Homepage/The Accidental Girlfriend/
CHAPTER 11
SIERRA'S POV
Puro tilian at hiyawan ang narinig ko ng makapasok ako sa loob ng school. Para tuloy akong alien dahil wala akong alam dito.Pasado alas otso palang naman ng umaga ah tsaka first time ko pang malate tapos ito yung mangyayari?
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa may nakasalubong akong babae.
"Miss anong nangyayari?"
Tiningnan niya ako nang may nanlalaking mata.
Oh well hindi ko siya masisisi sa ganda kong ito alam kong ma s-shock ka kapag kinausap kita.
"M-may s-special o-orientation po kasi para dun sa transferee," sagot nito at nagmamadaling tumakbo.
Huh? Anong nangyari dun?
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Sino kayang nagtransfer at sobrang pa-importante naman kung umasta.
"Kyaah ang gwapo at ganda naman nung nagtransfer," bulalas ng babaeng may maikling palda dito sa loob ng koridor.
"Girlfriend kaya nung guy yung girl? Ano sa tingin mo sis?" tanong ng isang babaeng sobrang hapit ng blouse dun sa ikli palda girl.
"I hope they're not."
Dumiretso nalang ako sa gym dahil for sure doon din naman i-h-held ang orientation. Wala na masyadong tao sa labas dahil panigurado nasa loob na sila ng gym. Tss. Kung di lang sana nakakabagot tumambay sa classroom edi sana wala ako ngayon dito. Pumasok na ako sa loob at umupo. Sakto namang pinakilala na ng admin sa school namin ang pa VIP na transferees.
"Students let us all welcome Ms. Juri Leigh Montecort and Mr. Louis Alonte our transferee from Sander's Nate University."
Agad nagpalakpakan ang mga students at naghiyawan.
"Wohoo I love you Louis"
"Will you mary me Ms. Montecort?"
"Louis be mine please"
"KISS ME JURI!!"
Para akong nabuhusan nang malamig na tubig sa aking kinatatayuan.
Paanong ..... Paano ...bakit sila nandito!??!.
Matapos ang orientation ay bigla akong umalis o tama bang sabihin na ako ang kauna unahang umalis sa gym.
I was too shocked.
The last time I checked nasa SNU sila tapos ngayon nasa UE na sila? Pero hindi pa ako nakakarating sa classroom ko nang may sumigaw.
"Honey!!"
Napalingon ako kasi sobrang pamilyar ng boses. Di lang pamilyar kundi kilalang kilala ko ang boses na iyon. Sobra akong natuwa ng makita ko ang mukha niya. Shet ang gwapo niya.... Sa sobrang gwapo niya ang sarap tuloy niyang i-ngudngod sa bato malapit sa kanal.
"I miss you, honey," sabi nito at niyakap ako.
Nakita ko ang mga naglipanang imaginary knifes, espada, baril, kunai at dagger. Juice ko lord nauuhaw ako sa tingin nila.
"Tingnan mo, may bf na nga siya tapos nilalandi na naman niya ang transferee."
"Oo nga, akala ko noon isang mahinhin at mabait na babae si Sierra, yun naman pala nasa loob ang kulo."
"Yeah right, looks can be deceiving"
Agad akong napatingin kay Venice nang magsalita siya.
Huh? Anong nangyayari sa kanila?
Nangunot ang noo ko ng mapabaling ang atensyon ko sa kaibigan ko at kina Juri at Louis.
"Anong problema nila?" bulong ko.
Ngiti lang ang isinukli nila sa akin.
Eh ?
"Di ko talaga alam kung bakit naging top 2 yan eh , eh hindi naman yan masyadong pumapasok." sabi ng isang nerd na halatang naiinggit sa akin dahil top 2 ako sa klase samantalang siya pangatlo lang.
"WHAT??!! TOP 2 KA LANG?!" tanong ni Louis.
"Isang malaking himala!" usal ni Juri.
Agad akong napakamot sa batok ko.
Binubuking ako ng mga kaibigan kong ito.
"What do you mean?" tanong ni Aubrey sa kanila nang makalapit na ito sa akin.
"Hindi niyo ba alam na si Mar-Sierra ay laging top 1 mula nursery hanggang high school at ni isang porsyento hindi bumaba ang mga grades niya instead pataas ito ng pataas." exaggerated na pahayag ni Louis
"What hindi naman niya nasasabi iyan sa amin ah tsaka ang tamad kaya niyang si Sasha. Si Marion nga ang madalas sumasagot sa mga assignment niyan," natatawang ani ni Sarah.
Lord bat ba ganyan sila makapag salita na animo wala ako sa harapan nila. Nakita ko naman kung paano matigilan si Louis at mapatulala kay Ion.
Oww I smell something meaty.
Ayaw ko ng fishy masyadong malansa eh.
"Huh?!"
Lumapit sa akin si Juri
"Ano bang nangyayari sa iyo Mari-Sasha ha? Dati rati ayaw mong may nakakalamang sa iyo eh kahit anong gawin nilang aral hindi parin nila mapapantayan ang katalinohan mo diba Loue?"
Tinapunan ko ng masamang tingin si Juri dahil mukhang mabubuking talaga ako sa kanya sa pag tawag niya sa akin ng Maria.
Tiningna ko si Loue.
Wala sa sariling napatango ito at parang tutang nakatingin kay Ion.
Tomboy at bakla hindi naman siguro masama eh no?
STEVE'S POV
Gah! Mababaliw na ako dito sa opisina ko.
"Sir do you like cof-"
"Get out! I don't like that!" I shouted to my secretary.
Halata namang may gusto sa akin yun dahil palaging nagpapapansin but no, let's not talk about that. Instead, let's talk about my wife. Kanina kasi may nareceive akong picture galing kay Sarah, you read it right? Sasha's friend.
I told her nung huling punta ko sa university nila to report anything to me which concerns to Sasha. We exchanged cellphone numbers and now she just sent me a picture via imessage where Louis is hugging my wife.
Yeah he's hugging my wife and I don't fucking like it.
I press the intercom and call my secretary to come in my office as soon as possible.
"Yes sir?" malanding sabi nito habang inilalagay ang ligaw na buhok sa likod ng tenga.
"Cancel all my remaining appointments this afternoon and don't ask why," diretsang sabi ko.
"But si-"
"Kakasabi ko lang diba?!"
"I just wanted to say take care sir," she said flirtly.
Hindi ko siya pinansin kasi okyupado ng isip ko ang larawang nakunan kaninang umaga. Pagkadating ko agad sa paaralan niya ay ngapunta agad ako sa lounge kung saan madalas sila magtambay.
"Oh, pogi nasa cafeteria sila ng mga barkada niya," pahayag ng babaeng nagpapacute sa akin.
Pagdating ko kasi sa lounge nila, siya lang yung nandoon kaya naisip ko na na nasa cafeteria sila since past 12 naman na.
Hindi ko na siya pinasalamatan, para saan pa eh wala naman akong pakialam sa kanya. Pagdating ko agad sa cafeteria ay agad kong hinanap ang pwesto nila at nilapitan iyon.
"Usog ka nga doon Loue masyado kang malapit, pag nakita ka ng boyfriend ko tiyak bali-bali ang buto mo," rinig kong sabi ni Sasha na nagpangiti sa akin ngunit agad ding nabura nang marinig ko ang sinabi ng payatot na si Louis.
"Wala naman siya honey kaya sa akin ka na muna."
Humakbang ako papunta sa pwesto nila at hindi nga ako nagkakamali naamoy niya ang pabango ko.
"Well, I'm sorry to burst your bubble my dear Loue but you're wrong," sabi ni sasha at nilingon ako. "Baby"Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (243)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Thank you for your wonderful story, Author!
05/09/2023
0maganda mag basa Ng mga kwento
20d
0Dano
25d
0View All