Homepage/Where You Can Find Peace/
44: Awkward Truth
"Ken."
Nagising ako sa mga mahihinang hampas ni Mike sa likod ko. Mukhang napahaba ang tulog ko dahil uwian na. Iilan na lang ang nasa loob ng room.
"Cancelled lahat ng klase, uwian na."
Sabi ni Mike ng makita niya akong nalilito.
"Anong oras na?"
Tanong ko habang inaayos ang sarili.
"Alas-tres pa lang. Nag-aaya sila Tasha sa bahay niyo."
Napa-isip ako bigla. Sa amin na naman kasi, okay lang sana kung nasa labas ng resort ang bahay ko. Ayokong maka-istorbo kami sa mga guests at staffs.
"Pwede 'wag na muna sa bahay? Nakakahiya na kasi sa mga head of staffs eh. Kahit amo nila ako, parang mali pa rin na tini-take advantage ko ang respeto nila sa'kin."
Ngumiti naman siya bigla kaya napakunot ang noo ko.
"Tanginang ngiti 'yan, ngiting red flag."
Tinulak ko ang mukha niya papalayo sa akin bago tumayo at maglakad palabas ng room.
"Hoy! Anong red flag? Walking green flag ako 'no!"
Nakangiti akong lumabas sa room at iniwan siya do'n, nakahabol naman agad siya at tumabi sa akin paglakad.
"So, saan tayo ngayon?"
Magkakasama na kaming lahat at hanggang ngayon wala pa rin kaming matatambayan.
"Sa bahay na lang kaya?"
Suggestion ni Aice.
"Pwede naman. Sa tabing dagat!"
Nagkasundo na rin ang lahat kaya umalis na kami ng school.
Nagsabi kami sa mga magulang ni Aice pero dahil pareho silang nasa trabaho ay hindi rin naman nila kami naintindi. Katulad ng gusto namin, sa tabing dagat kami tumambay. Nagkayayaan din silang uminom. Naligo pa sila sa dagat, wala akong pamalit kaya hindi ako sumama.
"Tasha, Aice kwento niyo naman kung paano naging kayo."
Biglang tanong ni Adrian, bigla din tuloy natahimik si aice at tasha at bahagyang nagkatinginan.
"Si Aice kasi—"
"Stop."
Hindi pa nagsisimula si Tasha, pinigilan na siya ni Aice. Kahit na hindi naman pagalit ang tono ng boses ni Aice, natahimik pa tin kaming lahat.
"We're not in a relationship."
"AICE!"
Nanlaki ang mga mata namin sa rebelasyon ni Aice. Pero siya ay parang hindi manlang natinag kahit sa malakas na sigaw ni Tasha. Tuloy lang ang inom niya at mukhang balak niya talagang mag lasing ngayon, baka nga lasing na talaga siya.
"Ano ba 'yang sinasabi mo? Umayos ka nga, lasing ka na. Tara na."
Pinilit itayo ni Tasha si Aice pero hindi ito sumasama.
"May karapatan naman silang malaman ang totoo. Napapagod na rin ako, Tasha. Napapagod na akong maging responsable sa hindi ko naman responsibilidad."
Binitawan na ni tasha ang braso ni Aice pero nakayuko pa din siya dito.
"We were just pretending to be lovers. May stalker kasi itong si Tasha, and she asked me to pretend to be his boyfriend para tigilan na siya. Pero..."
Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil tumayo na siya mag-isa at mata sa mata niyang tiningnan si Tasha.
"Nalaman ko, hindi naman pala totoo 'tong stalker na 'to!"
Ngayon ay si Tasha naman ang gulat na gulat dahil sa sinabi ni Aice. Mukhang hindi niya alam na alam na ni Aice.
"Pano mo nalaman?"
Parang iiyak na si Tasha.
"Sinabi ng best friend mo sa'kin. Nakukunsensya daw siya dahil sa ginagawa mo, kaya sinabi niya sa'kin. Sa totoo lang noong una hindi naman ako naniwala, kasi inisip ko na hindi mo kayang gawin sa'kin 'yun. Pero ngayon na nakita ko ang reaksyon mo, nakumpirma kong totoo pala."
Tulyan nang lumuha si Tasha. Kami naman ay tahimik na nanunuod lang. Nakatayo na ako, at ang mga boys ay naka-ahon na rin. Pare-pareho kaming nakabantay kung sakaling magpisikalan ang dalawang 'to.
"Aice. Aice, I'm sorry."
Iyan lang ang kayang sabihin ni tasha dahil ang lakas na ng mga hikbi niya.
"Sorry? Anong gagawin ko sa sorry mo?"
Madidinig na sa boses ni Aice ang galit na mukhang kanina niya pa kinikimkim. Pero hindi pa rin siya nagtataas ng boses.
"Ang gusto ko lang naman malaman, bakit? Bakit mo 'ko pinaglaruan ng ganon? Anong kasalanan ko sa'yo? Ha!?"
Agad na pumagitna sila Clark at Adrian nang bahagyang lumapit si Aice kay Tasha. Ako naman ang pumwesto sa likod ni Tasha. Nang hawakan niya ang kanang braso ko, inilagay ko naman ang kaliwang braso ko sa likod niya para alalayan siya. Sa tabi ko naman pumunta si Mike.
"I was genuinely concerned about you, Tasha. Ginawa ko 'yun kasi nag aalala talaga ako sa'yo kasi kaibigan kita. I ivested so much of my time because I really wanted to protect you. Tapos ganito malalaman ko? Pakulo mo lang pala lahat? Laro mo lang pala 'to? Gawa-gawa mo lang pala 'tong tao na kinatatakutan mo!?"
I can somehow understand why Aice is mad. He lasted this long pretending to be her boyfriend because he was worried about what might happen to her. It must have been really painful learning that you've been a piece of someone's game all along.
"I'm sorry. I really am. I tried telling you, but I got so caught up. Nadala ako sa sarili kong pantasya. Nagawa ko lang naman 'yun kasi gusto talaga kita, Aice. Mahal talaga kita."
That wasn't surprising. It's obvious by the way she looks at him, the way she worries about him and the way she talks to him and about him. But really, it's still not enough reason to play him like that.
"Love? If that is love, then you and I have different definitions of love. Magkaiba yata ang dictionary natin noong mga bata pa tayo. Because for me, loving someone is NEVER deceiving them..."
That's a movie liner right there. Kudos to Aice.
"You don't love me. You just love the idea of being with me."
Aice walked out. Ang tanging ingay na lang na naiwan niya sa pwesto namin ay ang dagat at ang iyak ni Tasha. Inayos na nila Adrian ang ginamit namin at sabay sabay na kaming bumalik sa sasakyan. Nagkulong na sa bahay nila si Aice kaya isinigaw na lang namin ang pamamaalam namin.
"Kay Mike na kayo sumakay. Dadaan naman siya sa mga bahay niyo."
Sabi ko sa kay Adrian at tumango naman siya.
"Tasha."
Tinawag ni Mike si Tasha na hanggang ngayon ay umiiyak pa din habang nakatingin sa bahay nila Aice. Pinagbuksan niya na kasi ito ng pinto.
"Ken, pwede ba sa inyo na muna ako? Ayoko kasing makita ako nila nanay na ganito ang itsura ko."
Nagkatinginan kami ni Mike at agad niya rin sinarado ang pinto ng front seat niya. Si Adrian na lang ang pumwesto sa front seat ng kotse ni Mike.
Pinto naman ng kotse ko ang binuksan ni Mike para kay Tasha at agad din siyang pumasok.
"Una na kami, ingat kayo. Sa'kin na din sasakay si Clark."
Paalam ni Mike habang nakayuko siya sa bintana ng kotse ko.
"Sige. Ingat din kayo."
"Balitaan mo 'ko."
Tinuro niya si Tasha na nakasilip sa bintana gamit ang nguso niya.
"Chismoso."
Asar ko sa kaniya at pabirong tinulak ang mukha niya papalabas para maisara ko na ang bintana.
Umalis na rin kami agad doon at tahimik lang kami ni tasha. Bumusina lang si mike nang makarating kami sa tapat ng resort bago sila humarurot paalis.
Nang makapasok sa bahay ay agad na dumeretso sa taas si Tasha, mukhang magkukulong din sa kwarto. Nagtaka tuloy ang kapatid ko dahil sa itsura niya.
"Hi, ate. Anong meron kay ate Tasha?"
Tanong ni Ren nang makasalubong si Tasha sa may hagdan.
"Ang daming nangyare sa totoo lang."
Sagot ko sa kaniya bago ibagsak ang sarili ko sa malabot naming sofa. Sinabi ko na lang sa kaniya na hindi pwede sa bata ang mga nangyare kaya hindi na siya namilit pa.
That was one hell of a confrontation. But really, I was not as shocked as I was supposed to be. I mean, I already had my doubts and questions. He wasn't treating her like a girlfriend. He was treating her like a woman. If Aice didn't introduce Tasha to me as his girlfriend, I wouldn't have guessed.
During dinner, bumaba si Tasha para saluhan kami. Everyone was quite, none of us said a word. Si Ren na ang nag presinta na maghugas ng pinggan matapos naming kumain.
"Mas kailangan ka noong nasa taas, ate."
Bulong niya sa'kin dahil pinipilit kong tulungan siya. Bumuntong hininga lang ako ng ngitian niya ako. Hindi naman kasi ako magaling mag-advice. May isang pagkakataon nga na isa sa mga classmate ko noon pumunta sa akin para humingi ng advice, kaso lalo ko siyang napa-iyak.
Nakita ko sa may balcony si Tasha, at halatang umiiyak pa rin. Medyo malamig na ang hangin kaya kumuha muna ako ng jacket sa kwarto ko bago ko siyang lapitan.
"Suotin mo 'to."
Bigla ko na lang ipinatong sa balikat niya ang jacket kaya nagulat pa siya. Sinuot niya rin naman matapos niyang punasan muna ang luha niya.
"Sorry, Ken,"
Biglang sabi niya. Tumingin lang ako sa kaniya ng may pagtataka, at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Sorry kasi nag sinungaling kami sa'yo."
Nagsisimula na naman mamuo ang luha sa mata niya.
"There's nothing to be sorry about. I mean, yeah, masama mag sinungaling, but it's really none of my business. Kung nagpapanggap man kayo o hindi, wala sa'kin 'yun. Hindi naman ako affected."
Paliwanag ko sa kaniya.
"There's only one person you should say sorry to. And I know you know who I'm talking about."
Nakatingin lang ako sa kaniya at kita sa mata niya ang sakit noong sinabi ko 'yun.
"Hindi ko nga alam kung paano ko gagawin eh. Alam ko simula ngayon, iiwasan niya na talaga ako. Ayoko no'n, Ken. Ayoko no'n."
Bumuntong hininga ako at tumingin sa langit.
"Him ignoring and avoiding you is just proof that he was hurt. We cannot call him out because of that. He has all the right to be mad. Maybe, think of it as a punishment na lang. You hurt him, and you have to face the consequences."
Tumingin ako sa kaniya at tsaka ko lang nakita na nakatitig din pala siya sa'kin.
"And you saying sorry and doing everything you can to gain his forgiveness, just proves that you really mean it. Malakas ang loob mong saktan siya, dapat malakas din ang loob mong suyuin siya."
Bigla siyang ngumiti at yumakap sa'kin.
"Thank you, Ken. Thank you so much!"
She sincerely told me. Yumakap naman ako pabalik.
"Just a reminder, you can gain his trust again, but it will never be the same like before. You now have little right to question him if he's questioning you about things. Little lang, pero meron pa rin."
Umalis siya sa pagkakayakap sa akin. Natahimik kaming dalawa nang ilang minuto bago siya magsalita ulit.
"Ang sakit pala talaga magmahal ng taong hindi ka mahal."
Tasha said with a sad voice and while looking at the sky.
"Alam mo 'yung masakit?"
Tumabi ako sa kaniya at ipinatong ang siko ko sa railings, napatingin naman siya sa'kin.
"Yung paa ko. Nangangawit na ako, sa loob na tayo mag usap."
Tumalikod na ako at pumasok sa bahay.
"Ang sama ng ugali mo."
Dinig kong reklamo niya at sumunod din sa akin. I really wanted to listen to her sentiments, but I know I won't be able to do that if all I can think of is my feet hurting.
Pumasok ako sa kwarto ko at naupo sa gilid. Tumabi siya sa akin at tsaka siya nag simulang nag-kwento.
She told me that the reason she did that was because of her obsession. High school pa lang daw crush niya na si aice, and then she quickly realized na wala siyang pag-asa kaya naisip niyang mag sinungaling nang gano'n. Alam niya din na mabait si Aice kaya tinake advantage niya ang opportunity na 'yun.
After our heart to heart talk, bumalik na sa kwarto si tasha. The next day, wala na siya sa bahay ng magising ako. She only left me a message saying she's thankful that I listened to her, and this time siya naman ang makikinig sa'kin.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (69)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
oo dahil siya ang author
11/08
0muito bom
17/07
0Ang gandaaa
13/07
0View All