Kinaumagahan madaling araw palang ay nagising na ako. Dahan dahan akong bumangon at tinitigan ang mukha ng natutulog na si Reynzie. Mula sa kilay at mahahabang pilik mata, ang matangos niyang ilong at manipis na labi. Dahan dahan kong inilapit ang kamay ko sa mukha niya para hawiin ang buhok niyang natatabunan ang kanyang mukha. Pero bago ko pa man magawa 'yun ay nagising na siya. "Good morning," I greeted in a husky voice. "Good morning," she whispered. "Uuwi ka na?" "Yes, kailangan ko munang umuwi sa bahay. Susunduin kita rito mamaya, let's go out. Pwede ka ba?" Tumango lang siya at ngumiti. Umupo siya at siya na mismo ang humawi sa kanyang buhok. "Sige ingat ka. Labas ka na, baka maabutan ka ni kuya na nandito ka nanggaling sa kwarto ko." I smiled at her. "Don't worry, I'm sure di pa siya magigising hanggang ngayon." "Di mo sure," nakangisi niyang sabi. "Tss!" Singhal ko pero natawa na rin. Lumapit ako sa kanya para halikan siya sa noo, "bye, I have to go now. Don't forget to eat your breakfast, okay?" Diretso sa matang sabi ko. "Oo, alis na! Ikaw mag breakfast later baka makalimutan mo." Tinulak pa ako. Tumayo na ako at binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Bago pa ako tuluyang makalabas ay bigla niya akong tinawag, "Art!" "Yes lovey?" Ngumiti siya. "Wala, go alis na." "Tss!" Napapailing na lang ako sa babaeng 'to. Ba't ba ako nahulog sa kanya? Tuluyan na akong lumabas sa kanyang kwarto leading my way downstairs. Pagkarating ko sa salas nila naabutan ko roon si tita Beah, nagkakape. "Oh Keiron, ang aga mo naman magising. Halika magkape ka muna," anyaya niya sa akin. "Thank you sa offer tita but I have to go home now, baka hinahanap na ako ni mom although nagpaalam ako pero iba mag isip 'yun eh," napatingin ako sa taas nang makita ko ang bastardong kagigising lang. "Babalik po ako rito mamaya tita, if okay lang sa inyo na ayain kong lumabas si Reyn." "Ah ganon ba? Sige, mag ingat ka ah. At tungkol naman sa plano mong ayain si Reyn sa labas, okay lang sa akin." Her warm smile makes me feel comfortable. Hindi kagaya ni mom na ang intimidating niya mapangiti man o seryoso. "Sige tita aalis na ako, thank you po sa pagpapatuloy sa akin dito." "Walang anuman, ingat ka." Kumaway pa ito sa akin. Ngumiti lang ako at napabaling sa hagdanan kung nasaan nakatayo ang bastardo at walang emosyong nakatingin s direksyon namin ngayon. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na palabas ng bahay nila. As soon as I arrived agad akong naligo. Inayos ang sarili at bumaba na para mag breakfast na. Naabutan ko sa hapag si mom na may kacall sa kanyang phone. Agad niya itong ibinaba nang makita niya akong papalapit. Lumapit ako sa kanya para humalik sa kanyang pisnge, "morning mom!" Nakangiting bati ko sa kanya. Hindi ko masabing okay na kaming dalawa tungkol sa nangyari last week. Masyado iyon nawala sa isip ko dahil kay Reyn. Normal treatment lang ang ibinibigay ko kay Mom. May tampo ako sa kanya pero ayaw kong pati siya ay tuluyang mawala sa akin. Maybe time would come matatanggap ko rin ang lahat, hindi muna sa ngayon. Panahon na ang bahala doon, sa ngayon hindi ko muna hahayaang masira ang araw ko dahil sa walang kabuluhang bagay. Masyado akong masaya kay Reyn. "Good morning, son. Seems like you're in a good mood. What's with that smile on your lips? Ang aga mo ring umuwi, and it's Sunday wala ka namang pasok ah?" Bati niya sa akin. Treating me as usual, na parang walang nangyaring pag aaway between the two of us. Umupo ako kaharap siya at kumuha ng makakain; bacon, egg and fried rice. "It's nothing mom, nagkasayahan lang kami ni Jay kagabi." "Is that so? nakakapanibago ang ngiti mo para sa ganoong kasayahan lang," Sinulyapan ko siya habang humihigop ng kape niya. "By the way, son. Kailan mo ba balak magka girlfriend? Wala ka pang ipinapakilala sa akin ni isang babae ah. Kahit nililigawan wala manlang. Wala ka bang balak?" Kinda miss this conversation with her. Minsan lang kaming dalawa ganito, she's always busy with her work. Tumigil ako sa pagkain at ngumiti ng malapad sa kanya, "actually mom, meron—" di ko natapos ang sasabihin ko dahil sa sumagot na agad ito. "What meron na? Who? Anak ba 'yan ng tita Trisha mo? Si Fea ba?" Sunod-sunod niyang tanong. Tita Trisha has been my mom's best friend since high school. "Mom! For freaking sake! I will never fall in love with that spoiled bratty kid. She's just fifteen! Hell no." "Okay okay! Calm down. So tell me, who's that lucky girl who got you smiling like that?" Nagdududang mga tingin niya. "Reynzie," nakangiti kong bigkas sa kanyang pangalan. "I like her name, I guess she's pretty just like her name?" Nakangiti rin niyang sambit. "Yes, inside and out she is." "Do you mind if I want to meet her?" "Of course mom, I'll ask her if she can come here." "Great, I wanna meet your girl." Tinapos ko na ang pagkain ko at nagpaalam sa kanya na may pupuntahan. "You're going with that girl, right?" Biglang tanong niya. "Uh yes? Why?" Takang tanong ko. "Nothing, just enjoy your day." Nakangiting sabi niya. "I will mom, bye." Sabay lapit sa kanya at humalik ulit. Lumabas na ako ng bahay at nagdrive pabalik sa bahay nila Reyn.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good
11d
0very good
03/05
0best
11/04
0View All