Homepage/Where You Can Find Peace/
22: Proposal
Natapos ang linggo at simula na nang college week. First day, basketball match sa umaga at volleyball match naman sa hapon. Meron pang ibang game pero 'yung dalawa lang ang mahalaga sa akin. Kasi 'yun lang ang inaabangan ko.
"Manunuod ka Ken?"
Tanong sa akin ni Clark.
"Wala naman akong choice diba?. Sinabihan ako ni Mike. Player pala 'yun?"
"Oo, star player 'yun. Panis ka dun."
I made face. Hindi ko alam na kaya pala ang yabang yabang niyang anyayahan ako ay dahil malaki ang magiging papel niya.
Pumunta na kami sa court 30 minutes before magsimula ang laro nila. Ngayon pa lang ay ang ingay na ng paligid. Halos lahat sa college of engineering nag chi-cheer. Mostly, kay Mike.
Nag wa-warm up sila Mike. He's scanning through the whole crowd, he stopped and smile after spotting us. He waved at me enthusiastically, I smiled and waved too.
I took my phone out ng maramdaman kong nag-vibrate ito.
[iceherdilla: Asan kayo?]
Tanong ni Aice sa message niya.
kenria: sa may side nila Mike. Pangatlong layer ng bleachers.
Nakita ko naman agad siya kaya kumaway ako. Kasama niya si Lacey at Tasha. Sa tabi ko siya umupo, sa likod naman ang dalawa since isa na lang ang available sa linya namin.
Hindi manlang sinamahan 'yung jowa sa likod.
Nagsimula na ang game. Panay ang tres ni Mike tumuturo pa ito sa akin kapag nakakashoot. Feeling teenager. Bida-bida. Nakakainis.
At dahil nga walang humpay ang tres niya ay obvious na sila ang nanalo. Sigaw nang sigaw ang mga kasama namin pero tahimik lang kami ni Aice. Pumapalakpak naman ako, si Aice lang talaga ang walang imik. Para ngang napilitan lang pumunta rito e.
Lumabas na kami doon pero hinintay namin si Mike sa bungad ng court.
"Ang galing ko diba?"
Pagyayabang niya sa akin nang makalapit sa grupo namin.
"Anong magaling doon? Lahat naman kayo naka-score."
Tumalikod ako sa kaniya, bigla naman siyang umakbay sa'kin.
"Pero ako ang naka-dami ng points."
"Hindi ko binilang."
We spent the rest of the day eating and checking almost every booths. Around 2 in the afternoon, the volleyball game starts. Nanood kami ni Mike. Gusto sanang sumama ni Aice pero ikinasal sila ni Tasha sa marriage booth. Sinet-up daw sila ng mga kasama nila sa student council.
Napaka-corny lang kasi kaya hindi ako nanuod. College na may marriage booth pa?
Ang iba naman naming kaibigan ay nag-kanya kanya ng pupuntahan. May pumunta sa horror booth ang iba naman ay triny ang mga games.
Panalo na naman ang college of engineering sa volleyball. Hindi na ako magtataka kung kami ang overall champion by the end of the week.
The next 3 days ay pa-ulit ulit lang ang ginawa namin, manood ng games, mag che-check ng booths. Noong thursday day kami naman ang kinasal ni Mike. Siyempre nag-protesta ako dahil hindi ko naman ginusto 'yun, pero wala akong nagawa dahil naka-posas kaming dalawa sa isa't-isa.
Today is friday at ngayon din ang finals ng basketball. Hapon na at hinuli talaga sila. Alam nang nga nag organise na sila talaga ang inaabangan ng lahat.
College of Engineering vs. College of Education.
The court was packed. Sa side ng engineering kami nakapwesto, kasi magkakahiwalay ang mga supporters ng bawat college. Parang UAAP.
"Ken,"
Inabutan ako ng banner ni Clark. Nagpagawa kasi sila ng banner para kay Mike.
"Ayoko nga!"
"Dali na, kahit hawakan mo lang. Oh, ikaw din Aice."
Ibinato niya kay Aice ang isa pang banner. Go! Sandoval #01 ang nakasulat. May mga malalaking cut-out pa sila ng pagmu-mukha ni mike. UAAP talaga ang peg nila e!
The game started and Mike's team is up for a good start. Walang sablay ang mga tres ni Mike. Magaling din dumipensa ang team niya.
The first quarter ended at lamang sila ng 10 points sa kalaban. Second quarter started at hindi pinahabol nila Mike ang kabilang team. Tres lang siya nang tres. During the half time break ay biglang tumayo si Mike at lumapit sa announcers.
"Hi, maganda hapon sa inyong lahat."
Nagsigaw ang mga 'fans' niya.
"I just wanted to use this moment as a platform for me to ask a someone, my wife"
I cringed by his statement. Luminga-linga siya at ngumiti nang magtama ang mga mata namin.
"Ken. Can you be my date tomorrow?"
Hindi ako naka-sagot agad. And I was just looking directly at him. Everyone is screaming. Nabibingi ako sa sobrang ingay nang gym. Parang gusto ko na lang mag walkout. Lalo na at ganitong na on the spot ako. Kainis.
Tomorrow is the college gala, a formal ball and also awarding of champions. Kaya niyaya niya ako nang ganito.
Hindi ko alam kung paano ako sasagot kaya itinaas ko nalang ang banner na hawak ko.
Screams became louder. Malakas na sumigaw si Mike ng YES.
"Lalong gumaling si Mike dahil sa pag-oo mo."
Inaasar ako ni clark. Nagsimula na kasi ang third quarter.
"Ganoon din naman ang performance niya kanina."
I'm still in denial na may nagawa ang pag-oo ko sa kaniya.
Natapos ang game at na-secure na ni mike ang MVP title.
"Hi wife, and date."
We once again wait for him outside.
"I will be your date in ONE condition"
"And that is?"
"We will be flying to manila for the outfit."
"Sure. Pero sa date lang may condition, sa wife wala?"
Narealize ko ang pang-aasar niya.
"Ewan ko sa'yo!"
Itinulak ko ang mukha niya at lumakad na pa alis. Umuwi na rin kami matapos ang laro nila dahil pagod si Mike.
Napag-usapan din namin ni Mike na ngayon na kami pupunta nang Manila para makabalik kami bukas nang umaha.
"Ang bilis mo in fairness."
I have my arms crossed when he arrived.
"Kailangan ko pang i-convince ang mga magulang ko na payagan ako."
I rolled my eyes on him.
"Well that's the price to pay for asking me out."
He made a face.
"Bakit tayo dito sa airport?"
"Basta. Tara na!"
Pumasok kami sa airport at diretso kung nasaan ang helicopter na pinadala ko kay kuya.
"Mag he-helicopter tayo?"
Sobrang gulat ng tono nang boses niya.
"Bakit ayaw mo? Edi mag-barko ka."
"Hindi ah. First time ko lang kasi."
"Seryoso ka?"
Tumango siya.
"Teka teka,"
Pigil niya sa akin bago ako makasakay.
"Ano ba 'yun?"
Nakakairita naman itong lalaking 'to. Ang daming alam, lalo kaming matatagalan nito e!
"I'm afraid of heights."
I didn't believed him at first but seeing how he's clinging onto me like his life depends on it, I'm starting to believe he does.
After minutes of flying we landed to our company's roof. It's currently 7 pm.
"Good evening Ms. Ken."
Bati ng driver sa akin.
"Si kuya po?"
"Nasa bahay niyo na po ma'am."
"Tangina, Rolls Royce."
Bulong ni Mike nang makita ang sasakyan na gagamitin namin. Buong biyahe ay wala kaming imik. Alam kong pagod siya dahil sa game at ako naman ay wala sa mood. Ilang minuto pa ang biyahe papunta sa bahay.
"Dito na tayo."
Inalog ko ang balikat ko kung saan nakatulog si Mike. Masiyado talagang napagod si Mr. MVP.
"Laki ng bahay niyo."
Kumento niya sa bahay namin, pero hindi ko na siya pinansin at dumeretso na sa loob.
"I'm home~"
Agad na sumugod sa akin ang pamangkin ko. Ipinakilala ko siya kaniya ulit si Mike, since alam kong limot na niya ito. Pati mga aso ko ipinakilala ko Mike.
The night ended after we ate dinner. Masiyado talagang pagod si Mike at kahit gusto ko pa siyang yayain lumabas ay hindi ko na ginawa.
Kinabukasan ma-aga kaming nagising para pumunta sa boutique na ni-recommend ni Navi.
"Good morning po ma'am, sir. Kayo po ba 'yung mga kaibigan ni ma'am Naveen?"
Tumango ako sa babaeng lumapit sa amin.
"Tara ma'am may nakahanda na po kami para sa inyo. Sir sama po kayo sa kasamahan ko, sa ibang room po kayo."
I was leaded to a room with a lot of dresses hanging. One already caught my attention.
It's a black tulle gown. It's an off shoulder and with long sleeves.
I went near it.
"Can I try this one?"
Ngumiti ang babae at pinagbuksan ako ng pinto ng dressing room.
I tried it on and it felt like it was made for me. It fits me perfectly, I fell in love.
"I'm taking this."
"Are you sure ma'am madami pa po kaming choices?"
"Okay na 'to."
Muli siyang ngumiti at kinuha sa akin ang gown. I waited outside while their preparing it. Hinintay ko din si mike matapos.
"Nakapili ka na?"
I looked at mike making his way to me. I nodded.
"Ako din. Ang pogi ko dun. Pero sabagay araw-araw naman akong pogi."
Napaka-daldal talaga ng taong 'to. After getting the dress, we head straight to the company. Ngayong gabi na ang party at kailangan na naming bumalik ng marinduque.
"See you later."
He bid me goodbye after our helicopter landed. Nasa resort naka-park ang kotse niya kaya hindi niya na kailangan mag-commute.
7 ang open ng gate for the ball. Kaya kailangan maaga akong mag-ayos.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (69)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
oo dahil siya ang author
11/08
0muito bom
17/07
0Ang gandaaa
13/07
0View All