29: Breather

"Ang aga kong pumasok cancelled pala mga classes." 
Reklamo ni Mike. Magka-kasama kaming lahat dahil nga walang klase. May emergency meeting daw ang mga professors. 
"Uno na lang tayo. May dala akong cards." 
Kinuha niya ang card na sinasabi niya kaya umayos kami ng upo. Sa mga sementong upuan at lamesa kami naka-pwesto. Sa tabi ng building namin ni Clark. 
Matapos ipaliwanag ni Mike kung paano mag-laro sa mga hindi pa nakakaalam, katulad ni Clark at Tasha, nagsimula na kaming mag-laro. 
"Uno!" 
Sigaw ko matapos kong ibagsak ang 2 na yellow. 
"Reverse." 
Binaba ni Aice ang yellow na reverse, kailangan ko tuloy bumunot ulit dahil red ang hawak ko.
"Kainis ka." 
Tumawa lang siya. 
"Plus 4!" 
Natatawang binagsak ni Mike ang card niya, nag-reklamo naman si Clark na siyang katabi ni mike sa kaliwa. 
"Red!" 
Sabi ni Mike. Siya ang huling nag-bagsak kaya siya ang pipili ng kulay since wala namang specific na kulay ang mga wild card. 
Nag-bagsak na si Adrian at si Tasha naman ay skip ang binagsak kaya hindi pwedeng tumira si Aice. 
Tiningnan ko silang lahat habang dahan-dahan kong binababa ang card ko. 
"Uno!" 
Nagtawanan kaming lahat nang ibagsak ko ang card ko dahil sinabayan nila akong mag-UNO. Since sinabay ko sa mismong sigaw ang bagsak, hindi ako kukuha ng 2 cards. 
Natuloy naman ang laro kahit dismayado sila. 
"Pano ba 'yan?" 
Mayabang na bagsak ni Mike sa blank white card na may naka-sulat na 'swap cards with anyone'. Mukhang matagal na ang sulat na 'yon.
"Ang daya!" 
Sabay sabay naming sigaw dahil kanina pa siya nagbabagsak ng mga wild card. Malakas naman siyang tumawa. 
"Okay makikipag-swap ako, kay... Ken!" 
Humarap siya sa akin. Nagtawanan ang mga kasama ko marahil ay ini-isip na talo na ako dahil madaming card si Mike. Kalahati yata ng decks nasa kaniya na.
"Sige ba!" 
"Ang tanga mo Mike!"
Kinuha ko agad ang deck niya bago pa niya pansinin ang sinabi ni clark. 
"Ay, puta oo nga!"  
Humawak siya sa ulo niya ng ma-realize niya ang katangahan niya. Tumawa naman ako. 
"Bakit?" 
Nalilitong tanong ni tasha kay Aice. 
"Sa kaniya rin mapupunta mga parusa ng mga wild card na hawak niya kanina." 
Paliwanag ni Aice at tinuro pa ang ikot ng laro namin. Napa-Aahhh naman si Tasha tapos tumawa.
"Ang tanga mo kasi. Bakit mo rin kasi na-isip ibigay tong deck mo? Ang daming wild card nito oh, tatlo pa 'to." 
Tiningnan ko isa isa ang cards niya habang sinesermonan siya. 
"Medyo bobo ka sa part na 'yon." 
Natatawang asar ni Adrian. Natawa naman silang lahat. 
"Okay, game na, sino na next? Ikaw Clark." 
"Uno!" 
Sumigaw bigla si Clark at tinuro si Mike. Napa-isip si Mike at nagtawanan kami.
"AHHHHHH," 
Muling sigaw niya nang ma-realize ang pangalawang mali niya. Sinabunutan niya pa ang sarili niya bago kumuha ng dalawang card. 
Nagtatawanan kaming sinimulan ulit ang laro.
"Oh, ayan, pagdusahan mo ang katangahan mo." 
Binaba ko sa kaniya ang plus 4. Parang nanghihina naman siyang kumuha ng cards. Natawa naman ako. Matapos ang isa pang ikot binagsakan ko ulit siya ng plus 4.
"Oh!" 
Binaba ko ang regular card na red, matapos ang isa pang ikot. Lumiwanag naman ang mukha niya ng makitang hindi wild card ang binagsak ko. 
"Kawawa ka naman." 
Natatawang asar ko sa kaniya. Ang tatlong card na hawak niya kanina, ngayon eleven na. 
"Salamat naman nakapag-bagsak din." 
Nagbaba din siya ng regular na card. Nag-tuloy tuloy lang ito hanggang sa mapunta ulit sa akin ang turn. 
Nakatinginan kami ni Mike, nag-pout pa siya para magmaka-awang hindi ko ibagsak ang nag-iisang wild card ko. Nakangiti naman ako dahil sa itsura niya. 
"Plus 2 lang naman." 
Hindi ko inalis sa mata niya ang tingin ko habang ibinababa ang card, nawala naman ang pout niya at nagtaray sa akin kaya natawa ako. 
Nagtuloy-tuloy lang kami pero wala pa ring nananalo.
"UNO!"
Natatawang banggit ko. Ako ang may pinaka-maraming card kanina pero ako din ang unang naka-uno. Nagsimula ulit ang ikot at naka-kuha ng special card si Aice, yung pwede ka mag-bago ng kulay. 
Since red ang kulay kanina at yellow ang hawak ko, tumingin ako kay Aice at mentally na nagmamakaawa sa kaniya. 
"Yellow!" 
Sabi niya.
"Yes." 
Ibinagsak ko na ang huling card na hawak ko.
"Ay, wow. Ang galing." 
"Ang daya," 
"May favoritism,"
"Ang baliw mo Aice, dapat pinahirapan mo."
Natawa lang ako sa mga comment nila. Tinuloy nila ang game at unti-unti na silang nananalo. Pagkatapos ko ay si Aice, tapos si Clark at sumunod naman si Tasha. One on one na sila Mike at Adrian. 
"Uno." 
Na-unang mag-uno si Mike at isang card na lang ay panalo na siya. 
"Ahhhhhh."
Parang stress na sigaw ni Adrian dahil hindi niya alam kung anong kulay ang card ni Mike. Blue na number 2 ang binagsak ni Mike at kapag blue din ang ibinagsak ni Adrian ay may tsansang manalo na si Mike, kung blue ang nag-iisang card na natira sa kaniya. Pero kung ibang kulay naman, may chance si Adrian manalo. Huwag lang siya mag-bagsak ng ibang kulay na kapareho ng number ng card na hawak ni Mike. 
"Aba, mag stretching na tayo." 
Nag-streching na sila Clark at Aice dahil ang parusa sa talo ay pitik sa noo. 
"Panalo!" 
Tuwang-tuwa si Mike ng ibagsak ni Adrian ang card niya, dilaw na 2. Dilaw kasi ang last card niya. Agad namang tumayo sila Clark at Aice.
"Sandali naman." 
Natatawa kaming pinapanood sila. Hinawakan ni Aice ang braso ni Adrian, sa ulo naman humawak si Clark para hindi magalaw si adrian.
"Ken, ikaw muna." 
Alok ni Aice. Natatawa naman akong tumayo.
"Ma'am Men saglit lang, wala naman akong atraso sa'yo diba? Ginagawa ko naman nang maayos ang trabaho ko. Maawa ka sa'kin may pamilya akong binibuhay!" 
Usap sa akin ni Adrian habang pinapa-putok ko ang mga daliri ko. Mahina naman siyang sinampal ni Aice sa noo dahil sa huling sinabi niya.
"Hindi ka sure." 
Asar ko sa kaniya.
"Ma'am promise aayusin ko pa lalo ang trabaho ko. Kahit trabaho ng iba aakuin ko na." 
Natawa ako sa pangmamaka-awa niya.
"Hindi mo ako madadaan sa talk no jutsu mo." 
Tinaas ko ang buhok niyang natatabunan ang noo niya, napa-pikit naman siya. 
"Aray!"
Sigaw niya. Kaya mahina ko siyang tinapik sa pisngi.
"Wala pa." 
Sabay sabay naming sabi. Pigil na pigil ang tawa ko habang inaayos ang daliri ko sa noo niya. 
"Pak!" 
Panggagaya ni Clark sa tunog ng pitik ko sa noo ni Adrian.
"Aray." 
Reklamo niya. 
"Ang OA mo, ang hina nga eh!" 
Sumbat ko sa kaniya. 
"OMG. HAHAHAHAHAHA." 
Natatawang turo ni Tasha kay Adrian. Tiningnan ko kung anong tinuturo niya. 
"Oh my gosh!" 
Pati ako ay natawa sa nakita ko. Bumakat yung pitik ko sa noo niya, I mean namula. Dagdag pang naluluha ang mata ni Adrian. Nang mapansin nila Aice at Clark ay pinakawalan muna nila si Adrian at tinawanan ito. Pati si Mike ay nadidinig kong tumatawa. 
"Oh my gosh, sorry." 
Hinihimas ko ang noo niyang pinitik ko habang tumatawa. Natatawa din naman siyang pinupunasan ang luha niya. 
Ilang mintuo kaming tawa nang tawa. Pati tuloy ang ibang tao ay napapatingin sa amin at natatawa sa itsura ni adrian. 
Matapos maubos ang tawa namin, sinimulan na ulit nila ang pag-pitik.
"Sa ibang side naman kayo, 'wag doon sa pinitikan ni Ken.' 
Reklamo ni Adrian. Natawa naman ako at muling hinimas ang noo niya. Mukhang napalakas talaga ang pitik ko. 
Kahit natapos na ang pitikan session ay tuloy pa din ang tawa namin. Nang nahulasan kami bigla namang tumahimik ang lamesa namin. Hindi na namin tinuloy ang laro dahil tinamad na kaming lahat. 
Nag cellphone na lang ang iba sa amin nang matahimik kami. Napatingin naman ako sa kabilang table. Katulad namin kanina ay maingay din sila at nagtatawanan. 
They continued laughing their hearts. Sa sobrang lakas ng tawana nila, 'yung isa sa kanila nilabasan na ng sipon. Pinunasan niya naman agad ng panyo na hawak niya. No one in his group saw that. He looked our way, probably trying to spot if someone else saw it. 
Tumingin ako sa kanan ko para iwasan ang tingin ng lalaki, at para na rin hindi matawa. Pero bigo ako dahil nakita ko si Aice na nagpipigil din ng tawa. 
I pointed at him, asking him mentally if he saw what I saw, and he nodded. That's when we lost it. We laughed even louder than the other group. Ramdam ko ang pagtitig sa amin ng mga tao, lalo na ng mga kasama namin pero wala akong pakialam. 
And to make things worse, seeing each other is making us remember what happened, and it's making us laugh even harder. 
I just hope that the guy didn't realise we're laughing about him. 
Aice and I kept on hitting the desk in front of us while expressing verbally how happy we were. 
"Ay, hala nabaliw na sila." 
Clark commented at our craziness. 
"Hoy tama na, kanina pa kayo tawa nang tawa." 
Tasha tried, but it did not stop us. 
My laughter is uncontrollable, and it's now making squeaky noices. I'm starting to get out of breath. Gosh, I haven't laughed this hard for a long time. And I haven't seen aice laugh like this too. 
Humarap na ako sa kaliwa para matakasan ang pag-tawa kapag nakikita ko si Aice, pati si Mike tumutulong na para pakalmahin ako. Akala ko okay na kaya tumingin na ako sa harapan, kaso noong nakita ko na naman si Aice I couldn't help laughing again, and he did the same thing. 
We kept on going for another 5 minutes or so. Until we managed to control it. We would just giggle when we see each other and then nothing at all.

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters