34: Confrontation

"Good morning,"
My brother knew me too well. He immediately took a distance when he saw he scared me. Because if he didn't, I could've punched him in the face. 
I glared at him laughing at the side of my bed.
"Good morning, tita."
Zix jumped on top of me. 
"Go easy on me, Zix." 
Umayos siya ng higa para mayakap ko siya ng maayos. Tumayo din ako agad at mahigpit na niyakap ang kapatid ko.
"I'm proud of you, for facing that woman head on." 
He kissed the side of my head. I then went to ate Dyne and hugged her too.
"I missed you so much Kenny, wala na akong ka chismisan sa bahay."
She pouted. Natawa naman ako.
"Where's Ren?" 
Tanong ni kuya
"Sandali lang naman, kakagising ko lang diba? Baka amoy panis na laway pa bunganga ko."
"Anong baka, confirmed kaya!" 
Pang-aasar sa akin ni kuya. Tiningnan ko siya ng masama habang naglalakad papasok sa banyo.
Sabay sabay na kaming lumabas ng kwarto ko matapos kong mag-ayos.
"Oh! Good morning kuya Kash." 
Biglang lumabas si Mike ang kabilang kwarto bago pa kami makapasok sa kwarto ni Ren. 
Mike's hair is still messy, halatang kakabangon pa lang.
"Andito ka rin pala?" 
Lumapit sa kaniya si Mike at bahagyang yumakap, ngumiti lang naman siya kay ate at kakaunting yumuko.
"Good morning, tito mike."
Inosenteng bati ni Zix. 
"Good morning, Zix." 
"Tito Mike, you look stupid." 
Natawa ako sa sunod na kumento ni Zix sa kaniya.
"Mana ka talaga sa tita mo 'no? Ang bait bait." 
Yumuko siya at ginulo ang buhok ng bata. Napa-aray naman siya ng sipain ko siya sa binti dahil sa pagkapilosopo ng sinabi niya. 
Kuhang-kuha niya na talaga ang tiwala ng pamangkin ko eh, kahit isang gabi lang sila nakasama noon. 
"Balik na lang siguro ako sa kwarto, extra lang ako sa reunion niyo." 
Ginawa niya din ang sinabi niya at iniwan kami sa hallway. Binuksan ko agad ang pinto ni kwarto ni Ren. 
"Ren?" 
Marahan akong lumapit sa kaniya at mahina siyang tinawag. He's peacefully sleeping, parang ayaw ko tuloy sirain ang tulog niya. 
"Ren, wake up. Someone's here to see you." 
Minulat niya ang mga mata at tila minukaan pa ako bago siya ngumiti.
"Good morning, ate." 
He said in his morning voice. He also stretched his arms before sitting up. That's when my brother walked inside. 
Nagtitigan muna sila bago malaking ngumiti si Ren at mabilisang tumayo para mayakap ang kuya namin. 
"I finally met you. After 17 years of wondering where you are and what you look like, I finally met you." 
Mahigpit na niyakap ni kuya si Ren, dinig ko naman ang pag-iyak ng bunso namin. 
Ang laking tao, iyakin. 
Humiwalay sila sa yakap pero nakahawak padin si kuya sa balikat ni Ren.
"Look how big you've gotten. You're even taller than I am."
Yumakap ulit si kuya. Hindi naman halatang excited siya. Ren wiped his eyes with the back of his hands. 
"There's a lot that I need to catch up on, starting from this little baby."
Nag-squat si Ren para makapantay ang bata. As expected, Zix got a little scared meeting someone for the first time. Tumago siya sa likod ni kuya kash. Umupo naman si kuya para makausap ang anak niya.
"Zix. Meet your tito Ren. He's been away for a long time because he was busy. But he is daddy at tita Ken's baby brother." 
Malambing na kinausap ni kuya kay Zix na hindi naman inalis ang mata kay Ren. 
"Hi, Zix. You're a big boy now.
Malambing din ang pagbati ni Ren sa mga pamangkin niya. 
"You have earnings on." 
Medyo nagulat ako nang lumapit si Zix kay Ren at pumasok sa pagitan ng mga braso niya. 
"Kumalma ka."
Mahina ko siyang binatukan nang tumingala siya sa akin na parang maiiyak na. 
"Where have you been tito Ren?" 
Malambing na tanong ni Zix kay Ren habang nilalaro ang hikaw sa tainga nito. Tumayo naman si kuya at malaking naka-ngiti sa kanilang dalawang. 
"I was living here, and I was really busy with school so I didn't have the time to meet you. Sorry," 
Paliwanag ni Ren na may halong kasinungalingan.
"Are you the reason why tita Ken came here?" 
He nodded, kahit hindi naman totoo. 
"Zix, didn't you say you want to go swimming? Shall we go ahead of them? Your dad has a lot to say to your tito Ren. Let's give them a little privacy, okay?" 
Aya ni ate dyne kay Zix. Halata kasing nangangalay na si Ren sa pagsuporta sa kaniya dahil sumandal siya sa braso ni Ren. 
"Are you going with us tito Ren?" 
Tanong ni Zix. 
"Susunod kami, okay?" 
Tumango si Zix at humawak na sa kamay ng mommy nila.
"Oh, before you head outside. Ren let me introduce my wife, your ate Dyne." 
Pinigilan ni kuya na lumabas ng kwarto si ate Dyne. Binitawan niya naman muna ang dalawa at yumakap kay Ren.
"It's so nice to finally meet you." 
Bulong niya kay Ren, ngumiti lang naman si Ren sa kaniya at nagpasalamat.
"Sa labas na kami maghihintay sa inyo." 
Paalam niya sa amin bago lumabas ng kwarto kasama ang bata. Fully giving us time with just the three of us.
"I can't believe I'm in the same room with you guys." 
Kuya Kash opened his arms kaya lumapit kami sa kaniya. We gave each other a tight warm hug. 
"I can tell that papa is very happy for us."
"Ano ba 'yan eh, epal ka. Ayoko umiyak ang aga-aga." 
Humiwalay ako sa yakap nila at mahinang hinampas si kuya sa dibdib. 
"Tara na nga lang sa baba." 
Mahinang tumawa si kuya at umakbay sa aming dalawa habang naglalakad kami papunta sa hagdan. 
Nasa hagdan pa lang nadidinig kona na may kumakain sa baba kaya sa kusina ako unang napatingin.
"Sorry, nagutom ako." 
Bungad ni Mike nang makita kami. Hindi ko manlang nakita na bumaba pala siya kanina. 
"Hindi ka papasok?" 
Tanong ko sa kaniya at lumapit sa dining.
"Hindi na, anong oras na eh. Isang araw lang naman klase ko today." 
Paliwanag niya habang sumusubo.
"Tamad." 
Asar ko sa kaniya.
"Ay wow! Parang hindi tayo blockmates ah." 
I secretly smiled at his remarks. 
"Feel at home ah." 
Si Ren naman ang lumapit sa kaniya. Dinilaan lang naman siya ni mike at tuloy lang sa pagkain.
"Ma'am, may naghahanap po ulit sa inyo."
Napatingin at lumapit ako sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok ang isang staff. 
"Good morning po, sir Kash." 
Bati niya ulit nang makita si kuya sa likod ko.
"Sino 'yong naghahanap?" 
Si kuya ang nagtanong. 
"Nanay niyo raw po." 
Nagkatinginan kami ni kuya at humawak naman sa braso ko si Ren. 
"Papasukin niyo." 
Tumango ang staff kay kuya Kash at agad na lumabas.
"I guess that's my cue to leave." 
Mike stood up, ready to give us privacy. 
"No, stay. She's not that important."
Walang ganang sagot ni kuya Kash kaya napaupo si Mike at nahihiyang pinagpatuloy ang kain. 
Natawa naman ako sa itsura niya.
Umupo si kuya Lash sa single sofa na nakaharap sa pinto, hinihintay na bumukas ito at pumasok ang babae. Kami naman ni Ren ay nakatayo sa likod niya, habang magkahawak ang kamay. 
Ayaw niyang pakawalan ang kamay ko, mukhang takot na takot sa kung anong mangyayare. 
"Pasok po kayo ma'am nasa loob po sila."
Dinig kong may kinakausap sa labas ang isang staff. Hindi naman nag-tagal ay bumukas na ang pinto. 
"What a way to ruin our day." 
Masungit na bungad ni kuya nang makapasok siya.
"Kash, anak."
Nagulat ang babae nang makita si kuya Kash. 
"Anak? You still have the guts to call us that huh!?" 
Hindi siya nakaimik.
"I'm here for Ren. Ren anak, uwi na tayo. Please?" 
Bumaling siya kay Ren at bahagyang in-extend ang braso niya para iabot kay Ren. Hindi naman gumalaw ang katabi ko. 
Bruises? 
Nagtaka akong makita na may mga pasa ang braso niya, natatabunan ito ng sweater na suot niya pero medyo nalukot ang sleeves nito noong itinaas niya ang braso niya. 
"This is my home. I don't need to go anywhere else."
Matapang na sagot ni Ren, pero ramdam kong nanginginig ang kamay niya kaya mahigpit ko itong hinawakan. 
"You heard him, you can go now." 
Kuya was sounding so uninterested. 
"Kash, please. I'm his mother I have the right to take him." 
My brother scoffed. 
"Oh, come on. You were once our mother too, but you didn't think twice about leaving us that night. What's the difference?" 
Pambabara ni kuya Kash sa kaniya, nagsisimula na naman siyang maiyak. 
Sa kaniya yata ako nagmana, iyakin. 
"His father is looking for him, and—"
"And he'll hurt you if you didn't bring him back home."
Si kuya ang nagtuloy sa explanation niya. 
"No. No, Ren he won't do that." 
Pilit niyang kinukumbinsi si Ren dahil sa sinabi ni kuya. Tila ba pinuprotekhan ang asawa sa mata ng anak nila. 
"Kash, please payagan mo nang umuwi ang kapatid mo."
"Bakit ba ayaw mong iwan sa amin si Ren? For almost 17 years ni anino ni Ren hindi niyo pinakita sa amin. Anong masama kung gusto naming makasama ang kapatid ko?" 
Hindi siya makasagot.
"Ayaw ba ng asawa mo?" 
Sabat ko. 
"Yes. I mean he has the right to—"
"The right to what? The right to keep our own brother away from us? May karapatan din naman kami sa kapatid ko." 
"Re, please, anak uwi na tayo." 
She totally ignored kuya, at mukhang nainis naman ang kapatid ko sa ginawa niya. 
"No. How many times do I need to tell you, I'm not going home anymore. This is my home now, and no one can make me leave. You can never lie to me again, you can never manipulate me again. And I can never be happy with dad, ever again." 
Ren ran upstairs crying. Natahimik naman kaming lahat, lalo na ang babae sa harapan namin. 
"I can file for a custody if you want me to." 
Binasag ni kuya ang katahimikan dahil sa pagbabanta niya
"No, please." 
Tanggi niya naman agad.
"Then let Ren stay with us, with Ken. I don't want him to grow up in a house like yours." 
"There's nothing wrong in our home Kash, his dad loves him. Everything's fine." 
"Is that what you tell yourself to sleep? Hindi si Ren ang sinasaktan, but I still don't want any of my siblings to witness that kind of violence." 
Tama si kuya. Kahit hindi sinasaktan si Ren, exposed pa rin siya.
"If you can't and don't want to save yourself, then do it for Ren." 
My brother is still acting all bosy and powerful. 
"You can take him back home, once you fix anything fixable. If you can't fix it, leave it. Huwag mong pilitin kung ayaw magpa-ayos. I guess you already know what I mean right?" 
Hindi siya nagsalita at tumingin lang kay kuya habang may mga luha sa mata niya. 
"Kapag nalaman kong binalik mo si Ren sa ganoong klase ng buhay, kukunin ko talaga siya sa'yo. I don't want my brother to live in a play pretend family with a temporary happiness." 
She continued sniffling. 
"Okay, papayag na ako. Dito muna si Ren hanggat hindi ko pa na aayos ang bahay namin. Pero Kash, paano kung dito pumunta ang daddy niya?" 
"Edi ipakulong mo. Domestic violence." 
Ako ang sumagot sa kaniya. 
"I don't want Ren to grow up without his father." 
"Gosh! Andiyan na naman po tayo. Ayaw mo? ikaw na naman? Eh ayaw din ba ni Ren? Tinanong mo manlang ba 'yung anak mo kung gusto niya pang kasama 'yung asawa mo? Hindi diba?"
Nagsisimula na namang mabuo ang inis sa loob ko. 
"O baka naman takot kang mawala ang nag-iisang pamilyang meron ka, kasi alam mong wala ka nang ibang pamilya na tatakbuhan? Kaya kahit masaktan ka, kahit bugbogin ka, kahit impyerno ang buhay mo tinitiis mo. All for the sake of having a family."
Tumayo si kuya. Ramdam kong galit na galit na siya.
"If you didn't leave us that night, if you didn't choose yourself, if you didn't hurt papa, if you didn't hurt us, you could've been happy. Ren wouldn't be hurt like this. He shouldn't be suffering like this." 
Unti-unti nang kinakain ng emotions niya si kuya. 
"I'm sorry, Kash." 
"If you really are, then make things right for Ren. Then maybe, just maybe, I'll be able to forgive you."
May sasabihin pa sana siya ngunit hindi natuloy dahil may malakas na kumalabog sa kusina. Napatingin naman kaming lahat kay mike na naghuhugas ng pinggan.
"Sorry, sorry kuya Kash."
Nahihiyang sabi niya.
"Mike? Anong ginagawa mo rito?" 
Ngayon lang pala niya napansin ang pamangkin niyang kanina pa lumalamon sa lamesa.
"He's my... visitor." 
Ako ang sumagot sa kaniya. 
Muntik na akong may masabing hindi maganda at hindi dapat sabihin.
"You can leave now. Our discussion ends here. Ren will stay here until you fix everything at home. But, you also need to consider my brother's decision even after that. Kung gusto niyang bumalik, fine. Pero kung ayaw pa rin niya, you can't force him to. He can stay with us as long as he likes." 
Tumango naman ang babae.
"Tell Ren I'll see him when everything's fine na. And please keep an eye on him, because of his dad. I don't want him hurting my baby." 
Tumango ako sa kaniya.
"And I'm sorry ulit. Sa inyo. Sorry." 
And just like that, she left, crying.

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters