CHAPTER 15

SIERRA'S POV
Sobrang dami na ng tao dito sa mansion namin. Finally at nakauwi na ako sa bahay namin at hindi na rin ako magtatago kahit kailan.
"Hannah, are you okay?" tanong ni mommy sa akin.
Nasa loob pa kasi ako ng kwarto ko at mula sa veranda makikita mo ang napakadaming tao na dumalo sa kasiyahang nagaganap ngayong araw na ito.
"Yeah mom, I'm fine."
Hindi pa rin ako makapaniwala na nakauwi na ako. Hindi ko din aakalain na magiging ganoon lang kadali ang lahat.
Pagkauwing pagkauwi ko sa condo galing opisina ni Steve ay nagimpake agad ako. Damn ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kakaba.
Dumiretso agad ako sa underground nitong condo at hinanap ang pwesto ng aking sasakyan.
Darn I miss my baby. My black BMW baby.
Agad kong inilagay ang mga gamit ko doon sa likod ng sasakyan. Inayos ko ang buhok kong hindi naman talaga kulot at lalong lalo na, hindi ito itim. Tinanggal ko rin kanina ang cream nanagpapaitim sa akin kaya ngayon nakalantad na ang puting balat ko. Hindi ko tinanggal ang contact lens ko dahil baka may makakilala sa akin at masuplong pa ang planong binuo ko.
Agad akong sumakay at pinaharurut ang sasakyan patungo sa bahay ko. Ang mansion ng mga Samaniego.
Dalawa't kalahating oras ang inilaan ko bago marating ang mansion. Nasa isang private subdivision ang bahay namin ngunit nakakapagtakang wala namang sumita sa akin. Wala ring gaanong security agent na nakabantay kaya napansin ko agad ang laking pagbabago.
Pagkatapat ko sa gate ng mansion ay kusa itong bumukas na siyang ulit na ikinapagtataka ko. Pinark ko sa garahe ang kotse ko at gaya kanina, gulat ang rumehistro sa aking mukha. Sobrang dami naman kasi ng sasakyang nakapark eh. Aakalain mo tuloy na nasa isang tindahan ka ng mga sasakyan.
Naglakad na ako upang pumasok na sa mansion ng mapansin kong sobrang dami naman ata ng mga kasambahay na nag-aapply sa amin.
Nakita ko si nanay mameng sa isang gilid kaya nilapitan ko siya.
"Nay 'meng, sobrang dami naman ata ng nag-aapply bilang kasambahay ah, ano bang meron?" tanong ko kay nanay mameng.
Sobrang gaan ng loob ko kay nanay mameng kasi siya yung nag-alaga sa akin simula pa nung bata ako kaya medyo may kaedaran na si nanay.
Nakita ko ang bahagyang pagkagulat ni nanay at saka siya sumilip sa gilid ko na para bang may hinahanap siya sa batok ko.
"Ano ka ba Maria! Hindi ka pa rin nagbabago.." natatawang ani nito at tinignan ang mga babaeng nakapila "mga impostor mo iyan. Simula kasi nung ibinalita sa tv iyong pagkawala mo eh susmaryosep andaming nagsidatingan at nagpanggap na bilang ikaw," mahabang litanya niya.
"P-po kilala mo ako?"
"Sino bang hindi makakakilala sa iyo eh ako kaya ang nag-alaga sa iyo simula nung bata ka at saka hindi mo ba alam na may lihi ka sa batok mo?" ani ni nanay .
"Huh? Hindi ko alam yan nay ha!" sabi ko pero naalala ko nung isang araw na may sinabi sa akin si Steve na may tattoo daw ako sa batok ko letter S daw.
"Tss. Nung bata ka kasi habang nagsusuklay ako sa iyo ay nakita ko iyan akala ko nung una ay lihi yun pala ay tattoo pero tinatawag ko parin iyang lihi kasi mas komportable ako niyan eh" kakamot kamot sa batok na sabi nito.
"Heheh ikaw po talaga!"
Sinenyasan ni nanay si kuya Bernie, iyong body guard ko noon. Bahagya pa nga itong nagulat nang makita ako eh.
"Pauwiin mo na iyang mga impostor na iyan Bernie at sabihin mong nandito na ang tunay kaya di na nila kailangan magpanggap pa upang makuha ang pabuyang hindi naman nararapat na ibigay sa kanila."
Tumango naman si kuya Bernie at nginitian ako.
"Teka nay! Marami atang nagbago dito sa mansion simula nung umalis ako ah"
"Ah yun ba? Nabawasan lang naman ng mga security agents eh pero pinalitan ng mga mafia reapers ng daddy mo iyon," sabi ni nay meng.
"Mafia reapers? So you're saying that dad is into illegal transactions?"
"Oo, siya rin ang boss eh kaya ganyan kayo kayaman."
"W-what? Di ko maintindihan," naguguluhang sabi ko.
"Kayo ang pinakamayaman iha kaya gayun narin ang pagkabahala ng iyong magulang nang umalis ka sa mansion. Oh siya magpahinga ka na muna sa kwarto mo dahil alam kong pagod na pagod ka sa byahe," sabi ni nay meng at iginiya na ako patungo sa aking kwarto. Kasunod naman namin ay ang dalawang kasambahay namin na sina Gab at Gail na dala dala ang mga gamit ko.
Pagbukas ko sa pinto ng aking kwarto ay gayun nalang ang aking pagkagulat. Imbes na royal blue na dingding ang sumalubong sa akin, kulay pink na dingding ang tumambad sa harapan ko.
Sobrang salkt pa sa ilong ng pabangong nalanghap ko. Damn gusto ko tuloy mangalbo ngayon.
"Sinong walang hiya ang lumapastangan ng kwarto ko?" mahinahon kong tanong.
"Iha..nakalimutan ko nalinlang pala ng isang impostor ang magulang mo."
So that bitch really has the guts huh? Nagawa pa talaga nitong baguhin ang ayos ng kwarto ko.
"Sige nay..." sabi ko kay nanay mameng na ibig sabihin ay gusto ko munang mapag-isa. Agad naman itong ngumiti sa akin at umalis sa palabas sa kwarto ko.
*****
Gabi na noong magising ako sa busina ng isang sasakyan. Agad naman akong pumanhik at nakita sila Mommy at Daddy ko na kakapasok lamang sa mansion. Nakita ko din ang impostor na nagpapanggap bilang ako.
"Gab kunin mo nga iyong mga gamit ko sa trunk ng kotse, tsaka Gail ilang beses ko bang sinabi sa iyo na wag na wag kang uupo diyan sa couch tsaka yaya mameng nakahanda na ba ang pagkain? " nakataas kilay na dakdak ng impostor ko.
Akala mo kung sino kung makapagutos. Hey bitch ako ang original, copy kalang kaya ibig sabihin wala ka paring kwenta
Kinubli ko muna ang aking sarili at pinakinggan sila.
"Respect the elders Hannah," ani ni Daddy.
Right dad pagalitan mo iyang impostor na iyan.
Lumabas na lang ako sa pinagkublian ko at tinungo sila. Agad kong niyakap si mommy.
"M....o...mm...y" ani ko
"Hey, hey, hey bat may pinapasok kayong impostor ko dito? " tanong ni Hannah impostor.
What? Diba ako ang magsasabi niyan? Kung makaasta e siya rin naman ang natatamaan sa pinagsasabi niya.
Hinablot pa niya ang braso ko upang malayo kay mommy. Tangna akala mo simpleng hablot lang eh may kasamang kalmot pa.
Agad kong hinarap ang impostor.
"Hannah right? Magkano ang binayad mo sa plastic surgeon para gayahin ang aking mukha?" tanong ko sa kanya at dahan dahang kinuha ko ang contact lens sa aking mata, exposing my blue green eyes.
Nakita ko namang bahagyang nagulat yung impostor ngunit agad din namang nakabawi.
"Baka ikaw? Magkano ang binayad mo sa pagpapaplastic surgeon?" balik tanong niya sa akin.
Napangisi naman ako
"Bakit di mo tanggalin iyang contact lens mo nang malaman nating hindi naman talaga kulay blue green iyang mga mata mo?"
Hindi nakaiwas sa akin ang bahagya niyang pagkataranta. Oh come on wala ka nang kawala impostor ka
"B-bakit ko naman tatanggalin eh totoo naman itong mata ko?!" natatarantang ani nito.
Napangisi nalang tuloy ako lalo.
"Look mom, dad, I got a tattoo that was placed here in my nape." I said then ipinakita kina mama at papa.
"Well I got a tattoo too!" ani ng impostor.
So talagang kinopya niya talaga ako?
Ipinakita niya sa amin ang tattoo niya ngunit alam kong talo na talaga siya.
Bigla akong niyakap ni mommy.
"Hannah, alam ko na ikaw talaga ang anak namin. Gusto ko lang talagang makita kung ano ang gagawin mo diyan sa baliw mong impostor at saka gusto rin namin ng daddy mo na bumalik ka na at iyan lang ang nakita naming paraan." Mom said.
I hugged her back and murmured, "I miss you, mom."
"Bernie paalisin mo iyang impostor na iyan. Matagal na akong nagtitimpi diyan eh!" Sabi ni daddy at nakiyalap narin sa amin.
"I'm sorry, sweetie," dad.
"Its okay dad, kasalanan ko rin naman eh," ani ko at tuluyan naring naiyak.
"Hannah? Hannah are you listenig?"
Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni mommy.
"What, mom? Pakiulit nga?" tanong ko.
"I was saying if kaya ka ba bumalik sa amin dahil sa impostor mo o may iba kang dahilan?"
Agad kong naalala yung sadya ko dito.
"Mom about doon sa arrange mariagge na-"
"No, iha hindi na namin itutuloy iyon," putol ni mama sa sinasabi ko.
"Maaari ko bang malaman kung kanino sana ako ikakasal?" tanong ko.
"Kay Gray Timothy Salvador"
Napatango na lamang ako.
"Mom, gusto kong makasal kay Sebastian Steve Montefalco," sabi ko kay mommy
Kita ko ang gulat na rumehistro sa mukha nito.
"You mean yung anak ni Sebastian Stevan Montefalco?"
"Yes, mom."
Ngumiti sa akin si Mama
"We'll see."

Book Comment (243)

  • avatar
    Mary Ann Cantor

    Thank you for your wonderful story, Author!

    05/09/2023

      0
  • avatar
    Reyy Monsales

    maganda mag basa Ng mga kwento

    19d

      0
  • avatar
    JirgiHalima s

    Dano

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters