21: Birthday

Nagising ako kinabukasan dahil sa sakit ng katawan. Nalilito akong lumingon sa paligid. Tsaka ko naalala na sa living room ako nakatulog habang umiiyak. 
Biglang bumalik sa isip ko 'yung pag-iyak ko. Nakakahiya kay Mike. 
Tatayo na sana ako nang mapansin ko na may kumot na nakabalot sa'kin. Hindi ko naman maalalang kumuha ako nang kumot sa kwarto. Nagulat din akong makita na may braso na nakapatong sa tiyan ko. 
It's Mike's. Malaki kasi ang sofa namin kaya may space pa ang ulo at braso niya. Ang kalahati naman sa katawan niya ay nasa sahig. 
Sigurado ang sakit ng katawan nito.
Dahan dahan akong umupo at ginising siya. 
"Mike," 
Mahina ko siyang tinapik sa likod. Unti-unti naman siyang bumangon. 
"Ah, tangina." 
Napahawak siya sa ulo at likod niya. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.
"Happy birthday."
Masigla siyang tumingin sa akin pagkatapos indahin ang sakit sa katawan.
"Thank you."
Ngumiti lang siya bago tuluyang tumayo.
"Anong oras na pala?" 
Kinuha ko naman ang cellphone ko na nasa coffee table. 
"Shit! 11 na. Papasok pa sila." 
"Let's wake them up." 
Siya ang nagpresintang gumising sa mga lalaki. Inuna ko naman ang mga kaibigan ko. 
"Guys, guys wake up. 11 na. Uuwi pa kayo ng manila." 
Isa-isa silang nag-inat. 
"Happy birthday." 
Xei said in his morning voice. Hinila niya ako pabagsak sa kama at iniiyakap sa akin ang parehong binti at braso niya. 
"Ano ba, bitaw!" 
"Happy birthday again." 
Ipinatong din ni Sky ang braso at binti niya sa akin. 
Navi went straight to the bathroom after greeting me happy birthday. 
"Bumangon na kayo." 
Nag-salute naman silang pareho matapos akong pakawalan.
Lumabas agad ako dahil gigisingin ko pa si Tasha. 
I knocked on her door to see if she's awake. When the door suddenly opened, mukhang kakagising niya pa lang.
"11 na." 
"Shit!" 
Agad siyang tumakbo sa bag niya at kumuha ng damit at deretso sa banyo. Sunod ko namang pinuntahan si Aice. 
"Aice," 
Katulad ni Mike ay mahina ko rin siyang tinapik, pero sa braso naman. Nagising din naman agad siya. 
"Tanghali na, maghanda ka na pumasok." 
Napa-upo naman agad siya. 
"Happy Birthday." 
Bahagya pa siyang nakapikit. 
"Salamat." 
"How was your sleep?" 
Tanong niya bigla.
"It was fine."
"I woke up at around, 5 am...? I saw you sleeping downstairs. Dinalhan kita ng kumot." 
Oh! It was him. 
"Inabot ako ng antok at pagod bago ko pa madala si Mike dito sa taas, kaya naka-tulog ako doon. Thank you sa kumot." 
Ngumiti lang siya at dumeretso sa banyo. Pagkalabas ko ng kwarto ay wala pa rin sila Mike. Pinasok ko na ang kwarto nila at nakita kong pati si Mike at nakahiga na sa kama. 
"Huy!" 
Hinampas ko ang likod niya. Naiinis naman siyang tumayo.
"Sabi ko gisingin mo. Naki-join ka naman." 
Kumamot siya sa ulo niya. 
"Hoy! Gising mga halimaw kayo!" 
Pinaghahampas niya ng unan ang mga lalaki kaya agad silang nagisingan. 
"Hindi manlang inayos. Gising na kayong dalawa alas-onse na." 
Binati nila ako ng happy birthday nang magising at nagpasalamat na lang ako bagi ko sila iwan doon. Makalipas ang 30 minutes ay tapos ng maligo si Tasha at Aice. 
"Ma una na ako, may exam ako ng 1." 
Pa-alam ni Aice sa akin at dumiretso labas. 
"Sabay na ako." 
Habol ni Tasha sa kaniya.
"By the way, Ken, Happy Birthday."
Pahabol niyang pa-alam sa akin bago tuluyang lumabas ng bahay. Sunod na bumaba ang mga kaibigan ko. 
"We have to go, hinahanap na kami sa uni. Happy Birthday again."
Niyakap ako ni Sky, tinapik ko na lang ang likod niya. 
"Happy Birthday. See you soon." 
Si Xei naman ang yumakap at humalik sa ulo ko. 
"I wish I could stay a little longer. Happy Birthday." 
Navi hugged me too. 
"Hindi ko na kayo mahahatid ha. Sakit talaga ng katawan ko eh." 
"It's fine, ma una na kami." 
Palabas pa lang sila ng biglang sumigaw si Adrian mula sa hagdan. 
"Wait sabay na kami. May klase kami ng 12:30."
Nag sabay-sabay na silang lumabas. 
Tumawag ako ng isang staff para ihabilin si Mike, since wala akong balak na puntahan ang kwarto kung nasaan siya at baka naliligo pa siya, kung ano pa isipin non. 
Natulog na lang ako sa kwarto dahil bitin ang tulog ko kanina. 
Hunger woke me up. I don't know how long I was asleep but it wasn't enough. I looked at my phone and it's still 2 in the afternoon. 
My phone have 10 missed calls and 50 unread messages. I decided to just go through them while eating. 
Hindi na ako naligo at tinali lang ang buhok ko. Nasa hagdan pa lang ako ay amoy ko na ang niluluto sa baba. 
"What the hell?" 
I was expecting tita Lizzy in the kitchen but to my surprise it was Mike.
"Oh! Hello." 
He casually said when he saw me. 
"Nakatulog ulit ako kanina, pagka-gising ko pasado ala-una na. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako. Gigisingin na sana kita kaso naisip kong magluto na lang muna."
Nakatingin lang ako sa kaniya. 
"Alam ko naman 'yon ang itatanong mo 'What are you doing here?'" 
Tumalikod na ulit siya sa akin. Tila ginaya pa ang boses ko sa huling linya niya.
"What the hell?" 
This time ibinulong ko na lang iyon sa sarili. Naglakad ako papalapit sa dining at naupo. 
"Saan mo naman nakuha ang mga niluluto mo?" 
"Sa bahay namin siguro... Malamang sa ref niyo," 
Tinarayan ko siya kahit hindi naman niya ako nakikita. 
"Alam ba ng mga staff na andito ka? Inihabilin pa naman kita doon bago ako matulog" 
"Last will and testament ba ako para ihabilin? Hindi na ako bata." 
Binato ko siya ng decoration sa lamesa. Puro pamimilosopo e!
"Joke lang. Oo, nagpakita ako kanina sabi niya sir, kapag si ma'am ken nagalit sagot mo po lahat ah!" 
Ginaya niya pa kung paano nagsalita ang staff. He became busy on whatever he's cooking so I just took my phone out and checked all the messages I missed. 
Most of the messages were from my brother asking why I didn't answer his calls. So i dialed his number. 
[What took you so long?]
Bungad niya agad sa tawag ko.
"I was asleep. Anong oras na kami natulog kagabi, I mean kanina" 
I caught Mike's attention but he immediately turned his back on me again after seeing the phone in my ears. 
[Really? Well, either way, Happy Birthday my baby!]
Napangiti naman ako.
"Thank you."
[I'll call you later I just need to check the site I'm working on. I love you, bye.]
"Love you." 
Hindi na bago sa akin ang mabilisang phone calls namin. Maging ang hindi mahabang celebration ng birthday ko. Alam ko naman na madaming kailangan intindihin si kuya. 
After the call I checked all my social medias and as expected, I had like hundreds of notifications. All of them are birthday greetings. I reposted all of the post and stories from the people I know and also captioned it with my gratitude. 
"Let's eat, birthday girl."
Itinabi ko ang phone matapos ilapag ni Mike ang pagkain. 
"Thank you." 
We ate in silence. 
"Wala ka bang important schedule today?" 
I asked him while he's washing the dishes. He insisted of doing it. 
I leaned on the bar counter top. His back is facing me. 
"Wala naman." 
"Nagsabi ka ba sa parents mo na andito ka?" 
"Siyempre. Baka mamaya i-report nila akong missing." 
Hindi ko na siya inabala at muling kinuha ang phone ko. Nakaramdam ako ng uhaw kaya lumapit ako sa ref. Napansin ko naman na wala na itong halos laman. 
"Mike may gagawin ka pa ba ngayong araw?" 
Isinara ko ang ref at humarap sa kaniya. 
"Bakit?" 
"Samahan mo naman ako mag grocery, kung okay lang." 
"In one condition," 
Pinupunasan niya na ang kamay niya. 
"Kotse ko gagamitin." 
"Sure! Ayun lang naman pala e." 
"Okay. Paligo na rin ako... Oh that reminds me, andito pa naman ang t-shirt and towel ko diba?" 
"Ay oo. Kunin ko na lang dalhin ko sa kwartong gagamitin mo." 
"Okay." 
Sabay na kaming umakyat sa second floor para maghanda. Kinuha ko ang shirt at towel niya at pumasok na ng walang katok-katok sa pinto. Mabuti na lang at nasa shower pa siya. Nadidinig ko kasi ang tubig mula sa banyo. 
Naligo na rin ako. At dahil grocery lang naman ang gagawin namin today I just wore a matching gray shirt and sweatpants. 
Sa bayan ng boac pa ang grocery store dito kaya kailangan pa naming mag-drive nang malayo. 
Nang makarating, kumuha agad siya ng isang cart at siya na rin ang nagtulak noon. 
"Bakit puro chichirya 'to? Walang karne?" 
Reklamo niya nang mapansin na puro snacks ang nilalagay ko.
"Excited ka?" 
Pinuno ko nang snacks at drinks ang cart na 'yon. 
"Kuha ka pa ng isa." 
"Kaya naman pala ako sinama eh." 
Kumamot siya sa ulo niya pero sumunod din. Ang next na cart naman ay puro pang ulam na. Karne at mga ingredients. 
"Mike," 
May tumawag kay Mike mula sa kabilang aisle. 
"Oy, kamusta?" 
Bungad niyang tanong sa dalawang lalaki. Mukhang kaibigan niya.
"Ayos lang, mukhang walang klase. Bebe time ba?" 
Pang-aasar niya sa amin. 
"Ulol!" 
"Sige na ituloy niyo na ang grocery date niyo." 
Binatukan naman siya ni Mike at minura. 
"Tara na." 
Niyaya ko na siya papunta sa counter. Iniwan niya na lang ang mga kausap niya ng hindi manlang nagpaalam.
Tinulungan naman kami ng staff na ilagay ang mga pinamili sa kotse ni mike. 
Umuwi rin kami agad dahil malapit ng mag-alas-singko. Kailangan niya pang umuwi. 
"Thank you. Ingat sa pag-drive." 
Inihatid ko siya sa pinto ng bahay, gusto ko sana ay hanggang sa kotse niya pero huwag nalang daw kasi mag-aayos pa ako ng pinamili. 
"Salamat din dahil hindi mo ako in-evict sa bahay ni ate." 
"Baliw. Sige na, madilim na. Ingat." 
Kumaway lang siya at lumabas na. Inayos kona lahat ng pinamili namin.
"Was that Mike?" 
Nadinig kong tanong ni Aice na kakapasok lang.
"Yes." 
"What was he doing here?" 
He is now leaning at the bar counter top in the kitchen.
"He helped me with groceries." 
"Hindi siya umuwi?" 
"Hindi. Nagising ako andito pa siya." 
"Are you okay?" 
Napatingin ako sa kaniya.
"It's not as if he did something, nakatulog lang siya. Tulungan mo na lang kaya ako." 
Hindi naman na siya nag-reklamo at tumulong din. 
That same night I opened the gifts I received from my friends. Sa kwarto na lang ako nagbukas since wala naman akong kasama sa bahay.
Navi gave me a bag, a designer bag. Matagal ko ng pinagiisipang bilhin 'to, hindi ko alam na napapansin pala niya.
Xei gave a full set of customized accessories. Ang paborito naming jewelry shop ang gumawa.
Si Sky naman ay designer shoes. Pinost ko sa IG ang mga binigay nila at nagpasalamat din ako sa kanila.
Matapos kong mabuksan lahat nang regalo, inantok na naman ako. Hindi na ako nakakain nang hapunan at nagising na lang ako noong umaga na. 

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    17/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters