Homepage/The Accidental Girlfriend/
CHAPTER 16
STEVE'S POV
Agad kong tinawagan si Mr. Black upang sabihin sa kanya na iuurong ko na ang pagpapakasal sa anak niya.
"Man up, Sebastian. Ikaw ang kusang sumang-ayon kaya wala ng atrasan," ani nito matapos kong sabihin sa kanya iyon.
I throw my phone out of frustration. Damn kung hindi lang sana ako nagpadalos-dalos ng desisyon wala na sana akong problema ngayon.
Pinaharurot ko ang sasakyan ko patungo sa condo ko. Kailangan kong maghanda mamaya para sa welcome party ng Samaniego para sa anak nito.
Sisiguraduhin ko na pagkatapos nito ay hahanapin ko si Sasha. Akin lang siya magkamatayan muna bago nila makuha sa akin ang babaeng mahal ko.
***
Halos magkasabay lamang kami ng dating nina mom at dad. Pumasok agad kami sa mansion ng Samaniego na kung ikukumpara sa mansion namin ay di hamak na mas malaki ito. All along akala ko kami na yung pinakamayaman ngunit hindi pala.
Pagpasok palang namin ay agad na nakuha nmin ang atensyon ng lahat. Kakilala ko halos lahat ng dumalo sa party dahil pawang mga bigating tao ang naririto. Mga kilalang business man ang nandidito.
Agad na may pumukaw ng atensyon ko sa isang table kung saan nakaupo ang mga barkada ni Sasha.
"Hoy Steve dito ka!" sigaw ni Juri.
Agad ko naman silang pinuntahan pagkatapos kong magpaalam kina mom and dad.
Kompleto silang lahat maliban nalang kay Sasha.
"Hay alam niyo nagtataka talaga ako kung bakit ako inimbitahan dito sa party ng girlcrush ko," ani ni Sarah.
"Ako rin nga eh, hindi naman tanyag na business man ang daddy ko pero ito ako, kasali sa party," si Aubrey habang nakakunot ang noo at wari'y takang taka sa pangyayari.
Napatingin ako kina Marion at Louis dahil tahimik lamang itong naglalandian. Akala ko pa naman bakla ito eh ba't tumino lalaking lalaki na ngayon?
Si Juri at Gray naman ay nagsusubuan ng kanin.
Kinalabit ko si Abo, "Akala ko ba bakla iyan?" nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.
Ngumisi siya ng i-nguso ko kung sino ang tinutukoy ko.
"Ahh... yan? Ewan ko ba pero biglang isang araw sinabi niya nalang 'lalaki ako'" he said while mimicking Louis voice.
"Tss. Loko ka talaga, wag mo nga akong ginagago."
"Hindi kita ginagago. Ikaw lang ang gago," wala sa sariling sabi nito.
Napatahimik naman ako at bumakas sa mukha ko ang pagsisisi.
"I didn't mean that way bro.." nakokonsensyang sabi niya.
Umiling ako upang ipahayag na wala lang yun at okay lang ako sa sinabi niya.
"Ladies and Gentleman, Good evening!" anang emcee.
Mabuti nalang at sinimulan na ang party dahil bagot na bagot na ako.
"Everyone let us welcome Maria Hannah Samaniego"
Nagpalakpakan agad ang mga taong dumalo sa selebrasyong ito.
Mula sa kung saan ay lumabas ang anak ni Mr. Alonso Samaniego at Mrs. Amanda Marie Samaniego
Literal na napanganga ako kay Hannah.
"She's really is a goddess," usal ni Ione.
"Di ko inakalang ganito pala talaga siya kaganda sa personal," bulong naman ni Sarah.
Nakita ko naman ang labis na kasiyahan sa mata nina Juri at Louis.
Kanina pa ako nagtaka dahil di man lang nila nabanggit ang pangalan ni Sasha dito.
I looked at the girl named Hannah nang bigla akong may naalala. She's..... She's the woman in the mall, yung babaeng nakaaway ni Mia. Ngunit ang ikapinagtataka ko straight yung buhok niya, sa pagkakatanda ko kasi kulot yung may pagkabrown niyang buhok... parang... parang kay Sasha.
Nagpasalamat naman si Hannah sa lahat ng taong dumalo sa selebrasyon niya.
Ewan ko ba kung ako lang ba ito o ano, pero magkaboses sila ni Sasha. Damn it mababaliw na ako kakaisip kay Sasha.
Tinawag ako ni dad, sinenyasan niya akong pumunta sa pwesto nila ni mom. Pumunta naman ako doon matapos kong magpaalam kina Juri.
"What dad?" tanong ko pagkaupong pagkaupo ko.
Doon ko lang napansin na nasa table pala nina dad ang Samaniego.
"Son, I would like you to meet your Tita Amanda and Tito Alonso" dad introduced tita Amanda and tito Alonso to me which is Hannah's parents na hindi ko alam kung bakit close na close na ang mga ito.
Kinuha ko ang kamay ni tita Amanda at hinalikan ito.
"It's nice to meet you tita and tito." I said at kinamayan si tito Alonso.
"So kailan pa kayo naparito? Akala ko Mandy nasa Europe kayo ni Alonso?" tanong ni dad.
Nakikinig lamang ako sa kanila dahil wala naman akong maintindihan.
"Matagal na kaming nanirahan dito Stevan," ani ni Mr. Alonso kay dad.
"Bakit naman naging Samaniego ang apelyido mo? Di ba Alvarez ka?" tanong ni dad.
Alvarez ? Di ba apelyido ni Sasha yun? Hangang dito ba naman ay ipapaalala nila sa akin si Sasha? Damn gusto ko nang umalis dito at hanapin ang asawa ko.
"Mahabang kwento Stevan. Anyway, I want to discuss this thing to you."
"What is it?" tanong ni dad.
Si mommy at tita Amanda naman ay busy rin sa kanilang pinag-uusapan.
"I want your son to marry my daughter," ani ni Mr. Alonso na nagpalaki ng mata ko.
"Well, if that's the case, why not?. Pero wag ako ang kausapin mo dahil hindi naman ako ang ikakasal sa anak mo," ani ni dad saka tumingin sa akin.
"Yeah right," agad naman akong binalingan ng atensyon ni Mr. Alonso. "Don't you wanna dance my daughter, Steve?"
Tila nagbibirong tanong nito habang ako naman ay kinakabahan. Kailan pa ako kinabahan ng ganito? Tangna
Agad kong pinuntahan sa pwesto niya si Hannah at inilahad ang aking kamay.
"Can I have this dance, baby?" Hindi ko alam kung bakit lumabas ang katagang iyon sa bibig ko na tila ba sanay na sanay itong tawagin ang babaeng ito sa salitang iyon.
Di ko kasi mapigilan, kasi naman pareho sila ng amoy ni Sasha. God, baliw na ata ako.
Tila nagulat naman ito sa biglaang pagsulpot ko sa harapan niya at wala nang nagawa kundi tanggapin ang alok ko.
"S-sure" aniya na parang kinakabahan pa.
Damn ako nga yata ang dapat kabahan sa presensya niya. She's damn perfect. Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit siya ipapakasal ng ama niya sa akin.
Isa akong gago. Sinaktan ko ang babaeng mahal ko dahil sa isang lintik na desisyong ginawa ko bago pa man linawin ang totoo.
Dinala ko siya sa gitna ng dancefloor at marahan kaming sumayaw sa inog ng musika.
"You know what? You really reminds me of someone whom I badly missed," pagputol ko sa katahimikang bumabalot saming dalawa.
Di ko alam pero komportable akong sabihin iyon sakanya.
"Why?"
"See? You sounded like her, kung hindi ka lang sana ganyan kaputi at ka-straight ang buhok, iisipin kong ikaw ang babaeng mahal ko. Ang babaeng nasaktan ko," sabi ko.
Nanatili lamang siyang nakikinig sa akin.
"I was in the mall one day when my mom told me na kailangan kong ipakilala sa kanya ang girlfriend ko kung hindi ay ipapakasal niya ako sa anak ng business partners nila ni dad. You know I was just only 23 years old and I don't take relationships seriously that's why hanggang flings lang ako."
Mabagal lamang kaming nagsasayaw. Nilalasap ang bawat minuto habang patuloy ako sa pagsasalita.
"Then accidentally, I bumped into her. At first I wanted to shout at her because of her clumsiness but then there's something in her that makes me wanna know more about her kaya dinala ko siya sa mansion at ipinakilala kay mama na girlfriend ko siya."
Napangiti ako habang inaalala ang panahong iyon, yung unang beses ko siyang dinala sa bahay namin.
"She was shocked and I can't help myself but to smile and laugh when she asked me na magiging artista ba siya dahil akala niya siya daw ang napili kong leading lady at hinusayan niya daw ang pag-arte. Sinabi ko sa kanya na hindi iyon tulad ng kanyang iniisip, instead inalok ko siya na magpanggap bilang girlfriend ko at doon na nagsimula lahat."
"Akala ko pag-alala lang ang naramdaman ko para sa kanya ngunit hindi pala kasi na-realize ko nalang isang araw na mahal ko na pala siya. Handa na sana akong sabihin sakanya ang lahat ng yun ngunit hindi natuloy. One time na pumunta ako sa condo niya. I thought they're doing intimate with a guy who's happen to be her friend. I heard their voices from where I am. Gulong gulo ako. Litong lito kaya nakagawa ako ng isang maling desisyon," kwento ko pa sakanya.
Nakita ko siyang bahagyang nagulat at sa di inaasahan bigla kong nakita si Sasha sa katayuan niya.
Nakita kong may kumawalang butil ng luha sa mga mata niya.
"You jerk! You should have confirmed what were you thinking nang hindi ka nagpadalos-dalos ng desisyon" aniya.
And in just a blink of an eye she slapped me and run hurriedly without saying anything or apologizing to me.
But I guess I deserved the slap she gave to me.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (243)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Thank you for your wonderful story, Author!
05/09/2023
0maganda mag basa Ng mga kwento
19d
0Dano
25d
0View All