CHAPTER 18

~~~~~~~~~~~~~
STEVE'S POV
Matapos namin dalhin sa ospital si Hannah or slash Sasha ay agad kong ikinompronta si Juri pati narin si Louis.
"Is it true? Iisa lang si Hannah at Sasha?" I asked.
Pati na rin ang mga kabarkada ni Sasha na sila Sarah ay nakiusyoso na rin. Hinihintay kung ano ang itutugon nila.
Tumango si Juri.
"Kamakailan ko lang din nalaman na si Hannah at Sasha ay iisa. Remember the day I went to Sasha's house? Nagselos ka pa nga noon dahil hinalikan ko siya sa pisngi eh," Louis said.
I balled my fist.
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin?" mariing tanong ko.
"It's not our secret so why bother telling you? At baka nakakalimutan mong sinaktan mo ang kaibigan ko!" sumbat ni Juri sa akin.
Galit man ako sa pagsisinungaling nila sa akin, hindi parin maaalis ang pagkainis ko sa sarili ko. This is all my damn fault. Feeling ko tuloy mas lalong hindi ko deserve so Sasha.
Pumunta ako sa pwesto nila Mr. Alonso at Mrs. Amanda. Mom and dad were sitting beside them. Pinag-uusapan nila ang nangyari.
"Hindi mo ba mapapatawad si Black?" tanong ni dad kay Mr. Alonso.
"I can't, nag-iisang anak ko si Hannah. Paano nalang kung may nangyaring masama sa kanya?!"
Tinapok ng ama ko ang balikat nito.
"He wasn't the one who did that to your daughter, and besides Mia is mentally ill. Dahil lang iyon sa sakit niya kaya ipagdasal nalang natin na magiging mabuti lang sana ang kalagayan ni Hannah," sabi ni Dad.
Napakunot ang noo ko sa narinig.
"What do you mean dad?" I asked him.
"Alin anak?"
"Yung sinabi niyong baliw si Mia," nanginginig ang labing tanong ko.
"Yes. She's lunatic. Obsess na obsess siya sa iyo kaya nagawa niya iyon kay Hannah," sagot sa akin ni Dad.
Kung ganoon, pwede ko ng kanselahin ang engagement naming dalawa at alukin ng kasal si Hannah. Damn gusto kong tumalon sa tuwa.
I felt sorry for Mia because she's been a good friend to me but bigla nalang siyang nahantong sa ganyan.
Tumingin ako kay Mr. Alonso.
"Sir, I want to marry your daughter," buo ang isip na sabi ko dito.
Nagkatingin silang dalawa ni dad
"Alam mo nang si Sasha at Hannah ay iisa?!" tila di makapaniwalang tanong ni Mr. Alonso
Nalilito man ay napatango ako sa tanog nito.
"See?! Our plan really work!" dad exclaimed.
Ngumiti lamang si Mr. Alonso sa akin samantalang ako naman ay naguguluhan. Anong plano pinagsasabi nito?.
"What plan?" tanong ko nang nakakunot ang noo.
"We really did all of this on purpose pero hindi kasama ang nangyari ngayon kay Hannah. Ang ginawa namin ay binigla ni Alonso ang anak niya na ipapakasal na ito sa anak ng kasosyo niya. And expected lumayas ang anak niya. He knows kung nasaan ito o kung ano ang ginagawa nito. Pinlano din yung pagkafired niya sa trabaho niya sa mall and also yung pagkabunggo mo sa kanya and the rest is history," tila wala lang na sabi nito.
I was fuming mad.
"Edi sana hindi niyo nalang kami pinahirapan kung plano niyo pala kaming ipakasal!" tumaas na ang boses ko.
Humalakhak silang dalawa.
"Kung ginawa namin yun ay wala ng thrill. Alam mo bang ng dahil sa plano naming yon, you've change. Naging mature ka na, you became more responsible sa mga desisyon mo sa buhay."
Nakikinig lamang sa amin si Mr. Alonso.
Yeah. Tama si dad, kung hindi nila ginawa yun ay hindi ako magiging ganito. I won't deserved her love kung hindi ginawa nila dad iyon.
But, do I deserved her now? Eh gago ako eh.
"Ang galing naming match maker anak no? Para kaming bagets," natatawang turan nilang dalawa ni Mr. Alonso
"Oo, para kayong bagets. Ang galing niyo nga eh, ang galing niyong pag-untugin," sabi ko saka tumawa na naman silang dalawa nang malakas
Seriously? Tatay ko ba talaga to?
"Who's the guardian of the patient?" Biglang tanong ng doctor pagkalabas na pagkalabas sa emergency room.
Agad tumayo si Mr. Alonso pati narin si Mrs. Amanda.
"How's my daughter?" tanong kaagad ni Mr. Alonso sa doctor.
"Well, she's now stable ngunit kailangan paring i-monitor ang ulo niya. Her head was injured, nabagok yata sa inidoro o nahampas sa dingding. Sa ngayon ay babantayan na muna natin ang kilos niya. Pwede niyo na rin siyang kausapin pero wag niyo muna biglain," pahayag ng doktor.
Tumango si Mr. Alonso at umalis na yung doktor. Pumasok kami sa room ni Hannah.
Pagkapasok namin ay nakatingin lamang siya sa kisame ng hospital.
"Hannah, sweetie are you okay?" tanong ni tita Amand.
She stared at us coldly.
"Sasha! Pinag alala mo kami!" ani ni Juri at niyakap si Sasha.
"Gaga ka talaga Sasha!" ani ni Aubrey.
"Asan na yung Mia na iyon?! Asan na ng Miakalbuhan natin!" Maangas na sabi ni Sarah.
"Sasha, diba sabi ko sa iyong pag aralan mo lahat ng kilos mo, pati narin ang mga taong nakapalibot sa iyo," sermon ni Ione.
Napafacepalm nalang kaming lahat.
Nagyakapan sila samantalang nanatiling blanko ang paningin nito.
Dad patted my shoulders as if saying "okay lang iyan".
"Hoy Sasha magsalita ka naman!" bulyaw ni Aubrey kay Sasha na nanatiling blanko at tikom ang bibig.
"Yeah. Did the cat eat your tounge?" nagbibirong tanong ni Louis.
Napatingin sa kanya si Sasha at nagsalita.
Three words that can make your world stop.
"Who are you?"
Tila parang nabuhusan kami ng malamig na tubig. I look at her eyes searching something that can prove that she's damn joking.
"Wag ka namang magbiro diyan Sasha oh," naiiyak na sabi ni Juri.
Tumingin si Sasha kay Mrs. Amanda sunod kay Mr. Alonso at panghuli ay sa akin.
Para akong natulos sa aking kinatatayuan. I can't open my mouth.
Damn I want to say something. I want to tell her that I am Steve her boyfriend but damn it I can't. I just can't. It's like someone is telling me not to talk.
"Sasha, pag nalaman kong gino-good time mo lang kami malalagot ka sa akin," ani ni Louis.
And on the second time tiningnan niya si Louis at nagsalita. Mga salitang pumatay sa amin.
"Sino kayo? Bakit niyo ako tinawag na Sasha? What the hell are all of you doing here?! Do I know you? What am I doing here?!"
Tinawag namin ang doktor dahil bigla nalang itong nagwala. Ngunit pinigilan kami ni Ione.
"Nice try, Maria Hannah Samaniego," sabi ni Ione at sinampal si Sasha nang ubod ng lakas.
Napatakip ng bibig si Juri samantalang nanlaki ang mga mata namin.
"Where are the mafia reapers? Get this girl out from my damn sight!" sigaw ni Mr. Alonso kay Ione.

Book Comment (243)

  • avatar
    Mary Ann Cantor

    Thank you for your wonderful story, Author!

    05/09/2023

      0
  • avatar
    Reyy Monsales

    maganda mag basa Ng mga kwento

    19d

      0
  • avatar
    JirgiHalima s

    Dano

    25d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters