37: Necklace

"Miss, pakiayos naman ng mga lamesa, please."
It's almost lunchtime and I'm still preparing for the party. Actually, I'm just overseeing things. May hinire kasi si kuya na interior designer.
Ren is taking care of all his guests, inaalam niya kung sino ang pupunta at ang hindi.
Si kuya naman sa pagkain at mga games, habang ang mga kaibigan ko nasa bahay nagpapahinga pa. 
"Yow! Good morning, people. Especially to you miss ma'am."
Bati ni Mike habang lumalapit sa akin. Kadadating lang niya kaya may suot pang sunglasses.
"Ano ginagawa mo rito?" 
Tanong ko sa kaniya since hindi naman siya kailangan dito. At hindi ko naman alam na pupunta siya dito.
"Susunduin ka." 
Tumabi siya sa akin at tiningnan ang buong lugar. Napansin ko namang halos lahat ng mga babae na staff ay napatingin sa kaniya. Sa porma niya kasi ay makukuha niya talaga ang atensyon ng lahat. 
Leather Jacket, kahit ang init init sa labas, black ripped jeans, and black leather shoes. Naka sunglasses pa.
Feeling bad boy. 
"Bakit mo naman ako kailangan sunduin?"
"Wala lang. Pumunta kasi ako sa bahay niyo, sabi ni Ren andito ka daw. Tara na, uwi na tayo. Kaya na nila 'yan." 
Pumunta siya sa likod ko at pinatalikod ako sa venue habang tinutulak ako paalis. Hindi na ako kumontra since mukhang ayos naman na ang lahat. Plus, gutom na ako.
"Wow, kanino 'yan?" 
Tanong ko sa kaniya pagkadating namin sa parking. Bumungad kasi sa amin ang itim na Kawasaki Ninja 1000.
Kaya naman pala 'bad boy' ang porma, may motor naman palang dala. 
"Sa'kin, malamang. Nagpa-practice kasi ako." 
Sabi niya habang inaayos ang isang helmet, akala ko ay ibibigay niya sa akin, isusuot pala. 
"Nagpapa-practice ng ano?" 
Tanong ko sa kaniya habang sinusuot sa akin ang helmet. 
"Maging riding in tandem, kasama ka." 
"Tangina mo." 
Natawa siya ng hampasin ko ang tagiliran niya dahil sa biro niya. 
After lunch ang party ni Ren kaya may ilang oras pa kami para makapagpahinga. Dito na din sa bahay tumambay si mike, pati si tasha at ang mga kaibigan ni ren ay pumunta din sa bahay. Kaya sabay sabay kaming lahat na pumunta sa venue ng magsisimula na ang kasiyahan.
The whole event was peaceful. Nasa sideline lang kaming mga "nakakatanda" at hinahayaan ang mga bisita ni ren na magsaya, tutal ang party na 'to naman ay para sa kanila. Wala sa amin ang may balak maglasing, kami kasi ang maghahatid sa ibang bisita ni ren pagkatapos ng party. 
"Games naman tayo."
Sigaw ni Ren sa unahan kaya nagsigawan silang lahat. 
"Sali naman kayo diyan." 
Tinuro niya ang table kung nasaan kaming lahat. Tumayo naman agad ang mga kaibigan ko.
"Tara, Ken." 
Aya sa akin ni Mike pero tumangi ako. Naka-upo kasi si Zix sa binti ko habang kumakain, ayaw ko namang istorbohin. 
"Akin na si Zix, Men. Sali ka na doon." 
Binuhat ni kuya ang anak niya at sa binti niya ito pinaupo.
"Ayoko, kaya na nila 'yan." 
Tumayo ako saglit para pagpagan ang pantalon kong puno ng crumbs dahil sa tinapay na kinakain si Zix.
At dahil yumuko ako, lumabas ang kwintas na bigay sa akin ni aice noong birthday ko. Lagi ko itong suot pero pinapasok ko sa damit ko para hindi mahila o maputol.
"Oh! Your necklace. I never knew you found it."
Napatingin ako kay kuya habang umuupo, nakaturo siya sa kwintas na suot ko.
"Found it?" 
Hinawakan ko ito at mayabang na ipinakita sa kaniya. 
"Yes. You lost that when you were a kid. That's Papa's gift for you."
Nawala ang ngiti ko at nagtaka dahil sa sinabi niya. 
Papa's gift? No, it's Aice's.
"But it's not, kuya. Si Aice may bigay sa akin nito noong birthday ko." 
"What? No. I know for sure that that's your old necklace. Look, pareho pa nga tayo e." 
He said and took out the necklace that he's wearing. Nanlaki ang mata ko nang makita na pareho ito ng suot ko. As in, spot on.
"See? Gift 'to ni papa sa ating dalawa." 
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ko naman ang kwintas niya. Nabitawan ko ang pagkakahawak sa kwintas niya dahil lumayo si kuya dahil humingi ng tubig si Zix.
Saglit na naiwan ang kamay ko sa ere habang iniisip kung paano naging magkatulad ang kwintas ko na bigaw ni Aice at kwintas na suot ni kuya, na bigat daw ni papa. Napatingin naman ako kay Aice na malaking nakangiti sa mga kalaro niya sa harapan. 
Is it the same necklace? Of course it's not. Paano naman mapupunta kay Aice 'yun diba?
[I fulfilled my promise, I gave it back.]
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya noong gabing 'yon. 
Was it really a coincidence? 
"Grabe, ang lakas niyo namang maglaro. Hindi niyo manlang pinagbigyan 'yung mga bata."
Bumalik ako sa katotohanan ng madinig ang boses ni tasha at makitang pabalik na sila sa lamesa namin. Nakatingin padin ako kay Aice kaya ng mapatingin siya sa akin ay nagtaka siya. Nginitian ko lang siya para hindi ako mahalata. 
The party continued, and I participated in some of the games na. Luckily, until the end, Ren's father didn't show up. Baka pinigalan ng asawa niya, o baka naman nakaramdam ng hiya. 
Dapat lang.
After sending almost all of Ren's friends home, umuwi na din ako. Kasama ko si aice at tasha sa sasakyan, ang iba ay nauna na at kay kuya sumakay. Nagpresinta kasi sila Aice at Tasha na samahan ako maghatid para may kasama din ako kapag naihatid ko na ang lahat.
Si Mike naman ay umuwi na rin, binalak pang sa bahay matulog pero wala na siyang tutulugan kaya wala siyang choice kundi ang umuwi.
"Dito na lang ako. Bye Ken, salamat sa hatid. Bye, Aice." 
Nagtaka ako kung bakit hindi humalik sa pisngi ni Aice si Tasha katulad ng lagi niyang ginagawa.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago paandarin ang kotse kaya mukhang nagtaka si Aice. Habang bumibyahe, naalala ko ang kwintas. 
"Aice, kanino galing ang kwintas na binigay mo sa'kin?" 
Tanong ko sa kaniya. 
"From someone special, why?" 
Napatingin ako saglit sa kaniya. 
"Someone gave it you? Who?" 
"You don't know her. Again, why?" 
"Nothing. It's just... pretty." 
I didn't find any reason for me to tell him the truth, so I kept it to myself. Baka nga coincident lang na kapareho ng sinasabi ni kuya na kwintas ko noon. 
"Oh! Kuya Raze?" 
Malayo pa lang ay kita kona si kuya Raze at si clark na nakatayo sa labas ng resort namin, mukhang may hinihintay at mukhang si Aice. 
"Nagpasundo ka?" 
Tanong ko kay aice ng itigil ko ang sasakyan sa harap ng motor ni kuya Raze. 
"No! Nagpresinta siya." 
Bumaba siya at ganoon din ang ginawa ko. Gusto kong batiin manlang si kuya Raze bago ako pumasok sa loob ng resort.
"Hi, kuya Raze." 
Bati ko sa kaniya at agad namang lumaki ang ngiti niya. Lumapit siya sa akin, at hindi ko naman inaasahang yayakapin niya ako. Agad naman akong hinila palayo ni Aice. 
"Good evening." 
Malaki padin ang ngiti niya kahit napakasama na ng tingin ng kapatid niya sa kaniya. 
"Una na kami." 
Walang emosyong paalam sa akin ni Aice. Nagpaalam lang din sa akin si kuya Raze at si Clark bago sila sumakay sa motor ni kuya Raze. Medyo natakot pa nga ako para sa kanila dahil dalawa silang angkas ni kuya Raze, pero sabi niya ayos lang daw since malapit lang naman daw ang bahay ni Clark. 
Nang makapasok ako sa bahay, tulog na ang lahat. Tahimik na ang paligid. Mukhang napagod ang lahat sa party kanina. Sa kwarto ko naman, sarap buhay na si Navi. Ginawa ko lang ang mga routine ko bago ako tumabi sa kaniya at nagpahinga na. 

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters