Homepage/Where You Can Find Peace/
39: Feelings
"Pupuntahan ko na 'yung isa. Okay na siguro 'yon 'no?"
Tanong ko sa kaniya. Tumayo naman siya.
"Sige. Aayusin ko rin itong bahay. Ako na rin bahala magsabi kila mama."
Lumabas na ako at pinuntahan si Aice sa tabing dagat. I saw him sitting near the water.
"Can I sit beside you?"
Hindi siya tumingin sa akin at tumango lang. I didn't speak. Ayokong isipin niya na andito lang ako para maki-chismis, well a little, pero ayoko naman makisali sa away pamilya nila.
"You know what's funny? The reason why I hate him so much wasn't because of what he's done. It was because of what he did after that."
He was the first one to speak. Hindi na siguro kaya sarilihin ang sama ng loob.
"After I found out what he did, napaisip ako. He did all that and then came back like nothing happened? Kahit isang sorry wala akong nadinig sa kaniya. Noong nalaman niya na alam ko na, hindi manlang siya nag-paliwanag. Wala. He just kept quiet and did nothing."
Nadinig ko ang mahinang paghikbi niya kaya hinawakan ko ang likod ko para patahanin siya.
"Minsan, kailangan nating magpatawad kahit hindi naman nila hinihingi. Hindi 'yon para sa kanila, para sa atin 'yon. Para sa peace of mind natin."
Wait, bakit ko ba sinasabi 'to? Ako nga mismo hindi magawa 'yun sa sarili ko.
"Sorry, ang kapal ng mukha ko. I'm a hypocrite. Sinasabi ko sa'yo 'yun tapos ako hindi pa nagpapatawad."
I suddenly thought of my mother. Have I forgiven her? No? Then I really am, a hypocrite.
"You're right. I kept on holding on to my anger. Waiting and waiting for him to say the magic word, and I ended up being so hateful and stressed out every time I see him."
Bumuntong hininga siya. Tumitig naman kami pareho sa araw na papalubog na.
"Kuya Raze loves you. Alam kong alam mo. He's trying his best to make amends with you. Please at least try to forgive him. He might not ask for it verbally, but he does show it a lot."
Hindi ko alam kung tama pa bang bigyan ko siya ng payo. Alam ko sa sarili kong hindi ko siya kayang patawarin.
Magkabaliktad kami ni Aice. My mother says it a lot but failed to prove it. While kuya Raze, he may not say it, but he's making an effort.
"Thank you."
He told me without removing his eyes on the sun that was setting.
"For what? Pagpunta rito? Pinaki-usapan lang naman ako."
I honestly said.
"If you weren't there, I would've punched his face back. I didn't want to get violent in front of you, that's why I ran away. But I still ended up shouting at you."
He left not only because he was mad but also because I was there?
"Thank you."
Napatingin siya sa akin.
"For being so considerate of me."
Ngumiti siya at tumingin sa langit.
"Tara na, umuwi ka na. Gabi na."
Siya ang unang tumayo at in-offer sa akin ang kamay niya para tulungan ako tumayo.
"Tinatamad pa akong umuwi."
Imbes na kunin ang kamay niya, humiga ako sa dalampasigan.
"Hahanapin ka ng kapatid mo."
Yumuko siya at kinuha ang braso ko para sapilitan akong itayo.
"Overnight 'yun sa bahay ng kaibigan niya!"
Nagpahila na ako sa kaniya, alam ko namang hindi niya ako lulubayan.
"Gusto mo samahan na kita sa bahay niyo?"
Tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa bahay nila.
"No. May kailangan ka pang ayusin dito, diba?"
Bumuntong hininga siya at tumango. I laughed and tapped his back.
"Kuya Raze?"
Tawag ko sa kapatid niya mula sa labas ng bahay. Ayoko ng pumasok dahil uuwi din naman ako.
"Oh! Uuwi ka na? Hindi ka na lang dito kumain?"
Lumabas siya ng bahay na may suot na apron at nagpupunas ng kamay, mukhang nagluluto na.
"Hindi na kuya. Gusto ko na umuwi eh. Salamat."
Tuluyan siyang lumapit sa akin at yumakap.
"At isa pa, mas kailangan niyong dalawa nang privacy. Malay mo ito na 'yun".
Bulong ko habang nakayakap sa kaniya.
"Oh, sige! Ingat sa pag-drive ha. And thank you."
Binulong niya lang sa akin ang pasasalamat niya. Tinapik ko lang ang likod niya bago ako kumalas sa pagkaka-yakap.
"Una na ako, Aice."
Paalam mo kay Aice.
"Sige. Ingat!"
Si Aice naman ang bahagya lang na yumakap sa akin. Isang braso lang kasi ang gamit niya dahil nakapamulsa ang kaliwang kamay niya.
Hindi na nila ako hinatid hanggang sa kotse dahil kita naman nila ako mula sa kinatatayuan nila. Bumusina lang ako bago ako tuluyang umalis.
It was a crazy experience, Ax. Wow, I never imagined myself fighting with my brother like that. Baka isang sigaw lang ni kuya, umiyak na ko.
Days quickly passed after that. So fast, that all Saint's Day already happened. Nagtirik lang ako ng kandila para kay papa, kay lola at sa mga taong mahahalaga sa akin na wala na sa mundo. My brother asked me to spend the day in manila, but I refused. Hindi ko kaya.
"Grabe, graduating na tayo pero hindi pa rin ako nasasanay sa hirap ng course na pinili natin."
Reklamo ni Mike sa tabi ko. Katatapos lang ng isang quiz namin kaya nagda-drama siya.
"Arte mo, sobrang chill ka nga noong nagsasagot ka eh."
Sabi ko sa kaniya habang inaayos ang mga gamit ko.
"Siyempre, pagpapanggap lang 'yon. Sa loob ko nagwawawala na ako!"
Tumayo na siya at sinukbit ang bag sa balikat niya. Natawa naman ako sa sinabi niya at nagpauna ng lumabas.
"Uuwi ka na?"
Tanong niya ng makababa kami ng building.
"Oo, hindi ko na sila hihintayin. Gusto ko na humiga at magpahinga!"
"Sama ako."
Napatingin ako sa kaniya.
"Ha? Bakit?"
"Wala, tinatamad akong umuwi."
Sumandal siya sa kotse niya at itinaas ang dalawang kilay. Bumuntong hininga nalang ako.
"Bahala ka sa buhay mo!"
Pumasok na ako sa kotse ko at nag-drive pa alis. Sumunod naman siya sa akin gamit din ang sarili niyang sasakyan.
"Hay, buhay!"
Ibinagsak niya ang sarili niya sa sofa pagkadatimg na pagkadating namin. Umakyat naman ako sa taas para makapag-palit ng damit. Hindi ko na siya pinansin dahil alam ko namang kaya niya ng i-entertain ang sarili niya. Napapadalas na siya dito, kulang na nga lang alamin niya na din ang password ng bahay.
"Kakain ka ba?"
Tanong ko sa kaniya matapos kong magpalit ng damit at bumaba sa living room. Busy naman siya sa panonood ng tv, nakataas pa ang paa sa sofa.
"Ano me...ron?"
Napatitig siya sa akin mid question. At tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit?"
Nagtatakang tanong ko.
"Nakasando ka lang talaga?"
Tumingin ako sa sarili ko.
"Oo, bakit may problema?"
"Wala."
Umayos siya ng upo at kumuha ng isang pillowcase at inilagay sa legs niya. Namula at nahiya naman ako ng ma-realize kung anong problema niya.
"Shit!"
Sabay na sabi namin. Tumalikod na ako sa kaniya at pumunta sa kusina. Humarap ako sa counter, at nakatalikod sa kaniya. Balak ko talagang gumawa ng kahit anong meryenda pero masiyado akong nahiya sa nangyare kanina.
Bakit ba ako naiilang? Wala naman akong ginawa? Hindi naman ako 'yung tini... AHHHHHH! Hindi ko kayang sabihin, bwiset.
"Shouldn't you... ummmm... do something about that."
Utal na tanong ko sa kaniya habang nakatalikod padin.
"It's fine. I'm fine. Hindi na kailangan."
Mahina at halatang nahihiya din siya.
"Are you sure? Hindi ba uncomfortable or... masakit?"
Napahawak ako sa bibig ko dahil sa nasabi ko.
"No... no, it's fine!"
Hindi ko alam kung natatawa ba siya, o nahihiya dahil sa tono ng pananalita niya.
Wait, baka naman? Hindi kaya? Ginagawa niya na? Fuuuuuuuck!
Napahawak ako ng mahigpit sa countertop at unti-unting bumaba sa sahig dahil sa naisip ko.
"Tangina, bakit parang mas affected ka kesa sa'kin?"
Nadinig kong malapit na sa akin ang boses niya. Marahil ay nasa bar counter siya sa liko ko.
"Just... take care of it. Ako ang naiilang sa'yo!"
Sigaw ko pero hindi padin binago ang pwesto ko.
"Mawawala rin 'to! Ano ka ba. Bakit ikaw ang naiilang, dapat ako."
"Hindi ko rin alam. Gawin mo na ang dapat mong gawin!"
"Ano bang gusto mong gawin ko?"
Mas lalo akong namula dahil sa tanong niya, pumasok kasi sa isip ko kung anong ginagawa nila.
"Yung ginagawa niyo para mawala!"
"Hindi ko gagawin, kasi tumigas lang pero hindi ako nalilibugan, okay na?"
Doon natapos ang palitan namin ng salita. Mas lalo akong nailang sa sinabi niya, nakakainis. Umayos ako ng tayo at masamang tumingin sa kaniya.
"Hindi ako nagpatigas niyan?"
Nagulat siya sa sinabi ko. Pati ako ay napahawak sa bibig ko dahil doon.
Fuck, I can't believe I asked that. What the hell is wrong with you, KENRIA!?
He suddenly smirked. Yumuko din siya sa bar counter at nagpangalumbaba.
"Bakit parang disappointed ka?"
Nanlaki ang mata ko. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Ang point ko lang, gusto ko lang malaman kung bakit tumigas kung wala naman palang dahilan. Pero hindi ko 'yun masabi sa kaniya, dahil naiilang na naman ako.
"Baliw! Ewan ko sa'yo!"
Nasabunutan ko ang sarili ko dahil sa frustration. Nadinig ko naman ang mapang-asar na tawa niya at ang papalayo niyang yabag. Nang tumingin ulit ako, naglalakad na siya pabalik sa may sala. Kinuha ko ang chance na 'yon para huminga ng malalim.
I never knew I would ever be in that kind of conversation. That was, embarrassing. Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (69)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
oo dahil siya ang author
11/08
0muito bom
17/07
0Ang gandaaa
13/07
0View All