35: Normal

"Pupuntahan ko si Ren."
Paalam ko kay kuya at umakyat na sa taas.
"Ren?" 
I knocked on his bedroom door, and he immediately opened it. He hugged me and cried on my shoulder.
"She's gone." 
He was nodding while his head was still buried on my shoulder. We stayed like that until he decided to go down and be with our nephew at the pool. He had to pretend like nothing had happened since the twin wanted to spend time with him.
The day continued at hindi na namin pinansin kung anong nangyare. We pretended like nothing happened, just like Ren wanted. Ayaw niya daw na madamay sa lungkot niya ang bata. Both Mike and I didn't attend our classes, obviously. Umuwi na rin naman siya an hour after ren's mom left. 
Kinahapunan naman bumisita kami sa mansion ni lolo, with Ren. As expected, my grandfather was happy to see him. Ang daming kwento ni lolo, buong kabataan niya hanggang sa aming mga apo niya kinuwento niya na kay Ren.
Noong una nahihiya pa si Ren, he still feels like he doesn't belong. But when my grandfather told him to get ready for a photo shoot for our family wall, he cried again, this time with happy tears. 
Kinabukasan umalis na rin sila kuya, may trabaho pa sila ni ate at may pasok pa ang pamangkin ko kaya kailangan na nilang bumalik. Hindi naman ako nagdamdam, unlike last time. Babalik din naman sila sa birthday ni ren.
"Ate anong oras klase mo?" 
Tanong ni Ren habang inaayos ang damit niya. 
"Aalis na ako ngayon. Sasabay ka na ba?" 
Tumango siya dahil may kagat-kagat siyang toast sa bibig. 
"Ganda talaga ng kotse mo." 
Bati niya sa Aston Martin V8 Vantage ko. My favorite out of my five cars. Dala ito nila kuya kahapon, nag dalawang kotse pa tuloy sila dahil pang-dalawang tao lang naman itong sports car ko. 
"Maganda may-ari e." 
Pagbibiro ko sa kaniya, kaya natawa naman siya.
"Sana all." 
Dinig kong bulong niya sa sarili niya.
Don't worry, brother, you'll have one once you turn 18. Just wait for another year.
Throughout the whole drive, tawang-tawa si Ren dahil sa mga nadadaanan naming manghang-mangha sa kotse ko. Kinukuhaan niya pa nang mga video at isi-send niya raw kay kuya. 
Isa pa pala itong mayabang. Mana sa'kin.
"Bye, ate." 
"Bye, text me if you need anything."
"I will. Drive safe." 
Mabuti na lang at nadadaanan ang campus niya bago pumunta sa campus ko. Dinig ko naman ang pag OH ng mga nakakakilala sa kaniya dahil lumabas siya sa kotseng kanina pa nila tinititigan. 
"Magkapatid kayo?" 
Sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan ko matapos kong sabihin sa kanila ang tungkol kay Ren. I also told my friends in manila, and they became eager to meet him.
"Wow! Kailangan talaga in sync? May choreo?"
I sarcastically asked them before taking a bite on the burger I ordered. Cancelled na naman kasi ang mga klase ngayong hapon kaya magkakasama kami. 
"Seryoso ba 'yan?"
"Grabe parang ang hirap paniwalaan." 
Magkasunod na sabi ni Tasha at Clark.
"It feels so surreal." 
"Wow, english, saan mo napulot 'yan?" 
Pinuna ko ang pag-english ni Adrian. Mayabang naman siyang sumandal at nagkibit-balikat. 
"But he's right, it's hard to believe." 
Aice backed adrian's comment.
"Don't worry, guys. I felt the same way. To be honest, I'm still at the acceptance stage. But it does feel good knowing you have another sibling." 
I told them. They just slowly nodded. I think their still processing everything. 
"Eh, bakit si mike, parang hindi nagulat?" 
"Don't tell me alam mo na?" 
Tanong nila Clark at Adrian kay Mike.
"Secret, walang clue." 
Mapang-asar niyang sagot.
"Chismoso 'yan eh, malamang malalaman niya agad." 
I gave Mike a side eye.
"Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng dahil pinsan ko si Ren kaya ko nalaman?" 
I just rolled my eyes at him.
"Ikaw, aice. Alam mo na?" 
Tanong ni Tasha. He just nodded. Hindi naman big deal kung malaman ni Aice, sa bahay siya nagtatrabaho eh.
After a few hours, nagsiuwian na din kami. Wala na sa kanilang sumabay sa akin, akala ko kasi sasabay sa akin si Ren pero may kailangan pa daw siyang gawin kaya male-late siya nang uwi. 
I asked a staff member to cook dinner for me and my brother when I got home, tinatamad kasi akong magluto. Nasa living room ako ng biglang pumasok si tita Lizzy. 
"Good evening ma'am. Report po." 
Umayos ako ng upo, umupo naman siya sa single sofa sa gilid ko.
"Go on, po." 
This became a habit for her. She would always report to me every day para alam ko kung anong nangyayare sa resort. Minsan kay Marcus ko na lang siya pinagre-report through video call, pero kapag busy lang naman ako. 
"And ma'am, invited po kayo sa isang charity ball sa Zambales." 
She informed me.
"Zambales? Ang layo ah. Bakit? Anong meron?" 
I suddenly got interested. 
"60th birthday po ni Senator David, close friend po ng lolo niyo." 
"Yeah, I remember him. Bakit daw ako invited?" 
Ilang beses naman na siyang nagkaroon ng charity ball, but I was never invited.
"Lagi po talagang invited ang lola niyo, kahit po noong naghiwalay na sila."
"Oh. Okay." 
Kaya pala hindi ako invited, si lola pala.
"Pupunta po ba kayo? Para ma-inform ko po sila." 
"Kailan ba?" 
"Saturday po." 
Oh, then I can't go.
"Pwedeng bang iba ang pumunta?" 
"Bakit po ma'am? May schedule na po ba kayo?" 
"My brother's birthday is on the same day." 
"Gano'n po ba? Then i'll ask them po kung pwede kang magpadala ng representative. And kung pwede po, sino po ang ipapadala mo?" 
"Ikaw." 
Gulat siyang napatingin sa akin. 
"Sure po ba kayo?" 
"Why not? They're probably inviting me for business. Isama mo na rin si tito Cenen, para may kaunting time naman kayo para sa isa't-isa. Ako na rin bahala sa susuotin niyo." 
Lumaki naman ang ngiti niya sa akin.
"Okay, po ma'am. Salamat po."
"Is there anything else?" 
"Documents that needed to signed na lang po." 
She took out two large binders. 
"Ang dami naman nito. Para saan 'to?" 
Kinuha ko sa kaniya ang mga dokumentong kailangan kong pirmahan.
She then told me all of the things that I needed to sign. I was just staring at her the whole time, trying to process how hard it was being the head of a business. What more will I need to do if I take over my brother's position at my dad's company? Ngayon pa lang na-i-stress na ako. 
"Is there anything else?" 
I once again asked her after she finished talking, still trying to act calmly and composed.
"Wala na po ma'am." 
Buti naman.
"Okay. You may go now, po. I'll just hand this to you tomorrow before I head to school." 
"Okay, ma'am. Have a nice night and rest, po."
Saktong tayo niya ng pumasok si Ren sa bahay. 
"Good evening, sir." 
Bati niya kay Ren. Mukhang nagulat naman ang kapatid ko at halatang hindi alam ang gagawin. Bahagya akong natawa sa naging reaction niya. 
"Good evening, po." 
He awkwardly bowed his head. Natawa naman si tita Lizzy at tuluyan ng lumabas ng bahay. 
"Good evening ate," 
She kissed my cheeks before heading upstairs.
"Bumaba ka agad, kakain na tayo."
Sigaw ko sa kaniya at sumigaw din siya ng sige.
After eating, hindi na kami nagkaroon ng panahon mag-usap. Madami daw siyang assignment at ako naman ay maraming babasahin at pipirmahan. Ayoko naman pirmahan na lang ito 'no, baka mamaya may scam pala dito. Alam ko naman na na-review na ni tita Lizzy ito, I just want to make sure. 

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters