Homepage/Where You Can Find Peace/
28: Mother
Nagising ako kinabukasan dahil sa pang-aasar ni Tasha, tinatawag kasi ako ni Mike sa labas.
"Kenny, tinatawag ka na ng prince charming mo."
Kanina niya pa ako niyuyugyog, nakamulat na ang mga mata ko pero hindi ako umaalis sa pwesto ko.
"Labasin mo na nga lang 'yung jowa mo doon."
Tumayo ako at tinulak siya dahan-dahan palabas ng pinto. Tawang-tawa naman siya sa kagagahan niya.
Nang makalabas siya, tsaka ako nag-ayos ng mga gamit ko at naligo na din. Mukhang ma-aga siyang nagising dahil ayos na ang gamit niya.
"Ayan na pala ang mahal na prinsesa eh."
Muling asar sa akin ni tasha pagkalabas ko. Inambaan ko naman siya ng sampal.
"San ka na?"
Tanong ni Mike sa akin ng makita ang mga gamit na dala ko.
"Uuwi na."
"Breakfast muna tayo. Tayong lahat."
"Hindi siya nag be-breakfast."
Sagot ni Aice, nag-thumbs up naman ako sa kaniya.
"Gusto ko pa matulog kaya uuwi na ako. Yung isa kasi diyan ang panget ka-roommate."
Pagpapa-rinig ko kay Tasha.
"Ako ba talaga ang dahilan kung bakit hindi ka makatulog? O baka naman si prince charming."
Nilapitan ko siya para sabunutan pero agad siyang lumayo at nagtago sa likod ni aice.
"Sinong prince charming?"
Tanong ni Mike.
"Si ano—"
"Sige subukan mo, kakalbohin kita!"
Pagbabanta ko kay Tasha kaya hindi niya tinuloy ang sasabihin niya at tumawa na lang. Tinarayan ko siya at muling bumaling kay Mike.
"Una na ako Mike. Salamat."
Paalam ko sa kaniya. Yumakap naman siya sa akin at humalik sa noo ko.
"Thank you!"
Bulong niya sa akin. Napatingin ako kay Tasha na nasa likod pa rin ni Aice at nang-aasar ang tingin niya kaya tinarayan ko siyang muli.
Nagpa-alam din ako sa grupo nila El bago kami tuluyang sumakay ng tricycle para maka-uwi. Hindi na ako nagpahatid kay Mike dahil madami pa siyang iintindihin sa resort. At dahil uuwi na ako, sumama na sa akin si Aice.
"Gusto mo kape? Pagtimplahan kita."
Tanong niya sa akin nang maka-uwi kami.
"Mamaya na lang siguro. Magpapahinga muna ulit ako."
I smiled at him. Lumabas naman siya ng bahay para makapag-palit na. Mag tatrabaho pa rin daw kasi sila.
Umupo muna ako sa coach para magpahinga saglit.
"Argh!"
Reklamo ko sa sarili ko dahil naalala ko na naman ang kaharutan namin ni Mike dito. Tumayo ako at umakyat na lang sa kwarto ko para makatulog.
Masiyado yata akong napuyat at napagod kahapon kaya nang magising ako ay hapon na. I checked my phone and I saw almost 10 messages from instagram. Hindi ko pala napatay ang wifi ko.
I didn't checked them since na-low bat ang phone ko. Chinarge kona lang muna at bumaba para kumain.
Nagulat akong makita na may pagkain na sa lamesa, naka-takip dito ang parang basket na plastic. Basta 'yong pinangtatakip, hindi ko alam pangalan. Kinuha ko ang note na nakalagay sa ibabaw.
[Good afternoon ma'am, ala-una ko po niluto ito. Tulog pa po kayo kaya iniwan kona lang po dito. Tawagin niyo na lang po ako kung gusto niyo ng iba.]
Alam ko ang sulat ni Aice at hindi ito 'yon, baka si tita Lizzy ang gumawa nito. Since mukha namang masarap ang luto niya, ininit ko na lang at hindi na nag-request pa ng iba. Ayaw ko rin maka-abala sa kanila.
Matapos kong kumain, naisipan kong puntahan ang kwarto ni lola. Hindi ko alam kung bakit pero ginawa ko lang. Matapos kasi namin magpa-alam ay never akong pumasok ulit dito.
"Hi la, kamusta?"
Usap ko sa kwarto ashes niya at naupo ako sa kama niya.
"Miss na kita la. Ibinigay ko kay tita Lizzy 'yung posisyon mo kaya madalas akong walang kasama dito sa bahay. Malungkot minsan pero kinakaya naman,"
Kinuha ko ang unan at ipinatong ito sa legs ko.
"La nagtatampo ako kay kuya. Sabi niya kasi pupuntahan niya ako kung kailangan ko siya, kaso noong may nangyare sa aking hindi maganda wala siya."
Unti-unting namumuo ang luha sa mata ko.
"Miss ko na si kuya. Miss ko na si papa. Miss ko na si Axton. Miss na kita. Miss ko na kayong lahat."
Lalong lumala ang sakit na nararamdaman ko.
"Ang daming tao sa paligid ko pero bakit ang lungkot pa rin?"
I spent another hour in there. Talking to my grandmother. Nang natapos akong umiyak ay tumayo na ako at handa nang lumabas ng kwarto niya.
"Thank you for listening la."
Lalakad na sana ako palabas nang biglang sumabit ang maong na short kong suot sa drawer ni lola, kaya bahagya itong bumukas.
"Album?"
Ang babang part lang ng parang notebook ang nakita ko kaya binuksan ko ng ma-ayos ang drawer.
"Photo Album."
Binuksan ko ang album at nakita ko ang sandamakmak na picture naming magpi-pinsan. Pati mga baby pictures ng mga magulang namin ay nandito.
Katulad ng picture wall ni lolo sa mansion, naka-ayos din ito from oldest to youngest per family.
Na-una siyempre sila tito Zel. Mula sa mga baby pictures nila hanggang sa pinaka-latest na picture nila.
Lalong lumaki ang ngiti ko ng makita kong si papa na ang susunod. Natatawa ako habang nililipat ang mga pahina.
Pero biglang nawala ang ngiti ko ng makita ang sunod na litrato. Wedding picture, ni papa.
"She's my mom?"
Kahit kinakabahan na ay tuloy pa rin ang paglipat ko sa mga pahina.
Pictures of my parents were shown. And then comes my brother. There's about 10 pages of kuya Kash's pictures until I showed up. And then after 6 pages of my photos, my mother stopped showing up at the album. Sixth birthday ko 'yun, 'yung last picture na kasama siya.
Isinara ko ang album. My heart was beating fast. I raced out of the room and went upstairs.
I immediately took my phone and I dialled kuya's number, pero after 5 missed calls tinigil ko na dahil hindi niya sinasagot. I just keep my thoughts to myself.
Binuksan ko na lang ang mga messages ni mike sa instagram para ma-distract ako.
mike.l: Naka-uwi na kami
mike.l: Busy?
mike.l: Or tulog?
mike.l: Malamang tulog, hindi nag re-reply eh
mike.l: May deal daw kayo ng pinsan ko? Ano yun?
mike.l: Ayaw niyang sabihin sa akin eh, tinatawanan lang ako.
mike.l: Papatayin na ako ng curiosity ko.
mike.l: Napa-amin kona hahaha.
mike.l: Message me when you read this :)
Napangiti ako sa mga message niya. I composed a reply for him.
kenria: Ang daldal mo. Parrot ka ba sa past life mo?
"This is better than drowning myself with my own thoughts."
Mas pipiliin kong maka-usap siya kesa kainin ako ng pag-o-overthink ko.
mike.l: omg, you're awake.
Natawa ako sa reply niya. May kasama pa kasing emoji na parang naiiyak.
kenria: Hala si OA. Akala mo naman comatose ako.
mike.l: kelan lakad niyo ni Ren?
Pagbabago niya ng usapan.
kenria: Paki mo?
kenria: Don't you dare say "I care wife, I care". Sasapakin kita tingnan mo.
Inunahan kona siya dahil malakas ang kutob kong mang-aasar na naman siya.
mike.l: Feeling ka HAHAHAHAHA.
mike.l: So kelan nga?
Hindi pa rin siya maka-move on sa lakad namin ni Ren.
kenria: Kapag pumuti ang uwak. Huwag ka ngang chismoso.
mike.l: Bahala ka, kung ayaw mong sabihin, si Ren na lang tatanungin ko. Takot sakin 'yun eh.
kenria: Hindi ko tinatanong.
mike.l: ay sorry, master.
I didn't get the chance to reply because my brother called.
[Hey, my princess, I'm sorry I was in a meeting. Hindi ko agad nasagot tawag mo.]
Bungad niya sa tawag.
"It's okay, kuya."
Pagsisinungaling ko. Ayokong makadagdag sa stress niya.
[Is there something wrong? Bakit ang dami mong missed calls?]
Pinagisipan kong mabuti kung sasabihin ko sa kaniya yung nalaman ko. Kalmado na ako ngayon kumpara kanina kaya nagdadalawang-isip na ako kung sasabihin ko pa ba. Na-realize ko din kasi na wala naman pala akong pakialam sa nanay ko.
[Ken?]
I was drowning with my own thoughts again.
"Nothing kuya. I just missed you."
[Aww, baby I'm sorry. I actually have a lot to say sorry about.]
Mapait akong ngumiti.
I chose not to say it. Wala din namang mangyayare kung malalaman niyang alam kona. It's all in the past. Nabuhay akong wala ang nanay ko.
[I'm really sorry kenny. Babawi si kuya sa'yo okay?]
"I'll hold on to that."
[Of course. I need to go now, Love you!]
Hindi na ako naka-sagot sa kaniya dahil pinatay niya na ang tawag. Our conversation is better cut off, baka kung ano pa masabi ko sa kaniya.
I layed on my bed with my feet still touching the floor.
"If she really is my mother, then that means we have another sibling."
Ax, this getting more and more complicated. Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (69)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
oo dahil siya ang author
11/08
0muito bom
17/07
0Ang gandaaa
13/07
0View All