42: Sick

"Hi babe!"
Axton's beautiful smile greeted me after a very bright walk. I ran towards him and hugged him tightly. 
I missed him so much. 
"Hi there, baby. I missed you!" 
He whispered gently to my ears. His voice is like a lullaby to me. I cried about how soothing it is. 
"You came back, babe. You came back for me?" 
I looked up to him. He's way taller than I am. His face suddenly became sad. 
"No, babe. I'm sorry. I was just visiting you." 
My grip on him became loose. I started panicking. I tried holding him tighter, but I didn't have the strength to do so.
"I'm going now, babe. I love you!" 
He suddenly flew to the moon. Red flares started emitting from his body. While he was still smiling at me. 
"No, babe. Don't. Don't leave me again. Please. Don't go beyond the moon yet." 
I tried reaching for him, but I was suddenly under water.
I can't breathe. I can't move my body. 
"NO!" 
I took a really deep breath. I looked around me and I was back in my room. 
So it was a dream? 
"Hey, hey. It's fine." 
Napatingin ako kay Aice na nasa kama ko. Bigla kong naramdaman ang hilo kaya unti-unti akong nahiga ulit, inalalayan naman ako ni Aice.
"Ate!" 
Lumapit naman sa kanan ko si Ren at humawak sa kamay ko.
"Sorry, hindi raw makakapunta si kuya!" 
Parang maiiyak na naman siya kaya hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.
"It's 10 in the evening. You slept for 5 hours. Gusto mo kumain? Para makainom ka rin ng gamot."
Mabagal akong tumango sa kaniya. Nag-presinta naman si Ren na siya na daw ang kukuha kaya si aice ulit ang naiwan sa akin. 
"Sorry... for disturbing you!" 
I told him. He caressed my hair using his left hand while his right hand was holding mine. 
"Never kang magiging istorbo sa'kin. Never!" 
He leaned down and gave me a kiss on my forehead. But before he sat straight, tinitigan niya muna ako sa mata. Agad ko namang itinulak ang mukha niya papalayo sa akin.
"Tasha." 
Parang nagulat pa siya dahil sa sinabi ko. I don't know why, but I suddenly felt mad at him for doing that, ako ang nasaktan para kay Tasha.
Alam ko kasi na kung ako ang nasa posisyon niya, siguradong hindi ko magugustuhan ang ginawa niya. At sigurado akong magaglit ako. 
"Sorry." 
He looked down. I can see how he clenched both his fists. 
Bakit parang siya pa galit?
Dumating na ang kapatid ko na may dalang pagkain kaya lumabas na si Aice. Si Ren din ang nagpa-inom sa akin ng gamot. Pinatulog kona din siya sa kabilang kwarto matapos kong kumain, ayokong maistorbo pa ang kapatid ko.
"Dito ako matutulog." 
Biglang pumasok si Aice sa kwarto ko. 
"Hindi ako tatabi sa'yo. Diyan ako sa sahig." 
Sabi niya ng makita niya ang naging reaksyon ko. Tumingin naman ako sa kanan ng kama at mayroong naka-latag na higaan doon. 
"Dito ako natulog kanina. Sige na, matulog ka na." 
Inalalayan niya akong humiga at ikinumot pa sa akin ang blanket ko. Hindi na ako nagsalita pa at natulog na dahil masama padin ang pakiramdam ko. 
The next day, medyo hindi pa rin okay ang pakiramdam ko kaya hindi pa ako umalis sa kama ko.
Ren and Aice continued taking care of me the whole day, pinag-day off daw ni kuya si aice para may katulong si ren sa pag-aalaga sa'kin.
Nang dumating ang lunes, medyo maayos na ang pakiramdam ko pero hindi pa rin ako umalis sa kwarto noong umaga. Nagpahinga ako para sigurado, ayoko kasing biglain ang sarili ko at baka mabinat pa. Mahirap na, baka lalong mapagod ang mga nagaalaga sa akin.
It was already nighttime when I woke up after my nap, wala na si Aice at si Ren sa kwarto. Maayos na rin ang kwarto ko, ang mga ginamit nila sa pag-alaga sa akin ay wala na.
Unti-unti akong tumayo at pumasok sa banyo, gusto ko na kasi maglinis dahil ang lagkit na ng pakiramdam ko. Matapos kong maglinis ng katawan at magpalit ng damit ay bumaba na ako para sana kumain. 
"Hindi pa ba pwedeng gisingin si Ken?" 
Nadidinig ko ang boses ni Mike.
"May sakit 'yung tao, Mike. Hayaan mo magpahinga." 
Pati boses ni Tasha ay nadidinig ko. At tama nga ang hinala ko, bumungad silang lahat sa akin pagkababa ko ng hagdan.
Nasa living room sila Tasha at Mike. Sila Adrian, Clark at Aice ay kasama rin nila, pero nasa kusina at nagluluto. Naka-suot pa sila ng uniform ng resort.
"Uy, ken! Okay ka na ba?" 
Malakas na tanongaiceTasha kaya napatingin sa akin sila Aice. Agad na lumapit sa akin si Mike at inalalayan ako papunta sa single sofa sa living room.
"Kaya ko na. Ano ba ginagawa niyo dito?" 
Tanong ko sa kanila ng maka-upo ako. 
"Binibisita ka malamang."
Naupo si Mike sa dulo ng long couch sa kaliwa ko. Tumabi naman si tasha sa kaniya. Kung wala akong sakit, nakutusan kona siya dahil sa galing niyang sumagot. 
"Ken, okay ka na ba?" 
Lumingon ako sa likod ng tanungin ako ni Aice. Nakita ko naman siyang lumalapit sa amin.
"Okay na, medyo nahihilo pa at masakit pa ang mga sugat, pero okay na." 
Nakangiting sagot ko sa kaniya.
"Ken, sorry. Ngayon lang kami nakadalaw. Ayaw kasi namin maistorbo ka noong mga nakaraang araw." 
Sabi ni Tasha, ngumiti naman ako sa kaniya.
"Okay lang! Ayoko rin namang maistorbo kasi alagain ako noong mga nakaraang araw." 
Sagot ko sa kaniya. Mas okay na talagang hindi sila bumisita, ayokong makita pa nila akong parang lantang gulay. Lalo lang silang mag-aalala.
"At dahil diyan, dito kami matutulog." 
Humalukipkip si Mike sabay sandal sa sofa. Kumot naman ang noo ko.
"Sino may sabi sa'yo?" 
"Nagpaalam kami sa kuya mo 'no. Oo nga pala, ako na bahala sa mga lectures na na-miss mo." 
Magpapasalamat na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng bahay at pumasok ang kapatid ko. 
"Ate, good evening. Okay na pakiramdam mo?" 
Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko.
"Medyo mainit ka pa ah." 
Hinawakan niya ang parehong pisngi ko.
"Sinat na lang 'yan. Okay na ako." 
Tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko.
"Kahit na. Buti na lang bumili ako ng koolfever, lagay mo sa noo mo." 
Inilabas niya ang isang box mula sa bag niya at binuksan para maka-kuha ng isa at iabot sa akin. 
"Para naman akong bata niyan. Okay na ako, hindi ko na kailangan niyan." 
Inilayo ko sa akin ang kamay niya. 
"Ilagay mo na." 
Nagulat ako ng sabay sabay na nag-salita sila Tasha, Mike, Ren at Aice. 
"Oo na, ito na. Kailangan talaga sabay sabay kayo? Kailangan gali?" 
Inilagay ko na din sa noo ko, no choice. 
"Kain na tayo! Tara na dito." 
Tawag sa amin ni Clark. 
"Yun sakto, gutom na ako. Tara na ate!" 
Inalalayan ako ni Ren patayo. Pinigilan ko siya dahil kaya ko na naman, pero may lahi yata kaming makulit dahil din siya nagpapigil. 
Puro gulay ang niluto nila, pero hindi ako makapag-reklamo dahil ayokong sayangin ang effort nang tatlong naghanda ng pagkain. Alam ko din naman na ako ang dahilan kung bakit ito ang niluto nila.
Matapos kumain, si Mike at atasha naman ang nagpresintang mag hugas ng pinggan.
Actually, hinila lang ni Tasha si Mike dahil silang dalawa ang hindi tumulong sa paghahanda ng pagkain. Naupo lang ako sa single sofa sa living room dahil nagsasawa na akong humiga.
"Natapos din!" 
Reklamo ni Mike matapos ibagsak ang sarili sa couch. Sa dulo padin siya naka-pwesto sa tabi ko. 
"Hindi naman gano'n karami, napaka-OA mo!" 
Tumabi sa kaliwa niya si Tasha. Tumawa naman si Adrian na nasa kaliwa ni Tasha at si Clark na nakaupo sa arm rest sa kaliwang ni Adrian. 
"Netflix tayo, kuya Aice alis nga diyan." 
Nasa likod ko naman si Ren at nakatayo habang naka-lean sa sandala nh single couch. 
"Bakit ka ba kasi nakatayo riyan?" 
Tanong ko kay Aice na naka-tayo sa tapat ni clark, at nakaharap sa akin. Tabon na tabon niya ang TV dahil sa laki ng katawan niya.
"Nagpapababa ng kinain, mamaya na ako uupo." 
"Edi mamaya wala namang pumipilit sa'yo, umalis ka lang diyan." 
Naiinis na ang kapatid ko, kaya lalo siyang ininis ni Aice. Hindi siya umalis doon at nagpanggap na walang nadinig.
"Kuya Aice, ano ba 'yan eh!" 
Tumayo na ng tuwid si Ren at naiinis na talaga, halatang-halata na sa boses niya kaya natawa kami. 
"Para kang bata." 
Natatawang kumento ni Mike sa pinsan niya. 
"Bata naman talaga ako!" 
"17 ka na, para kang timang!" 
"Bata pa 'yon. Underage." 
"Teen ka na, hindi ka na child." 
"Ang rindi niyong dalawa." 
Pigil ni Tasha sa dalawang mag-pinsan. 
"Magpalit kana, Ren. Naka-uniform ka pa. Kayong tatlo, tapos na ba shift niyo? Maaga pa ah." 
Agad na tumayo sila Clark at Adrian. Si Ren naman ay nadinig kong umakyat na para makapag-palit ng damit. Sunod naman na lumabas 'yung tatlo. Pero tumigil si Aice bago siya tuluyang makalabas. 
"Call me if you need anything." 
He said and completely went out of the house. And that just leaves the three of us.
"Buti pinayagan kayo mag-overnight. May pasok bukas 'di ba?" 
Tanong ko sa dalawang kasama kong masiyadong sinabuhay ang katagang 'feel at home'. Si Tasha ang nag-bukas ng TV at si Mike itinaas pa ang paa sa coffee table. 
"Wala namang kaso sa parents ko, malapit lang naman bahay ko eh." 
Sagot ni Tasha habang naghahanap ng mapapanood. 
"Ako, wapakels din ang parents ko. Kilala ka na eh." 
Si Mike naman ay nagcecellphone. Hinayaan kona lang sila dahil wala naman akong magagawa. At wala rin akong lakas para makipagdaldalan pa sa kanila. We just watched a movie the whole night. After shift, Aice, clark, and adrian joined us.
Kinabukasan hindi pa rin ako pumasok dahil kailangan ko pa daw magpahinga. Nagsi-send naman ng pdf files si Mike sa akin, laman noon ang mga lessons na na-miss ko. Pati nga sa minor subject ko meron siya, hindi ko alam kung paano siya nakakuha ng lessons doon.
Siyempre, wala naman akong klase ng miyerkules kaya nasa bahay lang din ako.
Huwebes na ako pumasok. At walang ibang ginawa sila Cris kung hindi mag-sorry nang mag-sorry, kahit sinabi ko na na okay na ako. May mga sugat pa rin pero okay na.
Ang hindi ko na lang matanggap ay ang hindi pagtawag ni kuya kahit isang beses noong may sakit ako. 

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters