52: Graduation

Dumating ako sa bahay na may nararamdaman pa ring sakit. Hindi naman dahil tanggap ko na ay automatic mawawala na ang sakit. 
"Good evening, Ma'am. Handa ko na po ang dinner niyo?" 
Pumasok bigla si Aice sa bahay habang papaakyat naman ako. Sandali akong natigilan at humarap sa kaniya.
"Ken, what's wrong?" 
Nagtataka ako kung bakit nahalata niyang may mali, pero nalaman ko rin na dahil umiiyak pala ako. 
"Anong nangyare? May ginawa ba si Mike?" 
Nag-aalala pero may lambing na tanong niya. 
"Wala. Medyo malungkot lang, kasi walang nangyare." 
Paliwanag ko sa kaniya bago tuluyang umakyat sa hagdan. Bumaba na lang ako noong kakain na. 
Isa na lang ang nasa isip ko ngayon, at 'yun ay masabi kay Tasha ang nangyare. Siya lang naman kasi ang nakakausap ko pagdating sa mga ganito.
Kaya nang dumating ang lunes siya agad ang hinanap ko. 
"Good morning, Ken." 
My eyes were diverted to Mike, who's whole heartedly happy while greeting me. 
So this is how we're going to do this, huh? Pretend like nothing happened. 
Well, this is better than him leaving my side. 
"Good morning, Mycklle." 
I did not match his energy.
"Wow, baba ng energy ah, umagang umaga. Something happened?" 
Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko nagugustuhan ang biro niya. 
You rejected me, you asshole.
Hindi ko na siya sinagot at umupo na lang sa tabi niya. 
"I was just kidding. I'm sorry. " 
He whispered 
"Don't mind it," 
Our conversation did not progress as the professor walked in and started our lecture.
Lunch break. Sinabihan tinext ko si Tasha na kaming dalawa na muna ang kakain. Nagpaalam din ako sa mga boys. At dahil alam ni Mike kung bakit, hindi na siya umangal pa. Nagtataka lang sila Adrian at Clark. Si Aice tahimik lang at parang walang pakialam.
"Sis, bakit? Kaninang umaga mo pa ako tini-text. Ang dami kong ginawa kaya hindi agad ako nakapunta sa'yo." 
"I have something to tell you,"
Sagot ko sa kaniya. Hinintay ko siya na makaupo bago ko ituloy ang kwento ko. 
"Umamin ako kay Mike, noong sabado." 
"Oh, my gosh!" 
Nagdiwang siya. Nagtitili at may pahampas pa. Halatang kinikilig. Pero nanatili akong walang reaksyon, kaya nang mapansin niya bigla siyang napatigil at naupo muli. 
"Oh, my gosh."
Muling sabi niya pero mas mababa na ang energy at malungkot na ang tono. 
"You got rejected?" 
Nag-aalalang tanong niya. 
"Well, basically, yes." 
"Bakit?" 
Disappointed na tanong niya. Hindi ko naman masagot. 
"Akala ko ba gusto ka rin niya? Obvious na obvious kaya!" 
"He said he do love me, but I guess he's not ready for a commitment yet."
Hinawakan niya ang kamay ko. 
"Okay ka lang?" 
I thought about what to say as an answer, dahil kahit ako hindi ko alam kung okay lang ba talaga ako. 
"50/50?" 
Sagot ko. Hindi naman siya nagsalita at hinintay lang ako mag-explain. 
"Okay naman sa'kin na hindi naging kami kasi sabi niya friends pa rin naman daw kami. Walang magbabago. Hindi ko lang din talaga maiwasan na masaktan kasi first time ko ma reject." 
Paliwanag ko. 
"Normal naman kasi 'yang nararamdaman mo. Promise, alam na alam ko 'yan." 
Napatingin ako sa kaniya. Oo nga pala, pareho kaming hindi ginusto.
"Mahirap pala talaga magkagusto sa taong alam mong hindi mapapasayo." 
"True." 
Niyakap niya ang kanang braso ko at inihilig ang ulo niya sa balikat ko. 
"Ano na plano mo ngayon?" 
Muling tanong niya. 
"Well, now that I can finally focus on my studies 100%, that's all I'm going to do. Ilang linggo na lang finals na. Ilang linggo na lang graduation na," 
Bigla kong naalala na balak nga pala ni Mike na sa kumpanya namin magtrabaho. Magkikita pa rin kami kahit tapos na ang araw ng pag-aaral namin. 
"It's time for me to move on." 
That's the only thing that's left for me to do. 
"I know it will be easy for me to move on. Because there was nothing to move on from. Madaling kalimutan ang feelings."
"I'm here to support you."
Matapos ang usapan namin tsaka kami nag lunch na magkasama. 
Nang makabalik sa room nasa upuan na niya si Mike. Tahimik at nagbabasa ng notse niya. Naupo ako sa tabi niya.
"Ken, paki-check nga kung tama itong nasa notes ko." 
Ipinakita niya sa'kin ang sinulat niya. Kinuha ko naman ang notebook ko at pinagkumpara ang dalawang gawa namin. 
Tama, mas mabuti ito. Mas mabuting magpanggap na lang kami na parang walang nangyare. Dahil ito ang simula para maka move on ako. 
Madaming araw ang lumipas simula noong umamin ako kay Mike. Madaming araw ang lumipas para makalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kaniya. 
Aaminin ko na hindi pa ganoon ang pagka-move on ko, pero pawala na. Pawala na dahil mas nag focus ako sa acads ko. 
Noong finals week sobrang stress naming lahat. Halos hindi na kami nagkikkta magkakaibigan dahil mas pinili naming mag-aral at review sa mga free time namin kesa ang magkita-kita. 
Nang matapos ang finals, kaming dalawa naman ni Mike ang kaba to the bones. Iyon na kasi ang huling step namin para makagraduate. Ang thesis defense. Sobrang kaba at stress ang naramdaman namin noong araw na 'yun. 
Pero nairaos naman namin, at ito na nga kami ngayon. Nakapila na, para mag martsa papunta sa unahan kung nasaan ang mga upuan para sa mga graduates. 
"Ito na 'yun. Graduation na natin." 
Dinig kong sabi nang isang blockmate ko na nasa unahan. Napangiti naman ako, dahil ito na talaga 'yun. 
"Grabe, hindi ako makapaniwala na andito na tayo ngayon. Matapos ang apat na taon, graduate na tayo." 
Sabay silang tumili pareho kaya pinagtinginan sila. Tumingin naman ako sa gilid at hinanap si Mike. Hiwalay kasi ang pila ng mga lalaki sa mga babae. 
Nang mapansin niya na nakatingim ako sa kaniya, agad siyang ngumiti at nag-thumbs up. 
"Let's us all welcome that graduate from the College of Civil Engineering." 
Agad na lumakas ang sigawan nang lahat habang naglalakad kami papasok sa gymnasium. 
Ako ang nasa unahan. Bakit? Dahil ako ang Summa Cum Laude. 
Sa totoo lang mas kinabahan ako nang malaman ko na summa ako, kasi naman may speech pa. Nakakahiya kita ako ng lahat. Kapag nagkamali ako, wala na. 
Ilang speaker pa ang nagsalita sa unahan bago tuluyang tawagin ang mga graduate. Kahit summa ako, hindi ako unang tinawag dahil alphabetical pa rin. 
"Rahonza, Serene Kenria T. Summa Cum Laude." 
Tawag nang dean sa pangalan ko. Nasa gilid na nang stage si kuya at hinihintay ako.
"This is the proudest moment of my life." 
Bulong niya sa'kin habang inaalalayan ako paakyat ng stage. 
Matapos ang bigayan ng certificate. Tinawag akong muli para sa speech. Sa totoo lang, wala naman akong masabi talaga. Isang taon lang din naman kasi ako rito. Kaya halos lahat ng sinabi ko kaplastikan. 
Nang matapos ang ceremony, nagkita-kita kaming magbabarkada. 
"Congratulations, Ken and Mike!" 
Sigaw ni Tasha at yumakap sa'min. 
"Congrats," 
Bati ni Aice at inabutan ako ng bouquet ng bulaklak. Si Adrian naman ang nagbigay nang kay Mike. 
"Grabe, ang ganda ng speech mo. Hindi halatang isang taon ka lang nag-aral dito." 
Pang-aasar ni Clark, natawa naman ako. 
"Ano plano niyo mamaya? Party ba?" 
Tanong ni Tasha sa'kin. 
"Actually, no. Kasi sasama na ako kay kuya pabalik nang manila." 
Napatingin naman silang lahat sa'kin. At sabay-sabay pa. 
"Ha!? Agad-aga?" 
"Oo e. Gustong-gusto ko na talaga umuwi. Tsaka start na ng training ko bukas sa kumpanya." 
Paliwanag ko. 
"Training? Wala ka pa lisensya 'di ba?" 
Tanong ni Mike. 
"Not as an Engineer. But as the CEO of Serene Corporation. Kuya's stepping down." 
Dagdag ko.
"Kung gano'n. Sulitin na natin hangga't andito pa si Ken." 
Pambabasag ni Adrian sa katahimikan. 
"Let's take a picture!" 
Sigaw ni Tasha at humawak sa braso ko. Nagsimula na ring pumose ang mga kasama namin at tumingin kay kuya. Siya kasi ang may hawak nang camera.
Matapos ang sandamakmak na litrato. Isa-isa nang nagpaalam sa'kin ang mga kaibigan ko na hindi makakasama sa resort. 
"Ken, hindi ko na alam kung kailangan ulit tayo magkikita kaya ngayon pa lang sasabihin ko na sa'yo na sobrang saya ko kasi nakilala kita. Sobrang salamat sa lahat. And I wish you good luck sa new journey mo sa buhay." 
Sabi ni Tasha at yumakap sa'kin. 
Humarap naman ako kay Clark at Adrian. 
"Thank you, Ma'am Ken sa lahat lahat. Promise gagalingan namin para sa sunod ikaw naman ang maging proud sa'min." 
"Hindi namin kaya ang summa cum laude, pero ita-try namin, Ma'am." 
Natawa ako sa sinabi ni Clark. Ang ganda na ng speech ni Adrian e. 
Matapos nilang dalawa ay si Mike naman ang humarap sa'kin. 
"Hindi na kita sasabihin nang kung ano-ano, ilang buwan lang naman at magkikita na naman tayo. Ingat na lang sa biyahe." 
Sabi niya at yumakap sa'kin. Matapos ay nagpaalam na kami dahil kailangan na naming umuwi. Wala naman sa'kin kung walang celebration dito, meron naman daw doon sa manila. Kakain kami sa labas. 
Kahapon pa lang nakaimpake na ang mga gamit ko kasi alam kong sasama na talaga ako kay kuya. Kaya nang makauwi kami, nagpalit lang ako nang damit at nagpaalam na kila tita Lizzy. 
"Ikaw na po ang bahala sa resort tita. At tsaka dito sa batang 'to!" 
Mahina kong kinurot si Ren na nasa tabi ko. Napa-aray naman siya. Hindi pa kasi tapos ang school year nila kaya hindi pa siya makakasama paluwas sa'min. Pero binabalak niya mag transfer sa dati kong university sa Manila para mas makasama namin siya. 
"Wala pong problema, Ma'am. Mag-iingat po kayo." 
Yumakap lang ako sa kaniya bago kami tuluyang lumabas nang bahay. Tiningnan ko muna ang kabuoan nito bago ko ito talikuran. 
Huling taong magpapaalam sa'min, si Aice. Na hinatid kami sa airport. 
"Ingat, Ken."
Humarap ako sa kaniya.
"Ingat din. Good luck sa natitirang taon mo." 
"Salamat." 
Ilang sandali kaming nagkatitigan bago niya ako yakapin. 
"I'll keep you updated." 
"Whatever you like." 
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya.
"I like you, so much." 
Napangiti ako. 
"I know." 
Matapos ang yakapan namin ay sumakay na ako sa private chopper at unti-unti na itong lumipad papalayo. 
Goodbye Marinduque, thank you for teaching me what peace really is. 

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters