Homepage/The Accidental Girlfriend/
EPILOGUE
SIERRA'S POV
"Sorry na baby, oh" ani ni Steve sa akin.
Matapos kasi kaming kumain ay dumiretso kami sa sala at binigyan ko siya ng sampung minuto upang ipaliwanag sa akin kung bakit naging 2 years ang isang taong sinabi niya.
"Umuwi naman talaga ako last year eh" aniya sa akin na nagpakunot ng noo ko.
How come na umuwi siya last year? Pinagbibiro ba ako ng hunghang na ito?.
"Hindi ako nagpakita sa iyo kasi may inasikaso akong importante at baka-"
"Importante? So mas importante pa sa akin?!" hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita niya kasi uminit na talaga ang ulo ko.
So kaya pala hindi siya nagpakita sa akin ng isang taon ng makauwi siya kasi may ginawa siyang importante o baka naman ay nambababae ito?!
Tiningnan ko siya ng matalim.
"Tumapat ka nga sa akin, nambabae ka ba kaya di ka nagpakita sa akin ng isang taon?!" naiiyak na tanong ko.
"What?! No! Hindi ako nambabae tsaka mas importante ka sa akin. Yung inasikaso ko kasi ay para yun sa future natin."
"Wag mo nga akong mo akong bolahin Sebastian Steve Montefalco!" napataas na ang boses ko.
Eh kasi naman baka totoo ang paratang ko tapos binobola lang ako nito. Ang daya niya, hindi nga ako kumakausap sa mga lalaking nagtatangkang lapitan ako kasi inaalala ko iyong bilin niya tapos siya?! Siya, binali niya ang pangako niya.
"Baby, please maniwala ka. Hindi ako nambababae swear kahit mamatay pa si Louis toto-"
Hindi niya natapos ang sinabi niya sa akin dahil agad na umeksena si Louis.
"Hoy, hoy, Steve wag kang ganyan. Sayang ang lahi ko pagnagkataon"
Agad akong napatingin sa mga bagong dating. Tinext ko kasi sila kanina na nasa bahay ako ni Steve. Tinawagan pa nga nila ako kung nangjojoke ba ako o ano.
Ngumiti sa akin si Marione. Ngumiti naman ako sa kanya at napatingin sa tiyan niya. Medyo maumbok na ang tiyan niya at natutuwa ako dahil sila ni Louis iyong nagkatuluyan at ikakasal na sila next month. Bilib din ako sa karisma nitong si Marione at napatibok niya ang akala kong babaeng puso ni Louis. Natalbugan ang ganda ko nito dahil wa epek ang karisma ko sa baklang iyon.
"Buti naisipan mo bang bumalik!" singhal ni Juri kay Steve.
Eh kasi naman, nung hindi siya nagpakita sa akin na akala ko hindi siya umuwi sa bansa ay naglasing ako kina Juri at siya iyong naperwisyo ko hahaha.
"Bumalik naman talaga ako, may inaasikaso lang akong isang sorpresa kay Sasha kaya hindi muna ako nagpakita sa kanya,sa inyo."
Bigla naman akong nakonsensya. Sabi ko na nga ba mahal niya ako kaya hindi niya magagawa iyong mga iniisip ko.
"Sorry.." nasambit ko na lang at napakuyuko.
"It's okay, kasalan ko din naman eh dahil hindi ko ipinaalam sa iyo. Let's just move on and face the future who's impatiently waiting at us" ani nito at pinisil ang baba ko.
Napabalik naman ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Mang Bernie.
"Miss Sasha , malalate na talaga tayo kung hindi pa uusad ang traffic dito" aniya na para bang natetensyon.
Napatingin naman ako sa paligid. Nasa edsa pa pala kami, kaya pala sobrang traffic.
"Sige pag hindi parin ito uusad tatakbo nalamang ako"ani ko at pinikit ang mata.
Hangang ngayon hindi parin ako makapaniwala na ikakasal na pala ako. Nung isang araw pa nga lamang kami nagkita at nakapagusap para dito. Hindi ko naman inakalang preparedna pala lahat kya napaluha ako noon. Inakusahan ko pa siya eh sobrang busy niya pala sa paghahanda sa kasal namin.
Si Louis naman ay nagtatampo na ewan. Inunahan daw namin sila kaya ininsist niya silang dalawa ang kukunin naming bride's maid at Best man. Napailing nalang tuloy ako.
Ilang oras pa lamang ay napatingin ako sa orasan dito sa loob ng kotse. Damn! Malapit na ang oras. Labin anim na minuto nalang ang natitiraat magsisimula na ang kasal namin.
Malayo layo pa namaniuong simbahan mula sa kinaroroonan namin. Dali dali akong lumabas.
Bahalana si batman.
Tumakbo ako kahit nakaheels pa. Yung taong nadadaanko ay nagtataka yung iba ay napapatigilat kinukuhanan ako ng litrato. Bahala na kung mag mukha akong run away bride.
"Ang ganda naman ni ate!" nagpapantasyang ani sa akin ng isang highschool studentna babae. Ngumiti na lang ako sa kanila at ipinagpatuloy ang pagtakbo.
May iba pa nga ang nag sabi sa aking "ako nalang ang pakasalan mo miss ganda kung tinakbuhan kaman ng groom mo"
Halos mapatid ang pasensya ko nun at pinigil ang sariling balikan ito at sikmuraan.
Malapit na ako sa simbahan baby, just wait for me.
Napahinga naman ako ng maluwag ng at last narating ko na rin ang simbahan.
Kinalma ko muna ang sarili ko at dahan dahan na pumunta malapit sa pinto. Naaninag ko pa ang pangalan ng simbahan 'Saint Luke's Church'
Kaya di na ako nagdalawang isip pa at pinasok iyon, binuksan din naman kasinila agad ang gate ng makita ako.
I walk slowly and feel the moment I am feeling right now.
Finally magiging Mrs. Sebastian Steve Montefalco na ako.
Tiningnan ko ang mga bisitang nadaanan ko ngunit nagulat ako ng marinig ang sinabi nila.
"Sinong nagmake up sakanya? Super mega transformation naman. In fairness, gumanda siya ha!" ani nito.
Napakunot ang noo ko. Aba walang hiya, anong akala niya sa akin pangit?!! Tsaka ba't hindi ko siya kilala?
Hindi ko na pinansin ang sinabi nila at itunuon kay Steve ang atensyon ko. My groom is patiently and happily waiting for me.
Nung malapit na ako sa kanya ay naiyak na ako. Hindi dahil sa a thousand years nakanta ngunit sa mukhang naghihintay sa akin.
Bakit?
Bakit ang pangit ni Steve? Kaya ba sila nagtaka dahil akala nila papangit ako?! Siya ba talaga si Steve? Baka talagang impostor iyong nagpakita sa akin at ito talaga ang totoong mukha niya.
Letse may pangiti ngiti pa siyang nalalaman.
Sa sobrang inis ko ay tumakbo ako palabas sa simbahan. Umiiyak pa ako niyan nung makarating ako sa isang park.
Buti nalang talaga at water proof yung make up ko kaya hindi ako nagmukhang bruha.
I can't hold on, baby give me more inspiration.
Naibulong ko nalang. Maya maya pa ay may narinig akong ugong ng isang helicopter. Pag angat ko ay nakita ko ang isang chopper.
Chopper nila Steve na papalanding na dito sa park. Nakita ko si Gray na nakatuxedo pababa sa chopper, ngumiti pa sa akin ito bago inabot ang kamay sa akin.
"Halikana mahal na prinsesa, naghihintay na ang umuusok na ilong ng iyong mahal na prinsipe sa simbahan. Ikaw naman kasi padalos dalos ka ng simbahang pinuntahan ayan tuloy najoplaks ka" ani nito sa akin habang tumatawa pa.
Inismiran ko ito at naglakad na papunta sa chopper.
Ay shungang maganda pala ako. Whooo akala ko yun na eh!
STEVE'S POV
Asan na ba si Sasha?!! Isang oras na siyang late. Damn it!
Napalingon ako sa pinto ng makarinig na ako ng ugong ng sasakyan. Finally, dumating na din siya.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad na sumalubong ang kilay ko.
"Hindi pa po ba dumating si Miss Sasha?" tanong ni Mang Bernie sa amin na siyang nagpa usok ng ilong ko. Damn it!! where is my wife.
"What do you mean?" tanong ko sa mahinahong boses kahit sa loob loob ko ay gusto ko nang sumabog sa galit.
Agad na lumapit sa akin ang mga magulang ko at tinap ang balikat ko.
"Sobrang traffic po kasi sa edsa kaya tinakbo nala-"
"What?!!"
Dali dali kong idenial ang numero ng mga tauhan ko at ipinahanap kung nasaan ang asawa ko. Wala akong pakialam kahit mainip pa silang lahat o umalis man sila dahil hindi naman sila iyong ikakasal kundi kami.
"S-steve I think I already know where Sasha is" ani ni Aubrey habang pinapakita sa akin ang mga photos na kuha sa isang babae na naglalakad malapit sa Saint Luke's Church.
Napailing na lamang ako. Engot talaga tong asawa ko. Sabi kong Saint Roque's Church kami ikakasal haist.
Agad kong nilapitan si Gray.
"Puntahan mo iyong malapit na park sa Saint Luke's gamit ang chopper, dun ka maglandin tapos pumasok ka sa loob ng simbahan at ipatigil mo iyong kasal nila dahil ayaw kong ikasal si Sasha doon sa pangit na groom na iyon" ani ko sa kanya.
Nadaanan ko kasi kanina iyong Saint Luke's at nakita kong may ikakasal din doon. Nakita ko pa nga iyong groom eh pwe ang pangit kaya di ko maaatim na ikakasal siya dun, dapat sa akin lang siya.
Shit, baka nag-iisip na naman siya ng kung ano ano. Damn it ipapagiba ko talaga yang edsa na iyan.
Maraan ang ilang minuto ay nakarinig na ako ng ugong ng chopper ko.
Inayos ko na ang pwesto ko at hinintay na pumasok ang maganda kong asawa.
As the door's slowly opens, I felt I stopped from breathing as well as my heart stop beating. My wife, my soon to be wife walking on the aisle was breath takingly beautiful.
Damn, I was the most very lucky groom all over the world. Habang naglalakad siya ay kanya kanyang imahe ang umaagos sa isipan ko. Yung araw na una ko siyang nakilala. Hindi ko talaga pinagsisihan ang araw na iyon.
I thank my mom that day dahil kung hindi wala sanang kami ngayon. Siguro ay nakasal na ako kay Mia.
Napatingin ako kay Mia, she was happy now. Gumaling na kasi siya at ngayon ay mayroon na siyang boyfriend.
I diverted my attention back to my wife and there I saw her crying, not in sadness but in happiness.
Di ko namalayang umiiyak na pala ako nung magkatapat na kaming dalawa. Hahalikan ko pa nga sana siya kung hindi lang kami sinuway ng pari.
Matapos namin sabihin napakahabang wedding vows namin ay nagsalita na ulit ang pari.
Kailan ba matatapos to? Gusto ko nang halikan ang asawa ko father.
"I may now pronounce you husband and wife..." ani ng pari tsaka ako tiningnan. "You may now ki-"
Di ko na pinatapos pa ang pari at hinalikan na ang ASAWA ko.
"Wohhhhoooo mabuhay ang bagong kasal!!" ani ni Louis at gumaya din ang iba.
Atlast. We're finally tied to each other.
***
"Ano ba kasing surprise ang sinasabi mo?" nahihimigan ang excitement sa boses nito.
Napatawa nalang tuloy ako.
"Malapit na tayo,baby" ani ko at hinawakan ang kamay niya't hinalikan.
Nangmatanaw ko na iyon ay agad kong inihinto ang kotse.
"Nandito na tayo?" Nangungunot ang noong tanong nito.
Napapailing nalang ako. Hulaan ko iba nanaman ang iniisip nito.
Agad kong kinuha ang panyo sa dashboard at piniringan siya.
"T-teka para saan to? Hindi mo naman siguro ako iiwan dito no?" Natatakot na tanong nito.
"Secret," ani ko at inakag na siya.
Naglakad kami papunta sa harapan at dahan dahan kong kinuha ang piring sa mata niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ekspresyong nakikita ko sa mukha ng asawa ko. Gulat na gulat siya at parang hindi makapaniwala.
"Steve sabihin mo nga sa akin kung kaninong bahay to. Para kasing nakita ko na ito dati" nagtatakang sabi nito sa akin.
Kahit nalilito man ay sinagot ko parin ito.
"Sa atin to. Ito yung dream house na ginuguhit mo noon" ani ko
"Ah kaya pala. Bakit mo ko dinala sa bahay nat- NATIN?!!"
Natawa ako sa ekspresyon niya.
"Yep. Ito iyong inasikaso ko nung isang taon at sana magustuhan mo" sabi ko sakanya.
"Hindi. Hindi ko gusto" aniya.
Napayuko ako. Sabi ko na nga ba hindi niya magugustuhan ito.
Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang pisngi ko at ipinaharap ako sa mukha niya.
"I just love it baby!" aniya
Para naman akong nabunutan ng tinik at siniil ko siya ng halik.
"Tara na sa loob at gumawa na tayo ng little Sasha at little Steve," ani ko.
Kinurot naman ako nito at tumakbo na sa loob ng bahay.
Damn. I'm really inlove with my accidental girlfriend.
"Humanda ka sa akin!" sigaw ko dito at hinabol siya.
Tawa naman ito ng tawa habang panay ang habol ko dito.
God, thank you for this life. Thank you for giving Sasha into my life. I'm so happy and contented.
"Baby... "
********THE END********Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (243)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Thank you for your wonderful story, Author!
05/09/2023
0maganda mag basa Ng mga kwento
19d
0Dano
25d
0View All