26: Heartbeat

Habang nanonood sa mga games ay may biglang tumapik sa balikat ko mula sa likod, when I looked up to see who it was I saw Ren.
"Hey, you're here too?" 
Tumayo ako at niyakap siya gamit ang kanang braso ko. 
"Pinsan din namin 'yan, kapatid ni mama yung papa niya." 
Na upo si Ren sa tabi ni El.
"Ikaw ang dapat kong tanungin ate Ken, anong ginagawa mo dito?" 
May lamang pang-aasar ang pagkakatanong niya.
"Sumama lang ako kay Mike, wala kasi akong magawa sa bahay." 
Tumingin siya sa akin ng nakakaloko sabay ngumiti kay Mike, binato naman siya nang niyukot na tissue nang katabi ko. 
"You bored?" 
Bulong sa akin ni Mike mula sa kanan ko.
"Hindi naman. Masaya naman panoorin yung mga bata." 
May mga nag-iyakan na dahil natalo sa laro, naalala ko mga pamangkin ko kaya kahit alam kong hindi maganda tingnan ay nakangiti akong nanonood sa kanila. 
"Our next game naman are for teens." 
Nag sigawan ang mga magpi-pinsan at ilang bisita.
"First, paper dance. Grab a partner and come in front." 
Anunsyo ng emcee. Niyaya ni Ren sumali si e
El, hindi naman siya nag dalawang isip sumama. 
"Sali tayo?" 
Mike leaned on the table to see my face properly. Tumingin ako sa kaniya at pinagiisipan kung sasali ba o ano. 
"Nakakahiya hindi naman ako part ng pamilya niyo." 
"Okay lang, kasama naman kita eh." 
Tumayo na siya kahit wala pa akong sagot na ibinibigay, iniabot niya sa akin ang kamay niya kaya no choice ako kundi kunin 'yon.
Hanggang sa makapunta kami sa unahan at tumayo doon ay hawak niya pa rin ang kamay ko. People are staring at us, and it makes me uncomfortable. Mukhang naramdaman 'yun ni Mike kaya pumwesto siya sa unahan ko para matabunan ako, while still holding my hand. I looked at our intertwined hands. And I felt something that I shouldn't feel inside me. 
Isinandal ko ang ulo ko sa likod ng balikat niya, trying to calm myself down. 
Naglatag na ng diaryo sa harapan namin kaya humiwalay na ako kay mike, we're both standing across each other. 
"Okay, let's start, please play the music." 
The first music played, habang umiikot kami sa newspaper ay nagsasalita ang emcee na dapat ay sumayaw ang mga kasali. Siyempre nahihiya ako kaya hindi ko ginawa, pero pigil na pigil ang tawa ko dahil walang kasing kapal ang mukha ni Mike dahil sa pag-sayaw niya. Katulad ng inaasahan ay walang na-out, masiyado pa kasing malaki ang newspaper. 
The second song played, nakatupi na sa dalawa ang papel sa sahig. When the song stopped parehong paa pa rin namin ang nakatapak sa diaryo. 
The third song played. 
"Isang paa lang natin ang ilagay natin, ako na bahala sa balance." 
Mike instructed me, and I just nodded. When the song stopped, I did what he told me. Kanang paa ko lang ang itinapak ko at kaliwa naman sa kaniya. Niyakap niya ang kanang braso niya sa baywang ko para magbalanse kami. Inihawak ko sa likod niya ang kaliwang kamay ko at iniyakap din ang kanang kamay ko sa baywang niya. 
My heart is at it again. Beating fast for no damn reason. 
Madami na naman ang natanggal at apat nalang kaming mga natira. Kasama doon sila El at Ren. 
Maliit na ang papel nang tumugtog ang pang-apat na kanta. 
"Tumalon ka sa akin, bubuhatin kita." 
Muli niya akong tinuruan kung anong dapat gawin. Tumigil ang kanta at ginawa ko ulit ang sinabi niya tumalon ako pero parang nagulat pa siya noong una, dahil ang talon ko ay paharap. Parang bata tuloy akong karga-karga niya. I wrapped my legs around his waist, and I did the same thing with my arms to his neck. 
Na-realize ko na nakakahiya ang pwesto namin ngayon kaya ibinaon ko ang ulo ko sa leeg niya. Tsaka ko naman naramdaman na parang natatawa siya. 
"Ang nasa isip ko tatalon ka na parang bridal style, hindi ganito." 
Tuluyan na siyang natawa. Pati ako tuloy ay natawa na din pero ang ulo ko ay nasa balikat niya padin nakapatong.
"Sorry. Hindi mo kasi nilinaw." 
Tawa lang kami nang tawa habang nagsasalita ang emcee. Pinuna din niya ang posisyon namin at nadinig ko ang tawanan ng mga nanonood, pati na rin ni Mike. Lalo tuloy akong nahiya. 
Nang sabihin niya na okay na tsaka lang ako binaba ni Mike. Dahil nahihiya padin ako ay humawak ako sa kanang braso niya at tumago sa likod niya. Both of us are still trying to hold our laughter back. 
Dalawa na lang kaming pares na natira ang isa ay sila El and Ren. 
"Nako, Sandoval vs. Sandoval pala ito."
Anunsiyo ng emcee dahil napansin niyang sila El at Mike ang magiging magkalaban. In-enterview niya pa ang magkapatid. Ang mga magulang naman nila ay proud na proud na nagvi-video, lalo na ang mommy nila. 
Then the last song played. 
"This time, bridal style na ha." 
Natatawang napahiya ako sa sinabi ni mike. Ganoon ang ginawa namin ng tumigil ang kanta. Noong una ay medyo nahihirapan pa si mike na bumalanse mabuti na lang at nakuha niya din ang tamang pwesto. 
Nagsimula ng magbilang ang mga nanonood pagmula 10 para malaman kung sino ang unang mahuhulog. Bawat segundo ay parang isang oras para sa akin. Mike kept on looking at me while smiling, nagsisimula na akong mailang. 
"I can feel your heartbeat." 
"Shut up." 
Agad kong tinapos ang usapan dahil ayokong marealize ang nangyayare sa akin. 
"5"
"4"
"3"
Napasigaw ang lahat ng bumagsak sila El at Ren. Naka piggyback kasi si El kay Ren at mukhang hindi kinaya ni Ren. 
"Congratulations, Mike and Ken!" 
Bati sa amin ng emcee. Ibinaba na ako ni mike. Itinapat niya sa akin ang dalawang kamay para mag-high five. Matapos ay itinaas niya naman ang dalawang braso niya at humarap sa mga audience na tuwang-tuwa. 
Ang birthday girl mismo ang nagbigay sa amin ng prize. 
"Congrats!" 
Inabot niya sa amin ang dalawang silver bracelet na may araw sa gitna. Sinuot namin agad ito at naupo sa may table. Inabot ng gabi ang party, kaya mayroon ding dinner na sinerve. Halos lahat ng games ay sinalihan namin. 
"Next game, calamansi relay." 
"Tara!" 
Tumayo agad ang mga kasama ko sa table handa ng sumali.
"Pass muna ako, pahinga muna." 
"Ako rin." 
Bumalik sa pagkaka-upo si Mike at tumuloy sa gitna ang dalawang kasama namin. Nasa ibang table na ang mga magulang nila since umiinom na sila. Habang nagsisimula na ang laro ay biglang may lumapit sa aming babae. 
"Mike. Kamusta?" 
"Tita Ria. Mabuti naman po. Kayo po?" 
Tumayo si Mike at humalik sa pisngi ng babae. Nakatingin naman siya sa akin kaya tumayo din ako. 
"Ayos naman." 
Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. 
"Si Men po pala, kaibigan ko. Ken si tita Ria, mama ni ren." 
"Nice to meet you, po." 
Inabot ko ang kamay niyang naka-extend sa harap ko.
"I know who you are. Who wouldn't know a rahonza, right?" 
Parang naiiyak na siya habang kinaka-usap ako. 
"Pasensya na, medyo napuwing kasi ako kanina kaya naluluha ako. I shouldn't have gone here looking like this. " 
Kaya naman pala. 
"It's okay, po." 
"How's your dad?" 
I was taken aback. I didn't expect her to know about my dad. Well, my dad is more well known compared to me, but the way she's asking about him feels like she knows him more than just a businessman.
"He's peacefully resting na po tita." 
Medyo nagulat pa siya at napahawak sa bangko sa tabi niya. Inalalayan naman siya ni mike. 
My dad's passing was kept private. My family prevented the press to write about him or put him on the news, kaya hindi ako nagtatakang hindi niya alam ang nangyare kay papa.
"Sorry, tumatama na yata ang alak sa akin."
Umayos muli siya ng tayo. At pilit na ngumiti at ayusin ang sarili.
"I'm actually acquainted with your dad. We... we were friends back in the days" 
Tumango na lang ako.
"Your brother, how is he?" 
I squinted my eyes.
She knows my brother, too?
"He's fine. He is happily married with a kid." 
She nodded and smiled sweetly.
"Oh really? I didn't know he's already married." 
She paused for a moment. 
"How did your papa die?" 
Her questions are getting personal, and I don't like it. 
She really does know him, to be specific. She knows our family. She knows I call her papa, not dad.
"I'm sorry, tita, but I think it's not appropriate to ask someone you just met about their personal life." 
Pigil ni Mike sa tita niya. Mukhang napahiya naman ang matanda. Nagpa-alam na siya sa amin at bumalik sa lamesa nila. Muli kaming naupo at pinanood ang mga naglalaro. 
Aaminin kong nasira ng babae 'yun ang mood ko. I don't know why, but I feel like I know her, I just don't know where I have seen her. 
Kumuha ng wine si Mike dahil mayroon nang sini-serve para sa mga guests na pwede ng uminom. 
The party continued until 8 in the evening. 
"Mike, ihatid mo na si ken. Ken, thank you again for joining us." 
Humawak sa dalawang kamay ko ang mommy nila. Ngumiti nalang ako at nagpa-alam na sa kanilang tatlo. Nauna kasi silang umalis. 
"Your tita Ria was acting strange, don't you think?" 
Tanong ko sa kaniya habang nasa biyahe kami. 
"Yeah. She usually doesn't act like that when I introduce someone to them." 
Napatingin ako sa kaniya. 
"You introduced someone to them before?" 
He quickly looked at me. 
"I had an ex, you know." 
"Isa lang?" 
Parang hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. 
"Ganon talaga kapag loyal." 
Pagyayabang niya. 
"Okay, Mr. MVP." 
Natawa kaming pareho. 
"Your aunt, she must be close to my dad. Seeing how she reacted about his death. He even talks about my brother like she knows him well." 
"Probably close friends when they were younger, besides my uncle is a businessman too. They certainly know your family." 
Hindi ako sumagot sa kaniya dahil hindi ako sang-ayon. My father was born here, but they rarely go outside the mansion. Walang na-kwento sa akin si papa na nagkaroon siya ng kaibigan na babae. At kung totoo nga na kilala niya lang talaga ang mga rahonza dahil sa business, bakit hindi generalised ang mga tanong niya? Bakit kung magsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ang tatay at kapatid ko?
"We're here." 
He stopped in front of our resort's gate. 
"Thank you for today, It was really fun." 
"You're always welcome." 
I smiled at him before heading out. Hinintay niya muna akong makapasok bago umalis. 
"Welcome back." 
Si Aice agad ang bumungad sa akin. I smiled at him.
"Let me walk you." 
"Sure." 
Sana pala hindi na ako pumayag. Napaka-awkward kasi na walang nagsasalita sa aming dalawa. 
"I'll go back to work." 
Aalis na sana agad siya matapos niya akong ihatid sa pinto ng bahay. 
"How long are we going to stay like this?" 
Humarap siya sa akin. 
"What do you mean?" 
He's pretending to be innocent, so I scoffed. 
"You know exactly what I mean."
He stayed quiet. 
"What Lacey said never bothered me. I can forget like it never happened, if you want me to." 
Tumingin siya sa akin ng deretso. He looks sad. 
"You'll forget about it?" 
Damn it, Aice, stop it. Baka isipin kong totoo nga 'yon. 
"Yes. I mean, there's no way it's true, right?" 
Say yes, and make this easier for the both of us. 
He awkwardly smiled. 
"Of course. Well, I was just so concerned about you. Akala ko galit ka sakin kaya iniiwasan mo ako." 
"Ako nga iniiwasan mo eh. Let's just put it behind our backs and pretend like nothing happened. Okay?" 
I extended my arms. 
"Okay!" 
He smiled and handshaked me. Bumalik na siya sa trabaho at umakyat na ako sa taas.
Hindi agad ako nakatulog kaya nag-cellphone na muna ako. I was scrolling through facebook when Mike suddenly called. 
[Asleep ka na ba?] 
"Not yet, nasagot ko pa nga tawag mo diba?" 
[Sungit mo na naman, parang hindi kita pinaligaya kanina ah] 
"Yuck Mike, ang bastos pakinggan." 
Natawa lang siya sa kabilang linya. 
"I'm just resting before going to sleep," 
Muli kong sabi sa kaniya.
[Okay. Rest in peace.]
"Tangina mo!" 
Nadinig ko pa ang tawa niya bago ko patayin ang tawag. 
Ax, sorry. I know whatever I'm feeling right now isn't allowed. I'm sorry, I'll try my best to keep it okay?

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters