CHAPTER 14

SIERRA'S POV
Dali dali akong umalis sa table namin. Damn all I want is to get away from this mansion.
At dahil sa pagmamadali ko ay may nabunggo akong babae.
"O-ouch" sabi niya nang mabunggo ko.
"Sorry,"
"Its okay iha" she said.
Napatingin naman ako sa kanya at halos hindi ako makahinga. Nanlalaki ang aking mata sa nakita ko.
Mommy....
Damn I miss her so much.
"Honey, are you okay?" tanong ni daddy. Sumulpot nalang kasi ito sa kung saan eh.
"Y-yeah" mom said without looking dad.
"Mom, Dad!" sabi ng isang matinis na boses.
Kung isa lang akong anak ng isa sa mga business man dito at hindi nila anak, ay baka napagka-alaman kong anak nila mommy at daddy itong babaeng ito.
"Oh! Hannah," Dad said.
"Pagpaumanhin niyo po, kailangan ko ng umalis," sabat ko sa usapan nila. Lito man ako sa taong nakita ko ngayon na nagkukunwaring ako ay hindi ko kayang tanggapin. Ang malaman lang ngayon na ikakasal sa iba si Steve ay sobrang bigat na... paano nalang kung malaman kong may ipinalit na ibang tao ang mga magulang ko na akala nila ay ako?
Tumingin sa akin si mommy at nginitian ako.
"You are so beautiful iha... you look so beautiful in that look, Hannah " sabi ni mommy ng nakatingin sa aking mga mata.
Hindi ko masiyadong narinig iyon dahil nakatuon ang atensyon ko kay Hannah kuno at sa nalaman ko tungkol kay Steve. Hmmp mga impostor!
"Maaari ko bang malaman ang pangalan nitong magandang binibini?" tanong sa akin ni Daddy.
Naiiyak na ako pero pinilit ko paring ngumiti.
"Sierra, Sierra Satianah Alvarez," sabi ko mabilis na umalis sa harapan nila.
Damn. Ano bang meron sa araw na ito at sobrang dami ng pasabog nila?
Kailangan ko nang makauwi at makapagpahinga sa condo.
Damn this day!
*****
"Tanungin mo kasi muna at baka hindi naman pala talagang mahal niya si Mia at nagigipit lamang siya," sabi sa akin ni Juri.
As usual nandito kami sa cafeteria dahil lunch time naman.
Kanina pa nga nila ako binibigyan ng mga positive words eh dahil alam daw nilang mahal na mahal daw ako ni Steve. Heh, asa sila. Hired jowa lang naman ako.
"Alright, I'll visit him in his office, happy?" I asked sarcastically.
"Whatever!" Irap sa akin ni Aubrey.
"Hoy bakla't tomboy hindi naman halatang gusto niyo ang isa't isa no?" sabat ni Sarah kina Louis at Ione
Habang tumatagal kasi nagkakalapit na ang dalawa at pakiramdam ko may mabubuong romansa sa pagitan nila.
Sisiguraduhin ko mamaya na kakausapin ko talaga si Steve kahit nandiyan pa ang kulay orange niyang fiancé.
Mangaagaw. Yan ang ayaw ko sa lahat lalong lalo na yung impostor na nagpapanggap bilang ako! How dare her ruin me, my dignity? Kitang kita namang nagparetoke lang iyong impostor na iyon para makuha ang aking mana.
I wonder how rich my parents are.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso agad ako sa office ni Steve. Diretso lang akong pumasok doon at himala din namang hindi nila ako sinita. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi pa nila alam na engage na ang amo nila at ang malupit pa ay hindi sa akin.
Papasok na sana ako sa loob ng opisina niya ng makita kong bahagyang nakabukas ang pinto. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng biglang may marinig akong nag-uusap o nag-aaway?
"Stop that nonsense Steve! Hindi kita maintindihan kung bakit ka pumayag sa gusto ni Black gayong mahal mo naman si Sierra!" bulyaw ng mommy ni Steve.
Halos hindi magsink-in sa utak ko ang sinabi ng mommy ni Steve dahil isang linya lang ang paulit ulit na aking naririnig.
Mahal mo naman si Sierra.
Mahal mo naman si Sierra.
Mahal mo naman si Sierra.
Mahal ako ni Steve?!
"Mom, forgive me ngunit nagpapanggap lang kami ni Sasha," sabi ni Steve.
"Alam ko, nung una palang alam kong nagpaapanggap lamang kayo ngunit hinayaan ko parin kayong dalawa dahil nang dahil kay Sasha ngumingiti kana, napapasunod ka niya at higit sa lahat lagi kang nag-alala sa kanya."
Laglag ang aking panga sa nalaman. All along alam niya?
"B-bakit hindi mo sinabi sa akin ?" tanong ni Steve.
"Para saan pa? Alam ko namang masaya ka sa piling ni Sierra at hindi ko maaatim na sirain iyang ngiti sa labi mo."
"Ngunit kung hindi ko naman gagawin iyon babagsak ang ating kompanya. And besides, why are you pushing me to her mom? Didn't you thought marrying Samaniego's daughter is the answer to this problem? At higit sa lahat, may ibang mahal si Sasha," sabi ni Steve ngunit hindi ko narinig ang huli kasi binulong niya na.
Tumalikod na ako upang lumabas na sa kanilang kompanya.
Kung ganoon kaya lang pala siya sumang ayon na magpa-engage kay Mia dahil ginigipit sila nito. At kung dahil lang pala doon siguro panahon na para umuwi ako. Isang Samaniego lang pala ang sagot sa problema nila... puwes, oras na yata para bumalik. At sisisguraduhin kong babawiin ko ang kung ano mang sa akin. Ako si Maria Hannah Samaniego ang nag iisang anak ng mga Samaniego ngunit nakatago ang aking katauhang iyon sa likod ng taong nagngangalang Sierra Satianah Alvarez.
It's now or never...
STEVE'S POV
Napalingon ako sa pintuan ng bumukas iyon.
Napailing nalang ako nang makita ko ang pagmumukha ni Abo sa opisina ko.
"What brought you here?" tanong ko nang makapasok siya sa loob ng opisina ko.
Pero animo'y tila wala siyang narinig at sinugod ako ng suntok. Hindi ako nakailag at wala rin akong planong umilag.
"Huwag mo akong maang-maangan, Steve. Alam kong alam mo kung anong pinunta ko dito."
Napatahimik ako. Wala akong panahon para makipag-usap sa kanya. Blangko ang aking isipan. Galing din dito ang ina ko nung isang araw para bulyawan ako kaya sobrang drain ng utak ko these days.
"Bakit ka pumayag sa kagustuhan ni papa? Alam mo ba na sa ginagawa niyo pinapaasa niyo lang ang kapatid ko! Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo Steve?" galit na pahayag niya.
Bakit ngayon lang siya naparito? Magda-dalawang araw na ang lumipas ah mula nung i-announce iyon sa mismong kaarawan niya.
"Akala ko ba mahal mo si Sasha?" tanong niya na nakapagtahimik sa akin.
"Mahal ko siya ngunit ginago niya ako"
Bigla nalang umusbong ulit ang galit na pilit kong iwinawaksi.
Napatingin ako ng malalim kay Gray. "Ikaw, bakit hindi mo sinabi sa akin na may relasyon sina Louis at Sasha? Akala ko ba ispiya kita doon?"
Nagtaka naman siya at mayamaya pa ay humagalpak ng tawa.
"I am asking you Gray," I said firmly.
"Seriously? Nagseselos ka sa baklang iyon?" tanong niya sa akin.
Bakla? Fuck!
Ngayon ko lang napagtanto lahat. Nung araw na una kung nakita ang Louis na iyon ay bahagya itong pumilantik.
Fck! Wow just wow!! Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?
"Damn it where's my wife!?!" sabi ko at napatayo na.
"Anong where's my wife ka diyan? Akala mo naman talagang magjowa e nagpapanggap lang naman. At saka, pumunta nga ako dito upang makibalita sa iyo dahil hinanap nina Juri at Louis si Sasha. Bigla nalang daw itong nawala nung araw na pinuntahan ka niya dito. Alalang-alala sila kay Sasha dahil magdamag itong umiyak nung nalaman niyang engage ka na pala sa kapatid ko," sabi ni Gray.
"K-kailan siya pumunta dito?" tanong ko
Kinakabahan ako. Baka iyon din yung araw na pinuntahan ako ni Mommy.
"I think nung isang araw, the day after my birthday," he said that made the color of my body flew away.
Yun yung araw na pumunta si mommy dito. Baka narinig niya ang usapan namin ni mommy. Damn. Its all my fault.
Its all my damn fault.
"What about her condo? Did they went there?" nagbabasakaling tanong ko.
"Yeah Juri and her friends went there to see Sasha but they've found none. Wala na ang mga gamit ni Sasha doon."
Napa suntok nalang ako sa pader ng opisina ko.
Kasalanan ko lahat ng ito. Kung hindi lang sana ako nagpadalos dalos hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Kung tiningnan ko sana sila doon sa kusina ng condo ni Sasha malalaman ko sana na wala silang ginagawang masama. Masyado kasing sirado ang aking isip.
"Mauuna na ako Steve, ayusin mo iyan kung gusto mong magkaroon ng forever," ani nito at lumabas na sa opisina ko.
Damn I should find my wife.
Sht di ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung mayroong masamang nangyari sa mahal ko. Sana nakinig na lang pala ako kay mommy.
'Steve... hoy Steve... Hmmmp baby!'
Agad akong napatingin sa cellphone ko ng marinig ang ringtone kong iyon.
Darn I really missed my wife, may life , my Sasha.
Calling Dad...
Agad kong sinagot ang tawag matapos kong mabasa ang pangalan ng tumatawag sa numero ko.
Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.
"Dad?"
"Sebastian, prepare for tonight. Dadalo tayo sa the welcome party sa matagal nang nawawalang anak ng mga Samaniego."
Agad akong sinalakay ng kaba. Hindi ko maintindihan ngunit apart of me was happy to be finally able to meet the Samaniego's daughter.
"Yes, sure dad" ani ko at pinatay na ang tawag
Darn ganoon ko ba ka miss si Sasha at pati ang naiimagine kong mukha ng anak ng mga Samaniego ay mukha ni Sasha ang nakikita ko.
Sha you're driving me insane.

Book Comment (243)

  • avatar
    Mary Ann Cantor

    Thank you for your wonderful story, Author!

    05/09/2023

      0
  • avatar
    Reyy Monsales

    maganda mag basa Ng mga kwento

    19d

      0
  • avatar
    JirgiHalima s

    Dano

    25d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters