Pagkalabas ni Cathy sa elevator, tingin ng kaniyang mga empleyado ang bumungad sa kaniya. Tingin na puno ng paghanga. Binati siya ng mga ito pero hindi niya binati ang mga ito pabalik. Para sa kaniya hindi na dapat niya binabati ang mga ito dahil mga empleyado niya lang ang mga ito. Dire-diretso siyang lumabas ng gusali at nagtungo sa kaniyang kotse. Inilagay ang dalang suit case sa passenger's seat at isinandal ang likod sa driver's seat. Napabuntong-hininga siya. "It was a tiring day!" hindi niya napigilang maibulalas. Inilagay na niya ang susi sa ignition saka pinaandar ang sasakyan. Pinasibad niya iyon paalis sa parking area patungo sa bahay ng kaibigang si Janna. Narating niya iyon trenta minuto ang nakalipas. Tiyak na magagalit na naman ang kaniyang ama dahil gagabihin siya ng uwi. Magpapaliwanag nalang siya. Lumabas siya ng sasakyan at pinindot ang doorbell. Ilang sandali lamang ay lumabas na si Janna. Nanlaki ang mga mata nito ng makita siya. Isang buwan na rin kasi silang hindi nagkikita. "Cathy!" tili nito saka dali-dali na nagtungo sa gate at binuksan iyon. Agad siya nitong niyakap. "Napabisita ka?" tanong nito. "Na-miss kita, eh," tugon niya. Lumingon ito sa likuran niya kung saan naroon ang sasakyan niya. "Ipasok mo na lang kaya sasakyan mo?" alok nito. Umiling siya. "Hindi na. Ayos lang na nandiyan sa labas. Safe naman dito eh," aniya. Napatango-tango ito. Subdivision kasi ito kaya hindi basta-basta ang puwedeng pumasok rito. Umabrisete ito. "Tara sa loob," anyaya nito. Sabay na silang pumasok sa loob ng bahay. Pagdating doon ay naghanda si Janna ng meryenda para sa kanilang dalawa. Nang matapos inilagay niya iyon sa center table ng salas. Umupo ito sa single sofa na nasa kanan at siya naman sa mahabang sofa. "Kamusta naman ang pamamahala sa kompanya?" tanong nito. Dalawang pa lang kasi ang nakakalipas ng ilipat sa aniya ng kaniyang ama ang pamamahala ng kanilang kompanya. "Ito ayos lang naman nakaka-survive kahit sobrang dami ng trabaho," nakasimangot niyang sabi. Natawa ito. "Masasanay ka rin. Ganiyan lang sa umpisa," wika nito. Napatango-tango siya. "Sabagay, tama ka," aniya at nagsalin ng juice sa baso. Sinalinan na rin niya ang baso ng kaibigan. Uminom siya. Nagsimula na silang magmeryenda habang nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Napatingin si Janna sa wall clock at natutop ang bibig ng makita kong anong oras na. "Bes, 7:30 na! Umuwi ka na. Tiyak na magagalit si tito niyan," nag-aalala nitong sabi. Sasagot na sana sya ng mag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa hand bag. Ipinakita niya kay Janna ng makitang ang kaniyang ama ang tumatawag. "Tiyak na sesermunan ka niyan. Sagutin mo na," utos nito. Umirap siya saka sinagot ang tawag at ini-loud speaker iyon para marinig ng kaibigan. Alam naman nito ang pinagdadaanan niya. Ang pagiging istrikto ng kaniyang ama. "Dad," "Anong oras na Cathy bakit hindi ka pa umuuwi?!" galit na sigaw ng kaniyang ama. Napabuntong hininga siya. Iyon na naman ang kaniyang istriktong ama na akala mo ay lagi nawawala. "Nandito po ako kina Janna, dad. Pauwi na po ako," mahinahon niyang sabi. "Umuwi ka na. Alam mo naman ayaw kong mapahamak ka lalo at CEO ka. Matinik ka sa mga mata ng magnanakaw," paalala nito. "Okay, dad. Bye," aniya saka pinatay na ang tawag at ibinalik ang cellphone sa hand bag. Isinukbit niya ang hand bag na nasa tabi niya at tumayo na. Tumayo na rin si Janna. College fren niya si Jana. Magkaklase sila sa Kursong Business management. Magkasundo sila sa lahat ng bagay kaya naging mag-bestfriends sila. "I have to go. Thank you sa time," paalam niya. Sinamahan siya nito sa labas kung nasaan ang kotse niya. "Mag-iingat ka, bes," paalala nito. "I will," aniya habang binubuksan ang pinto ng driver's seat. Kumaway muna siya bago tuluyang pumasok sa loob at pinasibad iyon pauwi. Nasa kalagitnaan na ng daan si Cathy ng mga sandaling iyon ng mapansin ang motorsiklo na lumabas sa isang kanto na nadaanan niya. Kumabog ng mabilis ang kaniyang puso ng makitang nakasuot ng hoodie jacket na black ang lalaki at may facemask pa ito. Ano kaya ang balak nito sa kaniya? Ngunit, pinanatili niya ang sarili na kalmado ng mga sandaling iyon. Palabas na si Gabriel sa kanto ng mapansin ang isang kotse na may sumusunond na motorsiklo na may lulan na lalaking nakasuot ng hoodie jacket na black. Galing siya sa agency nila at wala pang available na trabaho para sa kaniya bilang isang bodyguard. Biglang may sumagi sa isip niya sa puwedeng mangyari! Ang lugar kasi na kinaroroonan niya ay laging napapabalita na may nakawang nangyayari. Kaagad siyang nagtago sa isang puno na nakatayo di-kalayuan sa kaniya. Mula sa pinagkukublihan niya ay nakita niyang napahinto ang sasakyan dahil nag-overtake na ang motorsiklo at huminto iyon sa harapan ng kotse. "Buksan mo!" utos nito na dinig na dinig niya. Hindi kasi iyon kalayuan sa kinaroroonan niya. Dali-dali namang binuksan ng kung sinuman ang sakay ng kotse ang driver's seat. "Ibigay mo sa 'kin ang bag mo!" utos na naman nito. Bago pa man iyon maibigay, gumawa na siya ng hakbang. Nakatalikod sa kaniya ang lalaki. Kaya dahan-dahan siyang lumapit at gamit ang siko ay tinira niya ito sa batok na kaagad na ikinatumba nito. May natamaan iyong ugat para mawalan ng malay ang lalaki. "Miss?" tawag niya sa dalaga pero wala na itong malay. Napamura siya dahil doon. Kaya ginawa niya ang nalalaman niyang first aid para sa mga nahimatay. Nang matiyak niyang maayos na ang lagay ng dalaga. Dali-dali niyang tinawagan ang kaibigan na si Jessie, isang pulis na nakilala niya sa mga misyon niya. "Bro! Kamusta? Napatawag ka?" bati nito sa kaniya ng sagutin nito ang tawag niya. "Kailangan ko ang tulong mo, bro," panimula niya. "Bakit bro anong nangyari?" tannog nito. Rinig niya ang natumbang upuan dahil siguro sa biglaan nitong pagtayo. inabi niya ang nangyari maging ang lugar kung nasaan siya. Maaasahan si Jessie at kilanman ay hindi siya binigo. "Okay, bro. Papunta na kami diyan," assurance naman ni Jessie. Kaagad niyang pinatay ang tawag. Bigla niyag naisip ang magulang ng babae. Baka nag-aalala na ang mga ito rito kaya kinuha niya ang cellphone ng dalaga sa hand bag nito. Alam niyang hindi maganda ang mangkalkal ng gamit ng may gamit pero nasa gipit siyang sitwasyon. Mabuti na lang at walang password iyon. Hinanap niya doon ang contact # ng ama o ina nito. Nang makita ang pangalan ng ama nito na nakarehistro sa pangalang dad ay agad niyang idinial ang numero nito.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good story
08/03
0nice story
13/12
0wow
17/10
0View All