Homepage/Where You Can Find Peace/
45: Plan
I went to school alone this time. No Clark, no Aice. My brother has no class this morning, kaya hindi niya rin ako masasabayan.
"Ano balita?"
Bungad agad sa'kin ni Mike pagkapasok ko sa room.
"Para naman hindi tayo magkasama kahapon."
Sagot ko lang sa kaniya habang umuupo sa tabi niya.
"I mean noong maka-uwi kayo. Nagkwento ba si Tasha?"
I looked at him and stared in his face with one of my eyebrows up.
"Bakit ko naman sasabihin sa'yo!? Girl talk na 'yun, 'wag kang chismoso."
Hindi na siya nakasagot dahil dumating na ang prof namin. Tahimik lang kami ni Mike hanggang sa matapos ang lahat ng morning classes namin.
"Sabay kaya ulit tayo mag-lunch?"
Tanong niya habang inaayos ko ang gamit ko. Nakatayo na siya at hinihintay na lang ako.
"Feeling ko hindi. Sigurado iiwas si Aice kay Tasha. Pero malay mo, hindi matiis."
Sagot ko sa kaniya. Lumabas na din kami ng room at nagulat kami pareho ng makita na nahihintay si Aice sa labas.
"Oh, hindi ka pa dumeretso sa canteen?"
Tanong ni Mike sa kaniya at nakipagkamay.
"Ayoko. Mas gusto ko may kasama."
He answered coldly. Nauna na rin siya mag lakad kaya nagkatinginan kami ni Mike. Nagkibit-balikat na lang siya bago kami sumunod kay Aice.
"What's up!?"
Nakuha agad ni Adrian ang atensyon namin ng bigla siyang sumigaw at mag taas ng kamay nang makapasok kami sa canteen.
Nagkatinginan ulit kami ni Mike nang makita namin na kasama na ng dalawa si Tasha. Pinakiramdaman muna namin si aice kung doon ba siya pupunta bago kami mag lakad.
"Yes."
Mahinang bulong ko nang lumapit si Aice sa pwesto nung tatlo.
"Ano kakainin niyo?"
Si Mike ang unang nagsalita dahil bigla kaming natahimik matapos namin umupo.
"Kahit ano sa'kin."
Sagot ko sa kaniya.
"Ako na kukuha ng pagkain mo."
Bigla na lang tumayo si Aice matapos niyang sabihin 'yun. Agad naman sumunod sa kaniya si Mike at ang dalawang lalaki.
"Ikaw Tasha?"
Tanong ko kay Tasha na nakayuko lang at parang nahihiya.
"Nasabi ko na kay Adrian kanina, nahihiya kasi ako lumapit o sumama kay Aice."
Malungkot siyang ngumiti.
"Wala kang mararating kung hiya ang uunahin mo."
Sabi ko sa kaniya bago uminom ng tubig sa dala kong tumbler.
"Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula."
"Ikaw lang ang makakaalam kung ano ang dapat mong gawin at kung saan mo dapat simulan, wala akong pwedeng i-advice sa'yo diyan."
Sakto naman na dumating na ang mga lalaki matapos namin mag usap ni Tasha. Sa kanan ko pumwesto si Mike at sa kaliwa ko naman si Aice. Maging si Tasha at napaggigitnaan din nila Clark at Adrian sa harap namin.
"Aice, gusto mo 'to 'di ba? Ito share tayo."
Tahimik lang kami, pero alam ko na nakikiramdam lang ang tatlong lalaki sa kung anong gagawin ni Aice matapos siyang alukin ni Tasha.
"Nakikita mo na may pagkain na ako 'di ba?"
Kulang na lang bigyan ko ng microphone si a
Aice dahil sa hina nang pagkakasabi niya. Talagang ipinamu-mukha niya na hindi siya interisado. May halo pang inis sa tono nang pananalita niya.
"Sorry. Pero kung magbago ang isip mo, kuha ka lang."
Medyo napahiya si Tasha kaya napatingin siya sa'kin. Nginitian ko naman siya para kahit papaano ay mabuhayan siay ng loob.
Natapos ang lunch namin at wala ng nag salita sa amin maliban kay Tasha. Gusto ko siyang ipagpa-fiesta dahil talagang tinatatagan niya ang loob niya at kinakapalan ang mukha para kausapin si Aice. Pero gusto ko rin siyang yakapin sa tuwing tatarayan at sa tuwing hindi siya pinapansin ni Aice.
"Una na ako."
Paalam ni Aice matapos namin kumain. Nilakasan niya ang boses niya pero sa akin lang siya nakatingin.
"Okay lang 'yan Tasha, mabait 'yung si Aice lalambot din sa'yo 'yun. Konting tiis lang."
Hinawakan ni Clark ang balikat ni Tasha matapos niyang tabunan ang mukha niya gamit ang dalawang kamay.
"Oo nga. Tiis tiis lang, lilipas din ang problema mo."
Si Adrian naman ang nag-try i-comfort si Tasha. Hinihintay ko naman na may sabihin din si Mike pero hindi siya nagsalita.
"Kumakain ka pa rin?"
Hindi makapaniwalang tanong ko nang tingnan ko siya.
"Masama? Ayaw ni Aice nung binili ni Tasha edi ako na lang kakain, sayang kaya."
Umiling na lang ako dahil sa lalaki na 'to. Matapos ang ilang minuto naghiwa-hiwalay na din kami dahil iba-iba na ang mga klase namin.
Days like those continued. Papasok kami, sabay sabay magla-lunch, minsan kapag walang klase magkakasama rin kami. Tapos susuyuin ni Tasha si Aice, si Aice naman pabebe hindi mamamansin o kaya nagtataray.
Pero habang tumatagal, katulad nang sabi nga ni Clark, lumalambot din siya kay Tasha. Mabait naman talaga si Aice e, nasaktan lang.
"December 2 na, malapit na ang christmas break. Ano plano niyo?"
Balik na sa dating sigla ssiTtasha. Kasabay kasi nang pagtatapos ng buwan ng November ay ang pagtatapos din nang gulo sa pagitan nila ni Aice. Kaya mukhang magiging masaya ang buwan ng disyembre namin.
"Saan tayo sa pasko?"
Napatingin ako kay Aice dahil sa tanong niya habang nakatingin sa'kin. Kinareer niya ang pagiging bodyguard ko kaya feeling niya part na rin siya nang pamilya ko.
"Tayo? Kasama ka ba? Paladesisyon ka."
Sagot ko sa kaniya.
"Ay, hindi mo ba alam? Your brother called me, kung saan ka raw sa bakasyon doon din raw ako. I'll continue my job with you."
I have no words. Kung si kuya ang nag sabi ibig sabihin wala na akong magagawa. I just sighed in defeat.
"Uuwi ako sa manila."
Tumango lang siya sa pagbibigay ko nang impormasyon. Humalukipkip naman ako at sumandal sa inuupuan ko.
"Luluwas din kaming buong pamilya para sa pasko."
Pagi-inform sa amin ni Mike.
"Ay, sayang naman. Sa manila pala magpapasko kalahati sa'tin. Akala ko makakapag-swimming manlang tayo o kaya makakagala bago o pagkatapos ng pasko."
Malungkot na sabi ni Tasha.
"Walang plano family mo para sa pasko?"
Tanong ko sa kaniya.
"Wala. Lagi naman. Ang boring kaya ng pasko sa bahay. 'Yung papa ko laging nasa inuman, mama ko naman tulog. Wala naman akong kapatid kaya wala rin akong nakakasama mag-pasko."
Paliwanag niya.
"Mga kaibigan mo, pinsan wala?"
Tanong naman ni mike sa kaniya.
"Nakakahiya naman maki-join sa mga pamilya nila, diba!?"
Mabagal na tumango si Mike dahil sa sagot ni Rsaha. Mukhang na-realize niya rin kung anong pakiramdam ng gano'n.
"Kayo, Adiran at Clark?"
Tanong ko sa dalawa na tahimik lang.
"Wala rin kaming plano. Baka magtrabaho na lang din, sayang pa ang araw."
Sagot ni Adrian at sinangayunan naman ni Clark. Bukas pa rin kasi ang resort kahit holidays. Kadalasan kasi mas marami pa ang tao na nagpapabooking para mag-swimming.
Natahimik kami ng ilang minuto bago ako makaisip ng idea.
"You know what, guys, bakit hindi na lang kayo sumama sa'kin sa bahay namin sa manila?"
Napatingin silang lahat sa'kin. Si Tasha kita na agad ang saya sa mukha.
"Seryoso ba 'yan?"
Malaki ang ngiti niyang tanong sa'kin.
"Nako 'wag na, hindi na kami sasama nakakahiya sa pamilya niyo Ken."
Sagot ni Clark.
"Ito ngang si Aice hindi nahiya, so bakit ka mahihiya sa pamilya ko?"
Hinampas nang mahina ni Aice ang kamay kong nakaturo sa kaniya. Natawa naman si Clark.
"Ako hindi na rin siguro sasama, baka bumisita na lang ako. Birthday kasi ng lolo ko sa pasko kaya kailangan andoon ako."
Si Mike naman ang sunod na nagsalita.
"Baka pagalitan kami ni sir Kash. Mawala pa ka nang trabaho pagkatapos ng pasko."
Medyo natatawa na nahihiyang sabi naman ni adrian.
"Ang co-corny niyo naman. Mga Kill Joy. Si Ken na nga nag-aya sa inyo oh! Boss niyo na nag-aya ayaw niyo pa! Si Mike understandable, pero kayong dalawa, hindi."
Nakahawak pa sa baywang si Tasha habang tinatalakan sila Adrian at Clark. Nagkatinginan tuloy ang dalawa at parang naguusap gamit ang mata.
"Sige na nga, ingay kasi nang bunganga mo eh!"
Kumamot sa ulo si Adrian at pabirong dinuro si Tasha. Pabiro rin naman siyang sinabunutan ni Tasha.
"Basta ma'am Ken, sagot mo kami ah! Ayaw namin mawalan ng trabaho."
Pakiusap sa'kin ni Clark.
"Ako bahala. So, okay na? Set na? Wala nang bawian."
Tanong ko at tumingin sa kanilang lahat.
"Okay na!"
Mayasang sigaw ni Tasha matapos tumango ng mga lalaki.
Let's see how this christmas vacation will go.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (69)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
oo dahil siya ang author
11/08
0muito bom
17/07
0Ang gandaaa
13/07
0View All