Homepage/Where You Can Find Peace/
27: Party
Lumipas ang isang linggo at bumalik na talaga kami ni Aice sa dati. Lagi ng buo ang grupo namin kapag walang klase at kapag lunch.
Then, Mike's day came.
"Ken, can you make it faster, please? Ayokong ma-late sa mismong birthday ko."
Sigaw ni Mike mula sa first floor ng bahay ko. He picked me up since nadadaanan namin ito mula sa bahay nila.
"Malapit na."
Sigaw ko pabalik. Inaayos ko na lang naman ang buhok ko. Binilisan kona lang at bumaba na para harapin siya.
"You're pretty!"
He complimented me as soon as he saw me.
"Thank you!"
Lumapit ako sa kaniya.
"Happy Birthday!"
We hugged, and he kissed my forehead. Nasasanay na akong hinahalikan niya.
"Let's take a photo."
He suggested and took his polaroid camera out.
Since the birthday boy is wearing an all white, dapat ako rin.
I wore a two-piece cream colored bikini. For my cover-ups, I decided to just be as simple as possible, so I chose a white oversized long sleeves button-down polo and a white wide leg summer pants.
Mike is wearing white swimming trunks and also a white short sleeved unbuttoned polo with nothing inside, revealing his body.
Umalis na din kami doon at kasabay namin si aice. Maingay na ang resort nang makarating kami, a lot of people are already drinking, and some are greeting their friends who just arrived.
"Ladies and gentlemen, may I have your attention, please?"
One of Mike's friends volunteered to do the honors of introducing the birthday boy.
"Please allow me to introduce the birthday celebrant, Mike Sandoval!"
Nagpalakpakan ang lahat at pumunga sa unahan si Mike. Gusto niyang sumama pa ako sa kaniya dahil date niya daw ako pero ayaw ko dahil nahihiya ako.
"Thank you, Jeff, pwede ka ng emcee. Ikaw na lang ang kukunin namin kapag may events kami."
Pagbibiro ni Mike, tumawa lang naman ang kaibigan at pabiro siyang hinampas.
"Thank you din sa inyong lahat for being here. This day became extra special because of you. Please enjoy the rest of the night, LEGALLY."
He emphasized the last words kaya natawa ang mga nakikinig. Bumaba na din siya sa stage at lumapit sa akin.
He greeted almost everyone with me, hawak niya kasi ang kamay ko. May mga taong tumitingin sa magka-hawak naming mga kamay pero ni isa sa kanila ay walang nagtanong kung anong meron. Wala din naman kaming isasagot dahil walang kami.
Ni hindi ko nga alam kung bakit ko siya hinahayaang maging ganito sa akin. Marahil ay alam ko pero ayaw ko lang din aminin sa sarili ko.
"Happy birthday, Mike!"
Huling nilapitan ni Mike ang mga kaibigan namin dahil sa kanila din naman kami sasama hanggang gabi.
"Thank you, Tasha!"
Mike let go of my hand and hugged Tasha. Ginawa niya din naman ito kila Adiran at Clark. Nakipagkamayan naman siya kay Aice, 'yung may pa bangga sa dibdib.
Matapos ang kaunting usapan ay nagsimula na kaming uminom. Mike also hired a sound system for the music that can be heard from all over the resort.
"Sa dagat tayo."
Aya ko sa kanila.
"Tara, mukhang mas konti ang tao doon. Ang dami tao dito eh."
Humawak sa braso ko si Tasha habang naglalakad kami papunta sa dagat, sumunod naman agad ang mga lalaki sa amin.
Madami rin namang tao dito pero mas madami talaga sa loob, lalo na sa dalawang pool. Agad na nakuha ng isang salbabida ang atensyon ko. Lumapit ako dito at kumuha ng isa.
Lumapit ako sa tabing dagat at agad na tinanggal ang cover ups ko, revealing my bikini.
"Ang dami mo palang tattoo?"
Lumapit sa akin si Tasha. She's wearing a one-piece bikini.
"Yes. Lahat kaming magkakaibigan may tattoo."
Sagot ko bago ako lumusong sa dagat. Ang mga lalaki naman ay naka-top less na. Chill lang ako na nakaupo sa salbabida habang lumalangoy sila
Biglang lumapit sa'kin si Mike. Ipinatong niya ang dalawang braso sa ibabaw ng salbabida. Inabot ko naman ang tubig gamit ang kaliwang kamay ko at sinabuyan siya sa mukha. Natawa ako sa reaksyon niya. Gumanti agad siya sa akin at nag-sabuyan kami ng tubig.
Bigla siyang lumubog sa tubig para matakasan ang kakulitan ko. Pero ipinag-patuloy ko iyon ng maka-ahon siya.
"KEN!"
Pasigaw niyang pagbabanta sa akin pero hindi ko siya tinantanan.
"Ayaw mong tumigil ah!"
Bigla ulit siyang lumubog at hinila ang paa ko pababa. Napasigaw naman kaming lahat, malamang lalo na ako. Habang lumulubog sa tubig ay pinipilit kong lumutang pero hindi ko kaya. Biglang sumulpot si mike at inilagay ang kaliwang braso niya sa pang-upo ko, ikinawit ko naman ang kanang braso ko sa batok niya at mabilisan kaming umangat sa tubig. Humawak agad ang kanang kamay niya sa salbabida.
"Gago!"
Malakas ko siyang hinampas. At may gana pa talaga siyang tumawa. Unti-unti siyang lumangoy papunta sa mababaw na parte ng dagat kahit na ganon ang posisyon namin. Nahihirapan siya pero hindi ako umalis sa pwesto ko, bahala siya sa buhay niya.
"That was dangerous. She doesn't know how to swim."
Sermon si Aice kay Mike nang makadating kami sa pampang.
"Oo nga!"
Kinampihan ko si Aice at hinampas si Mike sa braso.
"Sorry."
Itinaas niya ang parehong braso senyales na natalo na siya.
"Picture na nga lang tayo."
Inilabas ni Tasha ang cellphone niya at kumuha agad ng litrato namin.
Nang dumilim na ay pumasok na kami sa resort. Nagkayayaan na kasing sa pool nalang maligo.
"Ate Ken!"
Sigaw ni El mula sa kabilang dulo ng pool na liliguan namin. Kasama niya ang tatlong kaibigan.
"Hi guys, long time no see!"
Bati ko sa kanilang lahat. Nag-beso at yumakap sila sa akin.
Ang mga babae lang kasi ang nagaaral sa parehong eskwelahan sa akin, pero sa malayo ang mga building namin, at ang schedule namin hindi nag ma-match kaya hindi kami madalas mag-kita.
"Ate."
Mabagal na naglalakad si Ren papalit sa gilid ng pool kung na saan ako nakapwesto.
"May request sana ako."
Parang nahihiya pa siyang sabihin.
"Ano yun?"
Kumakamot pa siya sa likod ng ulo niya kaya natawa ako.
"Pwede mo ba akong samahan humanap ng event's place para sa birthday ko next week?"
Sunod sunod ang birthday ng mga tao ah, puro birthday nalang napupuntahan ko.
"Bakit ako?"
"Ano kasi,"
Kitang-kita sa kaniya na nahihiya talaga siyang magsabi.
"Say it, don't be shy."
Bumuntong hininga siya.
"Ikaw yung niyaya ko kasi madami kang kakilala na mayayaman, nagbabakasakali ako na maka discount sa bayad."
Halos pabulong na ang sinabi niya, kinailangan ko pang ilapit ang tenga ko para madinig siya.
"Ayun lang naman pala. Sige, sagot ko na."
Lumiwanag ang mukha niya, nagulat siyang napatitig sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya.
"Hindi ate, kahit 50% na lang."
"Don't worry about it, ako na bahala. Regalo ko na sa'yo."
"Thank you, ate!"
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Bumitaw naman agad siya at lumapit sa mga kasama naming naglalaro sa gitna ng pool.
I stared at them laughing and playing around. I still can't believe I found new friends.
Ax, is this how you felt? Is the feeling of being surrounded by genuine and kind people this fulfilling? Kaya naman pala ang dami mong kaibigan.
Tumingala ako sa langit ngunit na sira ang pag-e-emote ko dahil mukha ni aice ang sumalubong sa akin.
"Tang na juice naman Aice."
Humarap ako sa kaniya at hinampas ang tubig para mapunta sa mukha niya. Tumawa lang siya.
"Sorry."
"Kanina ka pa riyan?"
Muli akong lumapit sa gilid ng pool pero patagilid na akong sumandal para kita ko pa din siya.
"Ngayon ngayon lang. Na ihi ako eh, pagbalik ko niyayakap ka na ni ren. Bakit?"
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Chismoso!"
"Aice, Ken diyan na lang kayong dalawa? Tara dito laro tayo."
Sigaw ni Mike mula sa gitna ng pool. Lumapit naman ako sa kanila, at sumunod din si aice. Nagpatuloy lang ako paglalaro namin. Napunta nga ito sa halos lahat ng bisita ni mike ay nakikisali o kaya naman ay nanonood sa mga kalokohan naming lahat.
Dinner was served at around 8, buddle fight style. After that, the party and the drinking continued.
"The party was lit."
"Thank you, Mike."
"Mike, thank you, belated happy birthday."
Those were just some of the goodbye messages Mike received after the party ended at 2. Kami lang kasing magbabarkada ang maiiwan at dito matutulog sa resort. Ang iba sa kanila ay mga sundo, ang iba naman ay binigyan ni mike ng sarili nilang sundo.
"It's time for night night."
Natawa ako sa sinabi ni Adrian. Sa aming lahat ay kami lang nila Aice, Mike at Tasha ang hindi masiyadong lasing kaya kami ang nagdadala sa mga kaibigan namin sa kanilang mga kwarto. Na una na naming ilagay sila El sa mga kwarto nila.
"Ikaw na naman kasama ko? Wala bang iba diyan? Ikaw Ken?"
"Tandyakan kita diyan!"
Sigaw ni Mike kay Adrian. Bumagsak naman sa kama ang lalaki at tuluyan ng nakatulog. Si clark lang ang ma ayos naming napatulog sa kanilang dalawa kahit lasing na lasing.
"Tara na. Inaantok na ako."
Pumunta na kami sa dalawang villa na tutulugan naming apat. Kami ni tasha ang magkasama at silang dalawa naman ang sa kapitbahay namin.
"Good night, Aice."
Lumapit si Tasha kay Aice at humalik sa pisngi. Ngumiti lang naman ang lalaki.
"Una na ako Ken."
"Sige."
Ngumiti lang siya at tuluyan nang pumasok.
"Good night sa inyong dalawa."
Ngumiti lang si Aice bago pumasok sa loob.
"Thank you, Ken."
Seryosong banggit ni Mike.
"For?"
"Being my date."
Napangiti ako.
"Wala nga akong ginawa eh. Sinamahan lang naman kita buong gabi."
"And that was helpful. Kung hindi mo ako sinamahan ay baka na-drain na ako"
Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ito. Umarangkada na naman tuloy ang puso ko.
"Good night."
He smiled at me, and I did the same thing. Pumasok na ako sa villa at sandaling sumandal sa pinto. Napatingin naman ako sa kanan kung nasaan ang dalawang kama at nakita ko si tasha na nakakalokong nakangiti sa akin.
"Don't start, Natasha Solievan Alerce."
Dumeretso ako sa banyo para makatakas sa pang-aasar niya.
"Wala pa akong sinasabi Serene Kenria Rahonza."
Nakangiti akong nagtaray kahit hindi niya nakikita. Matapos kong maglinis ay lumabas na ako ng banyo, mabuti na lang at tulog na si tasha kaya hindi niya na ako naasar.
Bago matulog ay nag IG na lang muna ako. Agad na lumabas ang notification na naka-tag ako sa dalawang post ni Mike.
mike.l: The best birthday ever. Thank you, everyone!
It's a compilation of 10 photos. The first five are photos of the whole party with different people. The next four are our friend's group pictures. Then the last one is a picture of the two of us, nakaakbay siya sa akin at nakahawak naman sa baywang niya ang braso ko.
date.
'Yan lang ang caption sa isang post niya. It was 5 stolen photos of me. My heart raced by the thought of someone treating me specially again.
Sorry, Ax.
"I hate this!"
Pinatay ko na lang ang phone ko at natulog na. Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (69)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
oo dahil siya ang author
11/08
0muito bom
17/07
0Ang gandaaa
13/07
0View All