Homepage/Where You Can Find Peace/
36: Coffee
I'm almost at the end of the second binder when my phone suddenly beeps. Ilang minuto ko itong hindi pinansin dahil nga busy ako, pero hindi ko din natiis.
I opened my phone and I saw Aice's message.
Aice: Can you open the door?
I panicked a little when I read it. Kanina pa ito nag-chat kaya siguradong naghihintay pa rin siya sa labas. Hindi ko lang sure kung sa labas ng bahay ba, o sa labas ng kwarto ko.
Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nakita ko siyang nakaupo at nakasandal sa pader. Malaki siyang ngumiti at tumayo nang makita ako.
"Bakit hindi ka na lang kumatok?"
Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya.
"Baka marinig ni Ren."
He immediately saw the documents on my study table, kaya nilapitan niya ito at bahagyang binasa bago umupo sa kama ko.
"Ano naman kung marinig niya? Anong problema do'n?"
I closed the door behind me.
"Baka kung ano isipin."
Natawa ako sa sagot niya.
"Eh sa iisipin ko wala kang pakialam?"
Umupo ulit ako sa study table kaya nakatalikod na ako sa kaniya.
"Wala."
I slightly shook my head.
"Bakit ba kasi andito ka? Anong oras na kaya."
I heard him walking but I don't know where since he's behind me. Hindi nagtagal naramdam kona na nasa likod ko siya. Ipinatong niya ang kanang kamay sa gilid ng lamesa ko para suportahan ang bigat niya dahil yumuko siya para basahin ang mga dokumento sa harap ko.
"Wala."
He softly said. Hindi ako nagpahalata na kinakabahan ako at pinagpatuloy lang ang pag-pirma. Hindi kona tuloy maayos na nababasa.
Aice panira ka ng plano.
"Alam mo nahahalata nang crush mo 'ko."
I jokingly said and slightly laughed. Trying to light up the room.
"Oh? Talaga ba?"
His voice is still soft, but he sounded so sarcastic. I playfully hit his right arm with my right hand. He laughed a little and removed his arms from my desk. He took a step back, completely giving both of us space. That's when I secretly inhaled and exhaled a large amount of air.
"Kape tayo?"
He suddenly asked. I put my pen down and faced him, still sitting on the chair.
"Why? Hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na."
He looked up, pretending to think.
"Sa staff quarters na lang ako matutulog. So, kape?"
I once again looked at the remaining documents that I needed to sign.
Konti na lang naman. Pwede na siguro.
"Sure."
I stood up and walked downstairs. He followed my lead.
"I'll make the coffee,"
Inunahan niya akong makapunta sa kitchen.
"Ano naman naisip mo at naisipan mo akong yayain magkape?"
I leaned on the countertop while he's busy making the coffee.
"Nabanggit ni mama na madami ka daw gagawin, kaya naisip kong tumulong kahit papano."
"Paano naging tulong ang kape?"
Tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.
"I wanted you to take a break. Don't push yourself too much."
Seryoso siya na sumagot. I stared at him.
"Aice?"
"Hmm?"
Mabilisan siyang tumingin sa akin bago ipagpatuloy ang ginagawa niya.
"Why are you doing this?"
He smiled without looking at me.
"Bawal ba?"
"No. But...do you treat Natasha like this too? I mean, ayokong magmukhang pakialamera, pero I just think you treat her as if she isn't your girlfriend."
"You're right. I treat Tasha differently. And not in a very romantic way. It's just.....Ha! You won't understand. At least, not now."
I kept quiet. I shouldn't ask him more. Baka maasar lang. It's their lives, I should let them live it however they want. We drank coffee quietly while staring at the sky. The night was peaceful, and so are we. I also finished all my paperwork before heading to bed that night.
Nothing special happened on Friday, aside from my brother coming home with a surprise.
"Nasaan ang bagong parte ng pamilya?"
Navi came inside my room without even knocking. Thankfully, nakabihis na ako since kakatapos ko lang mag shower.
"Wala bang pinto sa bahay niyo? Hindi ka marunong kumatok?"
She ignored me and laid on my bed. Following her behind is the two boys. Unlike navi, they went straight to me and hugged me.
"Asan na nga?"
This time si Xei naman ang nagtanong.
"Mas excited pa kayong makita kapatid ko kesa sa akin?"
"16 years ka na namin nakikita, sawa na kami sa mukha mo."
Binato ko ng stapler si Navi.
"Aray, hayop ka!"
Ibinato niya ito pabalik pero nasalo ni Sky. Kung hindi sapul ako sa mukha.
"We're just excited to see him,"
Sky calmly said while putting the stapler back at the table, making sure it would be out of our reach.
"Nasa school pa, may ginagawa raw silang project for their christmas party."
"Ang tagal pa ng pasko ha, in fairness naman sa kanila advance sila mag-isip."
Naka-upo na si Navi sa dulo ng kama ko katabi ang kapatid niya.
"Same thoughts."
We head downstairs after our little conversation in my room. Tumawag na din kasi si ren at nagpapasundo since wala daw siyang masakyan. Ako dapat ang susundo pero gusto i-surprise ni kuya ang bunso namin kaya siya na ang nagpresinta.
"Excuse me, ma'am. Report po."
Pumasok sa bahay ng isang head staff kaya nakuha niya ang atensyon naming lahat na nasa kusina. Nakaalis na sila tita Lizzy kaninang umaga para sa party bukas kaya siya ang naatasan na mag-report sa akin. Lumapit naman ako sa kaniya sa living room at iniwan ang mga pamangkin ko sa mga kaibigan ko.
There were only a few things she needed to report to me, so it didn't take that long. Also, a few minutes later, both my brother came home.
"Good evening ate,"
He went inside and hugged me.
"Good mood ka yata."
He just smiled and put his arms on my shoulder.
"Andiyan na?"
My brother suddenly felt nervous and awkward when he saw my friends coming.
"Hello, po."
Magalang siyang yumuko sa kanila.
"Tito Ren. Where's daddy?"
Zix ran to him, and my brother scooted down to be on his level. He kissed his cheeks before lifting him up.
"I'm here,"
Pumasok na si kuya kasama si ate. Nag late grocery din kasi sila. Zix welcomed his parents kaya ibinaba siya si ren.
"Grabe ang tangkad mo. Mas matangkad ka pa kay Sky."
Papuri ni Navi kay Ren habang sinusukat ang tangkad ng dalawa.
"Ikaw pa talaga nagsukat, halos lumipad ka na sa tangkad ng dalawa."
Pang-aasar ko sa kaniya kaya umayos siya ng tayo at tiningnan ako ng masama. Natawa naman ang tatlong lalaki.
"Oh, by the way. This your ate Navi, her brother, your kuya Xei. And kuya Sky. They are my friends. Guys, this is my brother, Ren."
Gumilid ako para mabigyan sila nang space.
"Nice to finally meet you, bro."
"Thank you po."
Nakipagkamay siya sa dalawang lalaki at bahagya namang yumakap si Navi sa kaniya. Nagpalit lang si ren ng damit bago tuluyang makipag-kwentuhan sa aming lahat sa living room. Si ate Dyne na din kasi ang nagpresinta na magluluto.
Even during dinner, tuloy pa rin ang kwentuhan namin.
"Anong oras na, magpahinga na kayo. Lalo na ikaw Ren, you have a long day tomorrow."
Kuya kash cut our conversation off. At dahil pagod din ang mga kaibigan ko, sumunod na kami sa kaniya.
"Mauuna na akong matulog sis, ikaw na bahala diyan."
Navi is my roommate for tonight.
"Sure, tapusin ko lang 'to para wala na akong gagawin bukas or sa sunday."
Mas okay kasi na gawin ko na lahat ng mga pinapagawa ng mga prof namin since tutulong ako sa pag-prepare bukas para sa birthday ni Ren. I wanted to be hands-on with the party. I want to give my brother the best birthday ever. Also, gusto ko din bumawi sa mga times na hindi namin siya kasama.
After about an hour of working on my schoolwork, I decided to sleep na. Tahimik na ang buong bahay maging ang resort, inaantok ako dahil sa katahimikan. After doing my night routine, tumabi na ako kay navi na tulog mantika na.
Ax, it's going to be a really great day tomorrow. Hope you can celebrate it with us. Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (69)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
oo dahil siya ang author
11/08
0muito bom
17/07
0Ang gandaaa
13/07
0View All