logo text

Chubby President (Chapter 3)

"Sure," tugon niya. Umupo ang babae sa katapat niyang upuan at kinuha ang extrang menu na naroon. May lumapit sa kanila na isang waiter at kinuha ang order nila. Nang makaalis ang waiter, tiningnan siya ng babae.
"Mukhang may problema ka ata?" tanong nito. Paano nalaman ng babae na may problema siya? Manghuhula ba ito? Bago pa man siya makapagtanong ay nagsalita na ito. Sabi ng babae, napansin nito na parang balisa siya at kita nito ang lumgkot sa kaniyang mukha. Huminga siya ng malalim. Mas maganda siguro na mag-open siya sa taong hindi niya kilala. Sabi nga nila, no judgement. Kaya nagsimula na siyang ikuwento ang pinagdaanan niya. Ang ginawa sa kaniya ng boyfriend na si Miguel.
"Hihiwalayan ko siya," may paninindigan niyang sabi. Pinigilan siya ng babae. Sinabi nito ang plano nito para makapaghianti sya sa boyfriend niya at nangako rin ang babae na tutulungan siyang mag-diet pero kailangan nitong umalis muna sa kanila para hindi siya puntahan ni Miguel. At, magpaalam muna siya sa kaniyang tiyo na mawawala muna siya. Nakaramdam siya ng pag-aalinglangan kung tama bang pagkatiwalaan niya ang babae. Lalo at ngayon lang niya ito nakita. Ngumiti ang babae ng mapansin ang pag-aalinlangan sa mukha.
"Huwag kang mag-alala, mabuti ang intensiyon ko sa 'yo at wala akong balak na sirain ang tiwalang ibibigay mo sa 'kin. Gusto kitang tulungan dahil nakikita ko ang sarili o sa 'yo. Noon, sinasabihan ako ng masasakit na salita dahil mataba ako kaya ginawa ko ang lahat apra gumanda ang katawan ko. So kaya mo bang ibigay sa 'kin ang tiwala mo?" tanong nito. Pinakatitigan niya ang babae. Ramdam niya nag sinseridad sa mga sinabi nito at ramdam niya din na wala itong masamang balak sa kaniya. Tumango siya.
"Sige, payag ako," pagtatapos niya sa usapan. Nagpakilala sila sa isa't-isa. 
Nang matapos silang kumain, tinawagan niya ang tito niya sa balak niyang pagpapapayat. Hindi muna siya papasok ng ilang buwan. Sinabi niya na siya na ang bahalang magsabi kay Miguel kung nasaan siya. Maging ang kaniyang magulang ay tinawagan niya rin at sinabi ang balak niya. Nag-alinlangan pa ito kay Eliza kug mapagkakatiwalaan ba ito. Hanggang sa napapayag niya ang mga ito.
"Pasensiya ka na kay mom. Nag-aalala lang sila sa 'kin," aniya ng matapos ang tawag. Ngumiti si Eliza.
"It's okay. So let's go?" tanong nito. Ngumiti siya at tumango. Matalim ang mga matang napatitig siya sa daan. Papatunayan niya kay Miguel na kaya niyang baguhin ang sarili. Sa pagbabalik niya, pagsisisihan nito ang ginawa.
Pagdating ni Alyna sa bahay ni Eliza. Nalula siya gannda niyon Simple lamang ang bahay pero alam niyang hindi biro ang halaga ng materyales niyon. Sabi ni Eliza, nagsikap ito may mapatunayan na kaya nitong umangat. Nang makapasok sila sa loob, mas lalo siyang humanga sa ayos at ganda ng interior. Naupo siya sa upuan at pinag-usapan nila ni Eliza ang mga hakbang kung paano siya makakapagbawas ng timbang. Kinaumagahan, nagsimula na sila. Lahat limitado maging sa pagkain. Nagsimula na rin silang mag-ehersisyo para makapagpapawis. Nanatili pa si Alyna sa bahay ni Eliza. Tinanggal niya lahat ng distracctio. Cellphone at social media. Nagtagal si ELiza ng limang buwan kina Eliza. At sa limang buwan na iyon ay pumayat siya. Saktong-sakto ang katawan. 
"You're beautiful," sabi ni Eliza ng pumasok ito sa silid niya at madatnan siyang naka under wear lamang. Ngumiti siya at isinuot ang roba. Humarap siya sa babae at ngumiti.
"Salamat. Nang dahil sa 'yo kaya ko ito nagawa," sabi niya. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa balikat.
"No. Pasalamatan mo ang sarili mo dahil nagawa mo. Kinasangkapan lamang ako. So, handa ka na ba?" Tumango siya at sinabing handa na siya. Kinausap niya kagabi an kaniyang tiyuhin na ngayon siya babalik sa kompanya at may good news ito sa kaniya. Napangiti siya, alam niyang itataas nito ang posisyon niya. Nagpaalam na si Eliza na may gagawin daw ito. Samantala, inabala niya ang sarili sa pagbibihis. Sisiguraduhin niya na magiging maganda siya. Mamayang alas nuebe pa ang punta at alis sais pa lang ng umaga. Ngayon, handa na si Alyna na harapin si Miguel at ipamukha rito ang pagbabagong nangyari sa kaniya.
Nang mai-park ni Alyna ang kotse sa parking area ng kompanya, umibis siya at naglakad patungong entrance. Kitang-kita sa mukha ng guwardiya ang paghanga ng makita siya.
"Ms. Alyna ikaw ba iyan?" tanong nito. Ngumiti siya at tumango.
"Opo, kuya Canor. Ako nga po!" masigla niyang sabi at niyakap ito. Nagbago man ang kaniyan pisikal na katawan ngunit hindi ang kaniyang panloob na katangian. Pinuri siya ng matanda na ang laki daw ng pinagbago niya. Matapos magpasalamat, pumasok na siya sa loob. Halos lahat ng naroon ay napatingin sa kaniya. Puno ng paghanga ang makikita sa mukha ng mga ito. Nagtungo na siya sa elevtor. Nang bumukas ang elevator sa floor ng kaniyang Tito Enriquez, nagtungo na siya sa opisina nito. Napatayo sa gulat ang sekretarya nito ng makita siya.
"Ma'am Alyna?" tanong nito. Natawa siya dahil sa reaksiyon nito. Sobrng nagtaka ito dahil sa pagbabago niya. Matapos nilang mag-usap, binuksan na nito ang pinto ng opisina ng kaniyang tiyuhin. Nanlalaki ang mga mata ni Mr. Enriquez ng makita ang pagbabago ng pamagkin. Lumapit itoat sinuyod siya mula ulo hanggang paa. Naupo sila sa sofa at pinag-usapan ang magandang balita na sinabi nito kanina.
"Gusto kitang maging presidente ng kompanya, Alyna. Alam mo naman na tumandang binata ang iyong tiyo kaya sa 'yo ko ipapamana ang kompanya," sabi nito na ikinaawang ng kaniyang labi. 

Book Comment (269)

  • avatar
    Ricablanca Desirie

    good story

    08/03

      0
  • avatar
    EmrrMohha

    nice story

    13/12

      0
  • avatar
    Mirull Efype

    wow

    17/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters