CHAPTER 10

STEVE'S POV
"Get out Salvador!" I shouted at him ngunit siniko lang ako ni Sasha na akala mo hindi boyfriend ang kasama nito kung paano tumitig kay Gray.
"Okay, easy ka lang bespren," nakangising sagot nito habang nakataas ang dalawang kamay bago tumalikod at lumabas sa opisina.
Aminado naman akong magandang lalaki si Gray pero mas gwapo pa rin ako.
Napabuntong hininga ako nang makaalis si Abo.
Mapapatay ko talaga yun kung hindi siya umalis.
Akmang tatalikod na ako para sana i-libot si Sasha sa isang room kung saan ako madalas magtambay kapag ka gusto kong mapag-isa ngunit bigla nalamang pumasok ulit si Abo saka lumapit kay Sasha at kinuha ang kamay nito at hinalikan.
HINALIKAN??
I was about to held his collar when I saw Sasha BLUSHED.
What the hell? Hindi ko nga siya nakitang nagblush sa akin tapos itong si Gray lang na simpleng paghalik lang sa kamay ay napablush niya na?!
Call me childish if you want but hell I care. All I want is my wife and all I care is my wife even though hindi kami kasal at nagpapangap lang kami na magsyota.
"I'm please to meet you my beautiful milady," Gray said and flash his smile.
And again this woman beside me blushed.
"Ako rin," mahinhing sabi ni Sasha at ngumiti nang napakatamis tamis.
And with that agad na naubos ang pasensya ko.
Binitawan ko ang kamay ni Sasha at dumiretso na sa upuan ko.
I am now mad. I am freaking mad and I don't know why.
"I'm Gray Timothy Salvador," pakikipag-usap pa ni Gray at iginiya si Sasha sa couch.
At takte opisina ko ito at girlfriend ko siya tapos kung makapaglandian silang dalawa ay animo wala ako dito.
"Sierra Satianah Alvarez" kiming sabi naman ni Sasha.
"Just what I thought, your name is as beautiful as you," pambobola ni Gray nito na nagpakunot ng noo ko.
Ngumiti lamang ang huli at sa wakas naalala pa ako nito.
"Baby, bakit nga pala tayo naparito?"
Kanina lang nagngingitngit ako sa galit tapos ngayon tinawag niya lang akong baby eh napangiti na lamang ako.
"Wala lang. Gusto lang kita dalhin dito at i-tour sa office, baby " I said and looked at Gray who's still mesmerized by my girlfriend's beauty.
I don't doubt about it. Kahit na hindi ito kaputian ay hindi ito naging hadlang para maibalandra ang kagandahan  nito in fact, mas maganda pa siya kay Mia.At saka, hindi parin mawala sa aking isipan ang mukha ng babaeng nakita ko sa mall noong may friendly date kami ni Mia. Para kasing nakita ko na siya dati, sobrang pamilyar ng mukha niya.
"Oh, eh dude una na ako alam mo namang mang i-stalk pa ako," pagpapaalam nito sa akin at napangisi nalang ako.
Tsss. First time kong makitang magkaganito si Abo sa isang babae na kamakailan lang niya nakilala. Buti nalang din yun at para wala na akong kaagaw pa kay Sasha.
Tumango lang ako at nang makalabas na ito ay agad kong hinapit sa bewang si Sasha at pinaupo sa kandungan ko.
I then buried my face in her neck and inhaled her sweet scent. I felt her stiffen pero mabilis lang iyon.
Fuck! Is this what they called love? That whenever a guy shows interest in your loved ones, you get mad and can't define what you're feeling. Is this love na para bang minu-minuto mo siyang namimiss. Yung mag-aalala ka nalang kung nakakain na ba siya o ano.
Pero kahit gustong gusto ko nang aminin sa aking isipan na mahal ko na si Sasha ay hindi parin pwede masyado pang komplikado ang lahat.
"Who was Gray stalking to?" She asked and I was suprised by her british accent.
But then hindi ko nalang pinansin dahil maraming beses na niya akong ginulat sa mga bagay bagay na kaya niyang gawin.
Pero napakunot ang noo ko at napaharap ako sa kanya.
"Do you like Gray?"
"Yes. Sino naman ang hindi magkakagusto sa kanya eh ang gwapo kaya niya at tsaka mukha din siyang mabait," sabi niya.
What the hell?
"Don't you dare! Akin ka lang at hindi ka pwedeng magkagusto sa iba. KUNDI SA AKIN LANG, sa akin lang."
Nakita ko naman siyang bahagyang namula pero agad din ngumiti.
"Sige na, sabihin mo na sa akin kung sino ang iniistalk ni Gray" ani nito.
"Tss fine! Its a girl named Guri no... maybe Furi... I guess Duri, yeah a name sort of Duri Sison." I said.
I really suck  remembering a person's name and of course if it isn't not an important one.
Nakita kong kumunot ang kanyang noo kaya napatingin ako sakanya.
"Hey. Hey... Whats with that look?" I asked.
"Hmmpp, it's not Duri Sison. Maybe you're saying Juri Leigh Sison"
"Oh yeah whatever."
"Yung Juri ba na iyon ang Juri na nakita mo noon kasama si Louis ay iisa?" she asked then naalala ko ang payatot humalik sa pisngi niya.
"I don't know and please don't let me remind your ex-boyfriend's face" I said.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko kaya niyaya ko nalang siyang i-tour na ulit sa kompanya.
SIERRA'S POV
Matapos kong i-tour ni Steve sa kompanya niya ay agad niya na din akong hinatid sa condo ko.
Pinapasok ko muna siya sa loob ng condo para magpahinga muna.
"Hindi na rin ako magtatagal dito baby, may aasikasuhin pa kasi ako."
Tumango ako sa kanya at hinatid ko siya sa may pinto.
"Uhm..." aniya na parang nahihiya.
Nagtaka naman ako sa kinikilos niya.
"Goodnight," sabi niya
"Goodnight," sabi ko rin at akmang isasara na ang pinto ng hinarang niya ito.
"May kulang" nakangusong sabi nito.
"Ha?" tanong ko naman kasi nalilito ako sa inaasta nito.
"Hays," aniya at lumapit sa akin.
Ako naman ay hindi malaman ang gagawin kong aatras ba o ano.
Bigla niya nalang hinapit ang bewang ko at isiniksik ang mukha nito sa leeg ko.
Hindi naman ako makagalaw sa ginawa niya.
"I really don't fucking know kung ano ang nangyayari sa akin these past few days. Pero kung ano man iyon ay hindi ko iyon pipigilan pero hindi ko pa rin iyon pwedeng ipagsigawan gayong masyado pang komplikado ang lahat," He murmured in my ear.
Hindi ko siya maintindihan.
He then face me and kiss me on my lips.
Mabilis lamang iyon ngunit tila ako'y nilulunod ng halik niyang iyon.
"I really can't get enough of you Sasha" ani niya at hinalikan pa ako sa noo.
Umalis na siya sa harapan ng pinto and I bet nakasakay na ito sa kotse niya pero ako? Nandito parin sa harap ng pinto at nakatunganga lamang.
My heart beats so fast. Am I falling for him? Pero mali ito. Nagpapanggap lang kami at binabayaran niya lang ako sa pagpapanggap ko although kahit hindi ko na kailangan ng pera still kailangan parin iyon upang hindi sila magtaka at maisagawa ang pagpapanggap ko bilang isang ordinaryong tao. 
Ordinaryong babae, yung hindi inaalalayan ng kanyang mga alalay, yung hindi pinagsisilbihan ng kanyang mga katulong, yung hindi binabantayan ng mga bodyguards, yung simpleng babae lamang na namumuhay ng simple rin.
  ******
Lunch break na namin ngayon at itong mga kaibigan ko kanina pa ako kinukulit tungkol kay Steve.
"Sasha sabihin mo na kung ano ang pangalan ng pogi mong boyfriend," excited na wika ni Aubrey.
"Oo nga dahil nung sasabihin mo na sana sa amin kung ano yung pangalan ng boyfriend mo ay bigla nalamang nag bell kaya hayun di namin nalaman kasi umalis ka kaagad," sabi ni Sarah.
Isinubo ko muna ang hawak na pizza at ininom ang juice.
"Para saan pa?" tanong ko.
Natanong ko na kasi kagabi sa isip ko kung bakit kailangan pa nilang malaman ang pangalan ni Steve gayong hindi naman sila yung magboyfriend..
"Tongeks! Para makilala din namin iyang boyfriend mo no!" sabi ni Sarah na tila ba nahihibangan siya sa tanong ko.
Napa facepalm nalang ako at napabuntong hininga.
"Ang boyfriend ko ay si-"
'Baby sagutin mo tawag ko'

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mabulabog ako sa ringtone ko.
Kailan niya pa pinalitan ang ringtone ko?!
"Ang sweet naman ng boyfriend mo Sha!" pang-aasar sa akin ni Aubrey.
Sinagot ko nalang ang tawag ni Steve at hindi na pinansin pa ang mga komento nila.
"Hello?"
"Hi baby! Kumain ka na ba?" bungad nito sa akin nang sagutin ko ang tawag.
"Wala-"
"Ano?! Kailangan mong kumain diyan o baka naman hindi masarap ang luto diyan, gusto mo bang hatdan kita diyan ng pagkain?" hindi magkanda-ugagang tanong niya.
 Ang oa niya pramis.
"No, ang ibig ko kasing sabihin BABY wala akong ganang kumain ng lunch kaya pizza nalang ang inorder ko," sabi ko hababg dinidiinan ang salita baby upang matigil siya sa kaoahan niya.
"You better eat nutritious foods baby and in that way malalayo ka sa sakit," okay sobra na siya sa kaoahan
"Steve may sakit ka ba?" tanong ko sa kanya.
"No. Bakit naman?"
"Hala baka sinapian ka?"
He chuckled. "No baby, na miss lang kita"
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Shet kinikilig ako Steve.
"Sige na may klase pa kasi ako," pagpapaalam ko
"Ayaw ko," sabi niya at naiimagine ko na sa isip ko na nakabusangot ito.
Hindi ko tuloy maiwasang matawa.
"Why are you laughing?"
"No. I am not. I miss you, too, baby don't worry," I said then hanged up.
"Kyaaahhhhh!!"
"Ay kabayong bakla!" Gulat ako nang biglang may sumigaw pagkababa ko sa tawag.
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang kaibigan kong nakikinig sa akin, sa tawag namin.
"Ang swerte mo naman Sha! Sana magkaroon din ako ng boyfriend na kagaya ni Pogi" she said dreaming.
"Hoy kayong dalawa mag aral na nga lang kayo!" Sigaw sa kanila ni sino pa ba edi sa ating nag iisang Ione na sobrang tino.
"Dali na. Sabihin mo na kung anong pangalan ni pogi," atat na ata na tanong nilang dalawa.
"Ste-"
And for the third time hindi natuloy ang sasabihin ko dahil nagbell na, hudyat na magsisimula na ang susunod naming klase.
"Pambihira naman oh!" amktol ng mga kaibigan ko at nag-ayos na ng kanilang gamit para magtungo sa susunod na klase.
"Malas talaga ang araw na ito, pero marami pa namang araw eh kaya tara na!"
Nag hiwalay na kami nang landas kasi hindi na kami magkaklase sa susunod naming klase pero bago umalis ay napailing nalang ako. 
Pustahan, tatawanan talaga nila ako kapag sinabi kong si Steve Sebastion ang jowa ko.
TO BE CONTINUED...  

Book Comment (243)

  • avatar
    Mary Ann Cantor

    Thank you for your wonderful story, Author!

    05/09/2023

      0
  • avatar
    Reyy Monsales

    maganda mag basa Ng mga kwento

    21d

      0
  • avatar
    JirgiHalima s

    Dano

    26d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters