Homepage/Where You Can Find Peace/
40: Bond
Nang pumatak ang alas-tres, bumalik na ako sa room. Kakatapos lang ng minor subject ko kaya pwede na ako umuwi, pero dumaan muna ako sa room dahil may naiwan akong notebook. Nadatnan ko naman ang mga blockmates ko na nasa room pa.
"Oo nga pala guys. Birthday ko bukas, baka gusto niyo pumunta sa bahay. May kaunting handaan, napapunta kayo nila nanay."
Agad namang nagdiwang ang mga ka-block mates namin. May nag sisisigaw pa ng 'inuman'. Natawa naman akong pinapa-nood sila habang ang nag-yaya ay nakatakip ang tenga sa unahan.
"Anong meron?"
Biglang umupo si Mike sa tabi ko. Kakatapos lang din ng minor subject niya. Bigla ko na naman na alala 'yung kahapon.
"Huy!"
He snapped his fingers in front of my face. Natulala pala ako.
"Inanyayahan tayo ni Cris sa bahay nila bukas daw, birthday niya."
Tumango-tango naman siya at humarap na kay Cris.
"Pero malayo kasi 'yung bahay namin, tapos mahirap ang dadaanan. Okay lang sa inyo?"
Parang nahihiya pa siya sa mga sinabi niya. Pero nabuhayan siya ng loob ng magsigawan ang mga lalaki ng 'wala kaming pake, basta may alak.'
"Mga maglalasing."
Sigaw ni Mike sa kanila at tumawa naman ang mga ito.
"Ken, sasama ka ba?"
Tanong sa akin ni Cris. Nag-chant naman sila ng 'sasama'. Sa sobrang lakas. Binato naman sila ng papel ni Mike kaya natahimik sila.
"Sasama ako."
Parang fiesta at biglang nag-diwang ang mga lalaki.
"Sigurado ka? mahirap talaga ang dadaanan. Kaya mo?"
May halong pag-aalala ang tanong sa akin ni Roxie. She's Cris' best friend so she must have had a first hand experience of going to Cris' house.
"Okay lang."
Muling nagdiwang ang lahat na para bang sasama sa kanila ang presidente ng pilipinas.
After nang pagpaplano, nagsi-uwian na kami. Nakita ko namang nasa may pinto si Aice, naghihintay sa akin. Muntik ko na makalimutan na sabay nga pala ang tapos ng klase namin tuwing biyernes.
"Ang sigla ng klase niyo ah."
Bungad niya sa amin. Nag tuloy-tuloy na ang lakad namin ng makalabas kami, hindi na kami huminto pa sa harap ni Aice.
"Nag-aya si Cris sa bahay nila bukas, excited silang uminom."
Sagot ni Mike sa tanong niya habang tuloy na lumalakad kami pababa ng building.
"Oh? sama ako?"
Napatingin naman kami sa kaniya.
"Epal ka, engineering student ka?"
Pang-aasar ni Mike sa kaniya.
"Bakit? Lahat ng engineering student imbitado?"
Pilosopong sagot ni Aice, natahimik bigla si Mike kaya natawa siya.
"Hindi ba't may lakad kayong pamilya bukas?"
Nagpa-alam kasi sa akin si tita Lizzy bago pa sila pumunta ng Zambales. Seven days daw and day off ni kuya Raze sa trabaho kaya gusto nila mag bonding bukas.
"Ayoko nga sumama e, kasama si kuya."
Medyo inis niyang sabi pero hindi nakawala sa'kin ang katotohanang tinawag niyang kuya ang kapatid niya.
"Naks! Kinu-kuya mo na si kuya Raze ha."
Asar ko sa kaniya at sinagi ang balikat ko sa braso niya. Lalo naman siyang sumimangot kaya natawa ako. Ayaw pa aminin e.
"Hindi mo na kailangan sumama, day off niyong pamilya bukas. Para mas maging okay na kayo ng kapatid mo,"
Hindi na siya nag-salita dahil mukhang gets niya na na wala siyang magagawa. Malapit na kami sa parking ng biglang sumulpot ang secretary ng student council sa harapan namin.
"Aice pinapatawag ka na. Mag sisimula na yung meeting."
She gave me a side eye that immediately made my eyebrow raise.
"Ihahatid ko lang si Ken sa sasakyan."
Sabi niya pero pinigilan ko siya.
"Huwag na Aice, mas kailangan ka do'n."
Napatingin sa akin si Aice kaya hindi niya napapansin ang masamang titig ng secretary niya sa akin.
Anong problema nito? Ilang babae ang magkaka-away ko dahil kay Aice? Nasobrahan naman sa pagka-heartthrob 'tong lalaking 'to.
"Andiyan lang naman okay lang."
Tinuro niya pa ang parking na kita na sa kinatatayuan namin.
"Kaya nga, andiyan lang naman. Kaya ko na. Okay? Andito naman si Mike. Una na kami."
Hindi ko na siya hinintay na mag salita pa at hinila na si Mike para makaalis kami. I first gave the secretary a meaningful look.
Akala mo naman kung sino siya. Chaka mo te. Mas maganda pa jowa niyan kesa sa'yo!
Alas-kwatro ng makadating ako sa bahay, wala pa pala si Ren at malamang ay nasa school pa. Nagpalit lang ako ng pambahay at umidlip para makapagpahinga.
Nagising ko mula sa akala ko'y ilang minuto lang na tulog, pero pag-tingin ko sa cellphone ko ay alas-otso na ng gabi. Ni hindi ako nakaramdam ng gutom.
I turned on my wifi at agad nag pop-up ang sandamakmak na messages mula sa mga blockmates ko.
Magkikita na lang daw kaming lahat sa plaza. Naipaliwanag na din sa amin ni Cris na ilang ilog daw ang dadaanan at mahabang lakaran ang mangyayare bago kami makarating sa bahay nila. Nagtype naman ako ng sagot sa tanong nila na kung ano daw ang ireregalo namin kay Cris.
Ken: Sagot ko na alak, mga maglalasing.
Agad namang nakatanggap ng heart react ang message ko. Sinabayan pa ng sunod-sunod na chat mula sa mga lalaki kong blockmates.
Napapa-iling ako habang natatawa akong lumabas ng kwarto.
"Good evening, ate!"
Bati sa akin ng kapatid ko.
"Kumain ka na?"
Tanong ko sa kaniya.
"Hindi pa, hinintay kita eh. Tara kain na tayo."
Tumayo siya mula sa sofa at umakbay sa akin para sabay kaming makapunta sa dining. Pinaghanda naman kami ng makakain ni tita Lizzy.
Habang kumakain ay nagpaalam na rin ako sa kaniya na wala ako bukas. Siyempre, pumayag siya wala naman siyang magagawa eh.
Matapos ang hapunan ay umakyat na akong muli sa kwarto ko para paghandaan ang kasiyahan bukas. Inaantok na rin kasi ang kapatid ko kakahintay sa akin kanina.
Tatlong damit at shorts ang dadalhin ko bukas in case na ilang beses kaming mababasa. Matapos kong mag-handa ng mga gamit ko, naka receive ako ng message mula kay Aice.
Aice: Hi!
Ken: Shift mo pa 'di ba?
Aice: Saglit lang naman. Just checking on you. Wala ka kanina noong nagpunta ako sa bahay ninyo.
Ken: I fell asleep. Anong oras na rin ako nagising.
Aice: Mabuti at nakapag-pahinga ka. Alright, babalik na ako sa trabaho. Goodnight.
Ken: Ok
Patapon kong inilagay ang cellphone ko sa gilid ng kama. Kung walang jowa si Aice, panigurado tatanggapin ko na talaga sa sarili ko na may gusto siya sa'kin. But then again, he's probably just doing that as part of his job.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Marahil ay nakulangan sa tulog kanina kaya naging tuloy-tuloy na ang tulog ko.
Kinabukasan, ala-sais ay gising na ako dahil alas-siyete ang oras ng kita namin sa plaza. Susunduin daw kami ni cris gamit ang jeep ng papa niya.
Naligo lang ako at nag-lagay na agad ng sunblock. I just wore a crop top undershirt, pinatungan ko ng botton down polo na ibinigay ni Aice and then maong shorts. Hindi na ako magsa-sapatos dahil may tatawirin kaming ilog.
Habang nasa biyahe ay chineck ko ang group chat namin. Halos lahat kami ay papunta pa lang. Habang binabasa ang mga chat nila ay nag private message si Aice.
Aice: San ka na?
Ken: Jeep
Aice: Nasa dulo ka ba?
Ken: Yes? Why?
Aice: Good.
Napakunot ang noo ko at bahagyang natawa dahil sa sinabi niya, parang siraulo.
"Hi, Ken!"
Bati nila sa akin ng marating ko ang plaza.
"May hinintay pa tayo?"
Tanong ko kay Cris.
"Meron pa... Oh! Mike!"
Napatingin ako sa likod ng tawagin niya si mike. Naglalakad siya habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa.
"Pogi ni Mike 'no? Bagay kayo!"
Napatingin ako bigla kay Cris na bumulong sa'kin.
"Hindi naman kami."
Sabi ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin na parang hindi siya naniniwala.
"Hi, miss ma'am."
Ako ang unang binati niya. Umakbay pa siya sa akin bago batiin ang mga blockmates namin. Napatingin ako kay Cris na halatang nang-aasar.
Ngayon alam ko na kung bakit iniisip nila na kami ni Mike. Clingy kasi ng lalaking 'to eh! Feeling boyfriend.
Habang hinihintay ang iba namili na ako nang mga dadalhin naming alak. Ayaw kasi nila akong tantanan akala mo naman mamamatay sila nang walang alak.
"Sa'kin ka na sumakay."
Sabi sa'kin ni Mike.
"Kabayo ka ba? Bakit sa'yo ako sasakay?"
Nasapo niya ang kamay niya sa noo niya. Natawa ang mga blockmates namin sa sinabi ko.
"Ang ibig kong sabihin, sa kotse ko. May dala akong sasakyan."
Parang disappointed ang tono ng pananalita niya kaya napahawak ako sa dibdib ko. Agad niya naman akong inakbayan para manuyo.
"Kaya ba ng sasakyan mo Mike? Malubak ang daan papunta sa amin."
Nag-alala naman bigla si Cris. Humawak naman sa baywang si Mike at tila nagyayabang.
"Kayang-kaya. Adventure car 'yung dala ko!"
"Sige, ikaw bahala. Ilan kayang isakay ng sasakyan mo?"
Napaisip si Mike.
"Mga tatlo, kaya pa. Sino gusto sumama?"
Parang batang tinanong niya ang mga kasama namin. Tatlong lalaki naman ang nagtaas ng kamay. Tumuloy na kami kung saan naka-park ang kotse ni Mike at sakto naman na doon din ang jeep ng papa ni Cris. Doon sa may expo.
"Toyota 4runner."
Banggit ko ng makita ang kotse.
"Wow, alam mo? May ganiyan ka?"
"Wala. Pinsan ko meron."
Hindi ko na sila hinintay at pumasok sa sasakyan. Sa shotgun seat ako siyempre. Hindi din nagtagal ay umalis na kami sa bayan ng boac at nag travel na papunta sa barangay nila Cris. Sinusundan lang namin ang jeep nila dahil hindi din alam ni mike ang daan.
Tahimik kaming lahat, kaya naisipan kong matulog na lang. Nagising lang ako ng maramdaman kong lubak lubak na ang dinadaanan namin.
"Oh! Good morning, your highness. Sarap ng tulog mo ah. Natulog ka ba kagabi?"
Bati sa akin ni Mike habang nasa harapan pa rin ang tingin. Hindi ko siya pinansin dahil ina-adjust ko pa ang sarili ko, lalo na ang isip ko.
"Dito na yata tayo."
Sabi niya ng tumigil ang jeep sa harapan namin. Bumaba si Cris at lumapit sa bintana sa banda ni Mike.
"Huwag muna kayo bumaba. Kaya ba ng kotse mo tumawid diyan sa ilog? Hindi naman masiyadong malalim 'yan,"
Tanong ni Cris kay Mike.
"Kaya 'yan!"
Mayabang na banggit ni Mike. Umirap na lang ako at tumingin sa paligid. Ang aliwalas tignan dahil mahawan ang tabi ng ilog, puro puno pa ang paligid. Umandar na rin ang jeep sa unahan kaya sumunod ulit si Mike. Katulad nga ng sabi niya hindi naman nahirapan ang kotse niyang tumawid ng ilog. Nang makatawid nakita namin na tumuturo ang mga nasa jeep papunta sa kanan. They are also mouting 'park'. Kaya pinark ni mike sa kanan ng jeep ang kotse niya.
"Pagod na ang kalaban natin ngayon."
Sigaw ni Cris nang makababa kaming lahat. Nagsimula na kaming maglakad para raw hindi kami abutan ng init ng araw. Matapos ang ilang minutong lakad, mayroon na namang ilog na kailangan naming tawirin.
"Hawak ka sa'kin, baka maanod ka."
Bulong ni Mike sa akin. Hinampas ko naman siya.
"Anong akala mo sa'kin, plastic?"
Natawa ang iba sa mga blockmates namin dahil sa asaran naming dalawa ni Mike.
Matapos ang pangalawang ilog, naglakad na naman kami para marating ang mismong barangay. Sobrang simple lang ng pamumuhay nila dito. Pati ang mga bahay ay simple lang. Tumigil kami at nagpahinga sa maliit na court nila.
"Oh, tubig."
Inabutan ako ng Mike ng tubig na binili niya sa tindahan sa gilid. Hindi na ako tumanggi kahit bukas na at nainuman niya na dahil uhaw na talaga ako.
"Okay, isang ilog pa."
Sabi ni Cris at nagpa-una ng maglakad.
Tumabi sa kanan ko si Mike. Ilang sandali lang naman ang nilakad namin at hindi naman malakas ang tubig ng ilog kaya nakatawid kami agad.
"Malapit na tayo."
Sabi niya ulit at hindi nga nagtagal ay nakita na namin ang bahay niya. Mayroon ng mga bangko at lamesa na nakahanda sa labas ng bahay. May video oke pa.
Na-upo agad kami para makapag-pahinga. Ang ganda ng location ng bahay nila. Puro puno ang paligid, ang aliwalas.
"Nay, mga classmates ko po."
Ipinakilala kami ni Cris sa nanay niya.
"Nako, pasensya na kayo ha. Ang hirap ng daan papunta dito sa bahay. Sige na at kumain na kayo. Neng, paghandaan mo na mga kaibigan mo."
Inilabas nila ang isang mahabang lamesa at doon inilagay lahat ng mga pagkain. Wala naman kaming sinayang na oras at kumain na. Matapos ang kainan, nagpaparinig na ang mga kaklase kong lalaki na inuman na daw.
"Grabe kayo, hindi makapag-hintay?"
Pinagalitan sila ni Aireen, blockmate namin. At dahil hindi sila mapigilan, naghanda na si Cris para sa inuman. Pinag-dikit dikit din namin ang mga lamesa para isang malaki lang ang gamit. Binuksan din ang video oke para sa amin. At dahil madami kami, tatlong alak ang binuksan para madali naming maubos. Kumakanta kaming lahat habang umiinom.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (69)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
oo dahil siya ang author
11/08
0muito bom
17/07
0Ang gandaaa
13/07
0View All