Homepage/Where You Can Find Peace/
25: Visit
"Stress ka yata?"
Si Mike na naman ang katabi ko ngayong araw.
"Napapansin mong iba kami ni Aice 'no? I mean the way we treat each other."
Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Dahil nga hindi kami lagi nagsasama ni Aice, si Mike ang lagi kong kasama kaya mas naging close kaming dalawa.
"Matagal na, simula pa noong nakulong si Lacey."
Bumuntong hininga ako. I honestly want to stop this nonsense already. Gusto ko ng bumalik kami ni Aie sa dati. Hindi ko lang alam kung paano. Masiyadong mataas ang pride ko kasi alam ko naman na walang may kasalanan sa amin, lalo na ako.
"Bukas yung date natin ha?"
Napatingin ako sa kaniya at itinaas ang isang kilay.
"Date? Date mo mukha mo!"
"I mean yung paghanap natin ng resort."
"Tsk. Oo na, kulang na lang ibalita mo pa sa buong mundo eh no?"
Sumeryoso naman ang mukha niya at inihawak ang daliri sa baba.
"Bakit hindi ko na-isip yun?"
Hinampas ko siya na nagpatawa naman sa kaniya. Kinabukasan ay talagang hindi niya ako tinantanan hanggat hindi kami nagkikita.
"Ang aga mo naman?"
Bungad ko sa kaniya pagka-baba ko ng hagdan. Kumportable siyang naka higa sa sofa namin.
"May resort na akong napili eh, tatambay nalang ako dito."
"Akala ko ba kasama ako?"
Umayos siya ng upo at nakakalokong ngumiti sa akin.
"Excited ka na samahan ako?"
Tinarayan ko siya.
"Actually hindi ko pa na ka-kausap yung may-ari ng resort, mamaya pa daw kasi pupunta doon at mag mo-monitor."
"Aga-aga mo akong binulabog, mamaya pa pala ang lakad."
Umupo ako sa tabi niya at binuksan ang TV. Hindi siya nag salita, pero bigla nalang may nag-flash sa akin. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nagpa-panic na itago ang phone niya.
"Kung gusto mo din naman akong picturan, pwede ka namang mag sabi. Oh!"
Nag pose ako para sa kaniya. Nag-peace sign ako at isinara ang isang mata ko habang nakangiti. He took the photo.
"Patingin."
Lumapit ako sa kaniya. At dahil medyo nakahiga siya ay humilig ako sa dibdib niya. Inayos niya ang hawak sa cellphone niya kaya na kulong ako sa dalawang braso niya.
"Ang cute ko."
I commented, still not caring about or position. Na-swipe niya din ang phone sa epic picture niya kanina, mabilisan niya pang ibinalik sa isa.
"Nahiya ka pa naman!"
Muli kong ibinalik yung epic photo.
"Ayos naman ah!"
Naiitsurahan ako sa picture na 'yon. Medyo blurred dahil nga sa pag-alis niya agad ng phone pero ayos naman, aesthetic.
"Ayos lang? Edi pwede ko i-post?"
Panghahamon niya sa akin. Nakangiti siya ng nakakaloko habang nakatingin sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa noo.
"Pa-fall yan?"
"Nafa-fall ka naman"
"Eww."
Natawa siya. Inayos niya muli ang phone at inilagay sa front ang camera.
"Say, cheese!"
Sabi niya pero hindi ako ngumiti, but he still took the photo. Tumatawa pa siya dahil sa itsura namin, nakahilig pa rin kasi ako sa dibdib niya.
"Smile na."
Bahagya akong natawa dahil sa itsura namin. He took the photos. Habang tumatagal ay nagiging malaki na ang mga ngiti namin, hanggang maging tawa na ito.
"Okay na tumayo ka na ang bigat mo."
Tumayo ako pero ginamit ko ang dibdib niya para makatayo kaya lalo siyang napahiga. Nagreklamo naman siya sa sakit.
Pa-ulit ulit niyang tinawag ang pangalan ko kaya naawa ako at inayos na ang pag-upo ko.
Sa bahay na namin siya nag tanghalian at matapos kumain tsaka kami pumunta sa resort na sinasabi niya. Hindi naman 'yon kalayuan sa resort namin.
"Pwede na diba?"
Tanong niya sa akin matapos namin libutin ang buong lugar. Maliit lang siya pero pwede na.
"For a small party, pwede na"
"Right. Mga pinsan, blockmates at friends ko lang naman ang invited. Sayang kasi walang mga 5 star beach resort dito eh. Yung sa inyo sana para libre sa may-ari diba?"
Sinagi niya ang balikat ko. Tinarayan ko naman siya. Umakbay siya sa akin habang pabalik kami sa entrance ng resort para maka-usap na ang may-ari.
They talked while Mike's arm are still draped on my shoulder. Hindi naman ako nakikinig sa kanila at nakatingin lang sa mga naliligo sa pool.
"Then it's a deal, Mr. Sandoval. Our resort will be closed for the whole day next saturday. "
Nakipag-shake hands siya kay mike.
"I'm sorry about this, but you're a rahonza, right miss?"
Bumaling siya sa akin.
"Yes."
Nakangiti naman akong sumagot sa kaniya. Lumaki ang ngiti niya.
"It's a great honour to be in your presence,"
"Please, stop treating me like I'm a royalty,"
I genuinely asked him.
"You are, in the business world,"
Pinilit ko na lang ngumiti sa kaniya.
"The only female rahonza, the next CEO & Chairwoman of Serene Construction, Ms. Ken Rahonza. Everyone in the business world knows that."
He exaggeratedly introduced me.
And I blamed my kuya for that. As soon as I turned 18, he announced in an interview that I would be the next CEO of Serene.
"Sana all."
Bulong ni Mike sa mismong tenga ko, kaya siniko ko siya. Patuloy sa pagdaldal ang may-ari ng resort. Lahat na yata ng karanasan niya na may kaunting coincidence na kasama ang nga rahonza na-kwento niya na. He's talking as if close friend siya ng pamilya ko.
"Everybody's looking at us."
Bulong ko kay Mike. Sa sobrang lakas at OA kasi ng mga kinikwento ng lalaki ay nakukuha na namin ang atensyon ng lahat.
"Sir. We need to get going. Madami pa kaming gagawin."
Putol ni Mike sa salita ng lalaki. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti lang ako sa kaniya. Mukhang ayaw niya pa kaming pakawalan pero kailangan niyang gawin.
Nang makapasok kami sa kotse, tumitig muna kami ni mike sa kawalan ng may ngiti sa labi. Nang magkatinginan kami tsaka lumabas ang tawa namin.
"Mukhang mas kilala niya pa ang pamilya mo kesa sa'yo."
Tawa lang kami nang tawa. Ni hindi ko nga alam kung anong nakakatawa pero hindi namin mapigilan ni mike. Nagsimula lang siyang mag-drive ng kumalma kami. Pero habang nasa biyahe ay hindi maubos ang topic namin tungkol sa may-ari ng resort.
"Okay! We're here."
He stopped outside our resort.
"Hindi na kita ihahatid sa loob, I need to be somewhere."
Tumingin ako sa gate pero hindi ako lumabas.
"Take me with you."
Seryoso akong tumingin sa kaniya. Nagulat pa siya noong una pero napalitan din ito ng ngiti.
"You sure?"
Paninigurado niya. I bit my lower lip and think things through before nodding.
"Okay. Let's go!"
Lumingon ako sa resort bago kinuha ang cellphone ko para i-inform si aice na hindi ako dito kakain ngayon.
kenria: Won't be coming home for dinner tonight.
[aiceherdilla: Ok, Ingat!]
Ugh! I really hate this setup of us. Dapat ay matuwa ako dahil hindi na siya tanong nang tanong kapag nagsasabi ko, pero na mi-miss ko din 'yung walang kasawaang kakulitan niya
"Saan pala tayo pupunta?"
Tanong ko kay Mike.
"Birthday party ng cousin ko."
"Shit, okay na ba itong suot ko?"
Nataranta ako ng maalala ko ang suot ko. Natawa siya ng bahagya.
"Okay, na yan. Hindi naman bonga ang party."
Mabuti nalang at kahit papaano ay maayos ang suot ko ngayon.
"Ako ang magpapalit ng damit kaya diretso muna tayo sa bahay. Sasabay din sa atin ang kapatid ko."
Tumango na lang ako sa kaniya. Medyo malayo sa bahay namin ang bahay nila kaya nang makarating kami, humingi agad ako ng tubig.
"Wait here."
Pina-upo niya ako sa sofa, umakyat naman siya sa second floor. Ilang minuto lang ay nakadinig ako ng sigaw mula sa taas. Napatayo ako at hinintay na bumaba ang yabag na nadidinig ko.
"Oh. My. Gosh."
Sabay naming sigaw ni El nang mag-tama ang mata namin.
"Wait, you know each other?"
Behind her is Mike, still half dressed.
"What the? Ate ken? Ikaw jowa ni kuya?"
Kumunot ang noo ko.
"First of all, hindi ko jowa 'yan no. Second, magkapatid kayo?"
Nasa tabi ko na si El kaya bigla niya akong niyakap.
"Yes! Magkapatid kami. Unfortunately."
Tinarayan siya ni Mike bago ito umakyat ulit para ipagpatuloy ang pag bihis. Nag-kwentuhan kami ni El habang hinihintay ang kuya niya matapos mag-ayos.
"Let's go, kanina pa tumatawag si mommy."
Lumabas na kami ng bahay. Binuksan ni Mike ang parehong pinto ng back seat at front seat. Nagkatinginan kami ni El.
"Sa likod nalang ako."
Papasok na sana ako ng unahan ako ni El.
"Diyan kana sa unahan, okay lang."
Nakakaloko siyang ngumiti. Pumasok na din ako at hindi na nakipag away pa. The event was held at Balar. Mike held my waist when we entered. Hindi naman ganon kadami ang tao, mukhang family and close friends lang talaga ang invited.
"Asan si mommy?"
"Teka lang naman, sabay sabay tayong dumating diba?"
They scanned the whole place.
"Kuya Mike, El buti nakadating kayo."
A woman wearing a red dress came up to us and kissed both Mike and El on their cheeks.
"Happy birthday, ate!"
El gave her the gift she's been holding.
She's the birthday girl, huh?
"Oh, thank you!"
"Happy Birthday!"
Mike also greeted her and hugged her sideways.
"Thank you, and someone's with you. Ikaw ha."
Inasar niya ang pinsan niya.
"This is Ken. A friend of mine."
"Hi, nice to meet you. I'm sorry kung pumunta ako hindi naman ako invited."
I offered my hand for a handshake.
"No problem. Minsan lang magdala ng kaibigan ang pinsan ko."
Ngumiti na lang ako.
"Happy Birthday nga pala."
"Thank you. Enjoy yourself. Babatiin ko lang yung ibang guest. Excuse me."
Iniwan niya kami doon. Nahanap naman agad nila ang table kung nasaan ang mga magulang nila.
"Mom!"
Tawag ni El sa ina. Tumingala sila at sa akin napunta ang mata ng mommy nila, marahil nagtataka kung sino ang hawak-hawak ng anak niya.
"Hi my babies. Bakit ngayon lang kayo?"
Tumayo ang mag-asawa at humalik sa pisngi ng mga anak.
"Hinintay ko pa si kuya eh, pinuntahan si ate Ken."
Muling napatingin sa akin ang mag-asawa.
"Ken rahonza? it's good to see you."
Bumaling siya sa akin. Bigla naman akong nailang. Tumayo din sa pwesto niya ang daddy nila para makalapit sa akin ng maayos.
"Ms. Rahonza, it's nice to see you again."
"Nice to meet you po again dean."
Kinuha ko naman ang kamay niyang iniabot niya sa akin.
"Ay, Mike anak bakit hindi mo naman sinabi na kasama mo si Len. We should have welcomed her better."
"Hindi na po kailangan, I'm here as Ken not as a rahonza. Tsaka biglaan din po yung pagsama ko kay Mike. Pasensya na po, walang pasabi."
"Nako ayos lang, basta ikaw. Upo ka."
They offered me a seat. Umupo ako sa pagitan nila Mike at El. They became more comfortable with me the longer I stayed with them. Some of their family members also recognized me. I ended up entertaining some of them, too.
"Excuse po. Andito po si Ken to enjoy the larty and not talk about business, sorry po."
Mike saved me. Kanina pa kasi ako tinatadtad ng tanong ng mga elder members of his family tungkol sa business.
"Thank you,"
Humawak ako sa braso niyang nakaalalay sa likod ko. He only smiled at me and guided me back to our seat. Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (69)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
oo dahil siya ang author
11/08
0muito bom
17/07
0Ang gandaaa
13/07
0View All