Pumasok na siya sa loob at nakita ang kaniyang magulang na nag-uusap. Napatingin sa kaniya ang kaniyang ina. "Oh, nandiyan na pala si Melissa!" Napatingin rin sa kaniya ang kaniyang ama. Lumapit siya at nagmano sa mga ito. Umupo sa tabi ng mga ito. "Nakakapagod ang araw na ito, dad," aniya. "Bakit? Nilait ka ba ng mga empleyado?" nag-aalalang tanong ng kaniyang ama. Tumango-tango siya. "SANDALI! Bakit parang hindi ko narinig ang pagpasok ng kotse mo?" dudang tanong ng kaniyang ina. Huminga siya ng malalim at nagsimulang magkuwento sa kaniyang magulang sa mga nangyari sa kaniya sa maghapon na iyon. Lahat lahat. Bumuga ng marahas na hininga ang kaniyang ama. "Sinabi ko naman sa 'yo di ba na huwag mo ng gawin iyang binalak mo? Tingnan mo ang nangyari. Alam mo naman na ayaw kong maranasan mo ang bagay na iyon," sermon ng kaniyang ama. Sinabi niya na kailangan niyang gawin iyon para malaman kung sino sa mga empleyado niya ang may magagandang asal at hindi. Bigla niyang naisip si Vince. Napangiti siya. Alam niya na kung anong posisyon ang ibibigay niya sa binata. Bigla rin nawala ang ngiti na iyon ng maisip na nagsinungaling siya dito. Paano kapag nalaman nito na siya pala ang susunod na CEO ng Ramirez Real Estate? "Anak, okay ka lang?" tanong ng kaniyang ama. Tumango siya. "Bukas ko na po ilalahad ang tunay kong pagkatao," aniya. Idinantay ng kaniyang ama ang kamay sa kaniyang balikat. "Tiyak na magugulat sila." Pagatapos ng pag-uusap na iyon ay tinanggal na niya ang maskara sa kaniyang mukha at pinakatitigan ang magandang mukha. Muli sumagi na naman sa isip niya si Vince. Umiibig na ba siya sa binata? Kinaumagahan ay pumasok pa rin si Melissa sa trabaho. Pagpasok niya ay narinig na niya ang bulungan ng mga katrabaho niya ukol sa anunsiyo na ipapakilala na ang susunod na CEO ng kompanya. May bulong-blungan na sana ay mabait daw ito. "Tiyak na matatanggal na ang isa diyan," ani ng isangg boses mula sa kaniyang likuran na walang iba kundi si Elaine. Inirapan siya nito at iniwan. Nagtungo na siya ng kaniyang opisina at iang sandali lamang ay pinatawag na sila na magtungo sa ibaba kung saan naroon ang CEO ng RRS. Excitement ang makikita sa mukha ng mga empleyado dahil sa wakas ay makikita na nila ang susunod na CEO. "Nais kong ipakilala sa inyo ang susunod na CEO. Ang aking nag-iisang anak na babae at bunso. Si Melissa," anunsiyo ng kaniyang ama na nasa harapan nila ngayon. Bulungan ang narinig sa lobby kung sino ang Melissa na tinutukoy. Hanggang sa magsalita ang kaniyang ama na walang ibang Melissa kundi ang kanilang katrabaho. Napaawang ang labi at nanlalaki ang mga mata na napatingin sa kaniya ang kaniyang mga katrabaho kabilang na sina Elaine at Andy na hindi maipinta ang mukha ng mga sandaling iyon. Puno ng pagsisisi ang makikita sa mukha ng dalawa ng makitang naglakad na si Melissa patungo sa kaniyang ama. Nahati sa dalawa ang makapal na kumpol ng mga empleyado sa lobby para bigyan siya ng daan. Nang nasa tabi na siya ng kaniyang ama. Kinuha niya ang mic sa kaniyang ama at naagsalita. "Ako si Melissa Ramirez. Ang bagong CEO ng Ramirez Real Estate. Ako na ngayon ang bagong mamumuno sa inyo," anunsiyo niya. Napatingin siya kay Vince na ngayon ay makikita ang pagtataka sa mukha dahil sa mga nasaksihan. Tinanggal niya ang maskara sa kaniyang mukha. Napasinghap ang mga naroon ng makita ang tunay niyang mukha. Puri ang maririnig sa buong lobby. 'Ang ganda niya," iyon ang mga narinig niya. Napatingin siya sa mga naroon lalo na sina Andy at Elaine. "Hindi ko akalain na ang iba sa inyo ay tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng tao. Hindi dapat ganoon! Kailangan marunong tayong makisama anuman ang itsura ng iyong kapwa. May nakita akong ganoon ang ugali/kaya magmula ngayon ay---" Bago pa man maituloy ni Melissa ang sasabihin ay nagtungo na sa kaniyang harapan sina Andy, Elaine at ang guwardiya na nanlait sa kaniya. Lumuhod ang mga ito sa harapan niya at humingi ng tawad. Nangako na hindi na mauulit ang nangyari at magbabago. Kailangan daw nila ng trabaho para pantustos sa pamilya lalo na at mahirap maghanap ng trabaho. Dahil nakita ni Melissa ang sinseridad sa mga sinabi ng mga ito, walang dahilan para hindi siya magpatawad. Ang gusto niyang mangyari ay matuto ang mga ito at maging mabuting tao. Lubos ang pasasalamat ng lahat dahil sa kabutihan na ipinakita ni Melissa. Nang mga sandaling iyon ay pinabalik ni Melissa ang mga ito sa kani-kanilang trabaho. Nagtungo na rin siya sa kaniyang magiging opisina. "Congratulations!" bati sa kaniya ni Kaye. Ang hindi alam ni Kaye ay may sorpresa sa kaniya si Melissa. "Thank you," tugon niya. Nang makaalis si Kaye ay naisip niya si Vince. Gusto niya itong makita. Gusto niyang magpaliwanag rito. Alam niyang nagtatampo o nagagalit ito dahil marahil iniisip nito na hindi niya ito pinagkakatiwalaan dahil hindi siya pumayag na magpahatid rito. Huminga siya ng malalim at tinawagan si Vince.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good story
08/03
0nice story
13/12
0wow
17/10
0View All