Homepage/Where You Can Find Peace/
23: Ball
Around 5 pm, nagsimula na akong mag-ayos. Ako lang ang gumawa ng make up ko pero si tita Lizzy ang nag-ayos ng buhok ko. I wanted it slick back and she did it as I wanted.
I looked at myself in the mirror in different angles.
"Looks good."
"Looks good ka diyan, you look gorgeous."
Papuri sa akin ni tita.
"Partner ba kayo ni Aice?"
"Hindi po tita, partner niya po ang girlfriend niya siyempre."
Natigilan si tita sa pagaayos ng mga ginamit namin.
"Girlfriend? May girlfriend is Aice?"
Napatingin ako sa kaniya.
Shit. In-out ko yata si Aice.
"Siguro po? Hindi niya ako niyaya eh."
Pagpapalusot ko.
Mabuti na lang at may kumatok kaya hindi natuloy ang usapan namin. Pinagbuksan ni tita Lizzy ang anak niya.
"Pogi talaga ng anak ko."
Aice kissed his mom's cheeks.
He does look good.
"You're gorgeous."
He complimented me.
"Always."
Pagyayabang ko, natawa naman silang mag-ina.
"Susunduin ka ba ng date mo?"
"Nope, mapapalayo pa siya. Doon na kami magkikita."
"Sabay na lang tayo?"
Inilahad niya ang kamay. Kinuha ko naman ito. Sabay kaming bumaba ng bahay. We used my car obviously.
"Hindi mo ba dadaanan si Tasha?"
Tanong ko ng malampasan ang barangay ng girlfriend niya.
"No."
"Hindi ba siya ang date mo?"
"I don't have a date."
Kumunot ang noo ko.
Ang weird talaga ng mag-jowang to? Parang hindi mag-jowa e.
Hindi ko na siya kinausap dahil busy na siya sa pag-drive. Madilim na ang paligid kaya mas gusto kong mag-focus siya sa daan.
Nabulabog ang katahimikan ng tumunog ang cellphone ko. Mike is calling me.
[Hello?]
"Oh bakit?"
[Asan kana?]
"Papunta na. Excited ka?"
[Hahahaha siyempre. Ikaw date ko eh]
"Wala kang maloloko dito Mike"
Muli siyang natawa.
"Sige na, I'll call you kapag malapit na kami."
[Okay. Ingat.]
Ako na ang pumatay sa tawag. Muling nabalot ng katahimikan ang sasakyan. Hanggang makadating sa parking ng events place ay hindi ako kinausap ni Aice.
"Good evening pretty,"
Pinagbuksan ako ng pinto ni Mike at inalalayan bumaba.
"Mambobola."
"Huy, hindi ah... So, what do you think?"
Ibinuka niya ang dalawang braso niya upang ipakita ang suot. He refused to show me this when we were still in manila.
"Ang pogi ng tux, yung nagsusuot hindi."
Tinalikuran ko siya at naglakad na papunta sa mismong events hall. Humabol naman siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa braso niya.
Namangha ako sa ganda ng lugar. May arkong daanan at may mga ceiling treatment ang lugar, hindi binasta-basta.
As soon as we walked in, people kept looking at us.
"Saan tayo pu-pwesto?"
Bulong ko sa kasama ko.
"We have our own table."
Itinuro niya ang table kung nasaan sila Clark. I saw them waving.
Nang makarating ay tsaka ko lamang nakita na andito na pala si aice. He left us there.
"Ang fierce naman ng look mo."
Tasha commented. Ngumiti lang ako.
"And you look cute."
"Thank you."
She's like a goddess. Yung may kung ano-ano pa sa buhok, ganon. I saw Lacey at the corner sitting. She's looking rather relaxed. Ngumiti pa siya sa akin that me raised an eyebrow.
The program quickly started. Isa-isang in-announce ang mga awardees. Of course hinuli ang main event, basketball.
"Now for the basketball champions."
Nag-sigawan ang mga tao.
"Let's welcome, The College of Engineering APEX BUILDERS!"
Humawak pa sa dalawang balikat ko si mike bago tumakbo papunta sa mga teammates niya. Bida-bida talaga.
The coach and the whole team spoke. Lahat sila ay talagang pinagbigyan.
"Of course we can't forget our MVP,"
Pasigaw ang pagkaka-sabi ng MC sa MVP kaya nagsigawan din ang mga tao.
"Mr. Mycklle Reinnard Sandoval."
Kumpleto pa talaga ang pagkakasabi niya sa pangalan ni Mike. Pinalakpakan naman namin siya ng kunin niya ang trophy mula sa isang guro.
"Unang-una sa lahat gusto ko lang po sanang tanungin ang ating head of directors... sir, wala po bang cash price?"
Tumawa ang matanda pati na rin ang mga estudyante at iilang guro. Nag-sign naman siya ng malaking X gamit ang dalawang braso.
"Sayang!"
Nag-snap pa siya nang daliri at kumamot sa ulo.
"Kaya ko ginalingan kasi akala ko may cash prize. Dean, baka naman."
Sa ama niya naman siya bumaling at tumawa lang naman ito.
"Pero siyempre, joke lang 'yun. Gusto ko talaga magpasalamat kasi nakita ng pannel ang galing ko, imposible naman kasing hindi. Joke lang. Salamat din sa coach namin na walang sawa sa kakasigaw dahil sa katigasan ng ulo naming lahat. Pero siyempre ang pinaka-dapat kong pasalamatan ang team ko,"
Tinuro niya ang team niya sa likod at nagsigawan ang mga ito.
"Siyempre malaking parte sila ng panalong 'to, hindi naman ako pwedeng magpasikat at makipag-laro ng 1v5,"
Muling natawa ang iba.
"At gusto ko lang din pasalamatan ang date ko ngayon na asawa ko din, hindi nga lang legal,"
Nagsigawan ang mga tao. Nagulat akong napatingin sa kaniya. Nang makita ko siyang nakangiti ay pinakyuhan ko siya. Tumawa naman siya ng bahagya.
"Wala lang salamat lang."
He winked at me. Ibinigay niya na ulit ang mic sa emcee at nakipagyakapan sa buong team niya.
"Now that our awarding ceremony has officially ended, the party starts. You may now dance the night away."
Nagsigawan na ang mga tao dahil 'yon lang naman talaga ang ipinunta ng karamihan.
Lumapit sa akin si mike at biglang isinunot ang gintong medalya sa leeg ko.
"Para saan naman 'to?"
"Wala lang, gusto ko lang ibigay sa'yo."
"Masasanla ko ba 'to?"
"Grabe ka naman, bakit mo naman isasanla."
Bigla niyang tinanggal ang medal sa leeg ko. Ibinigay niya ito sa kung sino, mukhang secretary ng daddy niya.
People are dancing and everyone in our table are just drinking. May light drinks kasing sini-serve.
"Can I have this dance?"
Mike offered his hand when a mellow song started playing. Sumama ako sa kaniya sa gitna ng dance floor.
"Thank you."
Kumunot ang noo ko.
"You already said that, sa harap pa nga nilang lahat."
Natawa naman siya.
"Gusto ko lang maramdaman mo ng sagad."
"Baliw."
"September is ending,"
He suddenly said.
"And?"
"October is approaching."
"So?"
"Malapit na birthday ko."
"Edi advance happy birthday."
"Can you be my birthday date?"
"For what?"
"I'm throwing a party, a beach party."
"Sana umulan."
"Ken,"
Natawa ako.
"Joke lang. Sure, kapag hindi packed ang schedule ko."
Pagbibiro ko sa kaniya.
"Well, that's the price to pay for asking you out."
Natawa ako dahil inulit niya ang sinabi ko sa kaniya kagabi. We went back to our table after the song ended. Ngunit wala pang isang minuto ay sweet song na naman ang tumugtog, this time aice handed me his hands. Siyempre kinuha ko din.
"Bakit hindi mo sinayaw si Tasha?"
"Wala ako sa mood."
"But you're dancing with me."
"Nasa mood na ako."
Masiyado siyang seryoso at magulo.
"Is there a problem?"
Tumitig muna siya sa akin bago bumuntong hininga.
"Nothing. Wala lang siguro ako sa mood."
"Sana hindi kana pumunta."
"No one's going to drive you home."
"Do you always have to think about me?"
"It's my job."
Alam kong 'yun ang sasabihin niya kaya sinabayan kona ang pagsalita niya. Natawa tuloy siya.
"Loosen up, we're here to party."
Muli siyang bumuntong hininga. Shinake niya pa ng bahagya ang balikat.
"Okay, let's just enjoy the night."
The night went on and aice really did enjoyed the rest of the night. Clark and Adrian also asked me to dance with them. Mayroon ding ibang lalaki na sumasayaw sa akin. Halos hindi na nga ako makapag-pahinga dahil sunod-sunod ang dating nila.
Matapos makipag-sayaw ay bumalik akong muli sa table.
"Paabot ng tubig please."
Utos ko sa kung sino man ang gustong sumunod. Surprisingly lacey gave me the drink. I drank it in one go.
"Pwede ba tayo mag-usap?"
Tanong bigla ni Lacey. Wala sa table namin ang mga boys, nag announce kasi ang MC na girls naman ang mag-aaya sa kung sino ang gusto nilang isayaw kaya lahat ng boys sa amin ay nakuha.
"No."
I answered.
"Please."
Tumingin ako kay Tasha, she gave me a heads up.
"Kasama ka."
Nagulat ako ng si Tasha naman ang pagsabihan niya. Nagkatinginan muna kami ni tasha at nagkibit-balikat bago kami tumayo. Naunang maglakad si Lacey, at palabas siya ng events place.
She continued walking even after passing the parking space.
"Saan tayo dadalin nito?"
Bulong ko kay Tasha.
"Baka ki-kidnapin tayo."
Natawa kaming pareho sa sagot niya kaya napatingin si Lacey sa amin. She then stopped in front of a small school.
"Ano na naman ba 'to Lacey?"
I started the conversation.
"Leave Aice's life,"
Kumunot ang noo kong natatawa sa sinabi niya.
"Excuse you?"
Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"I'm serious. None of you deserve him."
"And you think you do?"
I looked at Tasha.
Go girl! ipaglaban mo ang sa'yo.
"Bakit pati ako kasali sa usapang 'to? Hindi ko naman jowa si Aice."
Tumitig sa akin si Lacey.
"Because I know something you don't."
Lalong kumunot ang noo ko.
"At ikaw, I know your secret. Alam ko lahat-lahat kaya sa ating tatlo dito ikaw ang mas walang karapatan kay Aice!"
Nagulat ako ng biglang sampalin ni Tasha si Lacey. Sobrang lakas ng tunog ay parang gusto kong matawa pero pinigilan ko lang dahil sobrang seryoso ng dalawa.
"What the fuck!"
Napalitan ng galit ang tuwa ko dahil imbes na gumati kay Tasha, ako ang sinampal ng bruhang si Lacey.
"Tarantado ka ba?"
Tanong habang nakahawak sa pisngi ko. Sobrang lakas din kasi nang pagkakasampal sa'kin.
"You think this is funny ha!?"
Dinuro-duro ako ni Lacey.
This bitch is really testing my patience.
"Hindi lang 'to nakakatawa, nakakasuka pa. Nakakasuka ang pagka-desperada mo!"
Siya naman ang sinampal ko, at sinigurado kong mas malakas 'yon kesa sa ginawa niya sa akin. Lalong nagliyab ang galit sa mga mata niya.
"You! You're using aice for your own selfishness. You're making a fool out of him."
Mabilisan niyang hinawakan si Tasha sa batok at hinampas sa sementong pader ng school. Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat.
This bitch really lost it.
"And you, you're hurting him!"
"What the actually fuck are you on? High ka ba? Anong hinithit mong good items ha?"
Sinisipat ko si Tasha pero hindi siya gumagalaw.
"Funny how you're hurting him without even knowing it."
Sabi niya sa'kin.
"How would you know? Sinabi niya ba sayo? As far as I know HINDI KAYO CLOSE. O baka naman sumanib ka sa katawan niya kasi mangkukulam ka."
Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang i-angat ang kanang kamay niyang may malaking bato at ihampas ito sa ulo ko.
I immediately fell and started seeing double.
"KEN!"
I heard someone shout and went up to me. I held onto that person's arms.
"Get your girlfriend, ako na bahala kay Ken."
Sabi ng isa matapos may panibagong kamay na humawak sa akin.
That's the last thing I remember before loosing consciousness. Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (69)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
oo dahil siya ang author
11/08
0muito bom
17/07
0Ang gandaaa
13/07
0View All