Homepage/24 Days With You/
Chapter 17 Confession
Hinintay ko munang tumahan siya mula sa pagkakahikbi at saka lang kami naghiwalay sa pagkakayakap. Mga ilang minutong ganon ang pwesto naming dalawa. Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at iniharap ang mukha niya sa'kin. Pinunansan ko ang mga luha niya sa kanyang pisnge.
"W-We need to talk." Sabi niya.
"Yes, we really need to talk." Sagot ko at hinila siya papunta sa kotse ko at inalalayan siyang makapasok doon at ganon rin ang ginawa ko.
Nang pareho na kaming nasa loob ng kotse ko hinarap ko siya. Naiiyak parin siya.
"Shh.. stop crying," sabi ko.
Hinarap niya ako at mas lalong umiyak.
"We have to stop this," biglang sabi niya.
"Stop what?"
Naguluhan ako sa kanyang sinabi. Anong ititigil namin?
"This! This! We have to stop this! Alam kong deal lang ninyo ni kuya ang lahat." Naiiyak niyang sabi.
Fuck. Fucking fuck! This can't be. I can't believe na aabot sa puntong malalaman niya.
"How did you know?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"Nalaman ko dahil aa sinabi ito sa'kin ni kuya. Ayaw na niya akong lokohin, siya raw 'yung nasasaktan para sa'kin kaya niya sinabi sa'kin lahat at sinabihan akong itigil na ang nararamdaman ko para sa'yo dahil wala ka rin naman talaga totoong nararamdaman para sa'kin at ang maging leader lang ng gang ang gusto mong makamit." Pagpapaliwanag niya.
"Fuck." Mura ko.
"I already made my decision, tama nga si kuya sa una palang, dapat hindi ikaw'yung lalaking nagustuhan ko. Ang tanga ko sa part na naniwala akong gusto mo talaga ako. Ang tanga ko sa part na naging so called girlfriend mo, ang tanga ko sa part na-"
"Could you please stop?" Sigaw ko.
Parang dinudurog ang puso ko sa pagkarinig ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Kung kailan alam ko na ang lahat saka pa niya ititigil. Kung kailan alam ko na ang mg kasagutan kung bakit ganon na lang ako makaasta, kung kailan alam ko na kung ano 'tong nararamdaman ko.
"Bakit ka ba naninigaw?!" Sigaw rin niya pabalik. Natigilan ako sa biglang pagsigaw niya.
"Sorry." Nasabi ko na lang.
"Tama na, itigil na natin 'to. Tanggap ko ng parte lang ako ng deal ninyong dalawa ni kuya. Tanggap ko ng hindi mo talaga ako mahal. Tanggap ko na ang lahat, kaya tama na. Itigil na natin 'to."
"No, I won't let you do that!" Pagpigil ko.
"Anong no? Anong I won't let you do that? Wala na, art! Itigil na natin 'to. Please itigil mo na ang pag papaasa sa'kin, alam mo nama-"
I quickly grab her face and softly kissed her. This is my first time, I feel like there's a butterflies in my stomach. Ramdam kong natigilan siya sa una pero hindi rin naman siya nagpumiglas.
This feeling, I don't know but I love this feeling. It feels like heaven. Her lips is so smooth and sweet that I am afraid not to taste and feel this heavenly feeling again.
Nang magkalayo na ang labi naming dalawa napatitig ako sa mukha niya, ang mata niya ay nakapikit parin hanggang ngayon. Iminulat niya ng dahan dahan ang kanyang mga mata at napatingin sa akin sunod ay ang pagtulo ng luha nito sa kabilang mata.
"Shh, I love you!" Sabay punas ng luha sa mga mata niya.
Tiningnan ko siya mata sa mata. Kita ang pagkabigla sa kanyang mukha. Napakahat siya sa kanyang labi at napaiwas ng tingin. Pinunansan niya ang mga luha niya gamit ang kamay niya.
"T-Tama na Art, please. Pagod na ako, please t-tama na. Huwag mo na akong paasahin. Sinasaktan mo lang ang puso ko, mahina na nga 'to tapos sasaktan mo pa? Wag ka namang ganyan sa'kin oh, mas lalong humihina ang puso ko.." naiiyak niyang sabi.
"Fuck! Please stop crying. I don't wanna see you cry just because of me. It tears my heart into pieces seeing you like this. Please stop.." pagsusumamo ko.
"Tumigil ka na rin kasi kakasalita ng mga salitang hindi ko alam kung totoo ba o ano," sagot naman niya.
"I love you! I fucking love you, Reynzie! Hindi ka ba naniniwala?" Basag ang boses ko sa huling salita ko.
Ewan ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit. Kabog ng kabog ang dibdib ko, hindi ko maintindihan. Basta ang alam ko nasasaktan ako dahil sa isang dahilan na ayaw akong paniwalaan ng babaeng mahal ko.
Siguro nga karma ko na 'to sa mga pinagsasabi ko sa kanya noon. Tama nga si Jay, hindi ko alam kung anong mangyayari. I fucking caught my self na mahal ko na pala siya ng hindi ko namamalayan.
"Paano naman kita paniniwalaan pagkatapos kong malaman ang lahat? Sige nga!"
"Ano bang gagawin ko para lang mapaniawala kang mahal kita?"
"Hindi ko alam! Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako," sagot niya.
"Fuuuccckk!" Bakit ako nasasaktan ng ganito? "I love you, Reyn. Mahal kita! Mahal na mahal! I fucking love you. I don't know what to say all I can say is I love you, because that's really what I felt for you."
Hindi ko namamalayan na umiiyak na rin pala ako sa sobrang sakit ng nararamdaman. This is my first time na umiyak ng dahil lang sa babae, hindi lang sa simpleng babae kung hindi sa babaeng mahal ko.
"Then prove it!" Sagot niya naman, "don't let me fall in love with you because my heart is too weak to believe that even my mind is to weak to think straight!"
Hindi ako nagsalita at ganon rin siya. Nakatingin siya sa kawalan habang ako sa labas ang tingin. Pareho kaming umiiyak. Ilang minutong naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Nang kumalma na ako ay saka lang ako nakakuha ng lakas ng loob para magsalita.
"I don't love you," salita ko, napatingin siya sa'kin ng halata ang sakit sa kanyang mga mata, "at first. But then everything changed nang makilala kita ng lubusan. Sa una deal lang talaga namin ng kuya mo ang lahat,wala akong feelings sa'yo back then. Ginawa ko lang ang proposal ng kuya mo dahil sa gustong gusto kong makuha ang gang na 'yun. Nagkaroon kami ng deal, pero heto ako ngayon hulog na lunod na nga eh. I don't fucking care with that bullshit gang anymore! Wala na akong pake kung hindi mapunta sa akin ang gang na 'yun. Mas masasaktan ako kapag ikaw ang hindi napunta sa'kin, kung dati mas mahalaga ang gang para sa'kin ngayin hindi na wala na, wala ng saysay para sa'kin ang gang na 'yun simula nang makilala kita. Marami akong narealize, marami akong natutunan ng dahil sa'yo. Nang dahil sa'yo nakalimutan kong deal lang pala ang lahat unti unti ng nagiging totoo ang nararamdaman ko sa'yo. Nahuhulog na ako sa'yo at ngayin lunod na lunod na. Sana naman sabayan mo ako sa pagkalunod ko, hindi 'yung lalamgoy ka at aahon habng ako iiwan mo sa gitna ng dagat ng pag ibig." Mahabang paliwanag ko.
Hinarap ko siya, "don't leave me please!" Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya.
Tinanggal niya ang kamay ko mula sa apagkakahawak sa kanya at binuksan ang pintuan ng kotse ko para bumaba.
"Reyn!" Tawag ko sa kanya.
Pakiramdam ko unti unting binibiyak ang puso ko nang dahil sa ginawa niya. Sinundan ko siya sa pagababa niya. Nilaoitan ko siya at niyakap sa likod, takot akong pakawalan siya ano mang sandali.
"Please.. aaminin ko. Ngayon lang aoo natakot ng ganito. Takot ako, takot na takot akong iwan mo," pag amin ko.
Hinarap niya ako, "takot rin naman ako ah. Takot na takot, kung alam mo lang."
"Shh, hindi ko hinihingi opinyon mo."
Nakatanggap tuloy ako ng isang masamang tingin sa kanya. Ang cute niya asarin.
"Just kidding, please stop crying."
"Ewan ko sa'yo, bahala ka nga diyan nakakainis ka!" Aalis na sana siya ng pigilan ko ito.
Hinila ko siya sa braso and again I kissed her softly. Humangin ng malakas dahilan ng pagkapit niya ng mahigpit sa damit ko, hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa gitna ng paghalik sa kanya.
"Aww! Ba't ka nangangagat ng labi?" Napabitiw ako sa paghalik s kanya dahil s bigla niya iting kinagat.
"Ba't ka kasi natatawa?" Tanong niya ng napapaiwas ng tingin.
"Wala, ang cute mo kasi."
Iniharap ko ang mukha niya sa mukha ko, ngumiti ako sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo at niyakao ng mahigpit sabay bulong sa kaliwang tainga niya ng, "I love you."
She giggled. Niyakap niya ako pabalik ng mahigpit.
"I love you more." Sagot niya.
"Huwag ka munang kumalas," sabi ko.
"Bakit?" Pero nanatili siya ganong pwesto.
"Gusto ko ganito na lang tayo habang buhay," sabi ko.
"Gagu!"
Natawa ako sa sagot niya. 'Yung mura niyang gagu talaga ang nakakapagpangiti sa'kin.
Inangat biya ang tingin niya sa'kin habang nakapulupot parin ang kamay niya sa katawan ko.
"Hmm?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya at umiling, napapangiti ako. Bakit kasi ang cute niya. I give her a smack kiss.
"Nakakatatlo ka na ah!"
"Gusto mo gawin nating apat? O lima? Sampu?" Nakangising tanong ko.
"Gagu ka!"
Natawa na lang ako at niyakap ulit siya ng mahigpit.
Heto 'yung pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko. Araw na hinding hindi ko malilimutan hanggang sa pagtanda ko.
Kanina ko pa gustong matulog pero hindi ko magawa. It's already twelve midnight but here I am still awake sa hindi malamang dahilan. I already texted mom na hindi ako makakauwi with an alibi na sa bahay nina Arjay ako matutulog. Same as Arjay nasabi ko na rin sa kanya na kung sakaling tumawag sa kanya si mom sabihin niyang doon ako sa kanila natulog.
Napatingin na lang ako sa ceiling ng kwarto. Plain white lang pero nakikita ko dito ang mukha ni Reyn na nakangiti.
Ganito ba talaga kaoag in love? Hindi makatulog, tapos nakikita mo 'yung mukha niya kung saan saan?
"Ugh shit! Malala na ang tama ko sa kanya."
Bumangon ako sa higaan ko, wala namang masama kung gusto ko siyang makita ngayon diba? Gusto ko lang siyang makatabi at mayakap sa pagtulog.
Walang ingay akong lumabas ng guest room nila at nilakad ang sinabing direksyon kanina ni Reyn. Patay an ang ilaw sa hallway at sa baba, tulog na ang lahat kaya maingat ang aking paglakakad ng baka amy masagi at magising ko sila.
Pagkarating ko sa harap ng pintuan ng kwarto niya nagdalawang isip ako kung kakatok ba ako o papasok na lang. I knock three times pero at hinintay kong may magbukas nito. Hindi naman ako nabigo dahil sa bumukas nga ito.
Bumungad sa'kin ang mukha niyang halatang antok na antok na. Walang sabi sabi akong pumasok at niyakap siya.
"Gagu huy anong ginagawa mo rito?" Gulat niyang tanong.
"Sorry kung nagising kita, I can't sleep. I miss you." I said in a husky voice.
"Baka makita ka ni kuya," mahina niyang pagbabala, "bumalik ka na don sa kwarto mo."
Itinulak pa niya ako palabas pero hindi ako kumawala sa pagkakayakap sa kanya. Nakapikit lang ang mga mata ko.
"I wanna sleep beside you," ramdam kong niyakap niya ako pabalik.
"Hindi pwede, baka anong isipin nila."
"Wala akong pake," sagot ko na lang.
"Huy ano ba, labas na sabi." Pagpilit niya.
"Ayoko." Pagmamatigas ko pa.
Ramdam kong napabuntong hininga siya, "okay fine. Basta huwag lang tayo g mahuhuli ni kuya."
Napangiti ako, "yeah, akong bahala."
I sat down at the edge of her bed habang mga mata ko ay nakatingin sa nakatalikod na katawan. Hinarap niya ako gamit ang mukhang walang magagawa, mas Lalo akong napapangiti sa cute niyang mukha.
Hinila ko siya papalapit sa'kin, nakatayo na siya ngayon sa harapan ko habang nakatitig sa'kin.
"What?" Medyo naiinis ang kanyang Tino ng pananalita.
I quickly grabbed her waist and then hugged her tight.
"Thank you," I whispered.
"Why?"
"For giving me a second chance to express my real feelings for you."
Hindi na siya umimik at ginulo gulo na lang ang aking buhok. Mga ilang minutong ganon ang pwesto naming dalawa, ako na nakayakap sa bewang niya at siya namang nilalaro ang buhok ko dahilan para antukin ako.
"I'm already sleepy, let's sleep." Bulong ko.
Bigla ko siyang hinila para mahiga sa kama at binalot ko ang sarili naming dalawa ng kumot yakap yakap siya.
"Di ako makahinga," bulong niya.
Bigla ko agad siyang binitawan at umupo.
"Are you okay? Tatawagin ko ba sila tita?" I'm worried.
"No," natawa siya.
"Why are you laughing?" Naiinis kong sabi.
"What I mean is hindi ako makahinga sa sobrang yakap mo," nakangiti parin niyang sabi.
I heaved a deep breath, a sigh of relief, "thank God, I thought napano ka na."
"Let's sleep now."
Sabay kaming humiga pero bago ko pa ipikit ang mga mata ko pinatay na niya ang lamp shade sa gilid. Hinila ko siya at agad niyakap pero hindi na mahigpit 'yung sakto lang.
"Good night, love," I whispered in her ear. Hinarap niya ako at hinaplos sa pisnge, "good night."
(A/N: I'm really sorry sa mga grammatical errors ko. Still under edited siya. Hope you understand.)Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (228)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
good
11d
0very good
03/05
0best
11/04
0View All