Homepage/The Accidental Girlfriend/
CHAPTER 12
STEVE'S POV
Matapos kong patayin si Louis ....patayin sa tingin si Louis ay inihatid ko na si Sasha sa susunod niyang klase.
Plano ko pa sana na ipa-ditch yung class niya ngayon at mamasyal nalang kami dahil napa-cancel ko naman na ang lahat ng appointments ko sa araw na ito pero hindi siya pumayag kaya hayun hinatid ko nalang siya.
Nang maihatid ko na si Sasha ay nakatanggap agad ako ng tawag mula sa sekretarya ko. Inis ko namang sinagot ito.
"What the fuck! Diba sabi ko sa iyong ipa-cancel ang appointments ko ngayong hapon at wag akong istorbohi-"
"Sebastian." Hindi ko natapos ang aking sasabihin at natulos lang sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang boses sa kabilang linya.
"D-dad?" Kandautal na tanong ko.
Sebastian Stevan Montefalco ang pinakakinatatakutan kong tao. Kinatatakutan ko siya hindi dahil sa ama ko siya kundi dahil kabilang siya sa isang organisasyon.
Hindi lang isang ordinaryong organisasyon iyon kundi organisasyon iyon ng mga mafia at ang malupit pa ay ang ama ko ang pinuno sa organisasyon na iyon.
"Sebastian you need to come over here in the office, we have an important meeting to discuss to with this important people kaya kung ano man iyang ginagawa mo ay iwan mo yan at pumunta kana dito," maawtoridad na sabi sa akin ng ama ko.
"On my way," I said then hurried in the parking lot and drove my car.
Pagkarating ko sa kompanya ay iginiya agad ako ng sekretarya ko papunta sa conference room. Naghihintay na raw sa akin ang ama ko at ang impotanteng tao na sabi nito.
Pagkapasok ko ay nakita ko kaagad sila na prenteng nakaupo. Bahagya pa akong nagulat sa mga taong nakita ko sa loob.
"Maupo ka Sebastian," bungad sa akin ni daddy.
Wala sa sariling napaupo ako at pinasadahan ng tingin ang mga tao sa loob.
Mr. Black Salvador at Mrs. Pinky Violet Salvador ang nasa kaliwang bahagi ng lamesa habang sina mama at papa naman sa kanan.
"What's this meeting all about?" I asked calmly. Hindi ko maiwasang kabahan lalo na at parang hindi maganda ang kahihinatnan ng pag-uusap na ito.
"This meeting is all about you and my daughter," sagot sa akin ni Mr. Salvador
Naguluhan naman ako kung bakit tungkol sa amin ng anak niya ang meeting na ito gayong wala naman kaming relasyon ni Mia.
"Why? Is it not clear to the both of you that I am not going to marry your daughter?" I said habang tahimik lamang ang ama at ina ko.
"Yun nga e. Yan ang hindi ko alam kung bakit hindi mo gustong pakasalan ang anak ko. Mia is beautiful, elegant, a fine lady and yet you're acting like my daughter is not attractive at all!" tumaas na ang tono ng boses nito na naging dahilan upang sumabat sa usapan namin si daddy.
"Don't shout at my son Salvador, you're not in your territory," madiing wika ng ama ko.
"Isa ka pa Stevan bakit hindi mo ipakasal ang mga anak natin upang mas lumago ang ating kompanya?"
"I don't want my son to be stuck with a woman he doesn't love."
"Fuck with that love! You're leaving me with no choice, Stevan. I'm going to pull out my investment in your company and that's final."
"Go ahead," dad said and smirk.
Walang imik naman na umalis sila sa harapan namin habang si dad naman ay sapu-sapu ang noo.
"What's wrong?" I asked.
Problemado ang kanyang mukha gayun na rin ang ina ko.
"Babagsak ang kompanya natin sa oras na umalis ang mga Salvador, anak," he replied.
What the? May pa-smirk smirk pa siyang nalalaman eh malulugi din naman pala ang kompanya namin kapag umalis sila.
"Why did you do that then?"
"Alam ko namang ayaw mo kay Mia dahil mahal mo si Sasha."
I was stunned.
Mahal? sarap pakinggan dad. Kung alam mo lang, kung alam niyo lang na nagpapanggap lang kaming dalawa.
"Akala ko ba ikaw ang pinakamayamang businessman dad?"
Tumingin siya sa akin.
"You're wrong son, ang mga Samaniego ang pinakamayaman."
Naguguluhan ako kay dad. Alam kong hindi siya matatalo ng Salvador na iyon dahil siya ang boss ng mga mafia. He can't just lose against him.
"What about your mafia? I'm pretty sure your connections can help you make Salvadors kneel in front of you."
"Matagal na akong umalis sa mafia," nakatutok ang mata nito habang sinasabi ang katagang iyon. "Ang namumuno na sa organisasyon ay ang mga Samaniego, at hindi ko sila masiyadong kilala dahil mailap sila. Atsaka, problemado pa sila dahil sa pagkawala ng nag-iisang anak nila."
Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy, "What's even worse is that their daughter is about to marry the Salvador's son. It would be an advantage to us kung ikakasal rin kayo ni Mia, tatlong matatayog na kompanya ang mag-iisa."
Now I'm doomed.
Ngunit ang ikinapagtataka ko ay bakit hangang ngayon ay hindi nahahanap pa ng mga Samaniego ang anak nila gayong sila pala ang namumuno sa mafia. At ang pinakamalupit pa ay sila pala ang pinakamayamang sa mundo.
"Wala na ba talagang ibang paraan diyan dad?" tanong ko.
"Meron," ani ni mommy na ngayon lang umimik.
"Ano?"
"Pakasalan mo ang anak ng Samaniego," sagot niya.
What nagpapatawa ba si mommy?
Hindi nga payag si daddy na ipagkasundo ako kay Mia tapos ngayon sa anak naman ng Samaniego ako ipagkakasundo? Kung 'yun lang din naman ang kahihinatnan, sana nalang pala'y nagpakasal nalang ako kay Mia.
"Mom, bakit ko naman pakakasalan yun? Hindi ba nga ipinagkasundo na yun sa anak ng mga Salvador tapos nawawala pa ito... masiyadong impossible iyang paraan mo," ani ko.
"And I will never marry anyone other than Sasha."
"No need to be mad at this, son. Gagawan ko ng iba pang paraan ito," sabi ni daddy at tinapik ang balikat ko.
Tumango na lamang ako at iniwan na sila sa conference room.
SIERRA'S POV
"Hoy Louis!" sigaw ni Juri kay Louis.
"Bakit?" tanong naman nito pabalik.
Breaktime namin ngayon at nakatambay lang sa lounge. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito sila Juri at Louis sa paaralan ko. Parang kailan lang ayaw na ayaw ni Juri na umalis sa dati naming paaralan ngunit ngayon, halos magta-tatlong linggo na sila dito.
At sa ilang linggong iyon ay kapansin pansin ang mga sekretong tingin na iginagawad ni Louis kay Ione.
"Wala lang," nakangising sagot ni Juri.
Pinagtitripan niya talaga si Louis.
Siniko ko si Louis nang makita kong nakatitig ito kay Ione saka bumulong, "Hinay hinay lang sa pagtitig Loue at baka matunaw si Marione. Tsaka kung may gusto ka man sa kanya ay sorry ka nalang dahil may girlfriend na iyan."
Nakita ko naman kung paano siya nagulat. Hahaaa huli ka balbon akala siguro nito na walang nakakapansin sa kanya.
Tawa lang kami nang tawa nina Sarah pero agad din naman iyong naputol dahil sa ringtone ng cellphone ko.
'Baby sagutin mo tawag ko'
Agad kong kinuha ang cp ko at sinagot ang tawag ng hindi tinitignan kung sino ang caller.
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya. Excited kasi akong sagutin ang tawag sa pagaakalang si Steve ang tumatawag sa akin. Dalawang linggo na din kasi simula nung hindi na nagpaparamdam sa akin si Steve.
"Sasha nandiyan ba si Juri?" tanong ni Gray.
Napabuntong hininga nalang ako sa pagkadismaya. Hindi pala si Steve.
Ano kayang nagawa ko upang maging ganyan siya? Hindi pa naman na wala ang bisa ng kontrata namin dahil sinusweldohan niya naman ako linggo linggo. Tinatawagan ko naman siya ngunit kung hindi ito cannot be reach ay unattended naman. Tinitext ko ngunit di nagrereply.
"Sha? Nandiyan ka pa ba?" Tanong ni Gray.
Simula nung hindi na nagparamdam sa akin si Steve ay si Gray na palagi ang nakakasama ko kasama silang Juri Louis at sina Aubrey. Hangang sa naging magkaibigan na kami nila ni Gray at komportable sa isa't sa.
"O-o naman tsaka nandito lang naman si Juri. Bakit? Gusto mo siyang makausap?" tanong ko habang pinipigilan kong hindi pumiyok.
"Ah, no! Di bale na gusto ko lang naman kasi kayong imbitahan sa birthday ko, pool party next week."
"Ah, sige sasabihin ko sakanila at saka sisikapin kong makapunta," sabi ko saka binaba ang tawag.
Steve naman oh! Mag paramdam ka na sa akin.
To be continued...Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (243)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Thank you for your wonderful story, Author!
05/09/2023
0maganda mag basa Ng mga kwento
20d
0Dano
25d
0View All