logo text

Chubby President (Chapter 2)

Pagsapit ng alas-syete kaagad na nag-out si Alyna. Ayaw niya ng paghintayin ito ng matagal. Siya ay Chief Human Resources Officer. Nag-supervised din siya sa iba't-ibang kagawaran dahil isa rin iyon sa trabaho niya pero sekreto lamang ang bagong trabaho ng kaniyang Tiyo Enriquez niya.  Kapatid ito ng kaniyang ina. Pagkalabas niya ay nakita niya ito sa parking area may kausap na babae na isa ring empleyado. Hindi niya maiwasang magselos pero pinigilan niya ang sarili dahil wala siyang karapatan na magselos dahil nanliligaw pa lang ito. Napabaling sa direksiyon niya si Miguel saka ngumiti. Umalis na rin ang babae na kausap nito. Lumapit siya rito.
"Sino iyon?" tanong niya. 
"Si Jessa, may tinatanong lang," tugon nito. Niyaya na siya nitong umuwi na. Pumasok na sila sa kani-kanilang kotse. Convoy sila. Pagdating nila sa kanila, niyaya niya ang binata na pumasok muna sa loob kaso tumanggi ito. Sa susunod na lang daw lalo at gabi na. pumayag naman siya at pumasok na siya sa loob. Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Alyna dahil sa sayang naramdaman. Alam naman ng lahat na pamangkin siya ng may-ari ng kompanya kaya humingi ng permiso si Miguel na hilingin siya sa kaniyang tiyo na sabay sila mag-lunch. Sinabi niya iyon sa kaniyang tiyo at pumayag naman ito. Ilang buwan pa ang lumipas hanggang sa ipakilala niya ito sa kaniyan magulang at sagutin. Linggo iyon at nasa isang restaurant sila. Nagtataka si Alyna dahil hindi siya pinipigilan ng binata ng kumain pero nagsisimula na siyang mag-diet para rito. Sweet si Miguel at wala siyang masabi at masasabi niyang nahulog na ang loob niya sa binata. Napabuntong-hininga si Miguel. 
"Ang lalim naman ata iyon? May problema ba?" tanong niya. Tumingin ito sa kaniya.
"Kailan kaya ako mapropromote? Matagal na rin kasi ako sa posisyon. Gusto kong ma-promote para lumaki sahod ko at makapag-ipon para sa future natin," ani nito. Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. Hindi niya akalain na iniisip pala nit ang future kasama siya. Sa totoo lang, may balak siyang irecommend ito sa tito niya para bigyan ng mataas na posisyon niya. Tutal, dalawang buwan na silang magkasintahan, siguro sapat na iyon para pagkatiwalaan ang kasintahan. Bumuka ang bibig niya para sabihin sa kasintahan ang sikretong matagal na niyang itinatago at ang balak niyang i-promote ito. Ngumiti si Miguel at ginagap ang kamay niya.
"Salamat," tugon nito. Gaya nga nga pangako niya ay inerecommend niya ang kasintahan sa tiyuhin. Nagduda pa nga si Mr. Enriquez na baka naman dahil kasintahan niya ang binata kaya gusto niyang i-promote. 
"Hindi po tito. Deserve niya po ang mas mataas na posisyon," aniya. Tumango-tango ang kaniyan tiyuhin at ilang linggo lang ang lumipas ay itinalaga na si Miguel bilang isang Chief Marketing officer. Madami siyang naririnig na baka ginamit lang siya ni Miguel para umangat ang posisyon ng binata. Hindi siya naniniwala doon. Alam niyang sinsiro ang layunin ni Miguel kaya siya niligawan. Laging sinasabi ni Miguel na huwag na llang pansinin ang mga ito dahil hindi iyon totoo.
Nang mag-out si Alyna ng tanghaling iyon. Excited siyang lumabas at nagtungo sa opisina ng boyfriend na si Miguel. Natigilan siya ng makitang bahagyang nakabukas iyon. Papasok na sana siya ng makarinig siya ng pag-uusap mula sa loob. 
"So anong balak mo ngayon?" tanong ng isang pamilyar ng tinig. Wait! Si Joseph iyon. Ang kaibigan ni Miguel.
"Madali lang. Sabihin ko na lang na nafall-out of love ako sa kaniya. Hindi naman ako puwedeng tanggalin sa posisyon dahil lang sa naghiwlaay kami ni Alyna. Unproffessional iyon, Seph," tugon ni Miguel. Napaawang ang labi niya ng mapagtanto kung sino ang tinutukoy ni Miguel. Sino nga ba kundi siya! Narinig din niya na ginamit lang siya ng binata para umangat ito sa posisyon at hindi ito magkakagusto sa kaniya dahil mataba siya. Nanikip ang dibdib niya sa mga nalaman. Napasandal siya sa dingding habang nagtataas-baba ang kaniyang dibdib dahil pakiramdam niya kakapusin siya ng hininga. Bago pa man siya makita ng mga ito ay umalis na siya at nagtungo sa lobby at lumabas. Sumakay ng kaniyang kotse at pinatakbo iyon ng walang tiyak na patutunguhan. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ng mga sandaling. Durog na durog ang puso niya. Akala niya mahal siya ni Miguel pero hindi pala! Ginamit lang siya nito! Hindi niya namalayan na humihikbi na pala siya. Hilam ng luha ang kaniyang pisngi pero hinahayaan niya lang iyon na dumaloy ang kaniyang luha. Biglang nag-ring ang cellphone niya. Tiningnan niya ang cellphone niya at nakitang si Miguel ang tumatawag!
"Manloloko! Makikita mo ang hinahanap mo!" nanggigigil niyang sabi. Ipinarada niya ang sasakyan sa Mina's Restaurant dahil nakaramdam siya ng gutom. Pumasok siya sa loob at umupo sa isang bakanteng mesa. Pagkaupo niya, kinuha niya ang menu at tumingin ng pagkain. Habang tumitingin hindi napansin ni Alyna na may isang ginang na naglalakad papalapit sa kaniya. 
"Puwede makiupo?" tanong nito. Nag-angat ng tingin si Alyna at nakita ang isang babae na sa tantiya niya asa kuwarenta pataas ang edad. Hindi niya napigilang humanga sa ganda ng katawan nito. Sexy pa rin ito kahit may edad na. Samantalang siya, mag-bente-nuebe pa lang pero parang trenta pataas na ang edad niya. Hindi niya akalain na mababawasan ang self-confidence niya sa ginawa sa kaniya ni Miguel. 
"Miss, okay ka lang?" tanong nito. Bumalik si Alyna sa kasalukuyan dahil sa tanong na iyon. Ngumiti siya sa babae.

Book Comment (269)

  • avatar
    Ricablanca Desirie

    good story

    08/03

      0
  • avatar
    EmrrMohha

    nice story

    13/12

      0
  • avatar
    Mirull Efype

    wow

    17/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters