54: Love

"Ken ija, long time no see" 
Lolo Alex's grin disgusts me. Alam na alam kong may kalokohan na naman siyang gagawin.
He's my lolo's younger brother. 
"Hi lolo alex, long time no see indeed." 
Sinadya kong hindi ka makita ng madalas 'no. 
Sa lahat ng rahonza, siya lamang ang hindi namin kasundo mag pi-pinsan. Masiyado kasi siyang inggit kay lolo at sa amin niya iyon ibinubuhos.
There was even a time when he invited all of us to a party on an island. When we got there, only all of us cousins were there. There was not enough food to last for a day. The yatch we used went back to the port. Then, when our parents found out, he made it look like there was a miscommunication about the location. Since then, my lolo cut ties with him.
Luckily, his grandson isn't like him. Hindi kami lagi nagkikita dahil sa lolo nila pero close padin kami when we passed onto each other by accident. 
"How are you? It's been over 2 years since you graduated, and it's also 2 years since you became Serene's CEO. Congratulations." 
"Thank you." 
Napaka late mong bumati. At sa dami ng nangyare sa buhay ko after graduation, talagang 'yun lang naalala mo. 
"Kamusta ang lovelife? Naka move on ka na ba sa ex mong nagpakamatay?"
Nawala ang pekeng ngiting pilit kong ipinapakita. How can he be so insensitive. Oh God, I wanna smack him in the face. especially seeing how his smile grew. 
"Well, either way, let me introduce someone to you. Come here, son." 
Bumaling siya sa lalaki na nasa gilid namin. 
"This is Engr. Sison. He's a bachelor." 
Ano namang paki-alam ko. Duh. 
Ini-abot sa akin ni engr. and kamay niya, tinanggap ko naman ito. That's when he mouthed 'sorry'
"I would love to see you guys get along. You're the same age and both engineers." 
Lolo Alex continued talking, but my eyes were fixed on engr. He was shaking his head like he was telling me he wasn't part of anything my lolo is planning. Mukhang nahila lang siya dito, at dahil may pangalan ang matanda ay wala siyang nagawa.
"I have a boyfriend," 
Nagulat pa ang matanda sa sinabi ko.
"Who is he? Is he worthy of being a rahonza?"
Pagmamayabang niya. Ano ba akala niya sa pamilya namin royal blood? 
"If there's someone who has the right to ask me that question, it's not you. It's my lolo Rence. THE HEAD OF THE FAMILY. But I doubt he'll ask that." 
I emphasize the second to the last sentence. Natamaan naman siya. 
"I want to meet him then," 
He challenged me.
"Fine." 
I took my phone and dialled Aice's number. Simula noong nanligaw siya sa'kin, unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya. Sa totoo niyan, hindi naman mahirap mahalin si Aice. Sadyang choosy lang ako dahil kay Mike. Pero dahil hindi sumuko si Aice at talagang pinatunayan niya na gusto niya talaga ako. Lumambot din ako.
[Hey, pretty.] 
Hindi ko napigilan ang ngiti ko dahil sa pagbati niya. Hindi lamang ako masaya dahil maganda ang naging bungad ng tawag niya kundi dahil din kinikilig ako.
"Hey love, can you pick me up?" 
Kinabahan ako bigla. Natahimik siya marahil ay nagtataka kung bakit tinawag ko siyang love. 
"Send me your location, my love," 
Kulang nalang ay mag-tatalon ako sa tuwa dahil sa sagot niya. Ginawa ko naman ang sinabi niya. 
Talagang hindi umalis sa tabi ko itong matanda, talagang gusto niya yata makita ang jowa ko. 
Ay wow, jowa. Nanliligaw palang yan atih.
Wala pang 10 minutes ay nakita ko na sa entrance si Aice. Hindi pa siya pinapa-pasok dahil wala siyang invitation at dahil hindi siya naka formal. 
He's only wearing a black knitted shirt tucked-in in his black trousers, and he is wearing leather shoes. His shirt emphasises his broad shoulders and mascular arms. 
Lumapit si Marcus sa mga guard at may sinabi ito kaya pinapasok na nila ang manliligaw ko. Nakipakamay naman sa kaniya si Aice sign ng pasasalamat. 
"Hi there. Can I take you home?" 
May halong landi ang bati niya sa akin kaya kinilig naman ako. Araw-araw na akong pinapa-kilig ng lalaking to ah. Nasasanay naman ako. 
"This is him. My boyfriend, Aice." 
Laking pasasalamat ko ng hindi magulat si Aice bagkus ay hinawakan niya pa ang baywang ko at inilapit ako sa kaniya. 
"Aice kapatid ni lolo Rence, si lolo Alex." 
Pilit kong pinanghahawakan ang tino ko habang ipinapakilala sila. Matamis lang akong tinititigan ni Aice. 
"It's nice to meet you, sir." 
Nakipag shake hands siya kay lolo. 
"What's your job?" 
Yun talaga ang bungad ng matanda. How rude.
"I am currently working at Serene Design. As an architech, sir." 
Napangiti ako sa sinabi niya. 
Lolo alex smirked.
"So aasa ka rin pala sa pamilya namin?" 
Binigyan ako ng makahulugang tingin ng matanda. Humawak ako ng mahigpit sa likurang bahagi ng damit ni Aice. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. 
"It's true that working for a big company sure gives me a huge advantage. And being close to the president of the company and the CEO of the whole corporation is a privilege as it is. But I can confidently say that even without the said privileges, I'll be doing just as much contribution to my career. I am very proud and confident with my skills, sir. So you don't have to worry. I can work at a different company and still be successful. " 
Hindi nagustuhan ng matanda ang confidence ni aice kaya patago akong napangiti. Tumingin ako kay aice at ngumiti lamang ito sa akin. Lolo just scoffed. 
"Anyway, my love is tired, so we need to go. Thank you for the night, sir. Please excuse us." 
My love? Nag malfunction yata utak ko doon ah. 
Inalalayan niya ako agad at hindi na ako hinayaang makapag-paalam sa matanda. Ayoko din naman. 
Sa may pinto ay naka-abang na sa amin si marcus. Pinag buksan niya kami pareho ng pinto ng kotse ni Aice.
Pero bago iyon ay lumuhod si aice sa harap ko. I had a mini heart attack thinking he's proposing, but he was only taking my heels off. 
Nag-angat siya ng tingin at nginitian ako. Tinarayan ko naman siya. Alam na alam ang ginagawa niya eh. 
May kinuha siya sa back seat, and it was a fuzzy comfortable slipper. 
"So saan kita iuuwi love? sa bahay niyo, o sa bahay ko?" 
Pang-aasar niya matapos namin maka-sakay sa kotse at paandarin ito.
"AHHHHHH, sorry." 
Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang kamay. Mahina naman siyang natawa. 
"This is not how I wanted our relationship to start. Ang ganda ganda pa naman ng plano ko. I was supposed to ask you to be my date for a beach party I was invited at and then sasagutin kita under the moon and beside the sea. That would be so romantic. Nakaka inis!" 
Bigla niyang itinigil ang sasakyan at pinark sa tabi. Napatingin naman ako sa kaniya. Kinuha niya ang dalawang kamay ko. 
"At least boyfriend mo na ako when we're under the moon and beside the sea." 
He kissed both my hands. 
Damn how can I be so lucky? Buti na lang talaga at pinayagan ko siyang manligaw even after what we've been through. I'm glad I gave him a chance. I'm glad I gave myself a chance. 
Bigla siyang may hinalwat sa bag nasa likod ng upuan. Humarap siyang muli sa akin at ipinakita ang maliit na kahon. 
It's an engagement ring
"Huy, wala pa tayong isang oras mag po-propose ka na?" 
Tumawa naman siya.
"Hindi pa, love. Promise ring palang ito. This is the ring your dad gave me."
Binuksan niya ang kahon at nasa loob nito ang dalawang sinsing. A silver and a black one. It's not an ordinary shaped ring. Mayroon itong twisted part na nasa taas na parte. 
"Papa?" 
Nagtatakang tanong ko. 
"Yes. When we were kids, sinama ako ng papa mo sa Manila once. Sinama niyo ako sa mall. Tapos doon binili ng papa mo 'yung kwintas na binigay mo sa'kin. Nakita niya akong nakatitig sa isang set ng sing-sing, kaya binili niya para sa'kin." 
Naluluha ako habang pinapakinggan ang kwento tungkol sa papa ko. 
"Sabi niya 'ibigay mo sa magiging girlfriend o asawa mo'. And you, what's funny? Ikaw na 'yung nasa isip kong magiging asawa ko noong panahon na 'yun. Doon pa lang alam ko na," 
Lumapit siya sa'kin at kinuha ang dalawang kamay ko.
"I've been preparing this for a while. This is a promise that someday, I would replace this with an engagement ring. A promise that someday I will make you mine legally," 
Isinuot niya sa kaliwang palasinsingan ko ang silver na singsing. I took the black one and put it in his left ring finger. 
"This ring, although I didn't buy this or had this done, is the symbol of my promise. One day, I will be yours legally and loyally forever. The way my heart beats for you never changed. And it never will."
He wiped his tears and smiled at me. Our smiles turned into laughter. Laughters that I wish would last until we die.
"I do have one request for you, Aice." 
"Anything for you." 
He once again kissed my hand. 
"From now on, please try to outlive me. I can't take another heartbreak of losing someone I love again." 
"I'll try my best. But I might follow you if you leave me sooner than expected." 
"No, live life like how you wanted to live it with me. Then, you can follow me when the time is right." 
"Okay, love. I promise." 
Nag-drive na siya ulit pauwi sa condo niya. 
"You can change in the bathroom. I'm going to prepare something to eat." 
Sabi niya sa'kin at nagpunta na sa kusina. Una kong tinanggal ang coat ko at agad na tumambad sa'kin ang kwintas na ibinigay niya sa'kin noong birthday ko. Na alam niya rin pala kung saan nabili. 
"Aice, how did you get a hold of this necklace?" 
Open lay-out ang condo niya kaya kita ko mula sa living room ang kusina kung nasaan siya. 
"Nawala ako sa garden ng mansion ng lolo mo noong bata pa tayo. Nagpa-practice ka yata ng archery noon sa mismong garden na 'yun kaya nakita mo ako."
Panimula niya sa kwento. 
"Umiiyak ako noon. Tapos binigay mo sa'kin 'yung necklace. Sabi mo binigay daw sa'yo ng daddy mo para kapag nalungkot ka, siya maaalala mo at sasaya ka na. Sabi mo gusto mo gano'n din nag mangyare sa'kin, pero kailangan ko ibalik kasi galing sa daddy mo 'yun." 
Naluluha na naman ako sa kwento niya. 
"Kaso, hindi ka na bumalik e. Tapos nung bumalik ka pa, hindi mo na ako naaalala." 
Sobrang lungkot ng boses niya kaya lumapit ako sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. 
"I'm not going anywhere anymore." 
"I know, love. I know."
Hinalikan niya ako sa noo at ipinagpatuloy na ang pagluluto niya. Natapos ang gabi namin nang magkayakap sa pagtulog. Wala akong pagsisisi sa araw na 'to. Lahat pinagpapasalamat ko. 
[Good afternoon, love. Anong oras ako pupunta sa inyo? Gusto mo sabay na tayo? Sunduin kita ngayon.]
Kakatapos lang nang trabaho ko at papunta na ako sa kotse. Wala siyang trabaho ngayon kaya wala siya sa kumpanya.
"Hindi na love, may pupuntahan muna ako." 
[Saan? Samahan na lang kita.]
"I'm going to Axton." 
Sandali siyang natahimik. 
[I understand, love. Ingat ka. See you later. I love you.]
"You take care too. I love you."
Matapos ang tawag namin ay agad akong umalis sa kumpanya at nag drive papunta sa isang flower shop at favorite bakery ni Ax, bago dumeretso sa kaniya.
Nang makarating agad kong nilinisan ang puntod niya at inilagay sa gilid ang mga dala ko.
"You can rest easy now Ax, I won't disturb you anymore with my unending kwento and rants. I have someone to talk to now, and I know you're happy for me."
Usap ko sa kaniya. 
"I'm in peace now, Ax. I no longer feel alone. I no longer feel isolated. Someone's making me feel special again. He makes me feel at peace, and helped me find peace."
Napangiti ako nang maalala si Aice. 
"Thank you for all this time, Ax. Thank you for always listening to me. Thank you for all the memories, for the laughter, tears, pain, and lessons. Thank you for spending your 7 years here on earth, by loving me and taking care of me. I promise to keep you in my heart forever. I promise to keep my promise to you, to live happy and contented. I owe that to myself." 
Pinunasan ko ang iilang patak ng luha sa pisngi ko.
"If there really is a second life, I promise to find you ax, and we'll see what will happen. We'll see how destiny will play its game. 
Until then, I'll see you in all familiar places. 
Thank you, and goodbye, Axton."
Agad akong umalis doon. Habang nagdadrive, puno nang ala-ala ni Aice ang isip ko. Hindi ko napigilan ngumiti sa saya.
Uuwi na ako sa kaniya. Uuwi na ako kay Aice.
He is my constant, in this world full of changes. 

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters