CHAPTER 13

STEVE'S POV
Weeks have passed at hindi ako nakapagparamdam kay Sasha. Tanging kay Gray lang ako kumukuha ng mga impormasyon kung anong ginagawa niya o anong pinagkakaabalahan niya.
Kahit si Gray ay tutol sa kabaliwan ng mga magulang niya sa amin ng kanyang kapatid.
Kaya hindi din ako makakontak sa kanya dahil parating binabantayan ni itim ang mga galaw ko. Tsaka gustuhin ko man iyon ay hindi ko pa rin magawa dahil sa huling sinabi ni Mr. Black Salvador sa akin.
I was heading towards Sasha's school when suddenly Mr. Black Salvador called me.
"Meet me in my office."
I then turned my way papunta sa kompanya ng mga Salvador. Dumiretso ako sa opisina niya.
"Be seated," he said once I've arrived.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Sebastian," aniya.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. At alam kong hindi ko gugustuhin ang ano mang salita ang lalabas sa bibig nito.
"I want you to be with my daughter, to accompany her so that you can both get along with each other well. Let's see if it will work out or not. Bibigyan muna kita ng isang buwang palugit at kung buo na ang iyong desisyon na pakasalan ang anak ko o hindi ay igagalang ko na iyon."
Napaigting ako ng panga nang marinig ko ang sinabi nito.
Nababaliw na ba tong matandang ito? May girlfriend na ako tapos gusto niyang ko ang anak niya?
"Mr. B-"
"No buts, Sebastian. I know saan nakatira at pumapasok si Sierra Satianah Alvarez," ani nito
Naikuyom ko ang aking kamao sa sinabi niya.
"Don't you ever dare lay your hand on her kung ayaw mong may pagsisisihan sa huli!!"
Napatayo na ako nang madawit ang pangalan ni Sasha dito.
Ngumisi lamang sa akin itong kulay itim na ito.
"Well, so it's a deal then?" nakangising tanong niya.
Walang sali-salitang umalis ako doon at daling pinaharurot ang sasakyan.
Kaya naman ngayon lang ako nakapunta dito sa condo niya.
Hindi naman ako nahirapan sa pagpasok dahil alam ko naman ang passcode.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad din akong napahinto nang may marinig akong parang may nag-uusap.
"Tikman mo ito, Sasha," sabi ni teka? Louis?!
Ano namang patitikman niya?
"Eh ba't ang laki niyan? At saka huy Loue patay ka talaga sa akin ha! Ang sakit tuloy nitong katawan ko," sabi ni Sasha
Agad akong namula sa inis dahil sa mga narinig ko.
"Sige na tikman mo na ito. Promise, masarap talaga to," ani ni Louis
"Sige na nga, hmmp pag hindi talaga to masarap mapapatay talaga kita."
"Hays ang dami pang satsat o hayan isubo mo na," ani ni Louis na siyang nagpatindi ng galit ko.
"Oh ano masarap diba?"
Hindi ko narinig ang pagtugon ni Sasha at ako naman ay parang timang na nakikinig sa kanila.
"Oh hayan pa isubo mo pa," tila nasasayahang wika ni Louis.
"Walang hiya kang Louis ka! Ahhhhh tangna mo!"
Teka umuungol si Sasha?
Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig.
All along ginawa lang niya akong tanga. All along nagpapanggap lang siyang mahal niya ako? Teka mahal niya ba talaga ako?.
Kaso nagpapanggap nga lang naman pala kami. Binabayaran ko siya upang magpanggap na mahal niya ako, na mahal namin ang isat isa.
Napakagago ko. Tangna okay lang sana sa akin na hindi ako ang mahal niya pero p*ta dun pa talaga sa walang hiyang Louis na iyon! Tama nga talaga ang hinala ko na walang magandang maidudulot yang Louis na iyan.
Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako sa condo.
At isang desisyon lang ang nabuo ngayon sa aking isipan.
"Mr. Black sang ayon na ako sa gusto mo,"
SIERRA'S POV
Lokong bakla to ang aga aga binulabog niya ang araw ko.
"Paghindi ka babangon jan..."
"Ano? Anong gagawin mo ha? Pwede ba umalis ka na nga masakit ang katawan ko at saka pakisabi nalang kay Gray na hindi ako makakadalo sa birthday niya," sabi ko kay Louis.
"Masakit ang katawan mo? Alam mo bang magaling akong manghilot?" sabi niya at huli na ng makatanggi pa ako dahil sinimulan niya na akong hilutin.
"Tikman mo ito Sasha," sabi niya matapos niya akong hilutin.
Huhuhu ang walang hiya akala ko hihilutin niya ako eh binalian niya nga ako ng buto eh.
"Eh bakit ang laki niyan ? At saka huy Loue patay ka talaga sakin ha! Ang sakit na tuloy nitong katawan ko." sabi ko
"Sige na tikman mo na ito. Promise, masarap talaga to," ani niya
Mukha nga namang masarap yung lumpiang hawak hawak niya.
"Sige na nga, hmmp pag hindi talaga to masarap mapapatay talaga kita."
"Hays ang dami pang satsat oh hayan isubo mo na," sabi niya at isinubo sa akin ang lumpia.
Nginuya ko iyon
"Oh ano masarap ba?"
Hindi ako kumibo kasi nilalasap ko pa ang lumpia eh.
"Oh hayan pa isubo mo pa," ani niya at isinubo ang natitirang lumpia sa bibig ko.
Muntik tuloy akong mabilaukan.
Habang nguya-nguya ko ang lumpia ay nakita ko si Louis na parang nagpipigil ng tawa.
Hindi ko nalang siya pinansin at ipinagpatuloy ang pag-nguya ko.
Nguya lang ako nang nguya hanggang sa parang may nalasahan akong maanghang pero binalewala ko lang iyon dahil akala ko ano lang iyon pampadagdag lasa lang ngunit bigla nalang nanuot sa lalamunan ko ang anghang at tila ba tumitindi na ang anghang na nalalasahan ko.
"Walang hiya kang Louis ka! Ahhhhh tangna mo!" ungol ko dulot ng anghang na nalasahan ko.
At ang walang hiyang Louis na yan tatawa tawa lang.
"Umalis ka na Loue kung ayaw mong patayin kita ngayon," sabi ko ng mahimasmasan na ako.
Tatawa tawang umalis siya sa condo ko habang ako naman ay napailing iling nalang.
THIRD PERSON'S POV
It was really indeed a pool party pero isa din iyong semi-formal party. It was pass six in the evening when they've arrived. Alas syete pa kasi magsisimula ang formal party at pagkatapos niyon ay magsisimula na ang pool party.
Marami ng tao nang dumating sila sa mansion ng mga Salvador. Doon kasi idinaos ang kaarawan ni Gray.
"Sinong nakapagpayag sa iyo na pumunta sa pool party, Sha?" tanong ni Ion kay Sierra.
"Wala naman, sabi kasi ni Abo na may formal party daw kaya dito sa formal party nalang ako dadalo at pagkatapos niyon ay uuwi na ako" sabi ni Sierra.
"So, it means di ka dadalo sa pool party?"
"Parang ganun na nga" sagot naman ni Sierra kay Louis.
"Ladies and gentlemen, let us all welcome our birthday boy Gray Timothy Salvador," wika ng emcee
Naglakad naman papunta sa gitna ng stage si Gray upang ihayag ang kanyang munting speech. Mataman namang nakikinig sa kanya sina Sierra habang nakaupo ito.
Pagkatapos ihayag ang kanyang speech ay agad pumalit sa kanya sa gitna ang kanyang ama.
"I am beyond happy today and also very proud of my only son, Gray Timothy Salvador," sabi ni Mr. Black sa kanyang anak. "Before we end this formal party, I would be happy to announce to all of you that my daugter, Mia Kahel Salvador is now engaged with the one and only Sebastian Steve Montefalco." Nagghiyawan ang mga tao sa loob sa pahayag ni Black Salvador sa publiko. Sobrang saya nila dahil sa wakas engaged na talaga ang anak nito sa anak ng Montefalco.
Hindi din naman mawawala ang inggit sa mga babaeng dumalo sa kaarawan ngunit wala naman din silang magagawa pa dahil isang hamak na mayaman ang kanilang babanggain kapag nagkataon.
Sa isang table ay makikita mo ang isang taong laman ang lungkot, galit at hinagpis nito sa nalaman.
"Walangya yang Steve na iyan!" bulong ni Louis
"Wag kang mag-alala Sha, napilitan lang naman siguro iyang si Steve na maengage kay Mia," pampakalma ni Juri sa kaibigan.
"I-I w-want t-o go home.." ani ni Sierra sa kaibigan.
Wala namang nagawa ang mga ito sa naging pahayag ni Sierra dahil alam nilang sobrang nasaktan ito sa nalaman.

Book Comment (243)

  • avatar
    Mary Ann Cantor

    Thank you for your wonderful story, Author!

    05/09/2023

      0
  • avatar
    Reyy Monsales

    maganda mag basa Ng mga kwento

    20d

      0
  • avatar
    JirgiHalima s

    Dano

    25d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters