa mga babae. 
Umupo kami sa isa sa mga bench doon at tahimik lang na nanonood sa paligid. Kanina pa siya tahimik, hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip niya. 
"Are you okay?" Nag aalalang tanong ko.
"Hmm?" Parang hindi pa siya sigurado sa narinig niya.
"What's bothering you?" 
"Wala naman," simpleng sagot niya.
"Come on love, what is it?" Pamimilit ko pa. Napabuntong hininga siya.
"Naisip ko lang kasi, what if buhay parin hanggang ngayon si Papa? What if hindi siya nawala bago pa ako isilang sa mundong ito? What if magkasama parin kami hanggang ngayon? What if hindi sa akin nangyayari ang mga ito? Ano kaya 'yung feeling na kasama mo 'yung papa mo noh? 'Yung saksi siya sa unang pagkakadapa mo noong baby ka pa, unang pasok sa school, unang lalaking magpapasaya sa akin? Ano kaya 'yung feeling? Na siya 'yung gumagawa nang mga bagay na di mo magawa, ano kaya 'yung feeling na Papa mo mismo ang nagsasabit ng medal mo in every graduation mo noh? Wala eh, wala siya sa lahat ng mga nabanggit ko.." Napayuko siya mula sa pagkakatitig sa akin at napatingin doon sa direksyon ng mag amang masayang kumakain ng ice cream at 'yung bata at masayang hawak hawak ang ice cream at balloon niya, buhat-buhat ito ng kanyang ama.
Bumalik ang paningin ko sa kanya, hindi ko binitawan ang kamay niya, at hinawakan ko ang kanyang baba para iangat ang mukha sa akin upang tingnan ako sa mata. Dahan-dahan kong pinunasan ang luhang kumawala sa kanyang mga mata.
Hindi ko alam kung paano siya patatahanin. Kagaya niya ay hindi rin ako lumaki na kasama ang aking Ama and the worst hindi ko manlang siya nakilala, ni hindi alam ang pangalan niya. Isa lang siya sa mga taong naging ka one night stand ng Mom ko.
"Shh, I know what you're feeling right now," Ngumiti ako sa kanya. "Don't worry kapag tayo ang nagkaanak, I will never leave you. Forever I will be by your side, through the push and the pull." 
Ngumiti na lang rin siya at niyakap ako ng mahigpit. Kahit ako sa sarili ko hindi sigurado, tutuparin ko ang pangako ko kung papahintulutan kami ng tadhana na magkasama hanggang dulo. Kahit na alam ko—alam namin sa isa't isa na malabong mangyari iyon. 
"Do you want to eat ice cream?" Tanong ko sa kanya. 
"Sige," nauna akong tumayo sa kanya at saka inilahad ang kamay ko sa kanya, tinanggap naman niya ito at tumayo na nang nakangiti. 
Nang makabili na kami ay saka kami naglakad lakad sa paligid. Palihim ko siyang kinukuhaan ng mga pictures at video just for keeps. Nauuna siyang maglakad sa akin hila hila niya ang kamay ko, at ako naman ay nagpapatianod lang sa kanya nang bigla akong tumigil kaya napatigil run siya at nagtatalang tumingin sa akin. 
"Bakit? Anyare?" Nag aalala niyang tanong.
Ngumiti ako, "wala lang," sumimangot naman siya. "Why?" Natatawang tanong ko. 
"Wala! Tara na!" Saka binitawan ang kamay ko at nauna nang maglakad. 
What? Did I make her upset? 
Hinabol ko siya at subukang kunin at hawakan ang kamay niya pero di niya ako hinayaang nakahawak dito. 
Wtf? Did I?
"Love, hey, wait up!" Tumakbo ako para harangin siya sa kanyang daanan, "are you upset?" 
"Huwag lang humarang sa daanan ko." Saka siya dumaan sa gilid ko. 
"The heck," I cursed. 
Ganito ba talaga ang mga babae? Ang bilis naman mag change ng mood nilam kakina lang malungkot siya tas nong nagka ice cream sumaya, tapos ngayon nagtatampo na naman? What? Ang gulo naman. Hindi naman sila bipolar I guess. 
Napabuntong hininga ako at hinabol siya ulit, kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit para hindi na makawala. Pumiglas siya pero sumuko na rin nang hi di ko binitawan ito. Sinamaan niya ako ng tingin at naglakad ulit na hawak hawak ko ang kanyang kamay, nakasunod lang ako sa kanya. Isa sa amin ay walang nagsasalita. 
"Hey, did I make you upset?" Hindi niya ako pinansin patuloy parin siya sa paglalakad. "Love.." tawag ko sa kanya pero wala parin. Napabuntong hininga na lang ulit ako. 
Bakit ang hirap suyuin ng mga babae? 
Bakit bigla bigla na lang sila nagtatampo sa di malamang dahilan? 
Bakit ang dali lang nila gawin ang pag table turn ng situation? 
Hinila ko siya at dinala sa ilalim ng puno malapit sa gilid ko at isinandal doon para macorner siya. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata, ganon rin ang ginawa niya pero di ito tumagal at napaiwas. 
"Tell me, what did I do wrong?" Seryosong tanong ko.
"Wala," simpleng sagot niya. 
Napapapikit na lang ako sa inis sa sarili ko. Ano bang nagawa ko? Bakit siya biglang nagtampo? 
Aalis na sana siya kaso di ko siya hinayaang makaalis. 
"Sabihin mo muna kung bakit hindi mo ako pinapansin?" I tried to be more serious than usual.
"Wala nga—"
"One," I counted.
"Two," dugtong niya. 
"Two," pinipigilan ko ang sarili ko. 
"Two point one," ginagago niya ako. Nakipagtitigan siya sa akin. Staring contest ang nangyayari. 
"Three—"
"Four five six seven eight nine ten." Pagtatapos niya. 
"Reyn, why so stubborn?" Nakangising tanong ko. 
"Reyn why so stubborn nyenye," panggagaya niya pa sa akin sabay rolled eyes. 
"Damn," napapabuntong hininga na lang talaga ako sa katigasan ng ulo niya. "Don't get mad at me kapag ginawa ko 'to.."
"Don't get mad at m—" hindi niya natapos ang panggagaya niya dahil bigla ko siyang hinila sa bewang at sinunggaban ng halik.
Hindi siya nakagalaw dahilan para mapangisi ako. Sinadya kong patagalin ang pagdikit ng labi naming dalawa para pakiramdam siya. Hanggang sa pagtagal tumugon na rin siya saka ako napatigil at sabay kaming napabitaw. Ngumisi ako sa kanya dahilan para mapaiwas siya ng tingin, namumula ang kanyang mukha.
"You're blushing," panunukso ko. 
"Ewan ko sa'yo, tara na nga." Saka naunang umalis nang wala manlang baling sa akin. 
Natatawa na ako sa kanya ngayon, "still upset lovey? Gusto mo isa pa—" hi di niya ako pinatapos sa pang aasar sa kanya nang tumigil siya at hinarap ako.
"Shut up!" Suplada niyang sagot.
Kanina nagtatampo ngayon ibang mood na naman, suplada na naman siya. Ano na naman next? 
"Love, I was just kidding." Sinubukan kong sumabay sa kanya. "Look I'm sorry, please.." niyakap ko siya sa kanyang likod kaya napatigil siya.
"Bitaw." 
"Is that a warning?" 
"Isa," siya na naman ngayon ang nagbibilang. 
"Dalawa tatlo mahal kita kaya bati na tayo please!" Dugtong ko. 
"Bitaw nga," pagpupumiglas niya.
"Ayaw nga." 
"Keiron.." naiinis ang kanyang boses.
"Yes love?" 
"Hindi ka ba talaga titigil?" 
"Why would I? I love you kaya susuyuin kita, hindi kita titigilan hanggang sa hindi mo ako papansinin." 
"Kapag hindi ka pa bumitiw—" hindi ko na siya pinatapos at bigla siyang binitawan.
"Okay fine, if you want a space then you're free to go. I won't bother you." Saka ako umalis nang walang lingon lingon sa kanya. 
Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa makarating sa isang puno na pwedeng pagsilungan. Doon ko piniling nagpahinga muna sandali. Baka gusto niya ng space, ayaw kong masakal siya sa'kin kaya mas mabuting lumayo muna ako sa kanya sandali. 
Nakikita ko siya mula dito sa kinapupwestuhan ko na naupo sa isang bench mag isa. Maybe she just need to be alone. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, plainga linga siya sa paligid, trying to find something. Pero dahil sa hindi ako kita mula dito sa pwesto ko, hindi niya ako makikita. 
Mga Isang oras ang lumipas nang tumayo na ako para puntahan na siya sa kanyang pwesto. Pero nang malapit na ako ay biglang may lalaking umupo sa tabi niya at kinausap siya, maya-maya pa ay tumayo siya at ganon rin ang ginawa ng lalaki. Masaya silang nakipagshake hands sa isa't isa. 
Fvck. 
Saktong napalingon siya sa'kin, tiningnan ko lang siya at tumalikod na at naglakad. 
Fvck.fvck.fvck. 
Why does I feel this way? I'm fvcking hurt from what I saw. Her smile tear my heart into pieces. Tumutulo na pala ang luha ko nang hindi namamalayan. 
"What a weakshit Keiron." Bulong ko sa sarili ko. 
Pupunasan ko na sana ang luha ko nang biglang may yumakap bigla ng mahigpit sa likod ko. 
"I love you, sorry." Humihikbing sabi niya mula sa likod ko. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa likod ko.
Hinarap ko siya at tiningnan sa mga mata. Humihikbing napatingin siya sa akin pilit pinapahid ang kanyang mga luhang kumakawala. Seeing her crying makes me feel more shattered. I hugged her tight and shushed her, caressing her back. 
"Shh... Stop crying, it's okay." 
"Sorry hindi na mauulit." Salita pa niya. 
Maya-maya pa ay tumahan na rin siya mula sa pagkakaiyak, saka lang rin kami bumitiw sa pagkakayakap at nag decide na kumain na. 
Dinala ko siya sa isang restaurant at doon nag order na kami ng makakain. I keep observing her, baka kasi bigla siyang mapano pero so far wala naman. After naming kumain nagmall kaming dalawa. We bought a necklace for each other with our initial on its pendant, mine is letter R while K is her. I also bought her some hair clip and hairpin. I think it suits with her long hair. Ako na mismo ang naglagay nito at nagclip sa kanyang buhok. 
"Bagay sa'yo, para kang si Aleng Piyang." Nakangiting sabi ko.
"What?! Sino 'yun?" Takang tanong niya. 
"Just kidding love, it suits you. Ang ganda mo, for real." Tiningnan ko siya sa mukha, bagay na bagay sa kanya ang binili ko. Hinalikan ko siya noo. 
Sunod naman naming ginawa ay nag arcade hanggang sa mspagod kakalaro at nang masatisfied sa price na nakuha ay nag decide na kaming lumabas ng mall. Hindi namin namalayan ang oras, papalubog na pala ang araw.
Hindi muna kami umuwi instead nagdecide kaming mag street foods at nagdrive papuntang dagat kung saan malapit lang dito sa lugar na ito. Pagkarating namin doon ay umupo lang kami sa buhangin at kung saan tanaw mula sa kinapupwestuhan namin ang kulay kahel na kalangitan hudyat ng papalubog ng araw. 
Wala kaming ginawa kung hindi ang kumain at abangan ang tuluyang paglubog ng araw. Sa hindi kalayuan ay naririnig ang tugtog ng mga kanta. This the most peaceful place na pinuntahan ko kasama siya, kung siya ang kasama ko kalma ang lahat ng paligid ko. 
"I want you to take me here before my last breath end. At the exact same time. Gusto kong masaksihan ang ganitong pakiramdam kahit sa huling hininga ko manlang na kasama ka," Nakapikit ang mga matang sinasabi ito habang nakasandal sa balikat ko. "Please dalhin mo ako dito." Bulong niya. 
Kaya ko kaya? Kaya ko bang gawin ang bagay na iyon? Hindi ako handa, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Nakakapangsisi, kung sanag sa una palang naramdaman ko na siya, posible kayang may magbago? 
"I will take you here.." bulong ko ring sagot. Dahan dahan kong sinusullay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri ko saka siya hinalikan dito. Pagkatapos non ay katahimikan at tanging alon.lang sa dagat ang maririnig at ang kanta sa di kalayuan.
"Nakakapangsisi," panimula ko ulit, hindi siya sumagot hinayaan nuts aking makapagsalita. "Bakit? Why I didn't notice you at first? Why do things like this have to happen? Why is it to be you? Why do I love you even if in the end you will just leave me?" Mga tanong ko eh na hindi masagot sagot.
"Because this is life. Everything has a reason why it happened. Someday you will understand everything, all of your queries will be answered. Not now, but I know soon you will." 
Hindi na ako sumagot at pinilit na lang ang sarilinna ibaling sa ibang isipin ang isip ko. I should cherish every moment together with her. 'Yan lang ang dapat isipin ko walang kalungkutan. 
Tumayo ako at pilit iwinaksi sa aking isipan ang mga bagay na iyon. 
"Can we have a dance?" Inilahad ko ang dalawang palad ko sa kanya. 
"Sure." Ngumiti siya sa akin at humawak sa magkabilang kamay ko para tumayo.
Song playing: Line without a hook
🎶Guess there is something, and there is nothing 
There is nothing in between
And in my eyes, there is a tiny dancer
Watching over me, he's singing
"She's a, she's a lady, and I am just a boy" pagsabay niya sa kanta. 
He's singing, "She's a, she's a lady, and I am just a line without a hook" 🎶
Pinaikot ko siya at sinalo. Kita ang saya sa mga mata niyang kumikinsng dahil sa nagrereflect dito ang kulay ng kalangitan. Nagulat ako sa biglang ginawa niya nang halikan niya ako. She kissed me softly pero hindi rin iyon nagtagal ng ilang minuto. Napangiti kaming dalawa sa isa't isa at napayakap. 
Nang tuluyan nang gumabi saka kami nag pasyang umuwi na. Hinatid ko muna siya sa bahay nila bago ako umuwi ng bahay.

Book Comment (228)

  • avatar
    FaceDirty

    good

    10d

      0
  • avatar
    HospitalChan Myae

    very good

    03/05

      0
  • avatar
    Annurhidayah

    best

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters