Homepage/Where You Can Find Peace/
50: Realisation
"Oh my gosh, I can't believe ilang buwan na lang graduate na kayo."
Mahigit dalawang buwan na ang nakalipas matapos ang Christmas break. Masiyado na kaming busy nang makabalik sa school dahil graduating na nga kami.
At nitong mga nakaraang dalawang buwan, napapansin ko ang pagbabago nang tingin ko kay Mike. Simula noong nagkita kami sa Manila, halos hindi ko na makontrol ang puso ko kapag kasama ko siya.
At alam ko kung ano ang ibig sabihin nito.
"OA mo, may dalawang buwan pa sila."
Pambabara ni Clark sa excitement ni Tasha.
"Kaya nga sabi ko ilang buwan 'di ba!? Tsaka alam mo ba kung gaano kabilis tumakbo ang oras?"
May point naman siya, hindi ko nga lubos akalain na mag-iisang taon na ako rito.
"Ken, after graduation, balik manila ka na 'no?"
Biglang tanong ni Tasha sa'kin.
"Oo, kailangan eh. Kayo ba, ano plano niyo after graduation?"
"May isang taon pa kami nila Aice, Tasha at Clark,"
Sagot ni Adrian. Oo nga pala, 5 years ang mga course nila.
"Ikaw Mike?"
Tanong ko sa kasabay ko gagraduate.
"Ako, mag te-take agad ako ng board exam tapos sa inyo ako magtatrabaho."
Humarap siya sa'kin.
"Papahirapan kita,"
Tumawa ako ng nakakaasar.
"Okay lang, ipagkakalat ko na may crush ka sa'kin."
Hinampas ko siya balikat dahil sa sinabi niya. Parang tanga kasi.
"Nagugutom ako. Bili tayong pagkain."
Anyaya ni Mike.
"Kayo na lang bumili tinatamad ako."
Inabutan ko siya nang pera at sinabi kung ano ang gusto ko. Gano'n din naman si Tasha at kay Adrian naman nagpasuyo.
Habang naglalakad ang mga boys paalis, napatingin ako kay Aice at naalala bigla ang relasyon niya noon kay Tasha.
"Tasha, naka-move on ka na?"
Naibuga niya ang tubig sa bibig dahil sa biglang tanong ko.
"Grabe naman, Ken. Sobrang out of nowhere naman ang tanong mo."
Sabi niya habang nagpupunas ng bibig.
"Mukha bang mabilis ako mag-move on? Tinitiis ko na nga lang eh, kasi lagi ko nakikita."
"Oh, bakit galit ka? Nagtatanong lang naman."
Sigaw agad eh.
"Bakit? Nag-confess na sa'yo?"
"Ha? Sino? Si Aice? Hindi!"
Pagtanggi ko na nagpangiti sa kaniya ng nakakaloko.
"Huwag mo na itanggi, sis. Alam ko na, noon pa."
"Alam na ano?"
Pagsisiguradong tanong ko. Baka mamaya magkaiba kami ng alam, mabuking pa ako.
"Na may gusto sa'yo si Aice."
Napatingin ako sa kaniya.
"O 'di ba? Tama na naman ako."
Hindi ako nakasagot. Hindi ko naman alam na alam niya pala.
"Alam mo, bago pa kita makilala doon sa plaza, kilala na kita. Naikwento ka na sa'kin ni Aice."
Bigla naman ako na-curious sa kung ano ang sinabi ni Aice sa kaniya tungkol sa'kin.
"Noon inoffer ko kay Aice 'yung role niya as my boyfriend, isa lang ang pakiusap niya. At 'yun ay kapag dumating ang babaeng gusto niya, pakawalan ko siya at hayaan siya sa kung anong gusto niyang gawin."
So, Aice do like me. In fact, he liked me for years.
"Kaya noong dumating ka, expected ko na na matatapos na rin kami, kaso hindi. Sabi sa'kin ni Aice hindi ka pa raw kasi nakaka-move on sa ex mo, which is si Axton."
Wala akong masabi. Hindi ko alam na ganon na pala talaga katagal na may nararamdaman sa'kin si Aice.
"It must've been painful for him,"
Napatingin na naman ako kay Tasha.
"He waited for you, and when you came home, you're still not over your ex. So, he waited more. But now that you've moved on, you're also gradually liking someone else."
"I don't like, Mike!"
Pagtanggi ko agad. Tumawa siya ng mahina.
"Wala naman akong sinabi na pangalan."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Lumakas naman ang tawa niya.
Nakakahiya. Buking.
"Do you really not? At this point Ken, bulag na lang ang maloloko niyo na wala kayong gusto sa isa't-isa."
Sino nga ba ang niloloko ko? Alam ko na rin sa sarili ko at kaya ko na rin aminin na may nararamdaman na talaga ako para kay Mike.
Siguro pakiramdam ko hindi pwede dahil kay Axton, pero katulad nga ng sabi ko, gusto ko maranasan magmahal ulit. Sa sobrang sarap ng pinaramdam sa'kin ni Axton, hinahanap-hanap ko na.
Natapos ang usapan namin nang dumating ang mga lalaki. Bumalik na rin kami sa kaniya kaniya naming klase matapos ang break.
Simula noong tinanggap ko sa sarili ko na may gusto ako kay Mike. At matapos sabihin ni Tasha na halatang-halata ako, mas naging ilang ako kay Mike. At mas naging conscious ako kapag kasama ko siya.
"Good morning,"
Bati sa'kin ni Mike matapos naming magkasabay sa parking.
"Good morning."
Mahinang bati ko. Sa tuwing makikita ko kasi siya, naaalala ko lahat ng sinabi sa'kin ni Tasha. Ilang linggo na rin ang lumipas simula noon, at ilang linggo na rin na para akong tanga na laging hindi mapakali kapag kasama si Mike.
"Bakit mo ako iniiwasan?"
Napatingin ako sa kaniya.
"Hindi kita iniiwasan."
Pagtanggi ko dahil hindi naman talaga.
"Iniiwasan mo 'ko. Kapag magkakasama tayo, hindi ka na tumatabi sa'kin. Iniiwasan mo na rin tingnan ako. Minsan nga hindi mo pa ako kinakausap eh."
Hindi ko alam na ganon pala ang ginagawa ko. Hindi ko namamalayan na iniiwasan ko pala siya. That's why I'm surprised that he even noticed.
"I didn't intend to, I'm sorry."
"It's okay, at least alam ko hindi ka galit sa'kin."
Parang gusto ko ibalibag ang braso niya nang akbayan niya ako, pero baka sabihin na naman niya iniiwasan ko siya.
"Huwag mo na ako iiwasan, please. Ayoko ng gano'n."
Napatingin ako sa sobrang seryoso ng boses niya. Hindi siya nakatingin sa'kin at deretso lang ang tingin sa dinadaanan namin.
"I won't."
"Promise?"
Yumuko siya at tinapat ang mukha niya sa mukha ko.
"Kailangan pa ba no'n?"
"Kailangan,"
He offered me his pinky finger, tinatamad na kinuha ko 'yun at nag-promise sa kaniya.
Parang bata.
Hindi na kami masiyado nakapag-usap pa dahil nag-focus na kami sa pag-aaral. Ang mga nagiging usapan na lang namin is about sa acads. Medyo stressful na ang mga sumunod na linggo, dahil malapit na grumaduate. May thesis and everything pa na kailangan tapusin. Partner naman kami, kaya hindi naging mahirap sa'min ang gumawa.
"Saan natin tatapusin ang thesis natin?"
Tanong ko sa kaniya.
Patapos na ang buwan at gusto na namin ito ipasa na mas maaga sa date na ibinigay ng prof. namin, para ma proof read na agad at ma revise kapag may mga errors.
"Sa Saturday na lang. Sa bahay na lang tayo."
Suggestion niya. Nag-okay naman ako bago kami maghiwalay ng landas, magkaiba na kasi ang class namin. Sa building nila Aice ang next class ko.
Paakyat pa lang ng hagdan, dinig ko na ang ingay ng mga Archi students. Mukhang walang mga klase. May nakakasabay na rin ako na kasama ko sa class na ite-take ko.
Nang mapadaan sa room nila Aice, nakita ko siya na nag gi-gitara habang ang mga classmates niya ang kumakanta. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang isa pang sinabi ni Tasha noong araw na 'yun.
Sa totoo lang, matapos niyang mag-confess at matapos kong marinig ang sinabi ni Tasha, naging awkward na ako kay Aice. Sa kaniya talaga ako umiiwas. Pakiramdam ko kasi mas lalo siyang maaattach sa'kin kung magiging close pa rin kami, at ayoko mangyare 'yun. Ayoko paasahin siya sa wala. Ayoko mag-commit siya sa'kin at hindi makatanggap ng equal na affection.
Bakit kasi ako pa ang nagustuhan mong lalaki ka?
Bahagyang nanlaki ang mata ko ng bigla siyang tumingin sa labas at nagtama ang mata namin.
Binitawan niya agad ang gitara kahit hindi pa tapos ang kanta at lumabas para lumapit sa'kin.
Hindi ako aalis, lalong awkward 'yun. Baka mapahiya pa siya.
"Do you need anythig from me?"
"No, napadaan lang."
Tarantang sagot ko.
Napadaan? Kanina pa ako nakatayo dito.
"Ah, sa kabila 'yung klase mo?"
Turo niya sa kabilang room na katabi ng room nila.
"Oo, una na ako."
Kanina pa ako nakaharang sa daan, hindi manlang naisip kung nagsisimula na ba ang klase.
Nang makapasok sa room, tsaka ko lang narealize na sobrang bilis pala ng tibok ng puso ko.
Bakit?Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (69)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
oo dahil siya ang author
11/08
0muito bom
17/07
0Ang gandaaa
13/07
0View All