CHAPTER 8

STEVE'S POV
"What the hell are you doing here Abo?" I ask Gray na prenteng nakaupo sa swivel chair ko.
Katatapos ko lang makipagmeeting sa mga board of directors.
"Sitting," ani nito.
Pinaningkitan ko siya ng mata pero ang huli sy nginisihan lang ako.
"I've heard that you have a beautiful and sexy bitch. Tell me who was that I'll give her a very unforgett-"
Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya ng suntukin ko siya. Anong karapatan niyang pagsabihan ng masasamang salita ang girlfriend ko.
"Don't you dare finish what you were saying asshole or else I'll send you to hell," maanghang na sabi ko sa kanya.
"Whoah easy dear bro, ipagpapalit mo ba ang kaisa-isahang kaibigan mo dahil lang sa isang babae?" ani nito matapos makatayo sa pagkakasuntok ko sa kanya.
"Oo, kaya wag na wag kang magtangkang saktan ito kung ayaw mong mawala nalang ng parang bula ang pagkakaibigan natin," seryosong sabi ko.
"Chillax bro, mukhang inlove kana ata?" Nakangising sabi niya sa akin at tinataas baba pa ang kilay.
Mukhang hindi ko ito nasuntok.
I just smirk at him and seated on my swivel chair.
"Malala kana bro, nakatingin ka lang sa cellphone mo nangingiti kana," sabi niya sa akin. Napahawak naman ako sa bibig ko at hindi ako makapaniwala.
Nakangiti pala akong nakatingin sa wallpaper ko which is yung mukha ni Sasha na nakakunot ang noo.
These past few days, palaging si Sasha ang nasa isip ko. I don't want to name what I am feeling right now dahil baka hindi naman totoo and besides baka hindi kami pareho ng nararamdaman ni Sasha.
Nakasulat din sa kontrata iyon kaya mas lalong ayaw ko. Ayaw kong mawala si Sasha sa tabi ko kahit na sa paningin ko. I already miss her kahit kakikita lang namin kahapon.
"Bro alis muna ako kasi mukhang nasa kabilang mundo ka pa eh and oh I didn't mean what I've said earlier," sabi niya at wala sa sariling napatango ako.
I was mentally touching my lips. Damn hindi ko makalimutan ang halik na yon. Her lips tasted sweet at naaadik ako. Damn I really look like a gay right now. Buti nalang at wala na si Gray kundi tadtad ako ng asar nun. Ang kulit pa naman nun manang mana sa kapatid niyang si Mia.
Mga sakit sa ulo.
SIERRA'S POV
"Aha! Sa wakas at nahanap ko na rin kayo."
Agad kaming napalingon ni Juri sa nagsalita.
"LOUIS?!" sabay na bigkas namin ni Juri.
Pagminamalas ka rin naman eh no?
"Anong ginagawa mo dito?" si Juri ang unang naka-bawi sa aming dalawa
"Awts. Hindi niyo lang ba ako kukumustahin? Pero sige na nga kahit ang sasakit ng mga salitang binitawan niyo kanina girl," pumipilantik na usal niya at nakipagbeso beso.
Bakla po si Louis Alonte. Pero hindi mo aakalaing bakla ito sa kanyang porma. Nag-iisang anak ito ng mga Alonte at malaking kahihiyan sa mga ito kung malalaman nilang bakla ito. Kaya bilang isang matalinong bakla, ginamit niya ako noon. Oo noon, pinagkalat niya sa lahat na girlfriend niya ako.
"Girlfriend namiss kita," sabi niya at akmang hahalikan ako nang biglang...
"What the hell is the meaning of this?!"
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang galit na mukha ni Steve. Hay, napaka-gwapo naman nitong boyfriend ko. Teka? Boyfriend? Huy, ano ba naman 'yan. Kinikilig tuloy ako.
Nahagip naman ng mata ko kung paano kumutitap ang mata ni Louis at Juri.
Tss. Sinasabi ko na nga bang delikado ang boyfriend kong ilabas ng bahay at ipakita sa kahit na sino dahil mapa babae man o binabae ay napapa lingon nito sa kanyang angking kagwapohan.
Agad lumapit sa akin si Steve at hinalikan ako sa labi.
Este sa pisngi. Akala ko kasi sa labi ko pupunta yung labi niya kasi doon siya nakatingin kaso sa pisngi lang pala lalapat. Leche, ba't ako nagagalit?
"Sino siya?" tanong ni Louis sa lalaking tono.
Tila doon lang ako natauhan kaya naman pinakilala ko na sila sa isa't isa.
"Louis, Juri si Steve boyfriend ko. Steve si Louis at Juri kaibigan ko." Pagpapakilala ko sa kanila
Nakipagkamay naman si Louis kay Steve.
"Louis Alonte ex boyfriend ni hannah" ani nito
Napaangat naman ang kilay ni Steve.
"Hannah?"
Kinabahan naman ako. Punyeta pahamak kang bakla ka.
Siniko naman ni Louis si Juri kaya ito na ang sumagot.
"He mean is ex siya ni Sasha," pagtata,a mi Juri sa sinabi ni Louis kanina.
Napafacepalm naman ako at napabaling ang atensyon ni Steve sa akin habang nakakunot ang noo.
Patay tayo jan. Mahaba habang paliwanagan ito mga brad.
"Ah.. Eh mauuna na kami Sasha. Dumaan lang kasi kami dito upang kamustahin ka," sabi ni Juri at niyakap at bumeso sa akin. "Lagot ka yata sa jowa mo mamaya, parang nagseselos eh," aniya bago humiwalay ng yakap sa akin.
Sumunod naman si Louis at akmang yayakapin ako't bebesohin ay hindi niya natuloy dahil hinapit ako ni Steve.
"Sige magiingat kayo." sabi ni Steve kina Juri.
Tumango naman ako at napangisi pero ang baklitang si Louis nakanguso parin sa harapan ko.
"Louis ano ka ba?!" sigaw ni Juri sa kanya.
"Sige na Loue," sabi ko pa at lumiwanag naman ang mukha nito at sa isang iglap nahalikan na ako nito sa pisngi.
"Bye Sasha"
Patay!
Pagka-alis ng mga ito ay nakatayo parin ako. Samantalang umupo naman sa couch si Steve.
Nilapitan ko ito at gaya nga ng iniisip ko ay nakakunot ang noo nito. Hindi maipinta ang itsura, nakakaba tuloy kausapin.
"Do you want to tell me what happened earlier?" malamig na sabi nito habang ang mga mata'y walang ka ekspre-ekspresyon.
Aisshhh katakot-takot na paliwanagan na ito.
"Baby-"
"Oh nevermind I just drop here in your condo kasi hihingi sana ako ng sorry sayo dahil hindi kita nasundo kanina dahil sa biglaang meeting ko sa board of directors pero ito lang ang maaabutan ko?"
Eh?
"Talaga magsosorry ka?" tanong ko kasi wala sa karakter nito ang humingi ng patawad.
Pinaningkitan niya ako ng mata.
"Eh hindi naman ako galit sayo kanina nung hindi mo ako sinundo eh," sabi ko.
"Yeah. Sino bang magagalit kung hindi ka masundo nang boyfriend mo eh nandiyan naman ang ex mo," nakatiim bagang sabi niya.
Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong ngumisi. Bakit ganito ang asta niya? Bawal to sa kontrata ah.
"Oh eh ano naman yun? Wala naman na kami ah," sabi ko.
"Eh ba't ka nagpahalik?"
"Ikaw nga hinalikan mo ako. So bakit mo ako hinalikan?" tanong ko rin.
"Argghh! Sasha," ani niya at sinuklay ng kamay niya ang buhok niya. "It's different. Boyfriend mo ako ngayon at siya ay ex mo na."
Nakita ko siyang kumuha ng wipes at inabot niya sa akin yun.
"Punasan mo ang pisngi mong hinalikan nun. Tsaka para sa tanong mo.... Hinalikan kita kasi akin ka. Hinalikan kita kasi girlfriend kita at ayaw na ayaw ko sa lahat yung may nakikihati sa akin," sabi niya sa seryosong tinig.
"Tandaan mo iyan." Patuloy paniya.
Agad kong kinuha ang wipes at pumunta sa banyo.
Sheyt ang pula na ng pisngi ko.
Aren't we just pretending?

Book Comment (243)

  • avatar
    Mary Ann Cantor

    Thank you for your wonderful story, Author!

    05/09/2023

      0
  • avatar
    Reyy Monsales

    maganda mag basa Ng mga kwento

    21d

      0
  • avatar
    JirgiHalima s

    Dano

    26d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters