CHAPTER 19

THIRD PERSON'S POV
"Where are the mafia reapers? Get this girl out from my damn sight!" sigaw ni Mr. Alonso kay Ione.
Dali dali namang pumasok ang mga kalalakihan sa loob ng kwarto ni Sasha nang marinig ang sigaw ni Mr. Alonso.
"Aray!" daing ni Sasha habang nakahawak sa pisnging sinampal ni Ione.
"Why the hell did you do that Marione?!" nanggagalaiting tanong ni Steve kay Marione na nakangisi lang kay Sasha.
Tumingin ng masama si Sasha kay Ione.
Akmang hihilahin na sana si Ione sa mga mafia reapers palabas sa kwarto nito ngunit biglang nagsalita si Sasha.
"Alam mo bang pwede kang makulong sa pananakit mo sa isang pasyente?" nakataas ang kilay na tanong nito kay Ione.
Samantalang tila hindi naman natinag si Ione sa masamang tinging ipinukol ni Sasha sa kanya.
"Ah eh? Sorry ah!" nakangising turan nito na ikinayamot ni Sasha.
"Sarah saan mo inilagay ang pizza? Wag mong ibigay kay Sasha ha? May sakit ang isang to hindi iyon makakabubuti sa kalagayan niya kaya sa aki-" hindi na naituloy pa ni Ione ang sasabihin niya ng sa isang iglap lang ay nasa harapan niya na si Sasha.
"Wag na wag mong susubukan iyang sasabihin mo Ione, seryoso ako." mariing ani ni Sasha na siyang ikinangisi ni Ione at ikinagulat ng lahat.
"W-wala kang amnesia?" di makapaniwalang tanong ni Aubrey samantalang sina Sarah, Juri at Louis naman ay akmang susugurin na si Sasha upang batukan ito ng humarang si Steve sa kanila.
"Don't you ever lay your hands to my wife," seryosong sambit nito sa kanila kaya hindi na nila nagawa ang dapat sanang batok na ibibigay nila kay Sasha.
Binelatan sila ni Sasha na siyang ikina-asar nila.
"Halos patayin mo kami sa kaba bruha ka!" ani ni Sarah.
Nanatili lamang na parang walang narinig si Sasha at pumunta sa kama at humilata doon.
"Teka, paano mo nga pala nalaman na nanggo-good time lang itong si Hannah?" tanong ni tita Amanda kay Ione.
"Minsan na rin po akong napaniwala niyang anak niyo noong nabagok ang ulo niya sa poste. Hinimatay po ito kaya dinala namin sa ospital kasi dumudugo iyong noo niya then pagkatapos noon ay nag acting na siya na nagka amnesia na siya," mahabang litanya ni Ione.
"Paano mo nalaman na madadala pala sa pananakot mo sa pizza nito si Hannah?" nakakunot noong tanong ni Juri.
"Tsaka hindi naman mahilig si Hannah sa pizza ah?" pagsegunda pa ni Louis.
"Yah! Noon kasing pumunta ako sa condo niya ay sobrang dami ng stock na pizza sa ref niya kaya kinain ko. Tapos noong mabusog na ako ay bigla nalang siyang sumigaw tapos galit na galit niya akong sinabihan ng 'Marione Climente bilhan mo ako ng marami niyang pizzang kinain mo.' Halos maubos nga ang pera ko noon eh," ani ni Ione.
Tumingin sina Juri at Louis kay Sasha na tila ba gustong ipakumpirma sa kanya na totoo ang sinabi niya.
"Ah hheheehe nagtatago kasi ako sainyo kapag kumakain ako ng pizza," ani nito at nagpeace sign pa.
"Buti naman at maayos ka lang. Alam mo bang pinag alala mo ako ng husto."
Agad na baling ang atensyon nila ng magsalita si Steve at lapitan si Sasha na ngayon lang natauhang kasama pala nila si Steve.
Niyakap nito si Sasha at bumulong.
"I miss you so damn much, baby."
Nanigas si Sasha sa sinabi nito at nanlalaki ang matang
"Alam niya na?!!"
STEVE'S POV
Ghad di ko lubos maisip na hindi na makakaalala pa si Sasha. Mapapatay ko talaga yung baliw na yun 'pag malala pa dito ang ginawa niya kay Sasha.
Pinagmamasdan ko silang masayang nagkwekwentuhan ng mga kaibigan niya.
Ang sarap niya lang tignang nakangiti na tila ba walang problemang pinapasan.
"Don't worry son, everything would be alright. Besides wala ng bisa ang pagkaka-engage niyo ni Mia," sabi sa akin ni Dad.
Agad akong nakaramdam ng saya sa sinabi ni Daddy sa akin ngunit may isang bahagi ng isip ko ang pilit na umaayaw sa mangyayari.
Wala akong kwenta. Gago ako. Sinaktan ko siya. Damn do I deserved her love?
Gusto kong patunayan sa kanya na nagbago na ako. Na karapat dapat ako sa pagmamahal niya ngunit paano ko mapapatunayan sa kanya kong sa sarili ko nga hindi ko alam na nagbago na ba talaga ako.
"Dad tama ba itong desisyong gagawin ko?" tanong ko kay Daddy.
"Kung ano ang sa tingin mo anak ay tama, yun ang gawin mo. Malaki ka na at alam mo na ang ginagawa mo," sabi nito sa akin.
Tumango ako sa kanya.
Yeah dad. Gagawin ko ang lahat para kay Sasha, para sa amin at sinisigurado kong magiging karapatdapat na ako kay Sasha.
SIERRA'S POV
Matapos kong madischarge sa hospital ay umuwi na ako sa mansion. Nakakasura kaya ang manatili sa hospital.
Dalawang araw na rin simula noong magpakita sa akin ang mokong na Steve na iyon!
Hindi niya ba alam na galit parin ako sa kababawan niya. Ang kitid kasi ng utak eh!.
"Okay na po ako. Kaya ko na pong maglakad mag isa," nakapoker face na sabi ko rito.
Gosh! Mapapalitan ko talaga si Lady Gaga sa poker face niya.
"Ay! Mam malalagot po kami ni Ser Steve niyan," ani ng isang kasambahay namin.
Napakunot noo naman ako.
"At kailan niyo pa naging amo si Ser Steve?" tanong ko habang ginagaya ang boses nito.
"Sa oras na makasal tayo baby," sagot ng isang tinig sa sala.
Inismiran ko lang ito at nagtuloy tuloy sa kwaryo ko. Salamat naman at pinalitan na ang pintura sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama at ipinikit ang mata. Naramdaman ko namang tila may humahaplos sa buhok ko.
"Nay meng naman oh, naglalambing," ani ko.
"Pffftt-"
Napadilat naman ako sa mata ko nang makarinig ako ng pigil na tawa.
"Anong ginawa mo dito?" nakataas kilay na tanong ko.
"Obviously?" sagot na tanong nito at humilata sa kama ko.
Arggg!
"Umalis ka nga rito!" bulyaw ko sa kanya. Heh! Anong akala niya huh?
Nagtatampo kaya ako sa kanya. Ni hindi niya ako dinalaw doon sa hospital pagkatapos niya akong sabihan ng 'I miss you so damn much, baby'.
Eh kong ingudngud ko kaya yung mukha niya. Tss kainis.
"Oh ba't ba galit ka?" tanong nito ngnunit hindi ko pinansin.
"Sorry na kung ano man yung ikinagalit mo," sabi nito sa akin ngunit kagaya kanina ay hindi ko siya pinansin.
"Sige ka. Aalis na ako papuntang America mamayang 5pm"
Agad akong napalingon sa sinabi niya.
"Aalis ka?" tanong ko
"Oo, kailangan ko munang hanapin at buuin ang sarili ko ng sa ganun ay maging karapat dapat na ako sa kanya. Tsaka isang taon lang naman. Para pag balik ko magpapakasal na kami," sabi nito sa akin.
Ano aalis siya para sa isang babae??
"Edi umalis ka na!!" sabi ko dito.
Hmmp. Bakit sa akin siya magpapaalam ha?! Alam niya bang naiiyak na ako! Tangna para saan iyong sinabi niya sa akin sa ospital na miss niya ako?
Ay gaga hindi niya pala sinabi na mahal niya ako. Napangiti nalang tuloy ako ng mapait.
"Mamaya na kapag sinabi niya sa aking pakakasalan niya ako sa pagbalik ko," ani nito.
Ngumiti ako ng peke.
"Pakakasalan ka niyan, ikaw pa?"
Yumuko ako ng maramdaman kong tutulo na ang luha sa mata ko. Damn ang sakit lang.
"Talaga?! Pakakasalan mo ako pagbalik ko?!" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin na siyang nagpakunot ng noo ko.
Teka??
"Damn, engaged na tayo ngayon ah!" sabi nito at isinuot sa palasingsingan kong daliri ang isang mamahaling sing sing.
Tekaaaaaaa?? Totoo ba ito?!
"S-seryoso ka?" tanong ko sa mahinang boses pero instead na sagutin niya iyon ay niyakap niya ako.
"Damn! Alam mo ba kung gaano ako kasaya Sasha? Hintayin mo ako ah? Babalik ako at pakakasalan kita at huwag na huwag kang magpapaligaw Sasha dahil taken ka na, hindi ka na available" bilin nito sa akin.
Pinaningkitan ko ito ng mata.
"Baka ikaw pa! Huwag na huwag kang magkakamaling hindi bumalik dito Steve baka nakakalimutan mong Samaniego ako?"
Ngumiti ito sa akin at sinabing.
"Sayo lang ako, soon to be Mrs. Sebastian Steve Montefalco," aniya sabay alis.
Napahampas tuloy ako ng kamay ko sa mukha ko.
"Is this his proposal?"

Book Comment (243)

  • avatar
    Mary Ann Cantor

    Thank you for your wonderful story, Author!

    05/09/2023

      0
  • avatar
    Reyy Monsales

    maganda mag basa Ng mga kwento

    19d

      0
  • avatar
    JirgiHalima s

    Dano

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters