38: Issues

Kinabukasan, nagising ako sa mahihinang bulungan sa kwarto ko. Una kong nakita si Navi na naghahanda na umalis. Inaayos niya na ang mga gamit niya at mukhang tinutulungan siya ng kapatid niya.
Bumati lang sila sa akin ng good morning bago ako pumasok sa banyo at mag-ayos. Ngayon din kasi ang alis nila kuya kaya kailangan ay maayos na ako.
"Alis na kami, bestie." 
Paalam sa akin ni Navi bago yumakap. 
"We're once again leaving you. Pang-ilan na 'to pero nalulungkot pa rin ako." 
Si Xei naman ang mahigpit na yumakap sa akin. Halos ayaw pa akong pakawalan.
"We will never get used to this. I'm going to miss you again."
Sky was the last one to hug me.
Bigla namang tumakbo si Zix papunta sa akin, kabababa lang sa kaniya ni Ren. Ayaw kasing maglakad ni Zix kanina kaya kinarga siya ng tito niya. 
"Tita, when are you going home with us na?" 
Tanong niya sa akin, ako naman ang kumarga sa kaniya. Muntik pa akong mawalan ng balanse dahil hindi ko inaakalang mas mabigat na siya ngayon. 
"Not now, Zix. But soon. So wait for me, okay?" 
He smiled and nodded his head before hugging my neck. 
"Mauna na kami, love you!" 
Yumakap sa akin si ate at kuya habang karga ko si Zix. Kuya also hugged Ren before heading inside the private chopper. 
"Ate?" 
Tawag sa akin ni Ren matapos nilang umalis. 
"Yes?" 
"Pwede ba akong lumabas ngayon? May maliit na party daw na hinanda para sa akin ang mga kaibigan ko, okay lang ba na pumunta ako?" 
Parang takot niyang tanong. 
"Paano masasabing birthday party mo 'yun kung wala ka?" 
"Yes! Thank you, ate." 
Yumakap siya sa akin habang naglalakad kami. 
"Magpaalam ka kay kuya." 
Banta ko sa kaniya.
"Nagpaalam na, kanina pa." 
Mayabang na sagot niya. Natuwa naman akong naisip na kahit pinayagan na siya ng panganay namin ay hiningi niya padin ang opinyon ko.
Agad siyang nag-ayos nang makauwi kami sa bahay. Ilang minuto lang ang lumipas ng bumaba na siya at nagpaalam sa aking aalis na. May dala siyang bag since overnight daw sila sa bahay ng isang kaibigan niya. Pinayagan ko basta bawal uminom, um-oo siya kahit malakas ang pakiramdam kong hindi niya susundin. 
Ako naman ay nakahilata lang sa living room namin dahil wala naman akong gagawin. Lahat ng school works ko ay natapos ko ng gawin. Nasa instagram ako ng biglang tumawag sa akin si tita Lizzy.
"Hello po, tita?" 
Sagot ko sa kaniya.
[Ma'am ken? Pasensya na po sa abala. Pero may request po sana ako.]
Kumunit ang nuo ko ng marinig na parang iiyak na siya. Napa-ayos naman ako ng upo.
"Ano po 'yon?" 
Ilang beses pa siyang bumuntong hininga kaya lalo akong na-curious, hinabaan ko naman ang pasensya ko at hinintay siyang sumagot.
[Pwede niyo po bang puntahan sa bahay sila Aice at Raze? Nag-text po kasi sa akin ang kapitbahay namin, kanina pa raw po nagaaway. Hindi po kasi 'yon makikinig sa kanila.]
Puno ng pagaalala ang boses niya.
"Ako na po bahala." 
[Salamat, Ken. Salamat talaga. Pakibalitaan na lang din kami, please.]
"Sure, tita. Ako na po bahala, mag-ingat po kayo riyan."
Pinatay ko na ang tawag at agad na tumayo para kuhain ang susi ng kotse ko.
Nagmamadali akong umalis sa resort at nag-drive papunta sa bahay nila, nag-aalala rin kasi ako at baka magsakitan ang magkapatid doon. 
"Bakit ba masiyado kang affected, ang bata-bata mo pa noon!? Baka nga hindi mo na naaalala 'yun eh!" 
Sa labas pa lang ng bahay nila ay dinig ko na ang sigaw ni kuya Raze. Nagulat pa ako dahil ngayon ko lang siya nadinig na sumigaw. 
"Just because I was not affected doesn't mean I don't have the right to be affected. It's my parents we're talking about." 
Nasa may gate na ako ng madinig ko ang sagot ni Aice.
"They are my parents too!"
Mas binilisan ko ang lakad ko papasok sa bahay nila ng makita kong parang ilang segundo nalang ang itatagal ng mga pasensya nila. 
"F*ck you! Bumalik ka sa nanay mong kampon ng demonyo."
Napasigaw ako ng biglang sapakin ni kuya Raze si Aice. Agad ko namang nakuha ang atensyon nilang dalawa. Inalalayan kong tumayo si Aice, mukhang gulat pa siyang andito ako.
"Ken? Anong ginagawa mo dito?"
Kalmadong tanong ni kuya Raze. 
"Pinapunta ako ng mama niyo. Kanina pa raw kayo nagsasagutan sabi ng mga kapitbahay."
Sagot ko sa kaniya.
"Okay ka lang?"
Bumaling ako kay Aice pero nagulat ako ng bigla niyang tanggalin ang braso niya sa kamay ko at biglang sumigaw.
"She's not his mother! Hindi kami magkapatid, ilang beses kong kailangang sabihin 'yon?"
Biglang siyang lumabas ng bahay, at tumakbo papunta sa tabing dagat. Susundan ko sana siya pero pinigilan ako ng kuya niya.
"Don't. Ayaw niyang kinakausap siya kapag galit. Hayaan mo na lang muna. Magpapalamig lang 'yon."
Sabi niya sa akin bago ibinagsak ang sarili sa upuan nila. Tsaka ko lang napansin na may sugat din siya sa gilid ng mukha niya.
"This is nothing. Don't worry about it."
Mukhang napansin niyang nakatitig ako sa mukha niya.
"Sino may sabi sayo na nag-wo-worry ako?"
Tumabi ako sa kaniya at natawa naman siya sa naging sagot ko. None of us said another word after that. Both of us were just staring into nothing. Wala naman na sa pakiusap ni tita na alamin ko kung ano pinagawayan nila. 
"We're only half siblings. Aice and I, I mean."
Siya ang unang nagsalita.
"I think it's already obvious by this time."
Natawa siya at bumuntong hininga na parang ang laking problema ang nawala sa katawan niya
"Oo nga naman. Ang hirap hindi mapansin no'n. But I bet, hindi mo alam kung bakit ayaw na ayaw niya sa'kin?" 
Parang nang-aasar ang tono ng pananalita niya. Parang alam niya na na gusto ko talagang malaman at pinapaamin lang ako. 
"Sus, nahiya ka pa naman. Sabihin mo na lang kasi na gusto mo malaman."
Tuloy ang pang-aasar niya sa akin kaya tinarayan ko siya.
"Iiwan kita rito, sinasabi ko sa'yo."
Tuamawa na naman siya. Nagsisisi na tuloy ako na pumayag ako sa gusto ni tita.
"My mom ruined her relationship with dad. Hindi ko maitatanggi 'yun. She was toxic, so toxic that she ended up being everyone's poison. Including mine."
He started sounding so serious. And I started listening again.
"Naghiwalay sila, 1 year old pa lang ako. They were co-parenting me just fine, until dad got married when I was 5, and Aice soon arrived,"
He started reminiscing. 
"I still remember the hate I felt for that baby. Simula kasi nang dumating siya sa buhay namin, nagbago na ang samahan ng mga magulang ko. Dad would only spend little time with me. At siyempre, as a kid, hindi ko pa naiintindihan 'yun. Hindi ko pa naiintindihan na mas kailangan nang mga babies ang 100% attention nang parents nila." 
He said that with his head down. Parang hiyang-hiya siya sa kinukwento niya. 
"My mom, she started treating me differently too. Kaya pati inggit namuo sa akin noon. Kasi kapag nasa bahay nila ako, nakikita ko kung paano siya alagan ni mama Lizzy. Nasa isip ko sinira ni Aice ang pamilya ko. Sinira niya ang buhay ko. Kaya gumawa ako ng katangahan na hanggang ngayon pinagsisisihan ko." 
Tumigil siya at malalim na bumuntong hininga. 
"I tried hurting myself. Tapos... tapos ang sinisi ko si mama Lizzy. Nagsumbong ako sa mommy ko, kunwari sinasaktan niya ako kapag nasa bahay nila ako. My mom, she was furious. She ruined their lives, which I thought wouldn't happen. Akala ko aawayin lang ni mommy si mama. Akala ko lang pala. I made my mom snap. Ako 'yung dahilan kung bakit ang matagal ng tinatagong galit ni mommy at biglang sumabog. The result? My mom used all her connections to make my dad's company suffer. Dad's architectural firm loses tons of money. They went bankrupt, and dad had no choice but to sell it in order to save it."
So, tito is an architect? I didn't know that. He even had his own firm. Kaya siguro nag architecture si Aice.
"That's the reason why they moved back here. Kinuha si daddy ng papa mo, to work for him. Actually, he was supposed to buy the company and give it back to dad, but dad refused. Masiyado na raw malaki ang utang na loob ni daddy sa papa mo."
Nakangiti siyang kinu-kwento sa akin ang tulong ng papa ko sa daddy niya.
"I think what bothered me the most is what my mom did to Mama. She framed her in doing illegal stuff, which ended to her almost getting deported. And again, thanks to your papa and your clan, it didn't happen." 
He smiled after mentioning my papa again. 
"I was 15 na, noong nagsimula akong makonsensya. I tried reconnecting with dad. I asked for forgiveness, and they gave it, mabuti na lang mabait si daddy at si mama. Aice and I were fine, nakalimutan niya na 'yung mga ginawa ko. I mean, bata pa siya noon, kaya hindi niya siguro natandaan. But my mom, she was furious. Seeing me and my dad happy, me being part of dad's family again made her feel jealous. So she told Aice every single thing that happened. Every single thing that I did to him and his family."
I looked at his hands. It's trembling, not with fear but with anger. 
"So basically, siniraan niya ako sa sarili kong kapatid dahil gusto niya pareho kaming maging miserable." 
Bumuntong hininga ulit siya. 
"Kaya, ito kami ngayon. I'm still earning his trust and forgiveness again!" 
Kaya pala. Kaya pala ayaw na ayaw ni Aice malaman nang iba na may kapatid siya. Ganoon kalaki ang galit niya sa kuya niya. 
Ganoon kalaki ang galit niya sa nanay ng kuya niya.

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters