53: Timeskip

Agad akong lumabas sa conference room matapos ang meeting. I have somewhere to be at today and I can't be late. 
Sinabayan ako ni Marcus maglakad ng makasalubong ko siya. 
"Handa na po ang chopper, Ma'am." 
Balita niya sa akin. 
"Good. Pero 'yung kasama ko mukhang hindi pa," 
Lumiko ako sa kaliwa para pumasok sa opisina ko. 
"Ready?" 
Napatingin ako sa pinto ng madinig ang tinig niya. Ulo niya lang ang ipinasok niya sa pinto.
"Buti naman naisipan mong agahan ano?" 
Lumapit ako sa kaniya at tuluyan niya ng binuksan ang pinto para makalabas ako. Nag tuloy na din kami maglakad papunta sa elevator. 
"Sorry na kasi. Traffic e," 
"Kapal mo." 
Tinaryan ko siya. Tumawa lang siya at hindi na nag-salita.
Traffic, e sa kumpanya ko siya nag ta-trabaho. Part siya ng engineering department, kaya andiyan lang siya sa 10th floor.
Agad kaming pumunta sa rooftop at sumakay sa naghihintay na chopper. 
"Alam ba ni Aice?" 
Tanong niya habang nag si-seatbelt kami. 
"No, it's a surprise. Pero alam ni kuya Raze." 
"Grabe, isang taon na akong hindi nakaka-uwi. Miss ko na Marinduque." 
"So am I Mike, so am I." 
The chopper started taking off. 
Mike and I maintained our friendship even after graduating. Feeling ko nga ay mas lalo kaming naging close matapos namin grumaduate, mostly because hinire ko agad siya sa kumpanyang pagmamay-ari ko, after passing the board. 
As for my feelings for him, it faded like how I said it would. I didn't even know how. Lagi pa rin naman kaming magkasama. He still treats me just like how he treated me before, pero nawala talaga e.
Siguro kasi hindi ko din kineep, hindi ko pinalago at hindi ko pinanghawakan kaya it naturally faded. I think that's better, kasi kung hindi e baka nakapatay ako sa selos noong nagka-jowa siya. 
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikilala si mystery girl. Nagpapaka-showbiz pa itong si Mike. He would post silhouette photos of her just like what he did to me, pero syempre deleted na yung sa'kin.
Kapag tinatanong ko kung kailan ipapakilala ang laging sagot "Kapag nalaman na ng asawa niya, sasabihin ko na sayo". Parang tanga, kaya laging nakakatikim ng sapak sakin e. Hinayaan ko na lang din para sa privacy nilang dalawa.
Ngayon nga ay uuwi kami ng Marinduque dahil graduation nila Aice, Clark, Adrian at Tasha. Ang mga 5 year course ang kinuha. 
Nang makalapag ay nakita agad namin si kuya Raze, siya kasi ang susundo sa amin. 
"Long time no see, Ken and Mike." 
Nakipag kamayan siya kay Nike. Yumakap naman siya sa akin. 
"Tara na? Kanina pa ako tini-text ng kapatid ko." 
Pinakita niya naman samin ang phone niya na nasa message ni aice at ang nakalagay ay "hindi matutuloy ang graduation ng wala ka kuya" 
"Aawwww," 
Lumambot naman ang puso ko don. 
"Hindi na siya mabubuhay ng wala ako." 
Pagbibiro nito habang kunwaring pinupunasan ang luha, kahit wala naman. 
Nang makarating sa eskwelahan ay mayroong iilang estudyante ang nakakakilala sa amin at bumabati pa. 
Na upo kami sa tabi ng magulang ni a
Aice. The ceremony started. Nakita ko lang si Aice ng tawagin ang pangalan niya para iabot ang diploma. 
Ilang beses pang tinawag si Aice dahil sa mga award na natanggap niya. Panay naman ang halinhanang pag-akyat sa stage ng mag-asawa. 
Nagtama ang mata namin ni aice ng sundan niya ang daan kung saan nanggaling ang papa niya. He smiled at me, and I did the same thing. 
After the ceremony ay agad lumapit sa amin si aice. Mahigpit niya akong niyakap. 
"I'm so glad you're here," 
Nakahawak siya sa balikat ko. 
"Pano naman ako?" 
Tinuro ni Mike ang sarili niya. Binalingan naman siya ni Aice at niyakap din. 
Aice held my hand while talking to his family and then fellow graduates. 
Aice still has feelings for me, and he never failed to tell me that. Sabi niya mas lalo daw itong lumalim noong umalis ako.
I have nothing against Aice, so I just let him express his love towards me, hindi ko siya pinipigilan. Even after leaving marinduque, lagi siyang nag te-text o tumatawag sakin. Minsan ay hindi na ako kumportable dahil pakiramdam ko ay pinapaasa ko siya kahit nilinaw ko naman sa kanyang wala talaga. 
Hindi ko din talaga ma gets ang sarili ko kung bakit. Aice is easy to fall in love with, kahit siguro sinong babae ay ma i-inlove kapag trinato ng ganito. Hindi ko alam kung may problema ba ako sa puso o sinumpa ako ni Mike noong sa kaniya ako nabaliw.
We met with the rest of our group.
"Ken!" 
Masayang tumakbo si Tasha papalapit sa'kin. Masaya ko rin naman siyang sinalubong. 
"Buti nakapunta ka." 
Sabi niya habang mahigpit kaming magkayakap. 
"I wouldn't miss this for the world,"
Sabi ko at humiwalay sa yakap niya. 
"Congratulations!" 
"Thank you." 
Muli kaminh nagyakap bago ako lumapit kila Clark at Adrian para batiin din sila. 
We took photos as a group. The same poses as we did a year ago, noong kami ang grumaduate.
Kung last year hindi ako nagtagal sa campus dahil umalis agad kami papuntang manila, ngayon hinintay ko sila. Ang dami pa kasi nilang ganap sa buhay.
Sa resort ay nagpa-party ako para sa kanila. Inembitahan ko rin ang kapatid ni mike maging ang kapatid ko. Gustuhin mang sumama ng mga kaibigan ko ay hindi sila makawala sa trabaho kaya hanggang video call na lang ang pagbati nila sa apat na grumaduate. 
Masyadong magulo sa loob kaya pumunta ako sa may poolside para makapag-pahinga. 
Hindi ko namalayan na sumunod pala sakin si Aice. Tumabi siya saakin at tumitig sa buwan. 
"Ken, can I officially court you?" 
Nakatingin pa rin siya sa buwan. 
I sighed.
"We talked about this Aice," 
Ilang beses niya na akong tinatanong niyan at pareho lagi ang sagot ko. Ganoon ba ako kahalaga sa kaniya para kabaliwan niya ng ganito?
"I know. But I still want to." 
"Aic— ay kalabaw ka!" 
Halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko. It was my brother video calling. 
"Hi my little princess, how's the party? Oh, Hi Aice, congratulations." 
Napatingin ako sa gilid at nakitang halos madikit na sa ulo ko ang ulo ni Aice dahil sumilip siya sa phone ko. Itinapat ko naman sa mukha niya ang phone para lumayo siya ng kaunti. Napatawa pa siya sa ginawa ko. 
"Kuya Kash, liligawan ko kapatid mo." 
Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.
"What? Aice!"
Sinuway ko siya pero tinapat niya ang kamay niya sa mukha ko para patahimikin ako. 
"Hahahahaha, sige lang Aice. Palambutin mo puso niyang babaeng 'yan." 
Sa mukha ko naman tinapat ang cellphone ko
"Don't encourage him, kuya. You know our situation." 
"What situation exactly? Anyways, mamaya na lang ako tatawag ulit bago ka matulog. Remember, no drinking past 12, may trabaho ka bukas. Nakakaabala na ako. Bye!" 
"Kuya—" 
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinatay niya ang tawag. 
"Aice—"
"I know, Ken. Trust me, I know more than anyone. "
Nakatingin siya sa akin ng deretso.
"Then why? Why are you wasting your time on me?"
"I'd rather waste it on you than spend it on someone else." 
Oh Aice, you poor soul
"Aice. Please understand. You have to accept it para hindi ka masaktan"
"Who said I'm hurting?" 
"The mere fact that I only treat you as a friend, masakit 'yun Aice. Alam ko ang feeling na 'yun." 
"Just by staying beside you makes me happy, so how can I be in pain?" 
Na aawa naman ako sa taong to. 
"I know, Ken, I know. Alam kong matatanggap ko rin. Pero hindi ngayon, hindi bukas. Hindi ko alam kung kailan." 
"Paano kung ma realize mo lang kung kailan wala ka ng pagkakataon na magmahal ng iba?" 
Bumuntong hininga ulit siya. 
"Please, let me understand it myself. Let me accept it by myself. Don't force me into accepting it. Huwag mong ipangalandakan sakin. Huwag mong isaksak pa mismo sa puso ko kasi yun ang masakit. Yung pa ulit-ulit mong sinasabi sa akin."
Hindi ako nakapagsalita. I didn't realise that the more I wanted him to understand that there's a line between us, the more I'm hurting him.
"Hayaan mo lang ako katulad ng ginagawa mo ngayon. Let me court you, kapag na-realise kona, tatanggapin kona" 
I just nodded. What the hell did I get myself into again. 

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters