CHAPTER 20

STEVE'S POV
"Hindi na ba talaga mababago ang desisyon mo?" tanong sa akin ni Sasha habang nag eempake na ako ng damit ko.
Napangiti nalang tuloy ako. This girl, I really love this girl beside me so damn much.
"Nope," sabi ko sakanya.
Nakita ko kung paano lumukot ang mukha niya. Maya maya pa'y bigla nalamang napangiti.
"Eehhhh magpakasal nalang kaya tayo ngayon kahit sa huwes lang?" sambit niya na siyang nagpabunghalit ng tawa ko.
"Hindi naman halatang ayaw mong mawala ako sa iyo no?" pangaaasar ko pa.
Naging mailap ang mga mata niya na siyang ikinatawa ko pa nang malakas.
"Huwag kang matakot. Sa iyo lang ako pati puso at isipan ko. Nakatatak na dito na isa lang ang nagmamay-ari nito yun ay walang iba kundi...Ikaw."
Bahagya siyang ngumiti.
"Siguraduhin mo lang na may paninindigan ka sa mga sinabi mo kung hindi, ewan ko nalang kung anong magagawa ko sa iyo."
"Yes po. Kaya mark my words po baby!" sabi ko at hinalikan siya.
"Hmmmp! Tara na nga baka malate ka sa flight mo."
Pagkarating namin sa airport ay agad na naman itong nangulit sa akin.
"Baby, mahal mo ba talaga ako?" tanong niya kaya napakunot ako ng noo ko.
"Oo naman, mahal kita. Mahal na mahal"
"Then kung ganoon, kiss me.." ani nito.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at hinalikan ko siya. I bite her lower lip that makes her moan.
I pull her closer to me to deepen our kiss. Damn I really can't get enough of her.
"Mr. Sebastian Steve Montefalco please get inside, the plane is about to fly in a minute."
Agad akong napabitaw kay Sasha ng marinig kong tinatawag na ako.
"Baby... I need to go" and for the last time I kiss her.
"I'll promise, I'll be back baby.... As soon as possible"
******
2 years later.......
SIERRA'S POV
Kanina pa ako naghihintay. Damn bakit ang tagal dumating noong client ko?!!.
"I'm sorry Ms. Samaniego, may emergency lang talagang nangyari" ani nito sa sinserong boses.
Hindi ko na lamang pinansin iyon at nagsimula na kami sa trabaho namin.
Dalawang taon na ang nakalipas at ako na ang nagpapatakbo sa business ng magulang ko. I was freak'n busy na hindi ko namalayang dalawang taon na pala ang lumipas simula ng umalis ang mokong na Steve na iyon!
Alam niyo yung feeling na pinaasa? Tangna para akong niloko, para akong tangang naghintay sa mga texts at messages niya na magsasabing 'hindi ako makakauwi Sasha, wag kang mag alala mahal kita' ngunit halos pumuti na lamang ang mata ko sa kahihintay sa kanya ngunit wala parin.
At sa loob ng dalawang taon marami na ang nagbago sa akin.
Na hindi ko inakalang magiging ganito ako.
Ganito ka ganda...
Damn magtatayo na talaga ako ng furniture shop nito, sa galing ko bang magbuhat ng bangko, ewan ko nalang kaya.
Matapos ang meeting namin sa client kong si Mr. Chavez ay tinawagan ko si Juri.
"Oh? Napatawag ka?" bungad nito sa akin pagkasagot sa telepono.
"Wala lang, gusto ko lang tanungin kung marami ka bang customer ngayon?" tanong ko.
"Waah!! Tinanong mo pa *ma'am, ma'am yung special niyo daw may nag pa add ng lima*"
Rinig ko naman iyong boses sa kabilang linya. Mukhang marami nga.
"Sige, sige, mukhang halata ngang marami kang customers. Basta ba palaguin mo ang negosyo natin ah!" pagbibiro ko dito.
"Che! Bukas na bukas ikaw na naman ang magbabantay sa coffee shop natin" sabi nito sa akin.
Nagpaalam na ako dito dahil may pupuntahan ako. Pupuntahan ko iyong lugar kung saan ko unang nakita ang mokong na Steve na iyon.
Same date, same place indeed. Itong lugar na ito ang ispesyal para sa akin dahil dito ko nakilala si Sebastian Steve Montefalco.
Tiningnan ko ang mga taong naglalabas masok sa mall na iyon. Sa mall na paborito kong paglipasan ng oras.
Pinuntahan ko si Manager Bob. Alam na nilang ako at si Hannah ay iisa and besides pinalitan ko na ng tuluyan ang pangalan ko. I am now officially and beautifully Sierra Satianah Alvarez Samaniego.
"Hello there gorgeous!" ani nito pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina nito.
Ngumiti ako rito at nakipagbeso beso.
Matapos kaming magkamustahan ay nagdesisyon akong maglakad lakad na muna, total wala naman na akong gagawin.
Habang palakad lakad ako ay bigla na lamang nagring ang cellphone ko kaya hinalungkat ko ang bag ko habang naglalakad ng biglang......
"Aray! Tingin tingin din sa daan 'pag may time kuya!" anas ko, nakita ko kasing naka slacks ito at sa laki ba naman ng paa nito at nakasapatos pa, napag alaman ko nang lalaki ito.
Damn! ang sakit ng puwet ko. Langyang lalaki to!.
Agad akong nag angat ng paningin... just only to see him wearing a mischievous smile.
Damn you!
THIRD PERSON'S POV
Tiningnan niya ang bahay na nakatayo sa harapan niya. It was indeed his dream house, their dream house. Isang taon din ang iginulgol niya para dito.
Bigla na lamang siyang nagulat ng tumunog ang cellphone niya.
'Baby, mahal mo ba talaga ako?'
Napangiti nalamang siya ng marinig ang ringtone niya. Ito ang araw na papaalis na siya sa bansa.
Ghad! Talagang baliw na baliw talaga ako sa iyo Sha!.
Agad nitong kinuha ang cellphone ng maalalang may tumatawag nga pala sa cellphone niya.
"Hello mom?" bungad niya ng mabasa at masagot ang tawag.
"Steve! Kailan mo ba dadalhin si Sasha dito ng maplanuhan na natin ang kasal niyo!" bulyaw sa kanya ng mommy niya.
"Chillax mom... darating din tayo diyan hintayin mo lang ang pinakagwapo mong anak dahil dadalhin niya mamaya diyan ang pinakamaganda niyang asawa so hang up there mom, I have some important business to do right now."
"Siguraduhin mo lang Steve, alam mo namang botong boto ako kay Sasha at malilintikan talaga kita! Tsaka kung hindi man ay ipapakasal kita kay Mia," ani nito sa kanya.
Napangiti nalang tuloy siya.
"Alam kong hindi mo gagawin yan mom," ani niya at ibinaba na ang tawag.
Agad itong dumiretso sa sasakyan ko.
Hang on Sha. I'm on my way baby! Saisip isip niya.
Pinaharurot niya iyon papunta sa lugar kung saan alam niyang palaging pinupuntahan ni Sasha. Ang mall na pag aari nila.
Pinuntahan niya kaagad ang opisina ni manager bob at hindi nga siya nagkamali. Nadoon ito at nakikipagtawanan dito. Napatingin siya sa relo at napangiti.
Malapit na ang oras baby. Aniya sa isip.
Umalis na si Sasha sa opisina kaya dali dali niyang ikinubli ang sarili sa isang silid. Nakita niya itong papunta doon sa pwesto kung saan sila unang nagkita, nagkakilala.
He walk on the opposite side para magkabangga sila. Hindi pa rin siya nito nakikita kaya hindi siya nag-aksaya ng panahon pa at tinawagan ang cellphone ni Sasha.
As expected hahanapin pa niya ang cellphone niya habang naglalakad. Anito sa sarili
Damn malapit na talaga ang oras.
Agad niyang binilisan ang hakbang at binangga si Sasha na natumba dahil sa lakas ng impact ng pagkabungguan nila.
"Aray! Tingin tingin din sa daan 'pag may time kuya!" ani nito.
Siguro nakita nitong nakaslacks siya at sobrang laki ng paa nito tsaka nakasapatos din. Nag-angat ito ng kanyang paningin. Nakita nitong parang ngumiwi nga ito kanina kaya sure siyang masakit ang puwet nito.
Ngumiti siya ng makahulugan nang makita nitong bumalatay sa maganda niyang mukha ang gulat at pagkalito. Hinawakan niya ang braso nito at dinala niya sa parking lot at sinakay ito sa sasakyan niya at pinaharurot iyon.
Tulala parin si Sasha habang nakatingin sa kanya.
"H-hoy kuya saan mo ko dadalhin ha? Hindi naman kita nadumihan kaya walang rason para ipakulong mo ako tsaka hindi mo ako makukuha diyan sa peke mong mukha! Alam mo sigurong mahal ko ang nagmamayari ng mukhang iyan kaya inisip mong madali mo lang akong kidnapin, kyaaahhh mommy, daddy, baby! Tulong kinidnap ako ng isang impostor!" palahaw nito.
Napangiti siya hangang sa napahalakhak narin. Maya maya pa ay parang may bigla itong naalala.
"Parang deja vu ito ah!" napatingin ito sa kanya ng masama. "Huwag ka nang magkaila alam kong dadalhin mo ako sa mansion mo tapos masho-shock ako kasi nga sobrang laki ng mansion mo tapos lalabas iyong mayordoma niyo at sasabihin nitong nandito na tayo. Tapos yung nanay mo naman ay pinapunta tayo sa dining room tapos pagkababa niya sasabihin niyang 5 minutes kang late then sasabihin mong 'mom, meet my girlfriend'" sabi ni Sasha habang nakakunot ang noo.
Napabunghalit naman siya ng tawa tapos ay itinuon ang atensyon sa daan. Gusto niyng masorpresa itong engot na ito.
Mahal na mahal talaga kitang engot ka. Napailing-iling na sabi sa isip niya.
"Tapos hindi lang iyon, pagpapanggapin mo akong mukha tayong nasa isang teleserye yun pala ay hindi tsaka ihahatid mo ako sa condo ko then sasabihin mong gagawin mo akong temporary girlfriend. Kaya kung sino ka mang impostor ka huwag mo nang ituloy ang balak mo dahil nabuko na kita!" aniya sa nang-aasar na tinig.
Hindi niya ito pinansin at bumaba na sa sasakyan nito at pinagbuksan ng pinto si Sasha. Sa una hindi pa makapaniwala si Sasha ngunit agad din iyong napalis ng makita niya kung saan sila huminto.
'Sa mansion ng mga Montefalco' anas sa sarili.
Magkahalong pagkalito at pagtataka ang bumakat sa mukha niya.
"Shall we?" tanong sa kanya ng impostor daw kuno ni Steve.
Kahit nag aalangan man ay tinanggap niya parin ang kamay na nakalahad sa kanya.
Pagkapasok nila sa mansion ay bumungad sa kanila ang mayordoma na siyang naibuko na niya ni Steve kanina ngunit hindi naman niya inaasahang yung mayordoma talaga nila Steve ang sasalubong sa kanya.
Mayamaya pa ay sinabihan na ng mayordoma nina Steve ang mommy nito na dumating na sila ng anak nito. Sinabihan naman sila ng mayordoma nito na sa dining room na sila mag antay tsaka tanghali na rin at mabuti pa'y sabay nalang silang kumain.
'Wala talaga itong originality at ginaya pa ang moves ni Steve! He! Hinding hindi mo ko makukuha diyan sa style mo dahil iisang tao lang ang nakalaan para sa akin' anas nito sa sarili habang masamang tinitingnan si Steve na pangitingiti lang.
"I expected that you'll be here in 30 mins. But son you disapointed me, you're 15 minutes late-" bahagya siyang nagulat sa presensya ng nanay ni Steve dahil hindi niya inakalang ito talaga ang mommy nitong impostor na ito.
At isang bagay lang ang nabuo sa utak niya.
Totoong si Steve ang nasa harapan niya at hindi ito impostor! Nais niyang pamulahan ng mukha dahil sa pagkapahiya.
"Mom, I would like you to meet Sierra Satianah Alvarez Samaniego, my wife" ani nito na ikinatigil ng ikot ng mundo niya.
'Damn! Paanong hindi ko namalayan?!' anas niya sa sarili.
T H E E N D!!!!

Book Comment (243)

  • avatar
    Mary Ann Cantor

    Thank you for your wonderful story, Author!

    05/09/2023

      0
  • avatar
    Reyy Monsales

    maganda mag basa Ng mga kwento

    19d

      0
  • avatar
    JirgiHalima s

    Dano

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters