Homepage/The Accidental Girlfriend/
CHAPTER 9
SIERRA'S POV
Sobrang lutang ko still I can't get over what happened yesterday and speaking of yesterday kailangan ko nga palang patayin si Juri at ang baklang si Louis dahil sa pagkakapahamak ko kahapon.
"Hoy! Sasha nakita mo ba ang nakakalat na posters?" tanong ni Ione.
Napaangat naman ako ng kilay ko. Tss mukhang nahawa na ako ni Aubrey ah!.
"Wala. Ano ba yun?" tanong ko.
"Gaga. Sino, hindi Ano!" ani ni Sarah na kakadating lang.
"Oh eh sino?"
"Si Maria Hannah Samaniego," si Aubrey.
Para naman akong binuhusan ng tubig sa narinig ko.
"Oh eh ano naman ngayon?" nauutal na tanong ko.
"Eeehhhh ang ganda niya eh sobra!" ani ni Sarah
"Oo, ako nga eh hindi ko inakalang tao pa ba siya" si Ione naman na parang timang sa pagkakatulala. Kulang nalang eh humugis puso ang mga mata nito.
"At ito pa... Kyaaaahhh engage pa siya sa isang kilalang business tycoon na kasosyo ng mga Montefalco na si Gray Timothy Salvador," ani ni Aubrey.
Napatutok nang mabuti ang atensyon ko sa kanila dahil mukhang makakakalap ako ng impormasyon sa pagiging chismosa nila.
"Oo, tsaka ang ganda din kaya ni Mia Kahel Salvador manang mana sa kuya niya," ani ni Ione.
"Mia?" tanong ko.
Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang lintang kapit ng kapit kay Steve.
"Oo, alam mo bang usap usapan na ipupull out na ng mga Salvador ang invest ment nila sa mga Montefalco dahil sa hindi pagtatanggap ni Sebastian Steve sa arrange marriage na inaalok ng mga Salvador," si Sarah.
"Ano?!"
Napatingin silang lahat sa akin dahil sa biglaan kong pagsigaw.
"Ah hehehe ibig kong sabihin bakit naman?" tanong ko.
Wala nanaman kaming klase ngayon dahil sa urgent meeting daw ng mga admins ng paaralan. Isusumbong ko na talaga sila sa Ched nito. Palagi nalang walang pasok.
"Ewan, di ko pa nga nakikita yang si Sebastian Steve eh," ani ni Aubrey.
"Oo nga kung may picture ba naman ang loko, kung di naka side view nakatalikod naman," tila naiinis na saad ni Sarah.
"Di ba sabi mo Sha, i-ku-kwento mo sa amin kung paano naging kayo ni Mr. Pogi," tila excited na wika ni Aubrey.
Nag-aatubili naman ako kung sasabihin ko ba sa kanila o ano.
"Teka! Teka! Ano bang pangalan ng boyfriend mo?" tanong ni Ione.
Patay na baka pagtawanan ako ng mga loka.
"Eh... Baka di kayo maniwala" bulong ko.
"Huh? Bakit naman?" ani ni Aubrey
"Ah basta!"
"Ay ang damot mo. Di naman namin aagawin yang boyfriend mo Sha," sabi ni Sarah.
Yeah but when you'll hear his name. I'm pretty sure you'll laugh at me
"Promise niyo muna sa akin na hindi niyo ako pagtatawanan?" paninigurado ko pa.
"Pramis!" sabay nilang sabi.
"He's..."
Ting*ting*
Saved by the bell
"Sorry guys better luck next time" sabi ko sabay kindat sa kanila at tumakbo na papuntang parking lot.
Nakita ko naman si manong Jery, ang driver nila Steve. Minsan ko rin kasi siyang nakita sa mansion nila Steve noon eh.
"Oh manong Jery naparito kayo?" tanong ko
"Ah eh Ma'am Sierra sabi po kasi ni Sir Steve na sunduin daw po kayo," tugon nito.
"Ah yun po ba? Bakit naman daw?" tanong ko ulit habang papasok sa kotse.
"Papapuntahin ka daw po niya sa kompanya nila," patuloy ni manong nag makaupo na ako sa backseat
Hindi na lamang ako nagtanong pa eh bagkus tumango na lamang sa kanya.
Inihinto niya ang kotse sa tapat ng condo ko. Teka condo ko??
"Manong nagbibiruan po ba tayo kanina? Ba't di ko alam?" tanong ko sa kanya kasi akala ko sa kompanya nila Steve niya ako dadalhin pero sa condo ko lang pala.
"Po? Hindi po ma'am. Sabi po kasi ni Sir na magpalit kayo ng damit bago tayo pumunta roon."
Napatango ako kasi oo nga naman. Alangan namang pumunta ako sa kompanya nila Steve ng naka I.D at nakajeans lang? So unfashionable.
Umakyat agad ako sa unit ko at mabilis na nagpalit ng damit. Pagkatapos kong magbihis ay agad na kaming pumunta ni manong sa kompanya ni Steve.
Pagpasok ko sa loob sari saring boses ang narinig ko.
"Asan ang polbo."
"ang hot talaga ni sir"
"I-braid mo naman itong buhok ko"
"Aayts parang hihimatayin ako"
Naguluhan naman ako kung ano ang nangyari sa mga employees doon, kanya kanya kasi sila ng paganda at pabango. May nagtanong pa nga kung mabango ba ang hininga nito at ang lokang tinanong naman inamoy talaga ang hininga nito.
At ang malupit pa ay ini-sprayan ng pabango ang bibig niya para daw bumango. Like seriously sino bang pinapagandahan nila?
I cleared my throat to divert their attention to mine.
"What can I do for you?" tanong ng babaeng tinalo pa ang clown sa sobrang kapal ng make up. Pabalang ang tono ng kanyang tanong na siyang hindi ko nagustuhan.
I raised my brow.
"What do you think?" I said
Di ko kasi gusto ang presensya ng babaeng ito sa harapan ko.
"Like miss, I dont know kung paano ka nakapasok dito eh mahigpit naman ang security sa kompanyang ito unless isa kang magnanakaw," she said that made my brow raised higher.
Tinalo ko na ata si Aubrey sa taas ng kilay ko ah.
"Really, do I look like a thief? Look at you, masiyadong makapal ang make-up mo baka nakalimutan mong sa kompanya ng mga raw materials ka nagta-trabaho?. Anyway I didn't come here to argue with you because I'm here to ask one of you to lead me to Mr. Steve Sebastian Montefalco's office," I said while using my british accent.
Nagulat siya but then again rumehistro sa mukha nito ang isang mapang-uyam na mukha.
"Oh so you're one of Sir Sebastian's fan huh?" she said.
I was eager to slapped her clown face but I compose my self and flash my very very sweet smile that will make everyone die for not having it.
"Really? Is that what you think? Well I'll tell you this..."
Lumapit ako sa kanya at bumulong, "I'm his GIRLFRIEND"
Nanlaki ang kanyang mata at maya-maya lang ay tumawa ito ng tumawa na kulang nalang ay humiga siya sa sahig katatawa.
Is she lunatic?
"Malala ka na girl," ani nito nang mahimasmasan ngunit nakapaskil parin ang ngising mapang uyam sa kanyang mukha. Pero agad din kaming napalingon sa likod nang may tumikhim at tumahimik ang lahat.
"Wife what took you so long?" inis na wika ni Steve na nakakunot noo at hinawakan ang baraso ko.
Teka kasasabi ko lang kanina na boyfriend ko siya tapos ngayon asawa na? Kaloka baka mas lalong aakalain ng empleyado niyang may saltik talaga ako.
Napatingin naman ako sa babaeng kaharap ko pero hindi ito makagalaw. HEH! Mabuti yan at matakot ka sa inasta mo.
"Did you hurt my wife?! " galit na tanong ni Steve sa babae nang makitang nakatingin ako sa kanya.
"N-no s-sir di ko kasi alam na..." pagpapaliwanag nito habang nanginginig.
I held Steve's hand.
"She didn't hurt me baby but..."
Agad nanlaki ang mata ng babae at nagmamakaawang tiningnan ako.
"But what? Tell me baby if she did hurt you because I'll swear I'll fire her as soon as possible. NO ONE IS ALLOWED TO HURT MY WIFE OR ELSE YOU'LL FACE HELL!" galit niyang sigaw sa mga empleyado niya.
Ano bang pinagsasabi nito? May mukha ba ang hell ??
"But I'm hungry baby,"
Nakahinga naman ng maluwag ang clown. Tss you owe me one bitch.
"Are you sure?" pagsisigurado niya.
I nodded my head in response.
"Okay." He held my hand and then we walked papuntang parking lot.
STEVE'S POV
Pagkatapos namin kumain ni Sasha ay agad din kaming bumalik sa kompanya ko.
I want to tour her in my office and it is the very first time that I brought a girl along with me here sa office. I didn't even let Mia to enter in my office kaya nakakapagtakang nagdala ako ng babae dito. Well, hindi rin naman siya basta bastang babae ko lang. She is my girlfriend.
As we headed to my office ay hindi ko inaasahang nandoon pala si Gray.
"Yow Stev- Oh... my dala ka palang magandang dilag," nabigla man ay nagawa pa rin nitong mang-asar nang makita niyang may kasama akong babae.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong nainis sa mukha ni Abo.
"Get out now, Salvador!!" madiing bulyaw ko na agad din naman niyang sinunod.
"Okay, easy ka lang bespren," nakangising sagot nito habang nakataas ang dalawang kamay bago tumalikod at lumabas sa opisina.
Napabuntong hininga ako nang makaalis si Abo.
Mapapatay ko talaga yun kung hindi siya umalis.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (243)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Thank you for your wonderful story, Author!
05/09/2023
0maganda mag basa Ng mga kwento
21d
0Dano
26d
0View All