30: Ate

Nang matapos ang tawanan namin, tumitig muna ako sa kawalan bago mag-salita si Tasha. 
"Sa plaza tayo mag-lunch." 
Suhestiyon niya. Inabot na kasi ng lunch ang meeting ng mga prof. 
Tumayo naman kaming lahat matapos naming magka-sundo kung saan kakain. 
Since malaki naman ang kotse na dala ko, doon na lang kaming lahat sumakay papunta sa plaza. 
"Ate Ken!" 
Napatingin ako sa entrance ng restaurant matapos may sumigaw ng pangalan ko. I saw ren walking happily towards our table. Sa likod niya ay mukhang mga blockmates niya. 
"Ako ang pinsan mo, ako hindi mo babatiin?" 
"Hi, kuya Mike." 
Puno ng pang-aasar ang tono niya.
"Kakadating niyo lang din?" 
Ipinatong niya ang kanang kamay sa sandalan ng upuan ko at tinuro ang lamesa naming wala pang laman. 
"Kani-kanina pa. Hinihintay na lang yung pagkain. Ikaw um-order kana para makakain ka agad." 
"Yes, ma'am." 
Nag-salute siya sa akin bago lumapit sa mga kasama niya kanina. Hindi na din siya bumalik sa pwesto namin kaya nag-simula na kaming kumain nang ma-i-serve ang mga order namin. 
"Libre ko na." 
Alok ko sa kanila matapos naming kumain. Nagsisimula na kasi silang maglabas ng pera. Tumayo ako agad at lumapit sa counter para hindi na sila maka-angal. 
Habang nagbabayad, biglang lumapit sa akin si Ren at umakbay.
"Ate, bayad po sa table 10." 
Sabi niya sa cashier at inabot ang isang libo. Kinuha naman agad ito ng babae. 
"Sino 'yan Ren?" 
Tanong ng isang kasamahan niyang naghihintay sa kaniya.
"Ate ko, bakit?" 
Proud na sagot niya.
"Ate pa ay, wala naman siyang kapatid." 
Asar ng lalaki kay Ren. 
"Bakit kadugo lang ba ang pwede maging ate? Ate nga tawag mo sa jowa mo eh!" 
Pagbubunyag ni Ren, parang napahiya tuloy ang kasama niya. Matapos magbayad, sa amin na sumama si Ren. Wala na daw siyang klase kaya hindi siya nagmamadali. 
Tumambay muna kami sa may plaza bago bumalik sa campus. Wala pa rin naman daw klase dahil kakatapos lang ng meeting at nag-la-lunch pa sila. 
Ngayon ay wala kaming ibang ginagawa kundi ang manuod ng basketball at ng mga nag i-skateboard.
Sila Mike, Aice, Ren at Clark ang nanunuod ng basketball, habang kaming natira ay sa mga naga skateboard.
"Oh!" 
Sabay sabay na sigaw namin nila Tasha at Adrian matapos magsemplang nang lalaking pinapanood namin. 
Natawa naman kami ng malakas dahil nakuha namin ang atensyon ng lahat, pati ng mga nanunuod. Tumahimik na lang kami para mawala na sa amin ang 
atensyon nila. 
Tuloy ang pag-skateboard ng lalaki. Nag ti-tricks pa siya.
Sa gilid ng plaza ay may "garden" na ang gilid na proteksyon ay semento, triny ng skateboarder na mag-tricks at ipatong ang skateboard doon sa semento kaya tumalon siya. Ngunit namali ng bagsak ang skateboard niya at nasubsob siya sa mga halaman. 
Natawa kaming mga nanonood sa kaniya dahil sa itsura niya. Walang tigil ang tawa naming magkakasama kaya nakuha namin ang atensyon ng mga kasama naming nanonood ng basketball. 
"Huy! Wala kang sawa kakatawa." 
Mahina akong hinampas ni Mike. Hindi naman kami natigil sa pagtawa, at lalo pang lumakas ang tawa namin dahil sa mag nagba-basketball. Mag le-lay up kasi ang isa at mag ba-block naman ang isa pero napalakas ang talon niya kaya muntik na silang mag-kiss ng iba-block niya. Natawa din silang dalawa nang bumagsak na sila sa lupa. 
Matapos ang ilang oras ay may klase na. Pina-uwi kona si Ren since wala naman na daw siyang klase, baka kung anong katarantaduhan lang ang gawin niya dito sa plaza. 
"Ang tagal naman magpalabas ng prof niyo." 
Reklamo ni Aice matapos ang klase namin. Sabay sabay kasi silang dinis-miss at naisipan nilang hintayin kami ni Mike. 
"Sino ba kasing nagsabi sa inyong maghintay kayo?" 
Tuloy tuloy ang lakad ko palabas at pababa ng building. Sumunod naman silang lahat. 
"Yuuuuuuuck!" 
Nagulat kami sa sigaw ni Tasha kaya napatingin kami sa kaniya. Nasa medyo taas pa kasi siya ng hagdan. 
"HAHAHAHAHAHAHA."
Malakas na tawa nila Adrian at Clark sa kaniya. Natawang nandidiri naman akong makita na may malagkit na kung ano sa kamay niya. Dumadaloy pa ito pababa sa braso niya kaya ibinaba niya ang kamay niya para sa sahig bumagsak.
"Ano 'yan?" 
Nandidiri pa rin akong lumapit sa kaniya kaya tinuro kona lang.
"Kaligara." 
Parang naiiyak niyang sagot.
"Ano 'yun?" 
I was honestly confused. I haven't heard that word before.
"Plema." 
Sabay sabay na sagot ng mga lalaki, bigla namang sumama ang mukha ko at tuluyang nawala ang saya sa katawan ko. 
"Eeewwwwwwww!" 
Parang pati ako ay nandiri kaya pinagpag ko ang kamay ko na para bang mayroon din ako noon sa kamay. 
"Ano ba kasing ginawa mo?" 
Parang gusto na ding humagalpak sa kakatawa ni Mike. 
"Wala akong ginawa, nakahawak lang ako rito sa railings."
Naiiyak na talaga si tasha.
"Ken, samahan mo 'ko sa CR."
Inabot niya sa akin ang isang kamay niya, niyayaya ako.
"Lah?! Nandadamay ka pa. Kaya mo na 'yan, malaki ka na." 
Tinago ko ang pareho kong kamay. 
"Eh kasi naman eh!" 
Pagrereklamo niya, pumapadyak pa.
"Bilisan mo na Natasha, huwag mo ng patagalin. Titigas 'yan sige!" 
Sermon ni Aice sa kaniya, umakyat siya ulit at malamang maghahanap ng CR. 
Tsaka naman lumabas ang tawa nilang lahat ng maka-alis si Tasha. Ilang minuto bago siya bumalik at talagang pinaka-linis linis niya ang kamay niya.
"Pahawak ako Ken. Need ko nang moral support." 
"Yuck no,"
Humahawak siya sa braso ko habang naglalakad kami papunta sa parking.
Alam ko namang wala na siyang phlegm sa kamay, but still. Alam ko rin namang inaasar niya na lang ako dahil natatawa pa siya. 
Naghiwa-hiwalay na kami. Nang maka-uwi sa bahay naligo agad ako at nagpalit ng damit. Inayos ko lang din ang mga notes ko bago ako kumain. After kumain ay deretso na ulit ako sa kwarto at binagsak ang sarili ko sa kama. 
Hey Ax, this day was so much fun. We did nothing but laugh. I have to admit that it did distract me from what I found out. What should I do ax? I have no one to talk to about this. Ikaw lang. So please talk to me.
Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Kinabukasan ay mayroon na kaming klase, kaya medyo busy na naman kaming lahat. Sa lunch na lang kami nagsama-sama. Mas ma-aga din akong umuwi sa kanilang lahat noong hapon na. 
Habang inaayos ang mga notes ko, naka-receive ako ng message mula kay ren. Half day daw siya bukas at tinatanong kung pwedeng bukas na lang kami magkita para i-reserve ang balar. Nag oo naman ako, sinabihan kona din siyang susunduin kona lang siya sa school nila pagkatapos ng klase niya. 
"Hello," 
Sagot ko sa tawag ni Ren. Kakatapos ko lang kumain ng lunch at handa na akong umalis ng bahay.
[San ka na te? Tapos na klase ko]
"Kain ka muna, paalis pa lang ako ng bahay." 
[Sa bahay na sana ako kakain eh, after natin sa balar]
"Hindi ka ba ma bo-bored diyan? Malayo pa ako." 
[Okay lang, dito lang ako sa labas ng campus namin]
"Okay,"
[Sige, ingat ate]
Pinatay ko na ang tawag at sinimulan na ang pag-drive. 
Agad ko siyang nakita sa labas ng campus niya, naka-sandal siya sa gilid ng maliit na tulay at nag yo-yosi. 
Busy siya sa pakikipag-usap kaya hindi niya napansin ang sasakyan ko. Agad akong humanap ng pwedeng pag-parkingan. 
Dali dali akong bumaba at nilapitan siya. Hindi niya pa ein ako napapansin, kaya nang tuluyan akong makalapit sa kaniya hinampas ako ang kamay niya para mabitawan ang sigarilyo. Mukha pa siyang nainis pero nawala din nang makita niyang ako ang gumawa. Tumayo siya bigla.
"Ate." 
"You're smoking? Alam ng mama mo?" 
Yumuko siya. Tumingin naman ako sa mga kasama niyang may yosi din. 
"Stop hanging out with Ren kung tuturuan niyo lang din mag-bisyo."
Sumbat ko sa kanila. Humawak naman si ren sa braso ko at pinipigilan ako. 
"Miss ngayon lang namin inalok 'yan." 
Sagot ng isa. 
"Another reason why you should stop. Unang beses niyo pa lang nakakasama, iniimpluwensiyahan niyo na?" 
"Ate Ken,"
Bulong ni Ren sa akin.
"Tapang mo miss ah. Pasalamat ka 
hindi ako pumapatol sa babae." 
Pagyayabang niya sa akin. Nakita ko namang hinawakan at pinigilan din siya ng lalaking kasama niya. Nang mapatingin siya sa akin ay ngumiti siya na parang nahihiya. Tinanggal ko ang hawak ni Ren sa braso ko at lumapit sa lalaki.
"Ako pumapatol sa lalaki." 
Bahagya ko siyang tinulak kaya nawalan siya ng balance at muntik ng mahulog sa maduming ilog sa baba. Pero hinawakan ko ang damit niya para hindi matuloy. Napasigaw naman ang mga kasama niya. 
"Lalayo ka kay Ren o hindi?"
Muling tanong ko sa kaniya at hindi padin siya binababa. Naka-upo naman siya sa sinasandalan nila kanina kaya hindi ako nabibigatan sa kaniya. 
"Oo na. Oo na!" 
Hinila ko siya para makatayo na siya ng maayos sa tulay. 
"Walang iyakan." 
Pangaasar ko sa kaniya at tinapik ang balikat niya. 
"Tara!"
Aya ko kay Ren at nilampasan sila doon. Tumabi naman sa daan lahat ng nanuod. 
"Ate, sorry. Hindi 'yon first time pero hindi ko na talaga uulitin promise." 
Suyo niya sa akin nang makapasok kami sa kotse. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Siguraduhin mo lang, dahil kung uulitin mo pa. Ikaw 'yung ihuhulog ko doon."
Ngumiti siya at nag salute sa akin. Umalis na kami doon at pumunta sa balar para magpa-reserve. 

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters