Homepage/Where You Can Find Peace/
46: Visitor
"Sorry guys, late kami."
Pawisan ang mukha at nagtatatakbo na sila Clark at Adrian papalapit sa'min.
"Hay, nako! 7 ang usapan, 8 na."
Sermon sa kanila ni Tasha.
"Sorry na nga eh!"
Ngayon ang alis namin papunta sa manila. Sobrang excited na ako umuwi, at excited na rin ako na makita ulit ang mga kaibigan at pamilya ko.
Wala naman masiyado nangyare sa nakaraang dalawang linggo namin. Puro lessons at exam lang, kaya parang ang bilis dumaloy ng oras at nandito na agad kami. Christmas break na agad.
"Kanina pa ang pinsan ni Ken dito, nakakahiya kaya."
Sabi ni tsaha at tumingin kay kuya Rava.
"Nako, wala 'yun."
Parang nahihiya naman sabi ni kuya. Siya kasi ang pinasundo sa amin gamit ang private chopper, since busy ang isa sa mga pinsan namin. At mas busy si kuya sa pag-intindi sa bahay para sa pagdating namin.
"Tara na, daming daldal."
Ako ang nauna sa loob. Sa tabi ako ng captain naupo para kasya sila sa likod. Sobrang ingay nila sa likod habang tahimik lang naman kami ni kuya Rava sa buong biyahe. Ang dami nilang tanong, at sinasabi. Lahat kasi sila first time sa helicopter.
"Wow, saan 'to?"
Tanong ni Tasha nang makita ang paglalandingan namin.
"Company nila Ken,"
Sagot ni kuya Rava sa kaniya.
"Sa inyo 'yan, Ken?"
Pagkukumpirma ni Tasha sa'kin.
"Kakasabi ko lang 'di ba? Hindi ba ako kapanipaniwala?"
Parang nagtatampo na sagot ni kuya Rava kaya natawa kami. Nag-sorry naman agad si Tasha.
Kita agad namin si kuya Kash na naghihintay. Naunang bumaba si Ren para alalayan ako.
"Welcome back."
Sinalubong niya kami ni Ren ng yakap. Binati niya rin ang mga kaibigan namin.
"Wala si Mike?"
Tanong niya nang mapansin na kulang kami ng isa.
"May plano sila ng pamilya niya."
Sagot ko. Bumaba na rin kami mula sa rooftop dahil sobrang init doon. May tatlong kotse ang naghihintay sa'min sa parking ng kumpanya.
Ang isa ay sa akin ang dalawa naman ay para sa kanila. May trabaho pa si kuya Kash kaya nagpatawag na lang siya ng driver para sunduin kami.
"Sa'yo na ako sasakay ate."
Kaming dalawa lang ni Ren ang sakay nang kotse ko nang umalis kami.
"Excited ka?"
Tanong ko sa kaniya. First time niya na makikita at makakapunta sa bahay namin.
"Sobra. Makikita ko na daddy niyo."
"Daddy natin."
Pagtatama ko sa kaniya. Dad was cremated, para hindi siya malayo sa'min ni kuya Kash. May sarili siyang kwarto sa bahay.
Traffic lang ang nagpatagal ng biyahe namin, pero kung walang traffic, ilang minuto lang nasa bahay na sana kami.
"Ang ganda naman ng subdivision niyo, ang tahimik."
Papuri ni Ren. Isa 'yun sa dahilan kung bakit dito nagpatayo ng bahay si daddy, tahimik daw at maraming puno.
Medyo malayo mula sa main gate ang bahay kaya ang sarap sa pakiramdam na puro puno ang nadadaanan mo.
"We're here."
"Wow~"
Manghang-mangha siya sa pagbukas pa lang ng gate. Ipinarada ko sa gilid ang kotse bago lumabas.
"Wow, Ken, ang laki ng bahay niyo."
Papuri ni Tasha ng makababa sila sa sasakyan. Tahimik lang ang mga boys habang inililibot ang paningin sa facade ng bahay.
"Good morning, ma'am Ken. Welcome po kayo."
Bati ng isang kasambahay namin. Ngumiti naman ako sa kaniya bago buksan ang pinto ng bahay.
"Grabe, main entrance ba ng palasyo 'to? Ang laki."
Ilang kumento pa matatawa na ako kay Tasha. Parang bata na first time sa mall. Amaze na amaze. At lalong lumakas ang wow nila nang makapasok kami. Our house is nestled on a sloping land, kaya ang likod ng bahay puro view ng mini forest ng subdivision. At kapag hindi maulap, kita rin ang katabing city.
"Manang, ready na po ba ang pagkain?"
Tanong ko sa mga kasambahay nang makarating kami sa sala. Sumagot naman sila ng oo at sinabihan kami na nasa viewdeck daw ang mga pagkain.
"Tara sa labas."
Aya ko sa mga kasama ko at kinuha ang remot ng sliding door.
"Wow~"
Hindi na yata matatapos ang kaka-wow ng mga kasama ko. Napa-wow na naman kasi sila nang makita ang view sa likod ng bahay namin.
"Ito ang view mo araw-araw? Ang ganda."
Tumabi sa'kin si Tasha habang naglalakad kami.
"Araw-araw simula noong bata pa ako."
Sakto lang para sa amin ang inihanda nilang lamesa. Nasa pamilya raw kasi ni ate Dyne ang pamangkin ko at mamaya pang hapon uuwi. Wala naman kaming plano for today kaya after namin kumain nasa kanya-kanya na kaming kwarto at nagpahinga. Marami naman kaming guest rooms at may sariling kwarto si Ren dito kaya solo nila ang mga kwarto nila.
"Ate?"
Dinig ko ang pagtawag ni Ren mula sa labas ng kwarto ko.
"Yes? Do you need anything?"
"Can I see Papa... na?"
Parang nag-aalangan pa siyang tawagin na papa si papa. Umakbay naman ako sa kaniya kahit hirap at iginaya siya sa part ng kwarto ko kung nasaan si papa.
Ang kwarto kasi na ginagamit ko ngayon ay ang dating kwarto ni papa. Dito ako lumipat dahil gusto ko araw-araw ko nakikita ang lahat ng bagay na nagpapaalala sa'kin sa kaniya. Ayokong makalimutan kahit ang boses at mukha nang papa ko.
"Papa, your bunso is here."
May mini library sa loob ng kwarto ni papa. Mahilig kasi siya mag-basa. Dito namin naisip ilagay ang ashes niya dahil dito siya madalas pumwesto kapag stress siya.
"Hello po. It's nice to finally meet you po,"
Napaka-emosyonal talaga nitong kapatid ko, sumihinghot agad.
"Sorry po kung natagalan ako sa pag-bisita. Sayang po, hindi ko manlang kayo naabutan."
Tuluyan na siyang naiyak. Pero imbes na magpa-comfort sa'kin, ni-request niya kung pwede ko daw ba silang iwan muna. Siyempre pumayag ako, ilang taon hinintay ni papa ang moment na 'to. Ayokong maka-istorbo sa kanilang dalawa.
Siguro isang oras nag-tagal si Ren kasama si papa. Baka kinuwento niya na lahat ng na-miss ni papa sa buhay niya.
Nagpaalam lang siya sa'kin na sa kwarto lang daw muna siya, hindi ko na inusisa mukhang mugto na nga ang mata kakaiyak eh.
Nagkita-kita na lang ulit kami noong hapunan na. Kumpleto kaming lahat. Naka-uwi na sila kuya, pati sila Navi, Sky at Xei pumunta sa bahay. Nagyaya sila na mag-bonfire raw kami sa may backyard namin.
"Malas. Movie marathon na lang tayo sa home theatre niyo, Ken."
Inis na inis si Navi nang biglang umulan. Sa sobrang lakas parang may bagyo.
"May sinehan kayo sa bahay?"
Excited na tanong ni Tasha. Tumango ako at nagsimula na mag-lakad papunta sa elevator para makapunta kami sa third floor ng mas mabilis.
"Wow! Ang ganda, ang comfy."
Sabi niya habang umuupo sa pwesto na napili niya. Sila na ang pinapili ko nang mga movie na panonoorin. Nagpadala na lang din ako ng mga snacks para hindi na kami bababa pa, nakalimutan kasi mag-dala kanina.
Madaling araw na kami natulog. Actually may ilan sa amin na nakatulog na sa upuan nila, pero ayaw pa umalis dahil ayaw maka-miss ng kung ano man ang mangyayare. Hindi naman si Navi ang tinutukoy ko. Hindi naman siya kinailangan buhatin ng kapatid niya pauwi sa bahay nila. Pero parang gano'n na nga.
Anong oras na rin kami nagising dahil nga nag-puyat kaming lahat, kaya hindi natuloy ang plano namin na kakain sa labas para sa tanghalian. Bandang alas-dos na kasi kami nagising.
"Ano plano niyo bukas?"
Tanong ni Navi. Oo, andito na naman sila. Wala naman problema sa'min since andiyan lang sa tabi ang bahay nilang tatlo. Hindi na sila kailangan hanapin ng mga magulang nila.
"Bukas na siguro itutuloy 'yung plano na hindi natuloy ngayon, bakit sama ka na naman?"
Tiningnan ko siya na parang hinuhusgahan ko ang buong pagka-tao niya.
"Hoy! Alam ko nasa isip mo, hindi ako magpapalibre 'no!"
Hindi ako naniniwala sa kaniya. Sigurado maiiwan na naman ang wallet niya bukas.
Matapos namin kumain, umuwi na muna 'yung tatlo. Wala naman kasi silang dala na damit. Ang mga kasama ko naman kaniya-kaniya na, ang mga boys nag-work out sa home gym. Si Tasha nagcecellphone lang sa sala. Habang ako nasa view deck lang at tinititigan ang tanawin.
"Ken."
Nagulat ako dahil sa biglang pagtawag ni Aice mula sa likod ko.
"Bakit?"
Hinarap ko siya. Halatang kakatapos lang mag-work out at basa pa ang katawan ng pawis. Lalo tuloy na emphasize ang ganda ng katawan niya dahil naka-sando lang siya.
"Are you okay? Isang oras ka na nakatulala. Kahit paggalaw hindi mo ginawa."
Humihingal pa siya habang nagsasalita.
"Okay naman. Hindi ko nga namalayan na ganon katagal na pala ako rito. Ikaw, okay ka lang?"
Tanong ko sa kaniya kasi hindi na normal ang paghinga niya.
"Yeah, sobrang pagod lang. Ang tagal din kasi namin natigil sa pag-work out, baka nabigla lang 'yung katawan ko."
Naupo siya sa tabi ko. Tumawag naman ako ng kasambahay at pinagdala siya ng tubig para kay Aice.
"Baka abutan ka pa ng sakit ha."
Inabutan ko siya ng isang basong tubig at agad niya naman ininom, humingi pa siya ng isa kaya pinagsalin ko siya.
"Hindi. Pahinga lang 'to."
Humihingal siya at tumingala habang nakapikit ang mata. Bigla naman pumasok sa isip ko si Lacey. At sinabi niya noong pinuntahan namin siya.
Aice likes you.
I had my doubts, pero hindi ko pinansin. Baka kasi ginagawa lang talaga ni Aice ang trabaho niya.
"Aice, do you like me?"
Gulat siyang napatingin sa'kin. Napatitig pa ng ilang sandali bago sumeryoso ang mukha.
"I do."
Ako naman ang nagulat. I was expecting it, but I was still shocked to actually confirm it. Instead of feeling kilig, I felt more awkward.
Tanga kasi, bakit pa tinanong.
"Sorry for saying it like this."
Gusto ko umalis pero ayoko mapahiya siya kaya hindi ko na lang pinansin. Ako tuloy ang napa-inom ng tubig.
"Ken."
Sa sobrang gulat at kaba nang marinig ako boses ni Tasha, naibuga ko ang tubig sa mukha ni Aice.
"Yuck, kadiri ka naman."
Puna ni Tasha. Nataranta naman akong pinunasan ang mukha ni Aice.
"Sorry. Ito kasi eh, bakit ba nambibigla ka?"
"Anong nambibigla? Tinawag ko lang naman pangalan mo."
Nakakainis naman 'tong babae na 'to. Pero buti na lang dumating siya, at least makakatakas na ako sa awkward conversation namin ni Aice.
"Ano ba kailangan mo?"
"Swimming tayo, nakakaakit ang pool niyo oh."
Lumapit siya sa kanan na railings kung saan kita ang swimming pool sa baba.
"Bakit hindi ka maligo, hawak ko ba ang mga dami mo?"
Tumayo na ako para samahan siya. Casual ako na umalis doon at hindi manlang tiningnan si Aice.
"Samahan mo 'ko, para masaya. Sige na. Ikaw na nga itong inaaya, choosy ka pa."
Hahampasin ko sana siya sa braso pero bigla siyang umilag. At dahil nga "choosy" pa ako. Sumama na rin ako.
Humawak siya sa braso ko habang bumababa kami papunta sa pool. Hindi sumama ang boys sa'min, since kakatapos lang nila mag-work out. Hindi rin naman kami nagtagal ni Tasha sa tubig dahil biglang umulan, lalong lumamig.
Noong kinagabihan, hindi na pumunta 'yung tatlo sa bahay. Bukas na lang daw kami magkikita. Kami naman ni Aice, awkward pa rin pero hindi namin pinapahalata. Parang wala lang nangyare. Hindi na rin kami nakapag-usap hanggang sa matapos ang araw.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (69)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
oo dahil siya ang author
11/08
0muito bom
17/07
0Ang gandaaa
13/07
0View All