24: Revelation

"Ayusin mo 'yung unan." 
That was the first thing I heard when I gained consciousness. Then i felt someone touching my pillow. Those people are still talking, but I can't understand a word their saying. 
Pinilit kong imulat ang mata ko. And there I saw Mike and Aice. That's when I realized I was at a hospital. 
Unti-unti kong pinilit ipunin ang lakas ko. Binawi ko ang kanang kamay ko sa kung sino man ang may hawak nito. Sapilitan ko rin tinanggal ang suwerong naka-kabit sa akin. 
"Ken,"
"Ken, what the hell are you doing?" 
Hindi ko sila pinakinggan at pinilit bumaba nang higaan. I'm no longer wearing my gown from the party.
"Ken, go back to bed," 
Hindi ko sila tiningnan. I was looking down because I didn't want to see where we were.
"Get me out of here," 
Naiiyak kong sambit. 
"No. Stay in bed. You need to rest. " 
Someone held me. 
"Let me go," 
Pilit kong inaalis ang mga kamay nilang pinipigilan akong umalis. 
"Ken, stay here. Kailangan mong magpahinga at kailangan mong ma-monitor ng doctor. You've been asleep for 2 days. "
Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinansin.
"I SAID TAKE ME THE FUCK OUT!" 
My voice echoed in the whole room.
"I'll get you out of here but please, clam down. Iintindihin ko lang ang release papers mo, okay?" 
Aice held both my cheeks. I saw the sincerity in his eyes kaya pumayag ako. Mike, as well as the doctors contradicted his plan, but he somehow convinced them since may sarili namang doctor ang pamilya ko. Ilang minuto lang ay nakalabas na din ako ng ospital at inuwi na ako ni Aice. Kasama padin namin si Mike. As soon as we got home, nagpahinga agad ako. 
I woke up at my bed. Both Aice and Mike are peacefully sleeping in my room. Pareho silang naka t-shirt na lang. 
Pinilit kong tumayo pero napatigil ako ng makitang kinabitan na naman pala ano ng swero. 
"Stay in bed." 
Napatingin ako kay Mike na nagising ko pala. 
"Gusto ko ng magpalit." 
Tumayo ako kaya lumapit siya sa akin at inalalayan akong umupo sa gilid ng kama.
"I'll call your nurse." 
Hinintay ko siyang bumalik. Kasama na niya ang nurse na sinasabi niya. Pumunta kami sa CR at tinulungan niya akong makapag linis ng katawan at magpalit ng damit. 
Nang makalabas ako ng banyo, nasa kwarto ko na ang doctor. He explained everything to me. Kung anong nangyare sa akin, kung ano ang kailangan kong gawin, mga gamot na kailangan kong inumin at kung gaano katagal akong dapat magpahinga. 
"Dumating si kuya?" 
Tanong ko ng lumabas na ang doctor. 
"No, masiyado siyang busy. But he was monitoring you the whole time, and Marcus is here. " 
Hindi na ako umimik. Aice sounded like he was also sad that he's not here, but he was trying to convince me that it's fine because Marcus is here. 
I'll be here anytime you need me
That line echoed in my head. He said that before going back to manila. I felt a pain in my heart, but I need to understand. He's needed there more than here. 
"Hindi ka pa uuwi Mike?" 
I didn't look at him while asking.
"No." 
"Naamoy na kita." 
Napatawa ako ng makitang inamoy niya ang sarili niya. 
"Wala naman ah!" 
I slightly laughed. 
"Joke lang. Pero pwede ka na umuwi. I can manage." 
Lumapit siya sa akin at humawak sa kamay kong may suwero.
"I'm your husband, till death do us part."
"Kung ikaw kaya hampasin ko sa ulo?" 
Bahagya siyang natawa. 
"Okay, uuwi na ako. Baka nanay ko naman mamatay sa kaka-alala. I'll visit when I have time." 
I smiled at him. 
"Thank you," 
Hindi ko muna pinakawalan ang kamay niya. But I didn't expect what he did next. He kissed my forehead. I automatically looked at Aice. He's looking outside, with his arms and legs crossed. 
"Aice, una na ako" 
Tsaka lang tumingin si Aice sa kaniya. Tumayo naman ito at lumapit din sa akin. Inayos niya ang higaan ko.
"Asan si Tasha?" 
He held my other hand. 
"She's still at the hospital. Nagising siya a day before you."
"Kung dalawang araw akong tulog edi, martes na ngayon?" 
He nodded. 
"May klase ka."
"Ngayong araw lang ako absent, papasok na sana ako kanina pero dumaan muna ako sa'yo tapos ayun nagising ka." 
I can't believe I slept for two days. Ganoon kalala ang nangyare sa akin? Napakalakas humampas ng babaeng 'yon. 
Matapos ang ilang oras ay umuwi na din muna si Aice para makapagpalit. Humingi nalang ako ng pagkain sa nurse, para na din ma-inom ang gamot ko.
My body still feels weak, so I decided to take a nap after I ate. I woke up at nasa kwarto ko na si aice. Inaayos niya ang lamesa kung nasaan ang mga gamot ko. 
"Good evening." 
I smiled at him. Naupo siya sa gilid ng kama ko. 
"What happened to Lacey?" 
"Leave her to your family's legal team," 
Paliwanag niya. 
"Alam mo ba kung bakit niya daw ginawa?" 
"I don't know," 
He sincerely smiled at me.
That's good, para walang issue.
"Alam kong may kasalanan din ako dahil sa mga pang-aasar ko sa kaniya, pero hindi niya naman kailangan maging kriminal."
Hindi siya nagsalita. He's fidgeting his fingers. 
"You okay?" 
He looked at me. 
"Why?" 
"Mukhang mas-stress ka pa kesa sa'kin." 
He smiled. 
"I'm stressed for you," 
"Stress ka para sa akin?" 
He nodded. 
"Edi sagarin mo na. Kunin mo na lahat ng stress sa katawan ko, please." 
Ibinuka ko ang dalawang braso ko. Natawa naman siya. 
The night ended after he fed me. As in literal na pina-kain niya ako kasi sinusubuan niya pa ako kahit kaya ko naman. 
It was one hell of a week Ax. It started with a festival and it ended in a hospital. Did I make you worry? Sorry. I didn't mean to, I promise to take better care of myself now.
After a week, I came back to school. Tasha also went back to school. We talked about what happened, especially about what happened to us. And like my family, her family is also eager to send Lacey to jail.
Since I missed a lot, I had to stay at school even after my classes ended. And today I'm staying a little later than the other days. 
"Hindi ka pa uuwi?" 
Tumabi sa akin si Mike.
"Anong oras na ba?" 
Hindi ko siya tiningnan at pinagpatuloy lang ang ginagawa ko. 
"3:30 na." 
"Aga pa. Sasabay na lang ako kila Aice."
"Gusto mo tulungan na kita?" 
Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. 
"No, thanks. Matatapos na rin naman ako." 
Hindi na siya umimik at hinayaan nalang din akong gumawa ng mga requirements ko. 
Today is thursday at limang araw na lang ay october na. Mahaba naman ang ibinigay na palugit sa akin ng mga professor since understandable ang reason ko, pero ayokong salubungin ang october na stress kaya hangga't maaari ginagawa kona lahat ngayon. 
Pumatak ang alas-kwatro at tsaka lang ako natapos sa mga gawain. Tinulungan na ako ni mike maglagay ng mga gamit ko. 
"Andito ka pa pala Ken?"
Lumapit sa amin si Aice. 
"Obvious ba?" 
Mahinang sagot ni Mike, hinampas ko naman siya.
"San kotse mo?" 
Tanong ko kay Mike dahil hanggang sa sasakyan ko ay nakasunod siya sa akin. 
"Wala, sasabay ako kay daddy." 
"Eh bakit sumama ka pa dito?" 
"Siyempre kailangan kong ihatid ang misis ko." 
"Yuck," 
I acted like I was about to vomit, and he laughed at me. Hinintay niya muna kami ni Aice na makalabas ng campus bago siya umalis ng parking. 
"Idaan mo sa police station." 
I asked him. Siya kasi ang nag da-drive. 
"Why?" 
"I re-report kita."
Tinarayan ko siya ng tingnan niya ako ng mabilisan.
"Malamang titingnan ko lagay ni Lacey." 
Bumuntong hininga siya. 
"You don't have to,"
"But I want to." 
"Ken."
"Aice, just do what I say." 
I made myself a little louder para maramdaman niyang seryoso ako. 
He didn't dared to speak after that. Next thing I knew, nasa police station na kami. I heard Lacey was sentenced to 6 years in prison. 
Matapos kong kausapin ang isang police officer na nasa front desk, pinasunod niya ako sa isang kasamahan niya. Maliit lang ang station kaya hindi ganoon kalayo ang nilakad namin. Kaka-unti lang din ang mga tao sa loob. Nasa pinaka-dulong selda si Lacey. 
"Ms. Vicencio, may bisita ka." 
Kinuha ng police ang attention niya. Nagmadaling lumapit sa akin si Lacey.
"Ken. Kenria, I'm sorry." 
Pinilit niyang abutin ako pero inilayo agad ako ni Aice. Nagulat pa ako dahil akala ko nag-stay siya sa sasakyan. 
"Don't get me wrong, Lacey. I'm not here to hear that. I'm just here to see what you've been up to, " 
"Ken patawarin mo na ako, please." 
I shook my head, hindi nga 'yan ang pinunta ko dito eh. I squatted down so we can be on the same height, kanina pa kasi siya nakaluhod. 
"Useless." 
Nagulat siya sa sinabi ko. Mahina lang ang pagkakasabi ko para siguradong siya lang ang makakadinig. 
"You know what? I'm only really here for one reason, that is to let you know, that I won." 
Muli kong hininaan ang boses ko. Nagmula sa pagmamaka-awa at napunta sa galit ang mga mata ni lacey. Tumayo na ako at handa ng umalis doon. 
"Aice likes you!" 
"SHUT UP!" 
Nagulat ako sa sigaw ni Lacey, hinampas naman ni Aice ang selda kaya natakot si Lacey at napa-atras. 
I slightly laughed.
"You really lost it, woman. Ikaw ba yung natamaan sa ulo? Si Tasha 'yung girlfriend hindi ako." 
"You don't know anythi—" 
"I SAID SHUT UP!" 
Mukhang ayaw talagang pagsalitain ni Aice si Lacey dahil muli itong sumigaw. Pinalabas na tuloy kami ng mga pulis. 
Napaka-ingay kasi ng bunganga. 
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Lacey pero aaminin kong binabagabag ako nito. Because if it really is true, then it's going to be really complicated. And I'm not ready for that drama. 
Nakauwi kami nang walang nagsasalita. Wala naman akong sasabihin sa kaniya kahit alam kong marami siyang gustong sabihin sa akin. I did not dare to ask. I don't want to know the answer.
Natapos ang huling linggo ng september at talagang pinanindigan namin ni Aice na walang pansinan.
We would only talk to each other kapag may kailangan kaming sabihin o kaya may iuutos ako, pero hindi katulad noon na lagi siyang may side comment kaya humahaba ang usapan namin. 
I'm torn between liking this set up of ours and not liking it. Okay sa akin ang ganito para incase na may mangyare sa kanila ni Tasha, labas ako. Pero kasi kaibigan na ang turing ko kay Aice, hindi na ako sanay na wala siya at hindi siya sunod nang sunod sa akin. 
"Ma'am Ken?" 
Napatingin ako kay Aice. Nasa may pool side ako ngayon at nag mumuni muni. 
"Yes?" 
"Nakapag-dinner ka na po ba?" 
"I did. Thank you for asking." 
It's been a week since we stopped talking to each other. He just smiled at me and left. I watched him leave. Malapit ng mag alas-diyes at malamig na ang hangin, kaya bumalik nalang ako sa bahay. Nakita ko pa siya na nakikipag-kwentuhan sa ibang staff, kaunti na lang kasi ang mga guest na nasa labas kaya free silang mag-usap. 
I stared at him, smiling at them.
Damn, why do I miss him?  

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters