"Hindi na po. Tatayo na lang po ako. May mahalaga po akong sasabihin sa inyo. May namagitan po sa 'min ni Cathy kahapon. Huwag po sana kayong magagalit sa kaniya dahil ako po ang nagbigay ng motibo at handa ko po siyang panagutan. Alam ko po na mahirap lamang po ako pero gagawin ko po ang lahat para maging isang responsableng ama at asawa," pangako niya habang titig na titig sa mga mata ng ginoo. Gusto niyang iparating dito na totoo ang mga sinabi niya. Tumayo ito at lumabas ng mesa saka lumapit sa kaniya. Napahawak siya sa kaniyang tiyan ng suntukin nito iyon. Malakas na suntok. "Para iyan sa ginawa mo sa anak ko. Kinuha mo ang pinakainiingat-ingatan niya!" sigaw nito. Nagbaba siya ng tingin. "Ipagpaumanhin niyo po. Nadala lamang po kami ng tukso," tugon niya. Natigilan siya ng dumantay ang kanang kamay nito sa kaniyang kanang balikat. Nagtaas siya ng tingin at nakitang nakangiti na ito. "Matagal ko na napapansin ang malagkit na tingin na ibinibigay mo kay Cathy. Ikaw ang gusto kong maging manugang dahil alam ko na maililigtas mo sila sa mga kapahamakan," nakangiti nitong sabi. "Pero mahirap lamang po ako," tugon niya sa malungkot na tinig. Natawa ito. "Anong silbi ang kayamanan ko 'di ba? Pagtulungan ninyong dalawa. Walang imposible sa taong nagmamahalan," ani ng ginoo na naroon pa rin sa labi ang masuyong ngiti. "Salamat po!" "Sabihin mo na sa kaniya na ikaw ang lalaking nagligtas sa kaniya," seryuso nitong sabi. Tumango-tango siya saka sumaludo pa. "Opo sasabihin ko po, bukas. Tutal wala po siyang pasok sa opisina para makapag-usap po kami ng maayos. Hihingin o na rin po ang kamay niya para pakasalan ako" determinado niyang sabi. Tumango-tango ang ginoo. "Good!" Lumabas siya ng opisina ng matanda na may ngiti sa mga labi. Wala na siyang problema sa ama ni Cathy. Ngayon ang problema na lamang niya ay si Cathy. Mapapatawad kaya siya nito sa ginawa niyang paglilihim dito na siya ang nagligtas rito? Abala sa pagdidilig ng halaman si Cathy ng biglang may pumalibot na kamay sa kaniyang bewang. Natigilan siya ng idantay ng kung sinuman na iyon ang baba sa kaniyang balikat. Nilingon niya ito, bumilis ang tibok ng puso niya ng muntik ng magtama ang labi nila ng binata. Walang iba kundi si Gabriel. "Gab! Baka makita tayo ni dad!" mahina niyang saway sa binata. Hinalikan nito ang leeg niya na nagdulot ng kiliti sa kaniyang katawan. Umalis ito mula sa pagkakayakap sa kaniya. Humarap siya rito. Nagkatitigan sila. Hinawi ni Gabriel ang ilang hibla ng kaniyang buhok na nakatabing sa kaniyang mukha. "Pwede ba kita yayain mag-date mamaya?" pakiusap nito. Tumango-tango siya. Syempre naman gusto niya. "Oo naman. Saan ba?" excited niyang tanong. Sinabi nito sa kaniya ang restaurant kung saan siya nito ide-date. Hinalikan nito ang kaniyang noo bago nagpaalam na may pupuntahan raw ito. Bumalik siya sa pagdidilig ng halaman na may ngiti sa mga labi. "Ma'am, dito po tayo" wika ng crew na sumalubong kay Cathy. Nauna na itong naglakad at sumunod naman siya. Nagtungo sila sa balkonahe ng restaurant. Binuksan ng crew ang pinto at tumambad sa kaniyang harapan ang isang pabilog na mesa na nasa gitna na may nakapatong na flower vase na may magandang rosas. Nilingon niya ang crew. "Salamat," aniya. Ngumiti lamang ang crew at umalis na. Pumasok siya sa balkonahe at iginala ang paningin sa kabuuan niyon. Punong-puno iyon ng mga rosas. Ang paborito niyang bulaklak. Natigilan siya ng may yumakap sa kaniyang bewang at humalik sa kaniyang buhok. "Nagustuhan mo ba?" napangiti siya ng marinig ang baritonong boses na iyon ni Gabriel. Humarap siya rito. "Oo naman. Thank you," puno ng sinseridad niyang sabi. Biglang lumalam ang mga mata nito. "Bakit?" tanong niya. "May sasabihin ako," "Okay. Ano iyon?" "Paano kung isang araw matagpuan mo ang lalaking nagligtas sa 'yo?" he asked out of nowhere. Napangiti siya. Iyon ang matagal na niyang pinpangarap. Ang makita ang savior niya at makapagpasalamat man lang. "Syempre, magpapasalamat ako ng buong puso dahil sa pagligtas niya sa 'kin," nakangiti niyang tugon. Tinaasan ng kilay si Gabriel dahil sa uri ng titig nito. "Ipapakilala mo ba siya sa 'kin?" Huminga ng malalim si Gabriel na para bang may mabigat na dinadala. "May problema ba?" tanong niya. "Ako at ang lalaking iyon ay iisa. Ako ang lalaking nagligtas sa 'yo," panimula nito na ikinatigil niya. Parang bomba iyon sa kaniyang pandinig. Si Gabriel at ang lalaking nagligtas sa kaniya ay iisa ? Paano nangyari iyon? "Paano?" tnong niya. Pinilit niya ang sarili na kumalma kahit ng mga sandaling iyon ay gusto niya itong sampalin dahil sa paglilihim nito sa kaniya. Ngunit, mas mainam na dinggin muna niya ito bago siya mag-react. Nagsimula ng ipaliwanag ni Gabriel ang lahat. Mataman lamang na nakikinig si Cathy. Nang matapos ay nagtanong siya. "Bakit mo inilihim sa 'kin?" mapang-usisa niyang tanong. Bumuntong-hininga ang binata. "Dahil ayaw kong tratuhin mo ako ng maayos dahil sa ako ang nagligtas sa 'yo. Gusto ko itrato mo ako kung paano ang trato mo sa isang kagaya ko na mahirap lamang. Gusto ko malaman ang totoo mong ugali at ng sa ganoon baka sakaling mabago kita. At, hindi ako nagkamali dahil nagawa ko. You changed, Cathy," madamdamin nitong pahayag habang masuyong nakatitig sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya. "So, sinubukan mo lang pala ako," naiinis niyang sabi. "Hindi iyon—" "Useless pala ang pagpunta ko dito dahil panay kasinungalingan lang pala ang maririnig ko," aniya at akmang aalis na pero pinigilan siya ng binata. "Hindi mo ba ako mapapatawad, Cathy? I'm sorry kung naglihim ako pero ginawa ko kung ano ang tama. Ginawa ko kung ano ang mas nakakabuti. Kahit ganoon pa man, patawarin mo ako," pagmamakaawa nito. Napalunok siya. Mahina siya pagdating kay Gabriel. Mahal niya ito, eh. Kapag mahal mo handa kang magpatawad. Nagsinungaling ito dahil iyon ang makakabuti sa kaniya. Binago siya nito. Humarap siya at niyakap ito ng mahigpit. Niyakap din siya pabalik ng binata. "Hindi kita kayang tiisin, Gabriel. Mahal kita, eh! Mahal mo rin ba ako?" kinakabahan niyang tanong. Umalis siya sa pagkakayakap rito pero nanatili ang mga braso nito sa kaniyang bewang at nagdadala iyon ng init sa kaniyang katawan. Tiningala niya ang binata. Nakatitig ito sa kaniya. "Oo, mahal kita, Cathy. Mahal na mahal. Salamat at pinatawad mo ako." Hinaplos niya ang pisngi nito. "Kung ang Diyos nga marunong magpatawad. Tayo pa kaya?" tanong niya. Ngumiti ito. Hinapit siya ni Gabriel palapit sa katawan nito at siniil ng halik sa labi. Nang matapos ay pinagdikit nito ang kanilang noo. "I love you," madamdamin at puno ng sensiridad nitong sabi. Ngumiti siya. "I love you too," tugon niya. Natutop niya ang kaniyang bibig ng biglang lumuhod sa kaniyang harapan si Gabriel. May kinuha ito sa bulsa ng pantalon at binuksan iyon sa harapan niya. Isang mamahaling singsing ang laman niyon! "Will you marry me, Cathy?" Tanong nito. Agad niya inilahad ang kamay kamay rito. "Yes!" tugon niya na may kasamang pagtango. Walang dahilan para hindi niya tanggapin ang proposal nito. Mahal niya ito at sigurado na si Cathy sa binata. Ngumiti si Gabriel saka tumayo at isinuot iyon sa daliri ni Cathy. "Thank you. Actually, noong isang araw ipinagpaalam na kita kay Tito at pumayag naman siya," assurance nito. Matamis siyang napangiti. "Hindi naman maarte si dad sa mapapangasawa ko basta mabait, responsable at nirerespeto ako." Muli, naglapat ang kanilang mga labi. Hinawakan ni Gabriel ang kamay niya at iginiya siya sa mesa para kumain. Makikita sa mukha ng dalawa ang lubos na kasiyahan.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
good story
08/03
0nice story
13/12
0wow
17/10
0View All